
Egyptian Monkey at ang cellphone load hacking
Oktubre 14, 2008
Ganito ang kasalukuyang sitwasyon sa amin:
- ang mga mahihirap na wala yatang pang-load ay nakahanap ng paraan para “mang-hack” ng load ng ibang Globe users. Ito ang tipo ng pagnanakaw na kahit wala kang ginagawa sa cellphone mo eh nababawasan ang load mo at napupunta sa kung sinong mang patay-gutom na nang-hack ng load mo. Mula .80 pesos hanggang sa bagong load na 300 pesos, nakukuha ito sa ‘di ko maipaliwanag [sort of 'di ipapaliwanag kasi medyo komplikado] na dahilan.
- galit na galit ang mga nananakawan ng load.
- hindi pa ako nananakawan ng load ['di ko alam bakit. Gusto ko tuloy manakawan ng load para maiba lang.]
- tuloy-tuloy ang nakawan ng load sa cellphone at karamihan ay takot ng mag-load dahil baka masayang lang.
***

October 14, 2008
9:01 a.m. [late ako, syet, ang dalang na lang]
Pagdating ko ng opisina, mahimalang maaga si Boss [kaya nasermon ako, syempre, lagi naman eh], pero okay lang, sabi ko sa sarili ko, ‘wag sirain ang araw, ‘wag mamamaktol at ‘wag papatulan ang anu mang kagaguhan sa paligid.
Bukas ng cabinet [o kung anu man tawag dun sa may susian], upo, sindi kay Edward [the office laptop], adjust ng volume ng phone headset kasi may nag-e-effort na mag-good-morning.
“Goodmorning…”
Pinatay ang tumutugtog sa cellphone pero ‘di tinanggal ang headset [para kunwari nag-sa-soundtrip pa rin] para maka-iwas sa early-morning small talk na naging hobby sa opisina. Kunwari nakatitig sa screen ni Edward kahit hindi pa ito nakasindi. Hindi ko naiwasan ang makinig sa usapan ng mga sa opisina. Pagkain na naman ang usapan. Pagkain. Pagkain. Pagkain. Hangang sa maiba ang usapan. Yehey! [Kahit hindi ko pa alam nung mga oras na iyon kung ano talaga ang pinag-uusapan.]
‘Di umano ay may nananakawan ng load; nag-load daw siya ng 300 pesos at nung mag-check siya ng balance, 10 pesos na lang.
Akma ko namang naalala ang isang reklamo ng kasama ng isang kaibigan ko [na itago na lang natin sa pangalang Egyptian Monkey]
***

Egyptian Monkey: Oh, hello, kuya!
Egyptian Kuya: Hi……
Egyptian Friend: Sama ka, Egyptian Monkey, may bibilhin lang kami sa mall.
Egyptian Monkey: O sige! Wala rin naman ako gagawin!
*Lakad, lakad ng konti, lakad ng konti, lakad*
Egyptian Monkey: Kuya, okay lang na kasama ako?
Egyptian Kuya: May magagawa pa ba ako? [kuha ng yosi at sinindihan]
*Lakad, lakad ng konti, lakad ng konti, lakad*
Egyptian Monkey: Kasi wala rin naman akong gagawin sa amin.
Egyptian Kuya: Ganun ba? [sabay lakad ulit, medyo nagpauna bago makapatay ng tao]
Egyptian Monkey (kausap si Egyptian Friend o malamang ako o kaya kausap niya lahat): HEEEEEEEEE! NAKAKAINIS! PAYB [FIVE] PESOS LANG NA-HACK KONG LOAD!!!! KAASAR!
*end of Egyptian story*
***
Malay ko bang seryoso si Egyptian Monkey sa pagnanakaw ng load.
Balik sa kwento…
Dahil siguro nagsawa ako sa kakarinig ng mga kwento patungkol dito, hindi man ako nanakawan ng load, eh napagtripan kong “maliwanagan” sa isyu na ito (kasama ang kaibigan kong nagrereklamo na rin sa nangyayari). Tumawag ako sa customer service ng Globe.
*dial 211*
*ring*
*disconnected*
*dial ulit ng 211*
*madami sinabi na numbers, tipong, “if you want to know more about your crush, press 567; if you want to know more about life, press 298; if you want to know more about how too cook kare-kare, press 198.”
*tapos bigla akong na-transfer sa isang customer service representative*
CSR: Hello, this is Charlie. How may I help you?
Me: hmmmmm… [tapos tinanong ko si Otu kung ano nga ba itatanong namin]
Otu: Tanong mo kong bakit nananakaw ‘yung load ko.
Me: There! Pinapatanong ng friend ko kung bakit daw nanakaw load niya? [tawa kami ng tawa ni Otu, para kaming mga timang.]
Charlie: So, sir, hindi po kayo involved?
Me: Or let’s just say it’s a general question and gusto ko malaman ‘yung answer. [hagikgikan sa background]
Charlie: Sir, before anything else [blah blah blah protocol and whatnot]
Me: [Tapos kinwento ko 'yung nangyayari sa amin, tipong ako yata unang nag-inquire kung bakit nangyayari 'yun. Kahit anong gawin kong paliwanag, parang hindi ako "gets" ni Charlie.]
Natapos ang tawag ko na “noted” at “manager” lang ang naintindihan kong sagot ni Charlie. Natapos ang tawag na walang ginawa si Charlie kung hindi sabihing, “Baka naman nag-expire na ang kanyang unlimited? Baka naman po may subscription siya na hindi niya alam? [Duhhhhh] Baka naman po tanga ako at wala talaga akong alam isagot ngayon kaya pinahaba ko na lang ‘yung phone call?”
Ang dalang mo lang humingi ng “real help”, wala ka pa maasahan. Minsan kapag natipuhan ka pa ng CSR, kukunin number mo at ite-text ka matapos ang shift niya para magyaya ng laswaan. [For the record, hindi po 'yung Charlie.]
Hindi rin natapos ang usapan sa “cellphone load hacking” hanggang sa tindahan malapit sa amin. Ang napansin ko lang, sa araw na ito, mga limang (5) text messages lang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko, hindi maganda ‘yun.
Pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ng masayahin kong Nanay.
Mama: Hello! Ot ngeni ka pa? (Bakit ngayon ka lang?)
Me: Pintalan ke i Lamey. (Pinuntahan ko si Lamey) [friend]. [Sabay pasok ng kwarto.]
Mama: Text me pala i wali mu — (Text mo nga pala ‘yung nakakabata mong kapatid –)
Me: Na atsu Europe? Eku bisa. Saka ala kung load. (Na nasa Europe? Ayaw ko nga. Saka wala akong load.)
Mama: Ot eka mag-load? (Bakit hindi ka mag-load?)
Me: [Tapos kinwento ko 'yung kanina ko pa kinukwento pwera 'yung tungkol kay Egyptian Monkey]
Mama: Ah pakinita ba? (Ah ganun ba?)
Me: Apparently maha-hack la reng load (naha-hack ‘yung mga load.)
Mama: Ahh.. cloning…
Me: Cloning pala eh. [mga isang oras ako tumatawa. Si Mama talaga!]

hi….. ganda bero mo tol hahahaha……..
may nalaman kba how to hack load in smart buddy??? ^_^
kac ala na ako pera pang load(nahal na kac) hehehehe………