
How to Hugas Your Paa?
Mayo 16, 2008adali lang ang maghugas ng paa. (Mas madali ang magsulat ng walang kwentang entry gaya nito, promise.) Sa dalawang nabanggit na sitwasyon, ang kailangan mo lang ay idala ka sa bahay ng lola mo at tipong wala ka talagang magawa kaya nagsusulat ka na lang ng kahit ano.
Mga kailangan para maghugas ng paa:
a. Kadiring beach
It is defined [wow, ingles] as a beach na sobrang walang kwenta; wala kang magawa kung hindi ang mag-nap (idlip, meaning 30 minutes hanggang mga tipong anim na oras), kumain ng matatabang pagkain, o gaya na lang ng ginawa namin ni Otu (friend/officemate), sa pagkakataon na iyon, naghugas na lang kami ng paa.
b. Digital camera [Thank you, Ruth, the digicam (o cam-phone na hindi basag ang resolution)]
c. Bored o Super inip ka dapat.
Apat na bahagi ng paghuhugas ng paa:
1. Magsuot ng crocs sandals (na nabili ni Otu sa e-bay) o ‘di kaya ay Havaianas (na ‘dinekwat ko sa kapatid ko dahil hindi naman talaga ako mahilig sa ganyang suot-pang-paa [‘yun’yun eh]). Tumayo at ipwesto ang mga ito (syempre kasama ang mga paa) sa shore (Ano nga ulit tagalog dun? “Shore” ba? Eh ano ‘yung “dalampasigan”?)
2. Hintayin ang alon na daanan ang inyong mga pamosong suot-pang-paa (Aba, at inulit pa?).
3. Hintaying bumalik ang tubig-alat sa dagat at mamangha sa nabasang mga (again) suot-pang-paa. lolz
4. Ipagpatuloy ang kainipan sa buhay at pag-isipan kung kailangan niyo na ang mag-cross-stitch bilang libangan.
ang cute aman…