
On Everything…Pwera sa Sun
Abril 24, 2008ON FOOD & BEVERAGES…
Tandaan na ang pagkain ng matatabang pagkain imbes na mga gulay (gaya ng okra, na kadiri, na dapat pina-flush sa toilet dahil talagang kadiri) ay isa sa mga magagandang napauso ng mga taong hindi health conscious at (malamang) ay hindi naniniwala sa afterlife (gaya ko). ‘Wag pansinin ang urban legend ng pagkakaroon ng highblood pressure at sakit sa puso kung kakain ng matatabang pagkain gaya ng sisig at crispy pata. Tandaan na ang tunay na sisig ay walang itlog sa ibabaw. At tigilan niyo na rin ako sa kakatanong kung ano ang nangyari sa likod ng pagkamatay/pagpatay sa tinaguriang “Sisig Queen” na si Aling Lucing, hindi ko alam; hindi kami close. Kapampangan lang ako; hindi ako malapit na kaanak/suspek.
ON YOSI & BISYO…
Tandaan na hindi niyo na kailangang pangaralan ang mga nagyoyosi at mga mabisyo na masama sa katawan nila ang kung anu mang bisyo nila. Tandaan na ang mga taong nagbibisyo ay hindi naman ganun kamangmang at fully aware (ingles, astig!) sa mga kakaharaping suliranin sa pagbibisyo. Kung nasa pampublikong lugar ka at hindi ka nagyoyosi at may nagyoyosi sa tabi mo, tandaan na wala kang karapatang paalisin ang taong nagyoyosi. Ang pinakamabuting gawin ay lumayo sa taong nagyoyosi kaysa sa mag-inarte.
ON EMPLOYMENT…
Tandaan na kung cool man ang walang trabaho at tambay ka lang sa bahay (dahil malamang ay nakakapanood ka ng kakatwang TV series na Daisy Siete), hindi rin ito pwedeng ipagmalaki lalo na kung graduate ka. Sabi nga sa isang linya ng isang pelikulang hindi ko na maalala ang title at kung sino ang nagsabi (syempre), “There is nothing noble about being poor.” ‘Wag idahilan ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas, gasgas na ‘yun, ano ba alam mo sa Pilipinas? Ang pamosong “call center job” naman ay isa mga trabahong kailangang pag-isipan ng maigi bago pasukan. Tandaan na mababa man ang tingin sa trabahong ito at – ayon man sa mga iilang kaibigan ko – nakaka-umay man ito, hmmmm, marami namang pera. ‘Yun ‘yun eh. Lolz
ON AMERICAN IDOL…
Ang mag-away-away patungkol kung sino ang mas magaling sa American Idol Season 7 ay isang malaking kagaguhan. Tandaan na kung hindi ka naman Amerikano o American Citizen o may kakayang makisali sa botohan, wala kang karapatang mag-emote. Ma-entertain na lang, okay? Ganun lang kasimple ‘yun.
ON MERIENDA…
Tandaan na ang kalahating kilong manok o baboy ay hindi midnight snack; ‘wag ako gayahin. Hindi rin maituturing na merienda ang dalawang instant pancit canton, dalawang hotdog, dalawang itlog, at tatlong hiwa ng pre-cooked ham; again, ‘wag ako gayahin. At hindi rin merienda ang isang serving plate ng spaghetti at tatlong tuna sandwich; again and again, ‘wag ako gayahin. At tatlong set ng itinuturing kong merienda ay isang halimbawa ng walang-habas na katakawan lamang. (Tapos nagagalit ako kapag sinasabihan na majubis [mataba] na ako, kamusta naman ‘yun?)
ON POVERTY & CELLPHONES…
Tandaan na pagkakaroon ng mamahaling cellphone ay hindi direktang maituturing na status symbol ng pagiging mayaman o may kaya sa buhay. Sabi nga ng cliché na comment, “Maganda nga cellphone mo, wala namang load.” Tandaan na mas sosyal ang mga pagkakataong walang load ang kaibigan mo at tatanungin ka ng, “Friend, pahiram naman ng cellphone, may i-mi-misscall lang ako,” at tapos iaabot mo lang ang cellphone mo ng may konting yabang dahil may maraming load.
ON CHILDREN…
Tandaan na hindi dapat sinasama ang mga bata sa mall. Ano ang gagawin nila sa mall, ang tanong. Tama na ang naibento ang mga amusement parks at lobo (not the boring TV show; balloons, ‘yung lumipad sa langit) sa kanila. Hindi rin dapat pinagsusuot ang mga batang babae ng mga tipong spaghetti strap blouses at mga sapatos na may takong; nakakailang lang kaya. Ang mga bata ay dapat manatiling cute, inosente, madumi kumain, at adorable (kapag malayo). Hanggat maari ay hindi dapat nilalapitan ang mga bata.
ON WAITSTAFF & RESTAURANTS…
Tandaan na ang mga kung tawaging mga “waiter” at “waitress” ay mas mainam na tawaging “waitstaff,” parang sosyal ka pa pakinggan at magmumukha kapang “gender sensitive.” Lolz Habang-buhay ay pwedeng magpakuha ng kung anu-ano, i.e. tubig, tissue, condiments, tuwing nasa kainan. Ang pagbibigay ng “tip” ay depende kung gaano kabait at kaasikaso ang waitstaff.
ON BENDED KNEES…
Tandaan na kahit ayon sa popular opinyon ay karamihan ng mga nursing students at mga nurses na lalaki ay mga bading, kailangan mo rin namang isipin na baka malambot lang talaga sila. Lolz Ang isyu ng kung sino ang top at sino ang bottom sa mga bading ay dapat na ring tigilan, mga echusero! Sa ganitong paksa, hindi mo na kailangang itanong kung sino top o bottom; ang importante, bading din ang kausap mo. Ang pagbansag sa sarili na “bi” ay isang magandang palusot sa pagsasabing, “Medyo nahihiya pa kasi ako ever.”
ON MOVIES or MOVIE…
Ang mga taong pinangangalandakang ang paboritong pelikula ay ang “My Big Love,” na kinatatampukan ng overrated na mga astistang sina Sam Milby at Toni Gonzaga, ay dapat pinahuhuli sa mga barangay tanod at sinasama sa mga nahuhuli sa barangay curfew.
ON EAT BULAGA & WOWOWEE…
Ang mga taong nanonood ng Eat Bulaga ay almost always idolo si Joey de Leon (hindi naman nakapagtataka ‘yun.) Ang mga nanonood naman ng Wowowee ay may “lahing mahirap” at nais sadistahin ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng kahirapan-on-air; isama mo pa diyan ang mga umiiyak na mga batang kalye dahil sa kahirapan ng buhay (matapos mag-rap), mga umiiyak na buntis dahil, again, sa kahirapan ng buhay (pagkatapos bumirit ng “Forever’s Not Enough” ni Sarah Geronimo), at mga lolang umiiyak (pagkatapos magsayaw ng malaswang sayaw) dahil, again (nakakasawa man), sa kahirapan ng buhay.
ON GMA & ABS-CBN…
Tigilan niyo ‘yan, ang pangit tingnan.
ON SUMMER…
Mainit! Tigilan na rin.
ON POLITICS…
Tandaan na kung nakita mong sinabi ng isang politiko sa TV ang kanyang opinyon patungkol sa ‘di umano’y krisis sa bigas, wala kang karapatang i-discuss ito sa ibang tao at kunwari ganun ka talaga mag-isip. Tandaan na hindi naman nakakahiya kung ngayon mo lang nalaman na wala palang prime minister ang Pilipinas. Ang pagpapanggap na matalino ay mas nakakahiya kaysa sa maging mangmang. Tandaan na malimit mang sabihan na baliw si Sen. Miriam Santiago, ito rin naman ang paulit-ulit na isyu sa kanya, kaya tigilan na, nakakaumay. At oo, korap na kung korap si Gloria at sampu ng mga alipores niya, PERO give it a rest, utang na loob. Ang pagproblema sa mga bagay na sa totoo lang ay wala ka namang pakialam ay malaking kabaliwan. Hindi ka binabayaran para bantayan ang mga nanunungkulan sa gobyerno; feeling ko nga hindi ka naman nagbabayad ng buwis. Lolz
ON FAMILY & RELATIVES…
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sinasabi ang tunay na natatanggap mong sweldo sa pamilya at mga kaanak. Tandaan na ang mga magulang, kapatid, pamangkin, lola at lolo, tita at tito, mga ampon at palamunin sa bahay, asawa (kung straight ka), partner (kung ginagastusan mo siya), ay may kakayahang abusuhin ang iyong “ingat yaman.” Tandaan na ang masusing pagpapaliwanag na hanggang <insert amount here> lang ang kaya mong ibigay buwan-buwan ay isang maituturing na dimplomatikong paraan ng pagsasabing, “Magtrabaho ka kaya, PG!” [Patay-gutom].
ON GIMIK…
Tandaan na kung gigimik ka – tipong inom-inom, sayaw-sayaw, kanta-kanta o inom-sayaw-kanta – siguraduhing may pera ka, lalo na kung may kasama ka na hindi mo naman ka-close. Tandaan na mukha kang mahirap kapag hindi ka rin umo-order. Kung barkada naman ang kasama, siguraduhing “keri” lang sa kanila ang gumastos. Hindi nakakahiya ang magbayad lang ng kung ano ang in-order. Hindi rin nakakahiya ang humiram ng pera, kung may hihiraman naman.
ON THE WINGS OF LOVE…
Tandaan na kung hindi man madalas mag-bra si Regine (gaya ng madalas mapansin ni Mama tuwing nakikita niya ito TV) ay wala na tayong pakialam dun. Tandaan na kung nagpatangos man ng ilong, nagparetoke ng mata, o nagpa-lipo si Regine ay hindi na rin natin problema. Ang kailangang problemahin (at ‘yan ay napatunayan ko sa mga nakaraang tsismis tungkol sa kanya) ay kung lilipat ba talaga siya ng ABS-CBN at kung nabuntis na ba talaga siya ni Ogie. Lolz
bwahahahahahahahaha….
hai ryan david. agree-agree!(tumatango bana-ish)
sana nilagay mo na rin middle name ko, ed..hehee geeeeezzzzz.. lashing ako..
i agree dun sa on the wings of love. sa iba di masyado. chiz!
wow! idol na kita! ang galing mo sumulat! aabangan ko mga blogs mo. kung ok sa yo- i-link kita sa blogspot ko.
GOOD JOB!
naku, salamat.. sige nga at i-link mo lang, para naman may nagbabasa nito (o kahit nadadaan lang), hindi na lang puro mga kaibigan [no offense, dabarkadz]..
salamat sa pagdaan.. nakakataba ng puso (figuratively speaking, syempre) na parang natuwa ka..
salamat ng marami, Edik..
ganda naman ng mga massage mo. galing mo talaga.
gud luck sa iyo.
You’re a gift from God
di ko napupuna na walang bra si regine
well, ang nanay ko, napupuna niya, sa kanya ka magpaliwanag.hahaha