Dala marahil ng frustration na magkaroon ng katuturan ang weekend ko, dahil sa weekdays ay hindi mo na alam ang gagawin mo sa office dahil wala masyadong workload, eh inasahan ko talagang at least man ay makainom ako [alak]. Mababaw lang ako. Hindi naman ako alcoholic, pero masarap lang uminom tuwing wala ng trabaho. Hindi ko naman ito nirerekomenda sa lahat, lalo na sa mga may tendency-ing mag-tegi [death] ng sarili.
So, Biyernes, cliche na kung cliche, pero TGIF! Walang trabaho maghapon. Petiks sa office. Umuwi ng mga 5:00 p.m. Pagtapak sa kwarto ay nag-ring ang phone. Hayun na! May kailangang documents ang isang client at kailan ko i-deliver dahil umuwi na ang driver at mahirap ng hagilapin. Noong mga oras na iyon ay nakahanda na ang kandila, isang crucifix, at isang maliit na imahe ni Mama Mary. Sa amin pala ang Cruzada noong araw na iyon.
[ano ang cruzada?]
Well, maliban sa ito ang mga madudugong labanan noong mga unang panahon upang maibalik ang “holy land” kung kanino man, pinauso rin ito ng pamosong si Magellan sa kanyang expedition sa paghahanap ng mga lupain at pagkakalat ng overrated na relihiyong Kristianismo. Ang makabagong Cruzada naman ngayon (na ginawa noong Biyernes ng gabi sa bahay) ay isang paraan para sa mga iilang deboto sa isang lugar upang magdasal and whatnot [lol] at para pagkatapos ay magmerienda at magtsimisan.
Dinala ang cruzada sa bahay noong naraang linggo, basta noong bago mag-Holy Week. Umpisa pa lang ay sinabi ko na talaga kay Mama na tutol ako sa pag-iiba ng ayos ng bahay para lang malagay sa sala ang mga “poon.” Sabi ko sa kanya, “Kung gusto mo, Ma, ipasok mo sa kwarto niyo. Nakakatakot kaya ‘yung mag-isa ka lang tapos may altar sa tabi mo.”
Mabait naman si Mama at pinasok sa kwarto nila ang mga poon. Inilibas lang mga ito noong Biyernes.
[tuloy ang kwento]
Kainitan pa noong Biyernes pero nakakawindang na naghanda si Mama para sa mirienda ng mga magdarasal ng “lugaw.” Sabi ko pagkakakita ko sa lugaw, “Ma, don’t tell me that’s for dinner na?!”
Hindi na ako mag-effort magbihis. Mura din ako ng mura habang nagbibihis.
Sabi ko, “Asar! Kung kailan ako nasa bahay! Punyemas!”
Nakakatuwang nag-comment naman si Mama nang marinig ako at malumanay na sinabing, “Yan, don’t say punyemas…” [Yan = nickname ko sa bahay]
Nangiti na lang ako sa comment ni Mama.
Nakapambahay akong hinatid ang mga documents. Nataon naman na nagyaya ng dinner ang aking kaibigan na si Van, kaya natuwa talaga ako. “Yehey! Hindi ako kakain ng lugaw as my dinner!”
Bago mag-umpisa ang Praise-the-Lord session nila Mama, eh masaya akong nakahilata sa sala, nagpapahinga ng konti bago ako makipagkita sa kaibigan ko. Nagkulong lang ako sa kwarto noong dumating ang unang bisita ni Mama, si Tita Gina. Si Tita Gina ay kaibigan ni Mama na parang laging naka-aerobics costume sa mga suot niya. Kilala din siya sa kanyang sutil na pananalita.
Nagkulong ako sa kwarto para makaiwas sa mga kaibigan ni Mama at masayang nanood ng America’s Next Top Model Season 9. Saka ko lang napansin na naiwan ko yata ang cellphone ko sa sala. Sa kasamaang palad, “on-going” na ang Praise-the-Lord session nila Mama. Nag-ready na lang ako para magdinner kasama si Van.
Naligo, nagbihis, pinagpawisan sa init ng panahon. Kinailangan ko pang hintaying matapos ang mga papuri sa Diyos [kung meron man] para makuha ang cellphone ko. Pagkatapos ng cruzada, at habang nag-ha-hydrate ako ng malamig na tubig, bumanat si Tita Gina.
Tita Gina: Nandito ka pala? Hindi ka na talaga tumangkad noh?
Eh mainit ulo ko, kaya binanatan ko rin.
Me: [ngiti lang] Kayo din, ‘di na kayo masyadong gumanda noh? Saka parang tumanda itsura niyo. Joke. [sabay talikod at bumalik sa kusina]
Nadatnan ko si Mama sa kusina. Sabi ko kay Mama, “Ilayo niyo ‘yan sa akin, sasaktan ko ‘yan, eh hindi naman kami close!”
Hindi pa doon natapos ang echusera, tinatanong pa ako kung saan daw ako pupunta.
Sinabi ko talaga, “Naku, lalabas ako, kailangan kong makakita ng mga magaganda, apparently wala dito.” Inirapan lang niya ako, at ako naman tumatawang umalis.
Nagkita kami ni Van at pumunta sa pamosong All-American resto sa Angeles City. Sinalubong kami ng napakaperky at nakakatuwang waitstaff na papangalanan na lang nating “Waitstaff 1.” [lol] Siya rin ang waitstaff namin ng aking immediate family noong huthutan ako ng pamilya ko at pinabayad ang bill dahil naggraduate sa pagkakakinder [or prep, hindi ako sure] ang aking pamangkin.
Para sariwain ang kwento tungkol dun, heto ang link:
http://sungka.wordpress.com/2008/03/24/family-affair-favorite-song-ni-mama/
Maayos ang lahat; hindi ako masyadong gutom, hindi naiitan si Van dahil airconditioned ang resto, at masayang-masaya ang mapagbirong si Waitstaff 1. Umorder, naghintay, nakakita pa ng batang-batang cutie sa kabilang table, nagpicture-picture gamit si Ruth [the digicam], at kumain. Nag-coffee kami pagkatapos. At dahil papasok na si Van sa kanyang kinaiinisang trabaho, naiwan ako mag-isa, na sana ay sasamahan ng isang kaibigan para uminom, pero nag-cancel noong akmang magkikita na kami. Umuwi ng inis, at natapos ang Biyernes ko ng walang magandang nangyari maliban sa dinner namin ni Van.
Bilang pagrerebelde, nagpuyat ako noong gabing ‘yun at nagchat hangang 5:00 a.m. At noong mga oras na iyon, nakilala ko ang isang potential date na papangalanan na lang nating “Baliw.” Good luck sa akin.