Archive for Marso 22nd, 2008

h1

Ano ang Mangustin?

Marso 22, 2008

Madalas bored ang mga friends ko. Gaya ko, kung anu ano rin ang mga sinasabi nila. Noong Miyerkules Santo, nagrereklamo itong si Van [a friend] tungkol sa mga darating na araw. Dahil nga Mahal na Araw, inaasan na ni Van na sarado ang karamihan sa mga shops, malls at iba pa. Paano raw kung gusto niya ng “mangosteen,” bigla na lang niyang nasabi. Ako namang mangmang, hindi ko alam syempre kung ano ang – sa pagbigkas ko ay “Mang Gustin” – ang Mangosteen. Akala ko pastries. Lol

Biyernes ng hapon, napilit ako ng Mama ko na pumunta sa tiangge. Dala si Ruth (ang aking maasahang digicam..and yes, may pangalan talaga, bakit ba?), sinamahan ko si Mama sa “tianggihan.”

 

 

 

 

mama-ko.jpg
Hayaan si Mama at masayang namimili ng mga “pouchy” [pouch bag] para iregalo sa graduating niyang inaanak (o pinsan ko yata o pinsan ko at inaanak niya, hindi talaga ako sigurado.)

 

 

 

30-pesos.jpg

Bumili si Mama ng tatlo sa mga ito. Ang kuripot lang. Iisipin ko kung ako ang nagraduate kapag nakita ko ‘yung tatlong pouchy na, “Walanghiya, nag-aral pa ako ng four years, ganito lang ang gift.” Lol

 

May mga nabili din naman ako. Iilan lang. Ang dami kayang tao dun. Shorts, mumurahing bag. Muntik na akong bumili nung hotdog pillow (or kung ano man tawag dun), kaya lang, sabi ko kay Mama, “Naku, ayaw ko na pala bumili. Nakakahiya, dala-dala ko ‘yan. Eeeewww.” Natawa na lang si Mama, na malamang ay ayaw ding magdala ng ganung kalaking unan. lol

Sa aming pag-uwi ni Mama, nadaan kami sa isang fruit stand. Nahiya lang magpabili si Mama ng grapes sa akin, kasi nagpapanggap talaga ako na wala akong dalang pera ng mga panahon na iyon. Bumili si mama ng iilang apples para kay Tatay (kasi parang batang nagtatampo ang Tatay ko kapag walang pasalubong)

dsc00531.jpg

Ito pala ang mangosteen…ahhhh..ganun pala ‘yun. Hindi pala pastries. Saka, mas tama pala ako sa spelling. Kapag binebenta pala ang mangosteen, eh “mangustin” ang spelling, therefore, mas malapit sa “Mang Gustin.” lol

dsc00530.jpg

Facts patungkol sa mangosteen:

A fruit of Indian origin, Garcinea mangostana, the size of an orange with thick purple rind and sweet white pulp in segments. A 100-g portion supplies 75kcal (320kJ); little vitamin C. (pakitagalog po, kuya.)

 

 

Sa harap ng subdivision namin, noong pag-uwi namin, nakunan ko na rin ito (pasintabi po mga kumakain [sa harap ng computer?]):

dsc00538.jpg

Matagal ko na talagang pinagtitipan ang advertisement na ito. Nagkalat kasi ang mga ‘to kahit saan sa Angeles City. Nakakadisturb lang minsan, lalo na kung umagang-umaga.

Ang pinagtatakhan ko lang, ganun na ba talaga kalaki ang demand sa septic tank disposal? Kaderder. O siya, magsusuka muna ako. lol

h1

Survey-tooth Tiger

Marso 22, 2008

1. Where is your cell phone?

- natutulog po, bakit po?

2. Your boyfriend/girlfriend?

- sino po sa mga iyon? be specific po

3. Your hair?

- oo na, magpapagupit na, leche!

4. Your mother?

- para lang siyang si debbie sa pamosong series na queer as folk.. hehehe she’s the best.. di ba mga friends?

5. Your father?

- mukha siyang sabungero..oh, wait, sabungero nga pala siya.. mukha siyang tipong mga sinusuntok na kontrabida ng mga pelikula ni lito lapid dati..hehehehe

maiba ako, lito lapid, san na po kayo?? pengeng pera…hehehehe

6. Your favorite things?

- sungka and beer..

7. Your dream last night?

- wala eh..super comatosed..hehehe

8. Your favorite drink?

- coke

maiba ako, hindi po masarap ang coke zero…

9. Your dream car?

- ‘yung laging may gas…hehehe

10. Say something about life?
- dear life,

kamusta na po kayo..alam ko po hindi pa tayo nagkakakilala..balita ko po “wonderful” kayo..saka “beautiful” kayo.. sana po makita ko na kayo soon.. good luck po sa “buhay.”

love,

death

12. Your fear?

- a sungka-free world..

13. Where do you want to be in 10 years?

- kahit dito pa rin, kahit tipong parang hindi ako gumalaw…tapos ‘yung bank account ko, mga 10 million na ang laman..ehehehe (ambisyoso! tzzeeeeeee)

14. Who did you hang out with last night?

- van & otu and a bottle of semi-expensive tequila..

15. What are you not good at?

- making friends and dealing with morons

16. Muffins?

- ayaw ko, pangmayaman daw ‘yan sabi po ni nanay..hehehe

17. When you DIE, u’d rather be CREMATED or BURIED?

- pwede pa ba akong mamili nun? hmmmm… gusto ko yung buried, malay mo may bubuhay sa akin..hahahahaha waaaaaaahhh multo, multo! chareng!

18. Where did you grow up?

- sa mahirap na lugar na madaming nag-iinuman..tapos, nung minsan, ‘yung mama, nasaksak siya..dumugo.. tapos — chareng! in a relatively quiet place..hehehe

19. Last place you’ve been to?

- kina otu.. otu, thank you.. :)

20. What are you wearing?

- honestly, seriously, just a towel..ganun ka-init.. pasintabi po sa mga kumakain… lol

21. Where are you?

- sa kwarto.. ang jinit-jinit!

22. Your pet/s?

- na-hunt na lahat ng kapit-bahay..si macoy [cat], ‘yung asawa ni macoy, ‘yung mga anak ni macoy..huhuhuhuh

23. Your life?

- o napano na naman ang life na ‘yan?

24. Your mood?

- super nagtitimpi sa init…

25. Missing?

- ice cream at bongang bongang trip to china!

26. What are you thinking about right now?

- blaming god [kung meron man] sa init na ito

- nadiyan na kaya ‘yung barber ko…lol

27. Your car?

- ay pangarap pa lang sa ngayon..naka-drawing sa crayons..hehehe

28. Your work?

- ay laging confidential…

29. Your summer?

- ay kailangan ng matapos… hindi naman kagandahan…

30. Your status?

- by public’s perceptiom ay laging single..but right now, “potentially” dating.. (may ganun ba?

31. Your favorite color?

- green..

32. When was the last time you laughed?

- kanina..

33. Last time you cried?

- can’t even remember..

34. School?

- pinaganda pag-graduate namin..mga paksyet! lol