h1

Majubis Love (Ang Kwento sa Likod ng Pamosong Sam Milby Movie)

Marso 18, 2008

movie-ticket.jpg

Sa mga babasa, pinanood ko po ang MY BIG LOVE na buong akala ay 10,000 B.C. The Movie ang papanoorin. Nang makita ko po ang Gateway Cineplex*10 ticket na may tin #002-856-902-000, seat # J22 dated Saturday March 3, 2008 na mag-uumpisa ng 9:55 p.m. na may nakasulat na “MY BIG LUV”, noon ko lang naisip na seryoso pala ang mga kaibigan ko na ipagkatiwala ang buhay nila sa isang pelikulang sa umpisa pa lang ay alam kong magiging dahilan kung bakit ako magsusulat ng isang blog entry patungkol sa pelikulang ito.

“Pinataba ni Sam ang puso ko,” iyan ang sigaw ng isa sa mga nakapanood ng pelikula na pinangangalandakan sa TV. Kung anu man ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam.

Sa kasagsagan ng pagkakadami-daming mga pelikula na ipinapalabas sa Gateway sa Cubao at sa pagkarami-raming taong nagdaratingan para panoorin ang concert ni Neyo <kung sino man ‘yun> sa Araneta, pinili ng mga kaibigan ko <The Maynilains, dahil taga Manila sila..duhhh..> na panoorin ang overrated na pelikulang My Big Love.

Sa mga bumabasa: Sasabihin ko po ang ending, kaya kung may balak kang panoorin pa rin ang pelikula at nagagalit ka kapag kinukwento ang ending, eh ‘wag niyo na pong basahin.

Mag-uumpisa ang pelikula sa pagpapakita sa naka-fat-suit-costume na si Sam Milby. Magpapakita ng mga cliché na scenario na dinaranas umano ng mga matataba, at bigla mo na lang maiisip, parang may ketong lang si Sam dahil hindi kagandahan ang pagkakalagay ng prosthetics para magmukha siyang mataba.

Ipapakita rin si Toni Gonzaga na simula ng pelikula ay hindi mo mawagi kung ano ang trabaho. Malalaman mo na lang na sa Gold’s Gym pala siya nagtatrabaho dahil nakaprint sa suot nitong pulang poloshirt ang “Gold’s Gym.” Hindi mo maiiwasang mag-isip na gusto mo ng french fries tuwing makikita sa Toni dahil mukha talaga siya crew sa isang sikat na fastfood chain dahil sa suot niya.

kristine_hermosa12.jpg

Si Kristine Hermosa naman, na nakalibre yata ng mga cocktail dresses at makeup, ay walang habas na paparada na parang magpapictorial lagi. Hindi rin ako sigurado kung anu talaga ang trabaho niya. Basta ang alam ko lang, kunwari daw ang tatay niya <Ricardo Zepeda> ang may-ari ng pamosong Hotel Stotsenberg.

Iikot ang kwento sa premise na secret admirer ni Kristine ang matabang si Sam at hindi magugustuhan ni Kristine si Sam. Si Toni naman, na isang gym instructor, ay tutulungan si Sam na magpapayat. Pesikretong magkakadevelopan si Sam at Toni.

Darating ang panahon na kailangang mangibang-bansa ni Toni at iiwan si Sam na magpapayat mag-isa para sa laging naka-cocktail dress na si Kristine.

cimg2531.jpgPapayat si Sam, na malamang ay obvious namang mangyayari. Babalik ng Pinas si Toni at magpapatayo ng maliit na gym. Nang mga panahon na iyon, dahil payat na si Sam (at hindi na mukhang may ketong) at dahil mababaw si Kristine, magugustuhan na ni Kristine si Sam. Magkakasalubong ang landas nina Toni at Sam at bigla na lang nilang maaalala ang nakaraan, na parang may something-something sila dati. Maguguluhan si Sam, maguguluhan si Toni, at magcococktail dress pa rin si Kristine.

Magkakalabuan si Sam at Kristine. At sa bandang huli ay magkakatuluyan si Toni at Sam, habang si Kristine ay nakacocktail dress pa rin.

mybiglove.jpg

Para sa mga taong baduy at hindi masyadong masinop sa pagpuna sa mga detalye ng pelikula, para sa mga taong may gusto ng mga senaryo sa pelikula na may group dance production number sa loob ng isang Duty Free store, para sa mga taong hindi nagtataka kung bakit sa eksenang umuulan at basang-basa si Toni ay hindi nababasa si Sam na kasama lang naman niya sa parehong frame, sige lang po, manood po kayo.

Ang pagtalakay sa isang ideya, gaya ng pagiging mataba, ay hindi gaanong napupunan ng atensyon lalo na kung puro kababawan ang mga dahilan na pinipilit isingit dito. Eh ano kung mataba si Sam? Eh ano kung madami ang kinakain ni Sam? Kung masama man sa kalusugan ang pagiging mataba ay hindi naipakita sa pelikula. Ang pinakita lang ay: Ayaw ni Kristine kay Sam dahil mataba siya.

fat_donald_by_donmak.jpg

Ang pagkatok sa realidad na itsura ang tinitingnan ng karamihan bago ang pag-uugali ay matagal ng pinagkikibit-balikat ng karamihan. Lalo pa itong pinapatunayan ng pelikulang nagpapakita na kung hindi mo kamukha si Sam Milby na may abs ay hindi ka magugustuhan ng isang Kristine Hermosa na laging naka-cocktail dress. Kung comedy man ang pelikulang My Big Love, hindi ako natawa. Ang inisip ko, ano kaya ang naramdaman ng mga matatabang pilit ipinapamukha sa kanila na kailangan nilang pumayat, na kailangan nilang magbago para makahanap ng kaligayahan sa buhay.*

Contents published in Daluyan (March issue), local newsletter, under Column name MAIBA LANG.

<nagyayabang ako, baket? Blog site mo ba ito? Lol>

For more blogs, visit: http://axis_yuri.blogs.friendster.com/my_blog/

3 mga puna

  1. magaling magaling magaling….hehe :D


  2. [...] mga taong pinangangalandakang ang paboritong pelikula ay ang “My Big Love,” na kinatatampukan ng overrated na mga astistang sina Sam Milby at Toni Gonzaga, ay dapat [...]


  3. Kristine Hermosa is a good girl and really a great showbiz star. Hope she has lots of movies today.



Mag-iwan ng Puna