
PINOCCHIO (Kahoy ka na, echusero ka pa)
Mayo 16, 2008
Kwento ito ng Batang Kahoy na binuo ni Geppetto, isang matandang karpintero (na hindi po ang tatay ni Jesus. Si Joseph po iyon). Pero sa pelikula, woodcarver ang tawag kay Geppetto para kunwari sosyal.
Ganito ang kwento.
Mahimalang bubuhayin ni Blue Fairy (na ang taray ng pangalan, pinag-isipan talaga. Fairy siya, kulay blue; bwala! Blue Fairy ang name!) itong si Pinocchio (na ang hirap i-type ng pangalan). So, binuhay ang Batang Kahoy. Ituturing siyang anak ni Woodcarver at sasaya sila nang panandalian.
At dahil medyo mataas ang ambisyon nitong si Batang Kahoy na maging “tunay na bata,” gagawin niya ang lahat para maabot iyon.
Gamit ang “google search,” malalaman ni Batang Kahoy na ang para maging tunay na bata siya ay kailangan niya ang tatlong sangkap ng pagiging bata (ayon na rin sa sarili kong interpretasyon).
Tatlong Sangkap Upang Maging Tunay na Bata
1. Dapat ay “brave” – i.e., kagalingangang mag-“may-i-go-out” sa klase.
2. Dapat ay “truthful” – i.e., kagalingangang isumbong ang mga nagnakaw ng tocino ni madam.
3. Dapat ay “unselfish” – i.e., kagalingangang makapagbigay ng mga tamang kasagutan sa iyong katabi sa isang pagsususulit.
(Goodluck sa mga gusto maging tunay na bata.)
Ang mangyayari ay magrerebelde pa itong hinayupak na Batang Kahoy. Makikibarkada ito sa mga “masasamang loob.” At dahil medyo “attached” na itong si Woodcarver sa kanyang batang kahoy (kasi nga naman nabuhay talaga si Batang Kahoy, na hindi naman madalas mangyari) eh hahanapin ni Woodcarver si Batang Kahoy. Lulunukin ng adik na balyena si Woodcarver. Hahanapin ni Batang Kahoy si Woodcarver. Lumilitaw na naghanapan ang dalawa at magkikita silang “mag-ama.”
Mag-pa-pot-session ang mag-ama para ma-adik ang balyena at “humatsing.”
Makakawala ang mag-ama. Bored and Blue Fairy sa kanyang pangalan at maiisipan na lang na pagtripan si Batang Kahoy at gagawin na lang itong “tunay na bata.”
Matapos ang 10 taon, maiisip ni Woodcarver na mahal para magpa-aral ng nursing at sana nagpatuloy na lang siya sa pag-wu-woodcarve imbes na mag-ampon ng batang kahoy na naging tunay na bata. Sa kasalukuyan, ang dating Batang Kahoy ay nahihilig sa iPod Touch at paglalaro ng network games. Si Woodcarver naman ay hindi pala nagbayad ng kanyang SSS, kaya pagretiro nito sa pagwu-woodcarve, hindi ito tatanggap ng pensyon. Mamamatay ang matanda sa isang salubsob habang ginagawa ang wooden i-Pod casing para kay Pinocchio.
parang “alamat ng gubat” lang ang dating!!! hahahahaha!!!
AMAZING RAI!!! Gud Jab!!! Bwahahahahahaha….
hindi ako si bob ong, pwede! che! hahahahaha (mag-inarti pa) hahahaha in fairness po sa akin..
thanks, anne.. isa ka sa iilan na nagbabasa ng blog ko. lolz pleeeeeeeeeeeeaaaazzzzzeeeeee basahin niyo (nagmakaawa pala eh) hahahaha