h1

Ay, may rainbow

Hunyo 1, 2008

Hindi kagandahan ang panahon sa mga nakaraang araw. Maganda na rin kasi kahit papaano hindi naman mainit. Hindi ko alam kung nakakita ka ng ng bahag-hari (rainbow) sa buong buhay mo, pero noong Biyernes nakakatawang dalawa pa ang bahag-hari na nakita namin ng mga kaibigan ko habang masaya kaming nagkukwnetuhan at kumakain sa Camalig, isang local pizza house sa Angeles City.

Hindi araw-araw ay nakakakita tayo ng mga bahag-hari. Hindi sa bawat panahon sumasaya tayo sa mga mumunting bagay na nakikita natin. Ang makasama ang mga kaibigan, ang makakain ng ibang pagkain maliban sa paulit-ulit na nilulutong caldereta at adobo, at ang makita ang mga kulay ng bahag-hari na parang nagpapahiwatig na minsan ka ring naging bata, ito ang mga bagay na nais ko rin namang makita at marasanan.

Madali ang maghanap ng mga problema sa buhay. Madali ang isiping nag-iisa ka. Pero kung ano mang drama mo sa buhay, ang importante, gaya ng isang bahag-hari, nagkakaroon ng iba’t ibang kulay ang buhay mo na kapag pinagsama ay napapaganda sa animo’y sa tingin mo’y miserable at walang katuturang takbo ng mga pangyayari. More rainbow, more fun. :)

2 mga puna

  1. uhm..rai? bakit? ng panyabyan mu?


  2. murit ka, pam..buren mu na..hehehehe



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.