
Top 10 Cliché Baguio Pasalubongs
Abril 10, 2008Dalawang araw bago kami pumunta ng Baguio, doon lang kami (ako at si Otu, na aking kaibigan at ka-opisina) sinabihan na sasama pala kami bilang executive team para sa isang “madaan-lang” na seminar ng mga batang clients ni Boss (na hindi ko na lang papangalanan.) Hindi naman mahirap ang magiging papel namin; magiging quality control lang kami ng seminar (basta dapat walang aberya) at, kahit hindi nila sabihin, kailangan din naming – kahit paano – bantayan ang mga kabataan at – kung kinakailangan – ay pigilang “maglaswaan.”

Biyernes ng madaling araw, naka-jacket na ang karamihan na animo’y kainit. Kami naman ni Otu ay pinag-usapang mag-sando bago pa man ang event at nagpanggap na kunwari ay excited na pupunta sa Boracay. Trip lang, bakit ba?

Maliban sa napakatagal na stop-over sa Luisita Mall (Tarlac, Tarlac) – na umabot ng mahigit isang oras at nagawa na naming maka-pag-”tarbaks” [Starbucks] sa outlet malapit sa mall – at sa kagaguhang pag-da-drive ng drayber namin (na tuwing liliko ay parang sinisikmuaan kaming lahat), maayos naman. Here comes Baguio.

Pagdating sa Baguio, sinalubong kami ng…wala. Hindi malamig. Mainit, actually. Ang naisip namin ni Otu noon ay, “Salamat naka-sando tayo.”
Sinalubong din pala kami ng hindi-kagandang hotel. Maliban sa pangit ang room service at mukhang mga mangmang na crew sa fastfood ang nasa front office, wala ka ring mahanap na kaaya-aya sa paligid. Mukhang marumi ang lahat, pwera sa banyo (na kataka-takang maayos at pinagkagastusan din naman kahit paano). Sa unang araw ay nag-umpisa pa ang mga usapin patungkol sa isang kwarto ng mga kabataan na, apparently, ay may multo. Hindi nakakatuwa ito. Sarap bangasin sa mukha ang mga batang praning.
Dahil nga wala talagang pwedeng sabihan ng “Whoopee..ang ganda!”, naisipan ko na lang mag-focus sa pagkuha ng mga nakakatuwang pictures ng sa aking pananaw ay ang Top 10 Cliché Baguio Pasalubongs.
<siya nga pala>
HINDI MASARAP ANG PAGKAIN SA BAGUIO <at least sa hotel>. Walang tumama ni isa. At payo lang po sa mga nagluluto, “HINDI PO SINASABAWAN ANG GULAY KUNG CHOPSUEY ITO!” at “ANG NILAGANG BAKA AY SINE-SERVE DAPAT NG MAINIT, HINDI MALIGAMGAM!”
Balik sa kwento…
Top 10 Cliché Baguio Pasalubongs
1. STRAWBERRIES – Wala ako masyado masasabi sa mga mapupulang prutas na ito dahil hindi naman talaga ako kumakain ng KAHIT ANONG prutas. Ang alam ko lang, kapag bumili ka pala, ilalagay ito sa mga kahon ng tetra-packed juice drink o kung gusto mo ng mas mahal, ilalagay ito sa hinabing basket. Bago ako pumunta sa Baguio, ito ang habilin ni Mama, “Eka sasaling strawberries, kasaman ku la.” [Don't buy strawberries, I hate them.] Opinyon po ni Mama ‘yun. Sadly, wala siyang e-mail ad, kaya hindi makakapag-send ng hate mails ang mga Baguio people/persons/whatever.

2. WALIS TAMBO - Madami ang nag-joke sa akin patungkol sa mga walis na ito. May kaibigan akong nasabing bilhan ko raw siya ng kahit limang walis lang. Syempre, nagbibiro lang siya. Ang mga walis ang sa tingin ko ay pinakanakakahiyang dalhin pauwi kung galing ka ng Baguio. Isipin mo na lang na naglalakad ka sa kanto niyo at nakita ka ng mga kapit-bahay niyo. Malayo pa lang, magbubulungan na ang mga ito ng, “Tingnan ninyo si <insert name here>, galing Baguio. Balita ko <insert extra tsismis here>.

3. RATTAN BAGS OR WHATEVER – Para sa mga kababaihan at mga gusto lang talaga ng ganyang bag [kanya-kanyang trip ‘yan, mga tsong], ito ay patok na pwedeng bilhin. Maliban sa hindi pwedeng gamitin sa tag-ulan dahil mababasa din ‘yung kung anu mang ilalagay sa loob nito, eh malamang ay isang linggo mo rin lang naman itong gagamitin dahil mas uso ngayon (at kunwari sosyal) ang mga piniratang LV bag at iba-iba pang piniratang makukulay na bag.

4. SUNDOT-KULANGOT - Maliban sa nakakadiring tawag sa pasalubong na ito, maganda lang talagang tingnan ito. Wala ka naman talagang makakain, unless marumi ang mga kuko mo at nais mong mag-fear-factor habang kumakain. Sabihin na lang nating “cute” ka kapag may hawak kang ganito. Napaka-weird ng itsura nito na gusto mo lang talaga ng may ganyan ka. Suggestion: ‘Wag magtipid, bumili ng isang garapon [funny word, garapon = jar] ng strawberry jam o kaya ay honey bee.
5. EVERLASTING FLOWER - Maliban sa mapagkakamalan kang “poon” kung magsusuot ka ng ganito, makati ito [sa tingin ko]. Walang itong ibang halaga kung hindi sa naghihintay na maalikabok na Sto Nino sa inyong bahay. Muntik na kaming bumili ni Otu ng ganito. Trip lang. Pero naisip namin, mainit, makati, at baduy.
<siya nga pala>

6. “DYABETES” HEAVEN - Minatamisang ube, minatamisang mani, minatamisang cookies, minatamisang pastillas, minatamisang wine, minatamisang bigas, minatamisang cereals, minatamisang taba ng talangka; ito ang “dyabetes” [diabetes] heaven.

Maliban sa mura ang mga ito – tipong 5 for 100, o kaya “kahit ilan” for 100 – nakakatuwa din ang mga ito lalo na kung iba-iba ang kulay dahil sa food coloring. Maganda rin itong ipasalubong sa mga patay-gutom na kapit-bahay na nag-a-assume na close kayo.

7. GARDEN OF EDEN – Ang sandamakmak na ‘yan marahil ang pinakahinalibilin ng Mama ko. Hindi ko alam ang balak ni Mama noong mga panahon na iyon. Natakot lang ako sa ideya na kung bibili ako ng maraming gulay, dalawang linggo akong kakain ng chopsuey at sinabawang gulay. (Hindi naman nangyari ‘yun kasi pinamigay din ang nabiling Garden of Eden sa mga kaibigan)
Bellpeppers, patatas, repolyo, lettuce, brocolli, labanos, kamatis, at kung ano-anu pa; ito ang Garden of Eden.
8. SUNGKA – Ah dito, wala akong pakialam sa mga opinyon ninyo. Mahal ko ang sungka. Sa katunayan, binili ko ang sungkang ‘yan na papangalanan na lang nating si “Carlos, the Sungka.” Sa halagang 90 pesos, nabili ko si Carlos habang nag-aabang kami ng taxi pauwi. Lahat ng tao ay dapat may sungka. (Huh?) Wala itong baterya, wala itong complicated na parts na kailangan ituglong-tuglong. Sungka ito. Period.

9. UKAY-UKAY – Aminado ako, mataas ang expectation ko sa makikita sa ukay-ukay sa Baguio. Hindi naman ako mahilig sa ukay, pero kapag kinukwento kasi ng mga mahilig mag-ukay sa akin, “Shet, maganda ang ukay sa Baguio.” Palakihan ng acting sa kwento patungkol sa diumanong pamosong ukay-ukay. Ang nakita ko lang ay nakahilerang lumang damit na may mahal na price tag o ‘di kaya ay – sa nakakawindang na paraan – mga discount posters. Ukay-ukay na discounted, pambihira!
10. “DIRTY PIZZA” – Kung may dirty ice cream kung tawagin (dahil mura ito kumpara sa commercial ice creams), meron din namang “dirty pizza,” dahil, syempre, mura ito. Ito malamang ay mauusong kakanin [kakanin talaga?] sa Baguio.
Nakunan ko ang picture habang mabilis na tumatakas sa mga tindahan ng ukay-ukay. Hindi ako bumili, for the record.
Apparently, ang “per slice” sa dirty pizza ay 7.50 lang. PERO kapag bumili ka ng “half slice” 30 pesos ito. Kamusta naman ‘yun?
Salamat kay Ms. Susan Enriquez (host ng “Kay Susan Tayo” sa GMA7) na nakasabay kong bumibili ng mga Top 6 Baguio Must-Have kahit mukhang kagigising din niya at medyo nahiya lang na tanggihan ako ng casualan kong sinabi na, “Ate Susan, picture tayo.” Muntik na akong mag-joke na “Kay Sungka Tayo!“
huwaw!
sosyalin ka kuya ah!
nakasalubong p tlg@
natawa ako sa mga sinabi mo sa baguiO!
wapak!
hnd tlg malamig ngaunh eh!
summer kasi!
amP!
salamat sa pagdaan… may peanut britle pa dito, gusto mo? (at macomment ko lang, hindi ako marunong masyado gumamit ng wordpress, and hirap mag-layout.
)
wala lang.
eto, nadaan lang ulit. liit pala ni susan enriquez. harhar.
Maari ko palang ‘maaccess’ and iyong pamosong ’site’ dito sa ‘work’. Ang problema lamang ay hindi ko ma ‘view’ and mga litrato dahil ipinagbabawal ng ‘IT’ namin. Hehehe.
mabuti naman, bading. so, hindi mo na sisisihin ang site ko mismo na na puro X ang litaw ng mga photos? hehehe salamat sa pagdaan, bading..
like it