
Top 25 Cliches sa mga Drama sa TV
Agosto 22, 2008
(May mailagay lang na photo)
1. Ang solusyon ng bidang lalaki sa kanyang mga problema ay ang mangalantari ng malanding babae na handang-handa na makipag-one-night-stand sa kanya.
2. Lagi na lang may naki-kidnap.
Mga madalas ma-kidnap:
- gerfrend ng bida
- mayaman na tagapagmana
- magbabarkadang nakasaksi ng krimen
- babaeng ipapalit sa kamukha niya para magpanggap bilang siya
- presidente ng kompanya
- mayor at iba’t-ibang politiko
- presidente ng labor union
- bata na sa kalaunan ay anak pala ng kidnapper (o “manguang-anak” in Kapampangan)
3. Ang lahat ng one night stand at premarital intercourse ay magbubunga ng anak na kalaunan ay magiging tagapagmana ng malaking lupain, sandamakmak na pera, o isang kompanya.
4. Sa mga kwento na may mga estudyante, lagi na lang may sosyalerang girl na nagmamaganda at may kasamang mga alipores na wala yatang ginawa sa buhay nila kung hindi ang magpa-alipin kay sosyalerang girl.
5. Okay lang ang maraming mamatay, ‘wag lang ang mga bida.
6. Ipinapalagay na ang mga tao sa corporate world ay laging mukhang mga nagtitinda ng electric fan kung manamit.
7. Hindi uso sa mga away sa mga drama ang aregluhan sa barangay level. Madali rin para sa mga mahihirap ang idala sa demadahan ang labanan. Laging may synopsis ng kwento ng pighanti/lihim/kahihiyan ang testimonya ng biktima. Mukhang abnoy ang mga attorney at parang laging natatae ang mga judge kapag nag-i-ingles.
8. Siguradong may isang karakter ang hindi tunay na anak at inampon lang.
9. Ang paghihiganti ng mga karakter sa mga drama sa TV ay tumatagal ng 10, 20, o 30 taon. Itutuloy pa ito ng mga naging anak nila na sa huli ay magkaka-in-love-an din naman.
10. Magdadrama muna at magsasambit ng nakakaluhang speech ang isang tauhan habang niyayakap nito ang inatake sa pusong kaanak o katipan.
11. Lahat ng anak ng mayamang kararter ay nag-i-ingles at may tendency na mamahiya (o manglunod sa swimming pool) ng mahihirap na bata sa anu mang oras nito naisin.
12. Laging varsity basketball player ang pinakagwapo sa campus. [Hindi rin.]
13. Laging may ipinagkakasundo na magpakasal kahit ayaw ng mga ikakasal.
14. Ang bestfriend ng bidang babae ay madalas hindi kagandagan at magaslaw kumilos.
15. Ang kontrabida ay lagi na lang kausap ang kanyang sarili at sinasabi ang kanyang mga maiitim na balak kahit saan, kahit marami pa ang nakakarinig.
16. Lagi na lang may karamdaman ang mga tao.
Mga madalas na nagiging karamdaman ng mga tauhan sa kwento:
- Cancer (sa utak, sa dugo, sa lapay, sa balunbalunan, sa bukong-bukong.) Basta laging may cancer.
- Amnesia
- Atake sa puso
- Mapipilay/malulumpo/mawawalan ng kakayahang magka-anak (as if naputulan ng something. Kadiri.)
- Mga espesyal na sakit (sunog na mukha na parang tocinong itinapal, nabulag sa aksidente, sinabuyan ng asido, nilagyan ng ekis sa mukha, binago ng tuluyan ang mukha)
17. Laging may losyang na nanay na iniiyakan ang pighati ng kahirapan ng buhay.
18. Lahat ng prostitute ay walang-habas kung makapagyoyosi.
19. Laging may mag-a-apply ng trabaho at may dalang white folder.
20. Nakatutok sa bawat pagkakataon ang mga magulang sa kung sino ang dapat i-date ng kanilang mga anak.
21. Ang mga “dumudurog” o nagdodroga ay laging may tattoo at shirtless (manyakis din sila madalas.)
22. Lagi na lang may mayaman, gwapo, matalino, matino, single, may magandang bahay, ingliserong lalaki na kakalinga sa bidang babae kapag kasalukuyan itong sawi sa kanyang pag-ibig sa bidang lalaki.
23. Ang mga pulis ay tagahanap ng mga nawawalang bida (na napadpad sa isang liblib na lugar, sugatan, walang malay, at nasa bingit ng kamatayan.)
24. Kapag narinig mo ang linya ng isang karakter habang hawak ang telepono, “Ako nga po. ANOOOOOOOOOO??” tapos bigla lang matutulala/iiyak/matutulala at iiyak, ito ang mga pwedeng pagpiliing nangyari:
- may naaksidente
- may dinala sa hospital at malubha ang kalagayan
- may kinidnap
- may na-tegi (namatay)
25. Sa mga tagpo na may makukulong na babae sa koreksyonal, lagi na lang may bubugbog sa kanya na lesbiana (No offense, Anne).

(Wala lang din, baka awayin ako ng Channel 2. May mailagay lang din)
hehe. lurvet.
hahaha.. yang amp’on issue na yan ang nakakasawa talaga LOL.. Tapos yung amnesia haayy grabe..
nakakalurky!
hahaha!
tama tama tama!
salamat sa mga naloka..hehehehehe
bwahahahahaha… may maisi-share pako!
yih… isipin ko pa.. wag na nga lang. LOL