h1

Hello, boredom, here I come!

Setyembre 22, 2008

So, wala talaga magawa sa mga nakaraang araw.  Para akong artist na naghahanap ng inspirasyon.  Instead, ang nahanap ko, sakit ng tiyan habang nakatambay sa Tarbaks kasama ng mga iilang kaibigan habang walang-habas kaming nang-iiinsulto ng hindi nila nalalaman.

Walang matinong balita.

Mga bagay na ayaw naman natalaga nating malaman pero ipanapakita sa T.V.

- Mga bagay-bagay patungkol kay Bong Revilla at kung nag-aaway ba sila ni Lani Mercado

- Kung ano ang pakiramdam ni Sam Milby sa kanyang butt exposure sa Dyosa.

- Mga dating nakarelasyon ni Janno Gibbs.  Tangina, tantanan na ‘yung Janno-Manilyn joke, nakakaumay na.

- Kung bakit biglaang umuwi si Pacquiao dahil namiss ang pamilya.

- Mga nagsusuntukang tambay sa isang lugar sa Quezon City.

- Kung kailan magpapakasal si Judy Ann.  Pakialam ba natin dun?

- Kahit anong reaksyon ni Lolit Solis sa kahit anong isyu.

- Mga sumeplang na kontrata ni Gabby.  Tandyakan ko pa sa mukha ‘yan eh.


‘Yun muna.  Galit ako.  Bakit ba?

Mag-iwan ng Puna