
Top 25 Cliches sa mga Fantaserye
Agosto 28, 2008
1. Laging makapal ang make-up ng kontrabida.
2. Laging mga lumilipad pero mahilamang hindi nagugulo ang ayos ng buhok.
3. Ang konsepto ng itsura ng aswang ay hindi nalalayo sa itsura ng mga taong grasa.
4. Syempre, laging malakas ang kapangyarihan ng mga kontrabida (pero hindi sila nananalo).
5. Animo’y pagsunod sa tradisyon ng mga Japanese series, gaya ng Bioman at Maskman, ang lider ng mga kalaban ay nagpapapadala ng mga mahihina at mangmang nitong alipores.
6. Madalas ay inggitero ang kanang-kamay ng kontrabida at may kakayahang maglunsad ng pag-aaklas a pangunahing kontrabida anu mang oras nito gustuhin.
7. Laging may kapangyarihan ang mga accessories, gaya ng kwintas, headband (sapula), singsing, at kung anu-ano pa.
8. Ang bida (kung ito man ay may secret identity) ay laging nagpapakitang mahina ito at lalampa-lampa.
9. Laging may kamag-anak ang bida na magnananais na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya.
10. Madalas makipaglaban ang bida sa mga “cartoons“.
11. :Laging may makulit at nagsasalitang hayop na kakulitan ng bida.
12. Hindi nawiwindang ang mga tao na makakita ng mga “hindi tao” basta masagip lang sila sa kapahamakan.
13. Laging may itatakas na bata para palakihin sa mga mundo ng mga “mortal”.
14. Uso rin ang mga ampon issues sa mga fantaserye.
15. Laging may batong:
- nilulunok
- isinusot
- kinakantahan (o sinasabihan ng chant)
- pinagdidikit
- isinasangla (joke)
- tinutunaw sa foil (shabu pala eh)
16. Laging nagiging kaaway ng bida ang bestfriend/kamag-anak/kasintahan sa tulong ng kapangyarihan ng kontrabida.
17. Ang papel ng reyna ng isang kaharian ay magsilang ng anak na magiging bida ng fantaserye. Mamamatay din ito o makukulong o bigla na lang mawawala sa kalaunan.
18. Laging may ka-love-team na mortal ang bidang may powers.
19. Laging may matandang mukhang hindi naliligo na “mentor” ‘di umano ng bida.
20. Umiikot sa agawan ng jowa ang awayan ng mga bida at kontrabida.
21. Ang konsepto ng mga paraiso at mahiwagang lugar ay umiikot sa mga floral designs at fogging machines.
22. Ang laging misyon ng mga alipores ng kotrabida ay patayin ang bida.
23. Laging may tagong kapangyarihan na kailangan munang “i-explore” ng bida.
24. Ang huling tagisan ng lakas ay magtatapos kapag sawa na magalit ang kontrabida.
25. Madaling makapag-move-on ang lahat kahit marami ang binawian ng buhay.

ahahahahaha.. u make my day. (sandali, nagtext na kalaguyo ko!)
This is funny and outrightly true!
wow, bagong reader, salamat po sa pagdaan..
“…pero mahilamang hindi nagugulo..”
nagpoo-proof read lang.
15. Laging may batong:
- tinutunaw sa foil (shabu pala eh)
>>>>shet, i want! ahahahaha..