
Family Affair (Favorite Song ni Mama)
Marso 24, 2008
Para sa kaalaman ng marami, ang favorite song ni Mama ay ang kantang Family Affair ni Mary J. Blige.
Mag-a-alas-singko ng hapon, pauwi na ako ng bahay. Nag-text ang aking Bayaw ng, “Panayan daka keni” [Hinihintay ka namin dito.]
Dala marahil ng pagod dahil sa trabaho, o dala ng nakakalitong text ni Bayaw, ay hindi ko talaga naintindihan ang text niya. Saan ako hininihintay? Sino ang naghihintay sa akin? At bakit ako hinihintay?
Mga ilang minuto pa ay nakauwi na ako ng bahay. Noon ko lang nalaman na “nag-graduate” pala ang 5-year old nephew ko kaninang umaga sa kanyang pagiging kindergarten (o pref yata, hindi ko talaga alam.) Sa madaling salita, mag-didinner pala kami. Ako, si Mama, si Tatay, si Kuya, si Bunso, si Bayaw, ‘yung Bunso ni Bayaw (na kawawang bata ay inaanak ko, kahit hindi naman ako pumunta ng binyagan niya), at si Nephew-ung nag-graduate.
Pumunta kami sa isang sikat na All-American Food restaurant sa Angeles City. Okay lang ang pagkain sa restaurant na ‘yun. Medyo hindi lang kagandahan ang waitstaff service dahil mukhang inip na inip ang mga ito habang kinikuha ang order namin.
Kumain, nabusog naman kahit maalat ng konti ‘yung steak na inorder ko, at ang mga bata (si Inaaanak at si Nephew-ung nag-graduate) ay kinatay ang spaghetti at french fries na inorder ni Mama para sa kanila. Nakakawala ng ganang kasabay kumain ang mga bata, idagdag mo pa dito na ayaw ko talaga sa mga bata, maliban na lang sa kambal na anak ni Carmina at Zoren (‘yung cute magpronounce ng AMbogRAW sa fantaseryeng Kamandag.)
Kamandag: Gulag strikes when his opponent is down (Panoorin nang maniwala kayo kay Haring Gulag [Zoren Legazpi]. Ang hirap hanapin niyan, in fairness.)
Natapos ang lamon at nagkusa naman akong sinyalan ang waitstaff para sa bill. Akala ko naman ay libre ng mag-asawa (si Kuya at si Bayaw), eh ako pala at si Mama ang magbabayad. Dahil dun, iniisip ko tuloy ngayon, mahal talaga ang kumain ng steak. Lol
Pagkatapos ng dinner, hinatid namin ang extended family (si Kuya, si Bayaw, si Inaaanak, at si Nephew-ung nag-graduate.), si Bunso naman, na medyo okay na rin bilang kapatid dahil hindi makulit, ay pumunta yata sa bahay ng barkada.
Akala ko naman tapos na ang burden ko nang maihatid ang extended family, dahil sa totoo lang, mas gusto ko talagang manood ng NatGeo Channel kanina. Sa tingin ko may ipapakita silang mga seal (‘yung madaldal na mukhang dog na mukhang fish na mukhang bear) kanina sa NatGeo na ipapalabas mayamaya. Hindi pa pala kami uuwi. Dumiresto kami kina Tita Antipatika.
Maikling pagpapakilala kay Tita Antipatika:
Masaya akong nanonood ng TV noong isang araw…nang biglang dumating si Mama kasama si Lola, si Tita Antipatika, sampu ng mga mangmang naming kamag-anak…
Noong mga oras na iyon ay kadarating ko lang galing sa tatlong executve meetings at super pagod na ako. Noong mga oras ding iyon ay pinipilit kong mag-relax.
Tita Antipatika: ABER, ABER, ABER, ANG SARAP NG BUHAY MO NOH? AT PAHIGA-HIGA KA LANG DIYAN?
Hindi ako nakapagtimpi (gaya ng madalas mangyari)…
Tita Antipatika: ABA? ANO BANG MASAMA SA SINABI KO?!!!!
Me: GUSTO MONG MALAMAN?!!! GUSTO MONG MALAMAN?!!! ANG SINABI NIYO LANG NAMAN, ECHUSERA KA, AY BAKIT MASARAP ANG BUHAY KO AT PAHIGA-HIGA LANG AKO!!! UMAYOS KA, HINDI TAYO CLOSE!!! LECHE!!!
Lola: (Tumaas ang blood pressure.)
Mama: Hindi mo na dapat pinatulan.
Me: AY, LECHE SIYA, KUNG MAKAPAGSALITA, ANG PAKSYET, PARANG CLOSE KAMI.
End of story.
ANG NAKARAAN…
Hindi pa pala kami uuwi. Dumiresto kami kina Tita Antipatika.
Nagkatinginan lang kami ni Mama nang magyaya si Tatay kina Tita Antipatika. Sinabi ko talaga kay Tatay sandali lang ako. Pagdating sa hindi kagandahang bahay ni Tita Antipatika, naupo lang ako sa harap ng bahay, at nang akmang kakausapin ako ni Tita Antipatika (para marahil ay sumbatan o awayin o mag-manikluhod sa harap ko) niyaya ko si Tatay at sinabi, “IHATID NIYO NA AKO SA BAHAY, NAKAKAUMAY DITO.”
Noon pa man ay alam na at naiitindihan na ni Mama ang aking opinyon sa mga pagtitipon na kasama ang mga miyembro ng pamilya. Marahil ay hindi nila [pamilya] ako naiitindihan, o marahil ay ako ang hindi marunong umintindi. Pero sa ano mang punto, hindi mo kailangang magsakripisyo; hindi mo kailangang magpaliwanag kung bakit ayaw mo sa kanila.
Ang ginagawang tradisyon na parang utang na loob ang pagkakaroon ng mga kamag-anak ay isang malaking kaplastikan. Ang pagpupumilit ng ilan na kilalanin sila bilang kamag-anak at handugan mo sila ng mga mumunting kwento ng iyong simpleng buhay ay malaking katarantaduhan. Kung ayaw mo sa isang tao/grupo, ayaw mo; ganun lang kasimple ‘yun. Ang isiping may sama ng loob ang isang tao sa iyo dahil ayaw kaniyang kasama ay malaking paghamak sa sarili at kawalan ng sariling disposisyon sa buhay.
Nabubuhay ang tao para sumaya. Nabubuhay ang tao para punan ang mga bagay na nais niyang punan. Hindi hinahanap ang kapanatagan ng isip at kaligayan sa buhay; isa itong ilusyon. Ang kapanatagan ng isip at kaligayan sa buhay ay ginagawa ng tao. Ang aking pag-iwas sa aking mga kamag-anak ay hindi gasgas na dahilan ng pagrerebelde o pagkamuhi sa kanila. Hindi lang ako masaya kapag malapit sila. Nahihirapan lang akong gumawa ng kaligayahan sa buhay kapag nakikita ko sila. Hindi ko lang sila feel. I don’t them; I nothing them. Period.
Habang sinusulat ko ito ay masaya kong pinapanood ang mga “golden seals” sa NatGeo. Pwede pala silang lumaki ng ganoon kalaki. At mukha pala talaga silang bear kapag malaki na sila. Ang cute cute.

tangina ka lang kuya rai! hahaha. aliw ako sa blog mo…
naloka ako sa mama.. “actually, may point ka” hahahahahaha
ipagkalat mo na lang, duke..sayang ang effort..hehehehe salamat sa pagdaan, poota ka, miss na kita..
ang animal!!!!!!! sana mameet ko rin yang si tita antipatika…..gusto ko ng adventure!!!!