Archive for Mayo 19th, 2008

h1

Pet Lover?

Mayo 19, 2008

Pet Lover, come rescue me

Take me up, take me down

Take me anywhere you want to, baby, now

I need you so desperately

Wont you, please, come around

‘Cause I wanna share forever with you, baby.

- Mariah Carey

***

Kagabi lang ay pinagtatalunan namin ng mga kaibigan ko ang konsepto ng pagkakahilig sa mga alagang hayop. Ako (na madalas malaki ang acting) ay pilit pinaglalaban ang kagandahan ng pag-aalaga at pagmamahal sa mga hayop. Kaya lang may napagmuni-muni ako ngayon-ngayon lang: wala pala akong alagang hayop ngayon, so parang halos hindi ako pet lover. Pero hindi naman ibig sabihin na wala kang pet ay hindi ka na pet lover. KAYA LANG, sa mga nakalipas na araw, napansin ko sa mga naipon kong letrato [Salamat, Ruth, the digicam] na malamang ay:

1. Adik lang talaga akong mag-picture-picture kahit saan.

2. Baka matakaw lang talaga ako.

3. Hindi talaga ako pet lover.

***

1. Tamad na Askal
Kinuhanan ko ang letrato ng askal na ito noong una (at sana huling) pagkakataon kong pumunta sa dalampasigan ng nakakadiring Bataan.

<pause>

Paulit-ulit man po, nakukulitan man kayo, hindi po talaga ako mahilig sa tubig-alat.

<resume>

Akala ko naman maganda ‘yung aso, kasi ang ganda nito tingnan sa malayo. Noong makalapit ako dito, nagpapayong pala ito dahil sumasakit ang kanyang mga “nagbibinatang” galis. Ewwwwww..

2. Kalabaw-ses

Kinunan ko naman ito sa tabi mismo ng City Hospital ng aming lungsod. Naalala ko talaga ito kasi ito ‘yung araw na kinailangan kong pasyalan ang aking tatlong ka-opisina dahil (nakakahiya mang isulat, pero isususlat ko rin kasi natatawa talaga ako) na-food-poisoning ang mga ito sa nakaing panis na corned beef.

Ang mga kalabaw-ses ay masayang lumipat talaga ng daan at pumunta sa nakikita niyong bakanteng lote malapit sa ospital.

Nakunan naman ito noong isama ako ni Boss sa isang liblib na lugar na kung saan may fiesta. Napakaliblib ng lugar na ito na may kalabaw talagang “naka-park” sa likod-bahay. Masarap naman ‘yung handa nung aming client. Sana nakuhanan ko rin ‘yung mga sugpo na kinain ko. Pwede pa lang lumaki ng ganun kalaki ang mga sugpo, tipong puno ‘yung plato pagkalagay mo ng isang pirasong sugpo (naka-walo yata ako o sampu). [Baka naman lobsters 'yan, rai? Baka naman tanga ka lang?] Hindi eh. Sugpo talaga, promise.

3. Horsie

Katabi ng supladong kalabaw ay ang “naka-park” ding kabayo na may karwahe (o para sosyal, chariot, na nataon namang title ng isa sa mga paborito kong kanta na inawit ni Gavin DeGraw). Hindi ko alam kung ito ang sinakyan ng isa mga bisita ng aming kliyente, pero noong mga oras na iyon, hindi talaga ko tumigil ng kaka-joke kay Boss na gusto kong sakyan ‘yung kabayo na may karwahe pauwi. Magkatabi pala ang kalabaw at ang kabayo na parang nagliligawan. Weird. Weird. Weird.

4. Lechong Baboy

Nasa handaan pa rin sa isang liblib na lugar, naglakas ako ng loob ng lapitan ang lugar kung saan walang-awang tinatadtad ‘yung malutong na lechong baboy. Hindi naman sa naawa ako, promise, kasi nakita ko talaga na talagang mukhang malutong ‘yung balat ng lechon. Alam ko maraming magagalit na mga health-conscious sa akin, pero pakialam niyo ba, ‘di mag-salad kayo at magprotesta habang-buhay. Kung makikita, halos paubos na ang pagtadtad sa lechon. Isang nakakatuwang madalas mangyari sa mga handaan kapag may lechon ay pinagdadamot ng mga nagse-serve ng pagkain ang balat ng lechon. Tipong kulang na lang itago ito. Hindi naman ito nangyari sa kaso namin ni Boss at ng iilang ka-opisina dahil, syempre, super bisita kami. Gets mo na ‘yun, wala ako sa mood magyabang eh. [Salamat sa libreng pakain, Daddy Art. Kung sa inyo 'yung kalabaw na "naka-park" sa likod-bahay niyo, akin na lang, please? :( Aalagaan ko siya ng mabuti, promise. Paiinumin ko siya ng gatas ng kalabaw, healthy daw 'yun eh. lolz]

5. Local-resto Steak (Technically, cow)

Alam ko, alam ko, ‘wag ka na mangutya. Alam kong hindi kagandahan ang kuha ng letrato na ito. Alam ko hindi mukhang masarap sa kuhang ‘yan, pero, sa totoo lang, isa ‘yan sa pwedeng ipagmalaki ng aming lungsod. Hindi naman ako food critic (halata naman) pero magpasalamat ka na at gusto ko kumukain ng medyo pormal sa isang restaurant. Ang resturant kung saan hinahain ang steak na ito ay isa sa mga paborito naming tinatambayan ng aking mga kaibigan dahil hindi masyadong matao. Napansin mo bang hindi ko sinabi ang pangalan ng restaurant? Ayaw ko ngang sabihin, eh ‘di dadami tao? Duhhhhhhhh.. Tambayan nga namin, ‘di ba?

6. Isaw (Technically, manok)

Kagabi lang ay nalaman kong ito ang gustong kainin ng aking Ex sa kanyang kaarawan. [Again, happy birthday today, malayang hugis]. Sa mga sosyalera at/o mangmang, ang isaw po ay basically (wow, ingles, burger, burger, burger) bituka ng manok.

Ang technique sa pagkain ng isaw ay ‘wag mo isipin kung anu talaga ito. Isipin mo na lang na isa itong malutong na worm-jelly candy (na sa letrato ay hatalang medyo nasunog). [Or is it jelly-worm candy? Anu ba tawag dun?] Tandaan na kapag ang isaw ay binebenta ng higit sa limang piso isa, nede-denggoy ka ni Aleng Magba-barbeque. Mura lang po iyan. Sa harap ng subdivision namin ay tinitinda pa itong dalawang piso isa lang. Enjoy…..lolz

7. Ate Shawarmi (Technically, baka or manok)

Kinunan naman ito sa tapat ng isang supermarket. Kagagaling lang namin noon ni Otu (friend) na mamili ng kung anu-anong abubot. Alam ko hindi lahat gusto ng shawarma. May mga nagsasabi pa nga na ayaw nila mag-amoy Arabo, at sa tingin ko napa-rude na comment ‘yun. ‘Di ‘wag ka kumain ng shawarma; nag-iinarte pa eh. Sa halagang 60 pesos, isa ito sa mga pinakamasarap na shawarma sa aming lungsod. Kung gusto mo malaman kung saan mabibili ito, leave a number, te-text ko kung saan ‘yan, promise. lolz

8. Mamahaling Lobster

Tuwing magkakaroon kami ng executive meeting kasama ang mga clients at si Boss (meaning, minsan o dalawang beses sa isang linggo), lagi kami kumakain sa isang high-end chinese restaurant. Bago ka makaabot sa function room ng restaurant kung saan gaganapin ang nakakabusog na meeting, madadaanan mo na masayang lumalangoy sa napalaking aquarium ang dalawang napakalaki rin naman at “mukha talagang mamahalin” na lobster. Hindi ko alam kung binebenta talaga ito o tipong ginagawang arowana na parang lucky charm (or something); pero noong minsang matanong ko sa isang waitstaff kung magkano ang mga pamosong lobster (kung bibilhin), sabihin na lang nating ang presyo nito ay katumbas ng isang overrated at napakalaking Nokia N-Series unit.

***

At diyan po nagtatapos ang aking paglilista para sa araw/oras na ito. :) Ika nga ng paulit-ulit at nakakatawang forwarded text message, “Have a hearty meal po. _(” ,)”

h1

Good News, Bad News

Mayo 19, 2008

Hmmm.. hindi po ito ‘yung segment sa Unang Hirit kung saan may kausap na puppet (Arn-Arn) si Arnold Clavio at pinipilit nilang magpatawa.

Ito lang po ang mga nangyari sa nakalipas na 24 oras.


***

GOOD NEWS

Hindi gaya noong nakaraang buwan (na dumoble ang bill sa kuryente), medyo “malumanay” lang ang babayaran ko sa buwan na ito.

BAD NEWS

Dahil sa pabiro kong sinasabi sa mga magulang ko na magtipid ng kuryente [at nagbibiro naman talaga ako, in fairness naman sa akin], kagabi nakita ko si Mama na nagtutupi ng mga bagong-labang damit sa sala…na nakapatay ang ilaw, kamusta naman ‘yun?

***

GOOD NEWS

HIndi ako nag-uwi ng trabaho today. Balak ko lang na magpetiks ba bahay, mahiga sa sofa, at hintayin ang mga napaka-late na mga episode ng Chelsea Lately.

BAD NEWS

Pag-uwi ko walang tao, wala pang dinner. So, nagluto ako. Nag-push-ups ng iilan para pagpawisan, nanoood ng nakakatuwa rin naman palang pelikulang “I Will Survive.” [Thank you, Cinema One] Ang siste, nawili ako masyado sa pelikula kaya ang aking nilulutong chicken & pork adobo ay nasunog at dumikit sa kawali, para tuloy tira-tira sa karinderia ang kinakain ko kanina.  Wala ring episode ng Chelsea Lately tonight dahil apparently mas imporante sa Jack TV ang WWE, na nagpapakita ng mga pagkatanda-tandang wrestlers.  Kadiri!

***

GOOD NEWS

So, single ako. Masaya kahit paano. Yehey! *Sabog confetti*

BAD NEWS

Bertdey ni Ex # 1 at hindi siya nanlibre ng pagkain. [Happy Birthday, Malayang Hugis] May problema si Ex # 3 (na boyfriend ngayon ni Ex # 2). Nagtetext si Ex #3 sa akin na ayaw na niya kay Ex #2 (na current boytfriend niya). Dahil may opinyon ako, madaldal, at walang-habas kung mag-comment, akala ngayon ni Ex #2 na sinisiraan ko siya kay Ex #3. Utang na loob! Magkaayos na nga kayo, Ex #3 & Ex #2, para wala na lang problema. Ang lalaki [big, not male] niyo na.

***

GOOD NEWS

Nakaka-post na ako ulit ng blog entries dahil may oras na ako para magsulat.

BAD NEWS

Wala naman nagbabasa. Ngek!