Gabi nang nag-umpisa ang aking Biyernes Santo. Dala marahil ng katamaran, gabi na ako nakipagkita sa aking mga kaibigan. Walang plano, walang matinong napag-usapan (gaya ng madalas mangyari). Lagi lang <oras> at <location.>
Madalas kaming magkita ni Van <friend> sa tabi ng Museo Ning Angeles<museo> (Museo ng Angeles City sa Barangay Sto Rosario sa tapat ng lumang simbahan, ang Holy Rosary Parish Church.) Wala naman kakaiba sa museo. Maliban sa laging walang tao dun at pwedeng maupo dun sa may stage at pwedeng maghintay/hintayin, katabi pa ito ng isang stasyon ng police at super-close pa kami ng kapitan ng barangay, kaya mas ayos. “Hello po, Kap.”
Ito si van. Kahit halatang kagigising lang (o puyat) ay napilit kong makuhanan ni Ruth (the digicam) ng letrato. Siya ay kumain ng sundae. Kumakain siya ng sundae. Sundae ang kinakain niya. (Parang Filipino 3 lang sa elementarya) lol
Ito ang harap ng museo.
Ang Holy Rosary Church sa tapat ng Museo Ning Angeles
Dito nakatira ang pamosong si Van Helsing. Joke. Wala kaming masakyang jeep kaya habang nag-aabang sa harap ng simbahan (dahil walang taxi sa Angeles City) ay nagpicture-picture na ako ulit.

‘Yan po si Van Helsing (or depende sa trip, pwede na rin si Undertaker ng WWF.)
Ilang metro mula sa nakakatakot na simbahan ay ang nakakatuwang “I want Mcdo.”
Mga pagkatapos ng 30 minutes ay nakasakay din kami ng jeep ni Van. Maganda ang panahon noong Biyernes Santo. Hindi kainitan, hindi kalamigan; maligamgam ang panahon.
Sa jeep ay muntik pa kaming mapaaway nang may pumansin kay Van na bawal magyosi sa jeep. Ganito ang linya ng tarantadong hindi yata napusit ng girlfriend niya kaya masungit, “Miss, miss, bawal magyosi sa jeep. Miss, miss, bawal magyosi sa jeep,” sabay yakap ulit sa kamukha niyang boring na girlfriend. Natural lang na hindi pinatulan ni Van ang gago. Matapos ang ilang hithit sa yosi niya, at noong mga oras na iyon ay nakailang pasaring na ako ng, “Wala akong pakialam, magdemanda ka kung gusto mo,” tinapon na rin ni Van ang kanyang yosi.
Hindi ako maka-move-on sa nangyari. Marahil alam ko kasi na pwede namang magyosi. Alam naman naming magbawal pero handa rin naman kaming mademanda. Ganun ang prinsipyo ko. If you can get away with it, by all means suit yourself. Nagyosi ako, sinindihan ang yosi habang nakatitig sa gagong pumuna sa amin. Para sa kaalaman ng marami, nasa pinakadulo kami ng jeep, mabilis ang lakad ng jeep, at walang dahilan para magreklamong mausok (kung mayroon man) ang gagong nagmatigas na kaya niya kami <akong> pigilan. Napansin ako ng gago, tingin lang siya ng tingin. Takot na ang gilfriend niya noong mga panahon na iyon dahil handa na talaga akong makipag-away (lalo pa’t wala naman pakialam ang drayber sa amin.) Hindi ko ginustong mang-away. Pinamukha ko lang marahil doon sa gagong iyon na kaya kong magyosi sa jeep; na kaya ko at hindi niya ako kayang pigilan, na kung gusto niya, lumipat siya ng jeep. Noong mga panahon na iyon, sa iilang pagkakataon, napilitan akong magpaliwanag sa pamamagitan ng pagyoyosi. Matapos ang isang yosi, nagsindi pa ako ng isa. Paulit-ulit kong sinabi habang nagyoyosi ng, “‘Di magdemanda ka, echusero!”
Nang bumaba kami, malamang ay doon lang napanatag si non-smoker asshole.
Pumunta kami ni Van sa 7-Eleven sa Barangay Balibago (malapit lang ito sa may Clark maingate.) Napagkasunduan namin ni Van na maglasing. Bumili ng semi-mamahaling tequila at dumetso sa aking bagong officemate at matagal na naming kaibigan, si Otu.
Welcome to Purok Gasdam, isang maliit na purok sa Dau, Mabalacat (katabi ng Angeles City). Ang lugar ni Otu ay binubuo ng mga malilit (as in ‘yung super maliit) na mga kanal at mga asong nagbabadyang mangagat anytime. Maliban dito, mapapansin din ang pinagkagastusang tarpaulin para sa Pabasa 2008.
Sinalubong kami pagkatapos ng Pabasa tarpaulin ng 3rd Station of the Cross. Kung nasaan ang naunang dalawang station, hindi ko alam. Malamang ay katabi ng mga nakita naming nag-iinuman sa harap ng tindahan na kung kinunan ko siguro ay si Van na ang nag-ba-blog ngayon patungkol sa aking autopsy report. Sa mga gusto pong magdasal, narito po ang link: http://www.vatican.va/news_services/liturgy/2005/via_crucis/en/station_03.html
Sumunod na Station of the Cross ay ang “Jesus meets His Holy Mother.” Ito ang pangalawa sa aming nadaan. Ito ang nasa tapat ng bahay nila Otu. Kaya hanggang dito na lang ang aming pagtingin sa equally-mamahaling mga tarpaulin para sa Purok Gasdam Pabasa 2008. Again, para sa mga gustong humabol at magnilay-nilay, ito ang link: http://www.vatican.va/news_services/liturgy/2005/via_crucis/en/station_04.html
Sinalubong kami ni Otu at buong tuwang ipinagmalaki ito:
“New product is a combination of carefully selected varieties of tobacco, innovative technologies of filter and the creation of a truly unique design of the stack with a sliding lid. ” (At walang kwenta dahil para kang nagyoyosi ng nilagang baka. Walang lasa. Cute lang ang box.)
Dahil nagutom si Van, at dahil wala pala kaming lemon (o kalamansi) para sa tequila, lumabas kami nila Van, Otu at ako para maghanap ng kahit anong mukhang citrus fruit para naman hindi lasang blade ang iinumin namin.
Napadpad kami sa mismong kapilya ng Gasdam (stage na ginawang kapilya para sa Pabasa 2008). Nang mga oras na iyon ay mga 12:30 a.m. ng Sabado.
Inayos ng kaibigan kong si Otu. Maganda namin ito kumpara sa mga ibang nakikita kong mga Pabasa Kapilya, i.e. itong nasa ilalim…
Sa harap ng kapilya ay ang mga kinatuwaan kong banderitas na plastic dahil kulay green ang mga ito at halos pantay talaga ang pagkakalagay.
Si Van, nang mga oras na iyon, ay hinihintay maluto ang kanyang biniling dinner. Para sa kaalaman ng marami, technically, tapos na ang Mahal na Araw kapag tumungtong ng Sabado. Pinipilit na rin tapusin ang pasyon nang mga oras na iyon, dahil ayon sa kasabihan ng mga matatanda, bawal isara ang pasyon ng hindi natatapos. Kung bakit, itanong sa pinakamalapit na lola sa iyong tabi (make sure magtatanong sa buhay na lola.)
Alam mong paubos na ang bbq na tinitinda kapag nag-iinit na ng tubig si aling tindera para hindi masayang ang nagbabagang uling. Nag-enjoy naman yata si Van sa kanyang dinner (sana).
Bumalik kami kina Otu at tinamad na akong kunan ang iba pang nadaanan naming Stations of the Cross. Nag-ready kami para maglasing….
Habang nagkukwentuhan, napagtripan kong kunan ng letrato si Gorgie (tama ba spelling, Otu?), ang tabaing aso nila Otu.
Ito ang unang kuha ko kay Gorgie. Siya ba ang susunod sa yapak nila Gloria Romero, Jean Garcia, at ang paniking nakatali sa pelikula noong 1989 na “Impaktita”? Siya ba ang susunod na “Impaktito”?
Upang lalong maintindihan at mag-balik tanaw sa pelikulang “Impaktita,” narito ang mga unang bahagi ng pelikula:
Ito ang itsura ni Gorgie kapag hindi siya “Impaktito” mode.
Katabi naming umiinom noon ay mga naglalaro ng hindi-kasikatan pero nakakawiling card game na “Cuajo.” Abangan ang “Paano Maglaro ng Cuajo?” sa susunod na blog entry. Para mabigyan kayo ng ideya kung ano ang Cuajo, ganyan ang paghawak sa mga baraha sa Cuajo. Buong pagmamalaki ko pang sasabihin, alam ko pong laruin ang Cuajo. Naturuan po ako ng aking mga tita noong ako ay anim na taong gulang pa lamang.:)
Kuha ito sa ‘di kalayuan ng kapit-bahay nila Otu na sinusulit ang Holy Week sa pamamagitan ng pagsusugal, just for fun (pero may pera sa harap..duhhh..)
Tuloy ang kwento, at nang matapos na, inaantok na ako. lol
Hindi pa man kami umiinom ay napagtripan ko na si Van na mag-pose para i-endorse ang tequilang iniinom namin. Ito po ang end product:
Matapos ang nakakatuwang inuman, umuwi kami ni Van ng masaya sa pagkakalongo. Kinabukasan ay pareho kami sa opinyon na walang hang-over ang ininom namin. Salamat sa mabait na cashier sa 7-Eleven na nagpumilit bilhin namin ang tequila. Sayang nga lang at hindi ko siya nakunan ng picture dahil nag-inarte.
Sa mga natatakot para sa aking buhay, nagpaalam po ako ng maayos sa aking mga kaibigan para lumitaw ang kanilang mga larawan sa aking blog. Thanks, Otu. Thanks, Neng. *hugs*


















