
Ang Pamosong Ticket # 667443
Marso 18, 2008Para sa mga medyo row 4, ganyan po ang itsura ng isang Five Star provincial bus.
Sabado ng umaga, nakakatuwang may hang over ako kahit hindi naman nakarami ng inom noong Biyernes ng gabi. Hindi ako masaya kapag ginigising. Mas hindi ako masaya kapag ginigising ako ng katrabaho para magtrabaho kahit alam kong hanggang Biyernes lang ang trabaho. <3 trabaho in one sentence. Kaching! May Trabaho ka!> Para mapabilis lang kwento, nagtrabaho ako hanggang 3 p.m.

Natapos ang nakakabaliw na pagsusulat at pag-e-edit ng mga write-ups para sa newsletter ng kompanya (na ‘di ko na lang papangalanan para mas sosyal). Hindi na maganda ang pakiramdam ko nang makauwi. Isa lang ang sinabi ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin (mga bandang 3:30 p.m.), “Mukha kang pasas!”<raisin po iyon, for the inglesaraus out there.> Dahil sa puyat, dahil sa samalamig na inihain ng aking katrabaho, dahil sa umaga-hanggang-hapon na pagyoyosi para manatiling gising habang nag-e-edit, na-dehydrate yata ako.
3:45 p.m., matapos nakapahabang pagtingin sa salamin at pagkumbinse sa sarili ko na hindi ako mukhang tuyot na dahon nang araw na iyon, naisipan kong mag-sit-ups. Dahil sa inaasahang pag-inom [ng alak] ng marami (at sa simpleng panalangin sa buhay na “mag-inom-inom-ng-alak” at least man lang isang araw sa isang linggo), naghanda naman ako para hindi mapagkamalang lalaking may beer belly.
Para po sa mga bumabasa nito, hindi po malaki ang tiyan ko. Ang pinupunto ko lang po ay, nag-si-sit ups ako para hindi lumaki ang tiyan.

“drawing lang po, joke lang.” lol

Parang crocodile ‘yung ceramic na hair iron noh?
Ma-explain ko lang. Ang buhay ko <kung mababaw mang pansinin ng marami> ay kadalasang binubuo ng panonood ng DVDs, pagluluto at pagkain ng karne [never gulay], pagtulog, pagkakape kasama ang mga kaibigang kagaya kong probinsiyano na rin ngayon <dahil nagbalik na rin sila ng Pampanga>, paglalaro ng scrabble ng walang habas kasama ang The Probinsyanos, pagkakape sa Trinoma kasama ang isang kaibigan at dating katrabaho sa Makati na itago na lang natin sa pangalang “Venn” [friend], at pagbisita sa mga The Maynilains <na naghihirap na yata at ni hindi ako mabisita sa Pampanga, na hindi naman kalayuan at ni hindi naman kamahalan ang pamasahe sa pagpunta.>

Ang “halos” hangganan ng NLEX, ang hindi kasikatang Mabalacat (Dau) Bus Terminal

Tulad ng dati, dumeretso ako sa Dau terminal, na madalas kong tawaging, “Ang dulo ng NLEX kung papunta ka sa Norte.” Sa Dau terminal dumadaan karamihan ng mga bus na galing Norte <at syempre, ‘yung mga papunta rin ng Norte.> Dulo ng NLEX ay isa pang maiksing exit pagkatapos mo sa Dau Exit. Sandali nga, bakit ko ba pinapaliwanag ang NLEX route? Mabalik sa kwento…
So, ganun na nga, hindi na ako mukhang tuyot na dahon ng mga oras na iyon.
Maraming salamat sa aking makulit at maputlang lay out artist na kinulit ko para i-scan ang bus ticket na ito. Wengay, san na tarbaks [Starbucks] ko?
Nakakatuwa na pagsakay ko ng bus, ako lang ang pasahero ng Five Star Bus na nagbigay sa akin ng ticket # 667443 sa halagang 115 pesos. Ako, ang driver [syempre], at ang kunduktor ng bus, kami lang tatlo ang lulan ng bus na nang mga oras na iyon ay papasok na ng NLEX. Nakakatuwa ang ideya na parang nirentahan ko ang buong bus para ihatid ako ng Trinoma <para makipagkita kay Venn>. Nang mga sandaling iyon, Puro “Wow” at “Omaygaaaaaaddisissopakinameysing!” [lol] lang binubulong ng aking baduy na puso. Kaya lang, bigla na lang akong napraning. Nasa NLEX na kami – kalalagpas lang ng Angeles City exit – nang bigla akong napraning.
“Bakit ako lang mag-isa sa bus na ito?”
“Kini-kidnap ba ako ngayon?”
“Baka naman hold-up ito?”
“Magalit kaya si mamang kunduktor kapag nalamang lowbat ang digicam na dala ko, kung sakali mang masasamang-loob sila at nais nila akong pagnakawan?”
“Pwede kayang magyosi sa loob ng bus tutal ako lang namang mag-isa sa bus – I mean, ako lang naman ang pasahero?”
“Pwede kayang magpa-picture kay mamang kunduktor?”
“Ano kaya pinag-uusapan ng dalawa kapag sila lang dalawa sa NLEX?”
“Seryoso kaya sila noong sabihin nila na mag-ja-Jollibee muna sila [or kami] bago umabot ng NLEX exit?”
“Gusto ko ba talaga ng Jollibee?”
Noong mga oras na iyon ay nakapag-picture na ako para ma-document [kahit wala mang maniwala] na ako lang talagang mag-isa ang pasahero ng <sabay-sabay> “Five Star Bus na nagbigay sa akin ng ticket # 667443 sa halagang 115 pesos.”
Nagpapa-picture ka, eh mukha ka namang kulang sa tulog.. pangatawanan ang pagdodocument.. sige lang, sige lang..
Kung ilang beses lang ay nagmasid ako sa kilos ng dalawa [at sa mga abot-kamay na mga patalim na maaari nilang magamit kung may plano man silang kitlin ang wari kong buhay] <May ganon?> Nawala lang ang pagkapraning ko nang makita ko at mapansin na, mukha namang friendly ang dalawa. Ganun lang kasimple.
Noon na ako naglakas ng loob na busisiin ang hiwaga ng “Five Star Bus na nagbigay sa akin ng ticket # 667443 sa halagang 115 pesos.” <Ang haba lang talaga ng title.>
Ito pala ang siste: Ang original na ruta ng bus ay galing ng kung saan man sa Norte at ang destinasyon ay hanggang Dau terminal lang. At dala marahil ng takot na masesante kung mahuli sa biyahe – dahil pinatawag ang bus sa Cubao terminal – ni hindi na nagawang makapaghanap pa ng ibang pasahero ang dalawa. Ibig sabihin, sinuwerte lang na makasakay ako sa “Five Star Bus na nagbigay sa akin ng ticket # 667443 sa halagang 115 pesos.”

Tingnan mabuti, nasa pinakataas ang Dau NLEX Exit. Para sa kaalaman ng marami, hanggang Pampanga lang po ang NLEX. Kapag nadaan ka sa Tarlac o Pangasinan, hindi na po NLEX ‘yun. Ang tawag po dun ay “non-NLEX.” lol
Marahil ay “wala lang” ang pagsakay ko sa “Five Star Bus na nagbigay sa akin ng ticket # 667443 sa halagang 115 pesos,” pero ang mahalaga, ang dapat matutunan sa hiwaga ng kapalaran na iginuhit sa iyo ng tadhana ay hindi kami nag-Jollibee.

At ang pinakamakabuluhang pangyayari sa buhay ng isang taong pinupuno ng iba’t-ibang kulay ng bawat nangyayari sa kanya ay mahihigitan lamang KAPAG hindi ka nakidnap o inundayan ngbalaraw habang sakay ng bus na binabagtas NLEX.*

para sa marami pa (ngunit lumang) mga blog entries ng kagaguhan:

http://axis_yuri.blogs.friendster.com/my_blog/



eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh! part na ako ng blog nya! conceited. hahaha ang cute nung last pic…