
The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida
Mayo 25, 2008
Isa siguro sa mga may makukulay na personalidad na kilala ko (na iilan lang naman talaga) ay si Mama [Nanay kong astigin]. Madalas ay napag-uusapan namin siya ng aking mga kaibigan, na nagbunsod na rin kaya may category talaga siya sa blog site ko (It’s Mother Time). Lahat ng opinyon ni Mama, kaabang-abang, mula sa comments niya sa telenobela hanggang sa mga gagawin niya sa mga partikular na sitwasyon. Ang maganda nito eh, hindi niya alam na sinusulat ko ang mga opinyon at mga ginagawa niya.
Pero may hinala siya, lalo na kapag hawak ko na si Ruth (the digicam) at kinukunan ko siya ng letrato. Madalas niyang sabihin, “Isulat mu ne naman keng column mu kanyan ‘yan eh.” (Isusulat mo na naman sa column mo ‘yan nyan eh.” Akala ni Mama ay sinusulat ko siya sa aking column sa isang newsletter (pinamagatang “Maiba lang“). Ang hindi niya alam, sa blog site ko talaga nilalagay ang mga nakakatawang comments niya. Mabanggit lang: Madalas ko kasi siyang gawing subject noon ng mga sinusulat kong maikling kwento sa college paper. Na-trauma yata. lolz
Ilan sa mga naisulat ko na patungkol kay Mama (o ‘yung tipong extra lang siya) ay ang mga sumusunod:
- The Gospel According to Adelaida
- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida
***
On Marian & Angel…
Gustong-gusto ni Mama kay Marian Rivera. Maya’t maya ang pagkukumpara ni Mama kay Marian kay Angel Locsin.
Mama: “Kalagu na talagang Marian ne, Yan?” (Ang ganda talaga ni Marian noh, Yan?) [Yan, nickname ko sa bahay]
Me: “Uh-huh.” [Busy nag-te-text.]
Mama: “Wokarin ne pala i Angel Locsin ngeni?” (Nasaan na nga pala si Angel Locsin ngayon?)
Me: “Hmmmm.. eku balu.” (Hmmmmm.. hindi ko alam.) [Nag-te-text pa rin.]
Mama: “Bolang ‘ya neh?” (Sira-ulo siya noh?) [Meaning, Angel Locsin]
Me: “Bakit?“
Mama: “Lawen mu ngeni, sikat ya pa i Marian kaya. Meko ya pa kasi keng 7 ing bolang eh.” (Tingnan mo ngayon, sikat pa si Marian sa kanya. Umalis pa kasi sa 7 ang sira-ulo.)
Me: “Buren mu ne.” (Hayaan mo na.) [Wala na pakialam at nag-te-text at nakahilata sa sofa]
Mama: “Nananan ke wari?” (Inaano ko ba siya?) [Meaning, Angel Locsin]
Me: (Mama, kasasabi mo lang na sira-ulo si Angel Locsin.) (Wala na lang ako sinabi) [Tumawa na lang ako ng tumawa.]
***
On Balik-Bayan Boxes…
Matagal na ring nababanggit ni Mama na may parating na Balik-Bayan Box galing kay Tita sa U.S. Mga last year pa ay hinintay na ni Mama ‘yung “package.” Sa sobrang tagal bago dumating nung package eh nakuha pang mauna ng nagpadala (si TIta) na dumating noong February (at makauwi matapos ang buwan) bago dumating ang package. Dumating ang package noong mid-April.
Akala ko naman kung ano ang laman ng package. Gaya kasi ng madalas mangyari, kung anu-ano hinahabalin na ipadala. HIndi naman ako ‘yung tipong nababaliw sa chocolates, eh may mabibili naman dito sa Pinas. Tipong laptop o mga gadgets ang pinapabili ko. (Siguro naka-tatlong Palm pilot na ako, noong mga panahong hindi pa uso ang iPod, na nasisira ko rin naman sa kalaunan, kaya wala na lang akong hinabilin sa nabanggit kong package.) Na-curious lang talaga ako kung anu-ano ang hinabilin ni Mama.
Magbalik tanaw tayo sa mga hinabilin na ni Mama noon sa mga naunang package (na pinadala naman ni Tita, ‘di ko alam bakit.)
1. Kurtina
Kamusta naman ‘yun? Tapos hindi naman talaga sapat para punan buong bahay na puro bintana.
2. Manual Ice Crusher (Na nakita kong binebenta din naman sa Robinson’s Pioneer sa Boni sa halagang 200 pesos)
Para daw kapag nagtitinda siya [Mama] ng halo-halo. HIndi rin naman siya nakakapagtinda kasi ayaw ko. Madalas kong sabihin na kaya ako nagka-kayod-kabayo sa trabaho ay para hindi na siya magtrabaho at mahirapan. Sabi ko ibibigay ko na lang kung magkano tubo niya sa pagtitinda. Pinagiba ko na rin ‘yung tindahan sa harap ng bahay para makasiguradong hindi na siya magtitinda. Nasira din ang Manual Ice Crusher nung minsang hiramin ng kapit-bahay. Just imagine, kung paano inaway ni Mama ‘yung nakasira. Hehehe
3. Fatigue (Na favorite ibenta ni Mama dahil malakas daw kita sa ganun)
Sabi ni Mama, nabebenta ng 500 pesos ang isang terno ng fatigue. Hinanayaan ko na kasi hindi naman siya naglalako. Kinukuha sa kanya ang mga fatigue ng wholesale. Ang mga nabibili namang fatigue ay binebenta sa pamosong segunda-mano botique para sa mga military supplies sa pamosong Marina Arcade sa Dau, Mabalacat, Pampanga. Sikat din ang Marina Arcade sa pagbebenta ng seganda-mano ring mga bathtroom fixtures, i.e. toilet seats, bath tubs.
Wala naman pinagbago sa dumating na bagong package. Naroon pa rin ang mga fatigue, iilang kurtina at kumot. Wala nga lang manual ice crusher ngayon.
Ang mga bagong adisyon sa kolesksyon ni Mama ay ang mga sumusunod:
a. 12-piece set ng Wolfgang Puck Cafe Collection [meaning, mga mabibigat na kaldero at kawali, na masayang nakatago ngayon sa kusina ni Mama, at swerte ng kung magamit sa Pasko o baka itago na lang ni Mama habang-buhay.)
b. Mga multi-colored polo shirts, na hindi ko pa rin talaga alam sino magsusuot; mga pantalon na kakasya kay Fat Joe o kay Jimmy Santos.
"Ma, 'wag mo na tingnan ang tag-price, wala rin naman magsusuot."

c. Bilang finale, huli kong nakita ang mga ito na nakabalot sa isang kumot na kasama rin sa package.
Sandamakmak na "kampit" (kutsilyo). Tinanong ko talaga si Mama noon kung magtatayo ba kami ng slaughter house at napakarami ng mga kampit.
Pambihira. Tsk tsk.
***
On Lola & Future Memorial Service...
Hindi maiiwasan na sa pagkakasakit ni Lola (dahil matanda na talaga siya, promise) ay ni-re-ready na ni Mama ang kanyang sarili sa kung anu man mangyayari kay Lola. Kaya lang, sa pagtatapos ng American Idol Season 7 at sa pagpapalabas ng mga nakaraang episodes nito sa StarWorld, ay paulit-ulit na pinakita tuwing commercial na kumakanta si Jordin Sparks ng "You'll never walk alone."
Mama: "Yan, nanu ya title ing katang 'yan?" (Yan, ano title ng kantang 'yan?)
Me: "You'll never walk alone yata."
Mama: "Kagaling na ning migkanta neh?" (Ang galing ng kumanta noh?)
Me: "Uh-huh." [Nakahilata pa rin so sofa, nanonood ng tv, at nag-te-text]
Mama: “Buri ku keng mate ya i apu mu, kanta ke ‘yan.” (Gusto ko kapag namatay lola mo, kakantahin ko ‘yan?)
Me: “Wokarin?! Bakit?!” (Saan?! Bakit?!) [Tapos tawa lang ako tawa.]
Mama: “Ot mayli ka?” (Bakit ka tumataw?)
Me: “Wokarin me pin ikanta?” (Saan mo nga kakantahin?) [Tawa pa rin ng tawa.]
Mama: “Keng libing ng apu mu.” (Sa libing ng lola mo.)
Me: “Ot gawan mu naman ita?” (Bakit mo naman gagawin ‘yun?) [Masakit na tiyan kakatawa.]
Mama: “Syempre balamu gift ku kang apu mu ita; Itang feel na feel ku talagang magkanta.” (Syempre parang gift ko na sa lola mo ‘yun; yung feel na feel ko talaga ang pagkanta.)
Me: [Wala na nasabi, naluluha na sa sakit ng tiyan.]
Mama: “Loko, kalyan me i apu mu. Apu me saka me paglokwan.” [Loko, tinatawanan mo lola mo. Lola mo tapos niloloko mo.)
Me: "At aku pa talaga ing magloku kang apu neh?" (At ako pa talaga ing nagloloko kay lola ha?) [Nalaglag na sa sofa sa kakatawa]
[Tapos natawa na rin si Mama.]
***
Hanggang diyan na muna. Hintayin ang blog entry kung, the 4th Reading According to Gospel of Adelaida, “the pagnininang sa kasal experience.” ![]()
Loko Rai!!! mag adya nakang aslam! mapapa ka king pamagblog mu kang mamu! sabayan mu neng bangus ampong gule para mamaksi nakang todo king panga-papa mu!!!! hahahahahahahaha… i love the past na “aku pa talaga magloku kang apu neh?”
venn… wala lang.
aymishu… hehe
the mama chronicles… hahaha. makabalangingi ya mama mu ehe
Napadpad lang ako dito sa blog mo at hindi mo ako kilala… sinabi ko na agad para di na makunot ang noo mo kakaisip kung sino ako. Gusto ko lang sabihin na nakakaaliw ang blog mo. Wawa naman mama mo kasi ang dalas mong lokohin… pero ganyan din naman ginagawa ko sa nanay ko kaya sige lang. Ingat at pakabait ka
wag kang mag-alala, hindi naman ako nag-isip kung kilala kita.lol salamat sa pagdaan.