
The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida
Abril 21, 2008Ito ang naunang blog patungkol sa Mama ko, “The Gospel According to Adelaida“

Ito na ngayon ang mga pinabagong saloobin, opinyon, at/o mga pakikisapalaran ni Mama bilang paghamak niya – gaya ko – sa mundo.
1. Sa opinyon ni Mama (at maraming magagalit dito, sigurado lang), ang mga naging biktima (o ang tawag ni Mama ay “tinamaan”) ng nakaraang tsunami sa iba’t ibang bansa sa Asya ay bunga ng hindi nila pagiging Kristiyano. Maging malinaw lang: Hindi naman po sinabi ni Mama na “Satanista” ang mga ito. Basta ayon kay Mama, malamang ay hindi sila Kristiyano.
2. Ayon kay Mama, ang mga bagong baso sa bahay ay ginagamit lamang tuwing may darating na bisita na “deserving” uminom ng “coke.”
3. Ayon kay Mama (at ito ang pinakanakakawindang na urban legend na naikwento niya sa akin), pinaglihi daw si Lola sa “gutom” o sa kampangan language “kagling danup,” na nataon naman ay isang pamosong joke sa mga kapampangan para sa mga taong PG (patay gutom) at nakakahiya kung makilibre ng pagkain. Example:
“Maranup na ka na naman, balamu kagli kang danup.” [Gutom ka na naman, parang pinaglihi ka sa gutom."
So, 'yun na nga. Kung may galit si Mama kay Lola at nasabi niya na "kagling danup" si Lola ay hindi ko na talaga alam (at halos wala ako pakialam.. "hello, lowla, howaryu, lowla?"). Sa pagpapatuloy ng kwento ni Mama tungkol kay Lola, noong daw pinaglilihi si Lola, tipong kahit fresh meat ay tinitira ni Grand"lowla." Nakakatakot lang.
4. Ito ang pinakabago kong natuklasan kay Mama: HINDI SIYA MARUNONG MAG-JACK-EN-POY.
Isang araw, dala marahil ng walang magawa ang aking mga magulang, napagtripan nilang laruin si Carlos, ang aking fresh-from-baguio sungka. At dahil sa umpisa ng laban ay dapat may mauunang isa, at malalaman lang ito kung mag-ja-jack-en-poy, tumingin lang si Mama sa akin at natawa na lang na nagsabi na, "Eku byasang pakanyan." (Jack-en-poy) [Hindi ko marunong ng ganyan.] Ang ending, kinailangan pa akong isama sa larong “maiba taya.”
Sa huli, naunang tumira si Mama at nialampaso si Tatay (na hindi pala marunong ng sungka, na ang depensa ng matalo ni Mama ay dinaya siya nito).
5. Iba ang turing ni Mama kay Lilian, the Baguio Cactus.
Kasabay ng pagbili ko kay Carlos, the sungka, binili ko rin si Lilian, the Baguio cactus. Nagandahan lang kami ni Otu (friend) sa mga cactus kaya bumili kami ng tig-iisa. Dagli namang inilagay si Lilian sa center table ng bahay. Kaya lang, medyo OA si Mama sa pagtrato kay Lilian.
Isang umaga, bagong gising ako, napansin kong medyo “tumatamlay” na si Lilian. Nabanggit ko kay Mama ang aking obserbasyon. Ang sabi lang ni Mama, “Wisik-wisikan meng pakanyan, neh kaburi.” [Wisik-wisikan mo ganyan, gusto niya 'yan.] Title si Mama. Panalo.com Parang tao lang talaga si Lilian kung ituring. FYI po: normal po si Mama, tamang trip lang madalas.
6. Minsang nanonood ng TV at nakita si Ariel Rivera:
Mama: “Nanu ne kasi lagyu potang crush de reng kolehiyo?” (sic) [Ano na kasi ang pangalan kapag crush siya ng mga kolehiyo?]
Me: “Ma, kolehiyala.“
Mama: “Wapen, nanu ping awus?” [Oo nga, ano ngang tawag?]
Me: “Crush ng bayan?“
Mama: “Ali eh.” [Hindi eh.]
Me: *Make face lang.*
Mama: “Kilabot da reng kolehiyo.” [Kilabot ng mga kolehiyo.]
Me: “Ma, kolehiyala.“
Mama: “Kanita i Ariel..” [Noon si Ariel..] blah blah blah blah…
<end of conversation>
Nakakawindang si Mama. Pinrobelema talaga si Ariel Rivera.
7. Ito ang favorite ko. Matapos makita si Ariel Rivera, pagkatapos lang ng ilang minuto ay pinakita naman ang doctor slash singer na si Nonoy Zuniga. (Para sa mga fans ni Nonoy Zuniga, heto po ang kanyang nakakatuwang website: http://www.nonoyzuniga.com/ lolz)
Mama: “Ay, i pile ba ‘yan?” [Ay, si pilay ba 'yan?]
Me: *tawa lang ng tawa*
Mama: Ot mayli ka? [Bakit ka tumatawa?] *medyo natatawa*
Me: *tawa lang ng tawa at naluluha na talaga*
Mama: “Doctor ya pa ba?” [Doctor pa ba siya?] Ot mayli ka? [Bakit ka tumatawa?] *natatawa na rin”

Maliban sa walang pakungdangan kung maka-comment si Mama, gusto pa yata talaga ni Mama na mawalan ng lisensya itong si Mr. Zuniga sa kanyang pagiging doctor. May ideya na ako ngayon kung bakit “mabait” ako sa ibang tao.
Hintayin ang 3rd reading ng the Gospel According to Adelaida.
Sa ano mang fanmail para sa aking Mama, hindi pa rin po siya marunong mag-internet, kaya sa akin niyo na lang sabihin. ![]()
eksenadora talaga si mudang! hahaha
oo nga! she’s so fun. say hi to her for me. (tapos biglang magha-hi na parang magkatabi lang tayo. hahahha)
syempre.. na kina “lowla” siya.. she’ll be back by saturday, so mga sunday may bago na ako blog entry for “its mother time!” lolz thanks, van..
[...] na kung hindi man madalas mag-bra si Regine (gaya ng madalas mapansin ni Mama tuwing nakikita niya ito TV) ay wala na tayong pakialam dun. Tandaan na kung nagpatangos man ng [...]
naalala ko tuloy ang pamosong linya ni mudang…first time ata namin magstay sa house nyo….
rai:may hitsura ba yung gf ni ?
mudang:syempre naman!pusa nga may hitsura…sya pa kaya?
*swear!!! gusto ko talagang lumuhod ke mudang that time at sabitan sya ng sampaguita…….now i know…..may pinagmanahan ka nga mare!@hugz@
nagmana ako kay tatay, puro sigaw lang ng sigaw at nakakatakot. salamat sa pagdaan, umay..