h1

Paano Lumipad? Season 2

Mayo 16, 2008

Dahil sa matagumpay na paglipad namin ni Otu (friend) habang inip kaming naghihintay na magbayad ang isang kliyente (na nai-blog ko na rin sa blog entry pinamagatang, “Paano Lumipad?”), naisipan naming ulitin ito sa napakainit at nakakadiring tubig-alat (read: ‘di ko hilig ang mag-beach) ng Bataan.

Madali lang ang lumipad, gaya ng dati na naming napatunayan. Ang nais naman naming patunayan ngayon ay kung gaano naman kadali ang lumipad sa dalampasigan ng, again, nakakadiring tubig-alat ng Bataan.

Magpanggap na parang sasali sa “Game K N B” at magkunwaring nagsu-swipe sa sensor.


Magpanggap na parang may polio at hindi pantay ang paa, at dahil sa awa ng Diyos (kung meron man), aangat ka sa lupa bilang pakunswelo, promise.


Gamit ang isang higante (yes, giant po, bakit ba? Kanya-kanyang trip ‘yan), magpawak sa magbilang kamay. Sigurading hindi lilitaw ‘yung giant para kunwari lumilipad ka.


Magpabuhat sa mga hipon at malilit na talangka (crablets ba tawag dun?) para magmukhang naka-angat.


Matakot sa malalakas na crablets na nakabuhat sa akin at “magpatapon” pataas-patagilid.


Hintaying itulak ka ng “see breeze” paitaas.


Mag-“beat box” at bigla ka na lang aangat (mawawala pa bigla ang beat box. Amazing.)


Sumabit sa dyip at magpaiwan na lang bigla.


Magpugot ng ulo, lilipad ka, syempre naman. You went that far, tapos hindi ka pa lilipad, kamusta naman ‘yun?


Mag-amputate ng magkabilang paa. At least, hindi ka na mag-eefort i-edit ang picture, lumilipad ka pa.

6 mga puna

  1. May ibang part na kadiri ang beach pero mostly naman maganda dyan sa amin… sa Bataan, i mean.
    Di mo na kelangan ng beach kasi bitchy ka. Lalo na sa mga echozera. I lurve the sumabit and magpaiwan sa jeep thingie, pat yung pugot ulo ni Otu. hehehe


  2. nagagalit ka lang dahil taga-bataan ka! hahahaha eh anong magagawa ko, ayaw ko talaga ng beach (kasi bitchy na nga naman ako). hahahahahaha

    bored ka na naman, hayuf, nakakapagbasa ka na naman ng blog ko. salamat, bading. *hugs* kita-kits next week.. :)

    ano nga pala tawag sa mga bataan? Bataenyo? hahahaha ano nga, di ko talaga alam.


  3. tinalo mo pa si david blaine sa paglipad mo… taas ng elevation.

    hehehehe


  4. yes, sa mga pictures, parang mataas ako tumalon, kung bakit, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon. weird. weird. weird. Salamat sa pagdaan sa blog site ko. :)


  5. terribly funny! your blog is the answer to my question- What’s With Jumps Shots?

    http://edikdolotina.blogspot.com/2008/04/what-with-jump-shots.html


  6. ehehehehe salamat ulit sa pagdaan.. at sa pagli-link sa iyong nakakatuwa ding blogsite.. (hindi nga lang ako marunong maglagay ng comment, mangmang lang, pacencia na).. :)



Mag-iwan ng Puna