
Dalawang Linggong Walang Diyos [kung meron man]
Hunyo 16, 2008Gusto ko sanang magsulat tungkol sa tumataas na presyo ng bigas, eh libre naman lagi ang bigas namin dahil may palayan si Lola (at parang syanong-syano ang dating ko sa pangungusap na iyon, nahiya ako ng konti.)
Gusto ko sanang magsulat tungkol sa trabaho, kaya lang ang gagawin ko lang ay magkwento kung paanong hindi matulog, ang mapagod ng sobra, ang gumastos ng sobra, at maramdamang wala kang kwenta (at maramdamang wala ka rin namang magagawa kahit mag-ngungu-nguyngoy kang parang bata, nakakatanda pa ang ganun.)
Gusto ko sanang magsulat ng tungkol sa mga patawa ni Mama, kaya lang ilang linggo na rin siyang nakatira kina Lola at inaalagaan si Lola na may sakit, at para mag-biyahe ako ng dalawang oras araw-araw para lang makipagkwentuhan ako at umasang makakalap ng mga patawa ni Mama, parang masyado naman akong bayani sa iilang mambabasa ng tumatamlay na blog site na ito.
Gusto ko sanang magsulat tungkol kay Tatay, na Father’s Day kahapon, kaya lang, hindi naman kami close at ang pinamahaba namin pag-uusap sa isang araw sa tinagal-tagal ng panahon ay, ” ‘Yan, nanung buri mung lutu keng babi?” ['Yan, anong gusto mo luto sa baboy?]
Gusto ko sanang magsulat tungkol kay Kuya, kaya lang, siguro, puro kawalan ng trabaho at maagang pag-aasawa lang ako ibabanat ko.
Gusto ko sanang magsulat tungkol sa mga napapanood ko sa TV, kaya lang puro si Chelsea Handler lang ng Chelsea Lately ang pwede ko ikwento. Madalas ay hindi pa siya kilala. Madalas kunwari kilala pa siya.
Gusto ko sanang magsulat tungkol sa mga sinusuot ko sa mga nakallipas na araw, kaya lang, puro green lang naman sinusuot ko, i.e. green na t-shirt, green na polo, green na pantalan, green na tsinelas, green na kung anu-ano.
Gusto ko sana magsulat tungkol sa aking parating na 25th white birthday party sa susunod na buwan, kaya lang sinesekreto ko pa talaga ang mga detalye [saka pili ang mga imbitado; baka may magalit pa, ayaw ko ng away, matanda na ako; ayaw ko ng gastos, hindi naman ako mayaman.]
Gusto ko sana ng ice cream ngayon, kaya lang kakakain ko lang, at para akong masusuka [vomit, not vinegar].
uy! anong nakakahiyang me palayan kayo?! Sana kami rin!
At kelan nga pala berdey mo?
nakakahiya kasi hindi naman sa amin, kay lola ‘yun eh.. mas rasyon lang kami ng bigas.. hehehe sa july 13 birthday ko. july 12-13 ang party, send mo mailing address mo, para ma-invite kita.heheheh (seryoso ako) sa friendster mo na lang send, send mo na rin cellphone number mo.
regalo ko ah?