
Ano ang Mangustin?
Marso 22, 2008Madalas bored ang mga friends ko. Gaya ko, kung anu ano rin ang mga sinasabi nila. Noong Miyerkules Santo, nagrereklamo itong si Van [a friend] tungkol sa mga darating na araw. Dahil nga Mahal na Araw, inaasan na ni Van na sarado ang karamihan sa mga shops, malls at iba pa. Paano raw kung gusto niya ng “mangosteen,” bigla na lang niyang nasabi. Ako namang mangmang, hindi ko alam syempre kung ano ang – sa pagbigkas ko ay “Mang Gustin” – ang Mangosteen. Akala ko pastries. Lol
Biyernes ng hapon, napilit ako ng Mama ko na pumunta sa tiangge. Dala si Ruth (ang aking maasahang digicam..and yes, may pangalan talaga, bakit ba?), sinamahan ko si Mama sa “tianggihan.”

Hayaan si Mama at masayang namimili ng mga “pouchy” [pouch bag] para iregalo sa graduating niyang inaanak (o pinsan ko yata o pinsan ko at inaanak niya, hindi talaga ako sigurado.)
Bumili si Mama ng tatlo sa mga ito. Ang kuripot lang. Iisipin ko kung ako ang nagraduate kapag nakita ko ‘yung tatlong pouchy na, “Walanghiya, nag-aral pa ako ng four years, ganito lang ang gift.” Lol
May mga nabili din naman ako. Iilan lang. Ang dami kayang tao dun. Shorts, mumurahing bag. Muntik na akong bumili nung hotdog pillow (or kung ano man tawag dun), kaya lang, sabi ko kay Mama, “Naku, ayaw ko na pala bumili. Nakakahiya, dala-dala ko ‘yan. Eeeewww.” Natawa na lang si Mama, na malamang ay ayaw ding magdala ng ganung kalaking unan. lol
Sa aming pag-uwi ni Mama, nadaan kami sa isang fruit stand. Nahiya lang magpabili si Mama ng grapes sa akin, kasi nagpapanggap talaga ako na wala akong dalang pera ng mga panahon na iyon. Bumili si mama ng iilang apples para kay Tatay (kasi parang batang nagtatampo ang Tatay ko kapag walang pasalubong)
Ito pala ang mangosteen…ahhhh..ganun pala ‘yun. Hindi pala pastries. Saka, mas tama pala ako sa spelling. Kapag binebenta pala ang mangosteen, eh “mangustin” ang spelling, therefore, mas malapit sa “Mang Gustin.” lol
Facts patungkol sa mangosteen:
A fruit of Indian origin, Garcinea mangostana, the size of an orange with thick purple rind and sweet white pulp in segments. A 100-g portion supplies 75 kcal (320 kJ); little vitamin C. (pakitagalog po, kuya.)
Sa harap ng subdivision namin, noong pag-uwi namin, nakunan ko na rin ito (pasintabi po mga kumakain [sa harap ng computer?]):
Matagal ko na talagang pinagtitipan ang advertisement na ito. Nagkalat kasi ang mga ‘to kahit saan sa Angeles City. Nakakadisturb lang minsan, lalo na kung umagang-umaga.
Ang pinagtatakhan ko lang, ganun na ba talaga kalaki ang demand sa septic tank disposal? Kaderder. O siya, magsusuka muna ako. lol




better font
wahahahhahahaha sa mangosteen
nag-comment lang ako para ma-check kung lalabas yung pic. hehe conceited lang, venn
there! may picture na! yehey! ansaya maging mababaw… hehe
DAMI SAMEN NA MANGUSTAN ,UN ANG TAWAG SAMEN ISA SA PINAKA MAHAL N PRUTAS ANG MANGUSTAN