Kahit madalas man akong masermunan ng mga kaibigan na kailangang kong magsulat ng blog entry araw-araw, mahimalang umabot na pala sa 3000 hits ang blog site ko. Kaya sa mga patuloy na nadadaan, salamat. *sabog confetti*
***

Noong Sabado, kinailangan ko na naman pumunta sa bario. Kamakailan lang ay pumanaw ang aking Lola at matapos ang halos dalawang buwan, sumunod namang pumanaw ang isa sa mga tito ko. Nakakatawang isipin na sa kabila ng itunuturing na malungkot na pangyayaring ito ay kabi-kabila ang mga komento gaya ng:
- “Napepeste yata ang pamilya niyo?”
- “Dapat kasi hindi kayo nagwalis ng nakaburol si Lola.”
- “Walanghiya, nakamatayan niya ang kanyang mga utang.”
- “Ano kaya ang handa sa 40 days?”
Dala marahil na hindi naman kami “close” ng namayapa kong tito, hindi ko na lang pinilit o hindi na lang ako nagpanggap na miserable. Nabigyan ko na ito ng tamang oras, respeto, at atensyon. Wala na sigurong pwedeng isumbat sa akin.
Tuloy sa kwento…

Ayaw kong napapasyal sa bario sa ilang kadahilanan:
- Walang signal (at least ang phone ko, ewan ko sa iba). Kahit magmakaawa ka na at magdasal sa kung sino mang diyos, wala talaga. Para kang naka-isolate sa mundo.
- Walang matinong higaan. Kapag matutulog ka na, aakalain mong namamahay ka, pero ang totoo, masakit lang talaga sa likod ang kawayang-papag na higaan mo at ang unan mong nakabalot ng fishnet (na ubod ng tigas na iisipin mong “unan ba talaga ito o kalahating kaban ng bigas?”)
- Laging may poo-poo ng kalabaw sa daan. Ayos lang naman sana kung laging may something-something ng kalabaw, kaya lang, hindi ito tinatanggal o winawalis man lang (tipong kasama sa barangay charm ang may ipot ng kalabaw). Nagmumukhang kasal ng mga kalabaw sa dami ng “cakes”.
- Mabuhangin ‘pag maaraw, maputik ‘pag maulan. Malalaman mong malapit ka na sa bario kapag tumigil na ang sementadong daan. Para bang napag-iwanan ng panahon ang bario namin na hindi talaga sementado ang daan.

(Papunta sa bario sakay ng tricycle.)
- Walang pwedeng masakyan kung hindi lumang tricycle. Ganun kalayo ang bario namin, nasa paanan ito ng Bundok Arayat. Ang nakakatawa pa dito, kahit ilang taon na akong hindi pumapasyal (kunwari) o magbago man itsura ko (tumaba kunwari) ay alam ng mga tricycle driver na sasakyan ko kung sino ang lola ko, anong pamilya namin, kanino ako anak, at bago ko pa man sabihin kung saan ako dapat ihatid, ay alam na nila kung saan. Ang pinakanakakainis pa dito, habang nagbibiyahe, makikipagkwentuhan pa ang driver. “Alam mo nung maliit ka pa, blah blah blah.” PInakamainam na gawin ay magsuot ng earphones at makinig kay Mariah.
***
Wala ka ring pwedeng gawin sa bario kung hindi ang magsunog ng oras at maghintay ng tamang panahon sa sabihing, “Uuwi na ako.” Pero habang hinihintay mo ang oras na iyon, at habang pinipilit mong umiwas sa mga “small talk” na nais umpisahan ng mga ka-bario ng magulang mo (na malimit ay oily ang mga mukha at hindi alam ang konsepto ng hair conditioner), kailangan mong tiising makinig sa mga ganitong pag-uusap:
Scene 1: A Success Story
Mga Tauhan:
Farmer 1 bilang mamang naka-fatigue, mukhang madumi, at malamang kamag-anak ni Mama
Farmer 2 bilang matandang lalaki na oily ang mukha
Farmer 1: Pare, balita ku itang anak mu magobra ng ESEM? (Pare, balita ko ‘yung anak mo nagtatrabaho na sa SM?)
Farmer 2: A, wapin, pari, mag-adwa neng dumingu kanyan. (Ah, oo nga, pare, magdadalawang linggo na niyan.)
Farmer 1: Big time na ka, pari! (Big time ka na, pare!)
Farmer 2: *ngiting may yabang lang*
***

Scene 2: From Taiwan With Love
Mga Tauhan
Tita 23 bilang malayong kamag-anak (na tita ko yata); mukha siyang kobrador ng jueteng
Adelaida bilang madaldal kong Nanay
Sungkamaster bilang mapagpasensyang anak ni Adelaida
Tita 23: *tiningnan ako nang matagal* Ay, ya pin ini itang seaman mo, Dele? (Ito ba ‘yung seaman mo, Dele?)
Me: *ngiti lang kay Tita 23*
Adelaida: Aliwa ‘yan. I JayJay ita, itang bunsu. (HIndi ‘yan. Si JayJay ‘yun, ‘yung bunso.)
Tita 23: Ahhhhhh..Ini itang mig-Taiwan neh? (Ahhhhhh.. ito ‘yung nag-Taiwan noh?) *sabay turo sa akin na para akong object*
Adelaida: Aliwa. I Fer ita. I Ryan ‘yan, itang kadwa. (Hindi. Si Fer ‘yun. Si Ryan ‘yan, ‘yung pangalawa.)
Tita 23: *tingin lang sa akin na parang may ninakaw akong mamahaling alahas sa kanya* *tingin pa rin na parang nagdadalawang-isip na magtanong sa akin*
Me: Nanu pu ita? (Ano po ‘iyon?) *pagtitripan ko na lang*
Tita 23: O, tong, eka pa mag-asawa kanyan? (Oh, iho, hindi ka pa ba mag-aasawa niyan?)
Me: *tawa ng mahina* Ay, ali ku pu. (Ay, hindi po.)
Tita 23: Bakit naman?
Me: Gastus mu pu ‘yan. (Gastos lang po ‘iyan.)
Tita 23: E di manipun ka. (E ‘di mag-ipun ka.)
Me: *tingin kay mama*
Noong din oras na iyon ay nagbukas ng bagong topic si Mama (bago ko pa masaktan si Tita 23). Salamat, Ma.
***

Scene 3: From Taiwan With Love (Cycle 2)
Mga Tauhan:
Luyos Queen bilang matabang babaeng kapitbahay ng mga tita ko; nag-nganganga siya (‘yung nilalagyan ng luyos)
Ampalaya Queen bilang isa pa rin sa mga kapitbahay ng mga tito ko; may taniman sila ng ampalaya and whatnot.
Sungkamaster bilang tahimik na nakaupo sa balkonahe at nagsusunog ng oras na nakatingin sa mga kawayang isinasayaw ng hangin
[For the record, nag-usap ang dalawang queen sa harap ko na parang wala ako doon at nakikinig]Luyos Queen: Kaninu ne kasi anak ‘yan? (Kanino na ngang anak ‘yan?) [Meaning ako]
Ampalaya Queen: Ta kang Dely. (Kay Dely.)
Luyos Queen: ‘Yan itang pangane neh? Ot atsu ne pin, balakusang mig-Taiwan ya? (‘Yan ‘yung panganay noh? Bakit narito siya, akala ko bang nag-Taiwan ‘yan?)
Ampalaya Queen: Aliwa! Itang bunsu ‘yan. (Hindi! ‘Yung bunsu ‘yan.) *na parang siguradong sigurado talaga*
Me: Yaku pu itang kadwa, ita pung long hair dati na awsan ‘yung dudurug. (Ako po ‘yung pangalawa, ‘ung pong dating long hair na tinatawag niyong adik.) *alis sa balkonahe, nagugutom na naman*
Luyos Queen: Ay, ot pangataba na? (Ay, tumaba siya.) [Katatalikod ko lang.]
Me: *iniisip “Pakyu!”* *Ngiti lang*
***
Pahabol:
Pag-uwi ko sa amin, akmang bubuksan ko ang gate…
Lesbian Neigbor: Huy, kapilan ka pa dintang? (Huy, kailan ka pa dumating?)
Me: Hmmmm..ngeni pa. (Hmmmm.. ngayon lang?)
Lesbian Neighbor: Kasagli mu Taiwan? (Ang dali mo naman sa Taiwan?)
Me: Hmmmm.. enaku man ibat ka rin. Pota i koya kung ing amanwan mu. (Hmmmm..hindi naman ako galing doon. Baka ang ibig mong sabihin si kuya.)
Lesbian Neighbor: Ay wa pala. (Ay oo nga pala.)
Me: *bukas ng gate* haaaayyyyy..pambihira
























