
Alam mong nasa nayon ka na kapag…
Hunyo 18, 2008
Wala namang masama sa mga nayon. Wala rin namang masama kung tawagin kang probinsiyano, maliban na lang kung nag-uumpisa ng umusbong ang mga regional channels gaya ng ABS-CBN 46 at GMA 10 sa iyong probinsiya na parang sinasabing malayo talaga ang Pampanga at kailangang ihiwalay ang mga programming ng mga channels nito.
Hindi naman ako taga-nayon. ‘Yun naman ang lagi kong sasabihin; hindi naman sa kinakakahiya ko, pero hindi naman talaga nayon ang sa amin.
Narito ang 10 babala na nasa nayon ka na (na isa man sa mga nabanggit ay hindi inilalarawan ang aming tahimik [at walang kabuhay-buhay na subdivision])
1. Alam mong nasa nayon ka na kapag may nagbibilad ng kahit ano-ano sa daan; mais, palay, gulay, at kung anu-ano pang hindi napapanis o naglalaho kapag binilad sa araw.
2. Alam mong nasa nayon ka na kapag may mga 100 metro ang layo ng bawat bahay sa isa’t isa.
3. Alam mong nasa nayon ka na kapag may maraming nakasuot ng “camouflage” at/o “fatigue” kahit hindi naman talaga military/army/navy ang mga tao.
4. Alam mong nasa nayon ka na kapag kapag parang may parang tunog ng helicopter na maririnig sa malayo, para lang malaman mong tunog pala iyon ng “patubig” sa mga palayan.
5. Alam mong nasa nayon ka na kapag may palayan, maisan, gulayan, at kung anu-ano pang taniman.
6. Alam mong nasa nayon ka na kapag may mga masayang naliligong mga kalabaw, bibe [or is it bibi?], baka, at mga itik sa mga mababasang bahagi ng mga taniman.
7. Alam mong nasa nayon ka na kapag ang pinaka-”in” na tindahan ay bilihan ng “feeds,” lubid, goma ng traktora, at mga bagay na pinapakain sa mga bibe [I think it's bibe, final answer].
8. Alam mong nasa nayon ka na kapag may sakla/monte/tong-its/cuajo at kung anu-ano pang sugal kahit wala namang patay/namayapa/sumakabilang-buhay.
9. Alam mong nasa nayon ka na kapag kapag walang dyip at ang halos 100 pesos ang bayad para sa rerentahan mong tricycle para ihatid ka sa pupuntahan mo.
10. Alam mong nasa nayon ka na kapag gusto ko na bumalik sa kabihasnan kahit kararating mo lang.
hahahahhaha… funny ka! (wow?)
…alam mong nasa nayon ka kapag pinagtitinginan ka ng mga tao (na akala nila artista ka) dahil sayong “pang siyudad” na get-up… LOL
nasulat ko na ‘yan sa “Isang Silip sa Bario ni Lola” sa aking Friendster blog.hehehehe