
Paano Lumipad? Season 3
Oktubre 30, 2008Nasubukan na naming lumipad sa harap ng opisina ng isang kliyente. Nasubukan na naming lumipad sa maduduming dalampasigan ng Bataan. Halina’t samahan niyo kami ni Otu (kasama ni L) sa aming pagsubok na lumipad sa isang swimming pool ‘di kalayuan sa amin. Ito ang “Paano Lumipad Season 3″
Ang mga sumusunod ay naganap ilang linggo na ang nakakalipas [basta matagal-tagal na, nakalimutan ko na talaga, anu magagawa ko? Bakit ka nang-aaway? Galit ka na niyan? Eh bakit ka sumisigaw?] (baliw!)
***
1. MAGPANGGAP NA MAY HAWAK NA MALAKING PICTURE FRAME. 
Kalimutan ang medyo lumaking tiyan dahil sa kanin, iisipin mong makakatulong ang pag-i-imagine na may dala kang malaking frame. Ang kaya lang gawin ng malalaking photo frame ay matulungang kang mag-tip-toe. Subukan ang mas malaking photo frame sa susunod. Mas makakatulong ang mga ganitong style kung susubukan naming mag-ballet.
***
2. MAKITALON KASABAY NG BABAENG NAKA-ORANGE

Habang nagpapatuloy ang aking “no-to-orange-t-shirt” campaign, hinayaan ko na na naka-orange na polo shirt si L [super mayaman naman, hayaan na natin] sa kanyang pagsali sa aming pagsubok kung paano lumipad. Sa bandang huli, hindi rin kami nagtagumpay. Malaking factor ang may kasama kang naka-orange, promise.
***
3. MAG-POOPOO SA POOL

Habang sikat-sikat ang mga joke na kapag nasa pool ay maraming “jumi-jingle” at “pumu-poopoo”, kung gusto mong lumipad, ‘wag pansinin amoy [L] at ‘wag magpa-cute sa camera [me]. Ipunin ang lakas at itulak ang tubig sa pamamagitan ng pagtitig dito [Otu], at sigurado, aangat ka [ito na rin siguro ang pagkakataon mo, Otu, para ipagyabang ang namumutok mong "muskels".
***
4. MANDIRI SA WATER AND/OR SUBUKAN ANG AMPUTATION
Isa sa pinaka-epektibong paraang ng paglipad ay ang "tuwirang" pagpuputol ng paa at hita. Pero kung magkukulang ka sa budget (at paa lang ang kaya mong ipaputol), mahihirapan kang lumipad, gaya na lang sa nangyari sa akin. Naging matagumpay naman si Otu sa kanyang pagsubok na lumipad sa pamamagitan ng pag-iisip na, "OMG, the water is sooooooo dirtttwwwwwwiiiieeeee!" [Ang arte lang.]
***
5. IPAGMALAKI ANG TALAMPAKAN

Habang pinipilit ni Otu na umangat sa pamamagitan ng geometry at pag-ka-calculate ng kung anu-anong straight lines at iba-ibang angles, mas madaling lumipad kung ipagmamalaki ang namumula mong talampakan. Sipain ang tubig at ang hangin at humawak sa namumuong sama ng panahon, at sigurado, lilipad ka rin.
***
6. KUMAWAY SA MGA ISDA AND/OR MAGDASAL KAY “NOU-II-EE” GODDESS

Madalas ay makita sa TV ang mga dokumentaryo tungkol sa mga lumilipad na isda. Hindi mo malalaman ang sikreto ng paglipad nila kung hindi ka makikipagkaibigan sa mga isda. Gaya na lang ni Otu, na nakalipad matapos masabihan ng mga isda kung paano umangat sa tubig, ay masayang kinakawayan ang mga isda bilang pasasalamat. Sa akin namang konsentrasyon at mataimtim na pagdarasal kay “Nou-ii-ee” goddess, mahimalang umangat ang mga paa ko habang nagdarasal. Salamat, mahal na “Nou-ii-ee” goddess.

Goddess of scrabble and levitation
ang ganda nung number 6.
-tenco
actually, favorite ko rin ‘yan..hehehehe salamat sa pagdaan..
babalik po kayo..hehehe
walang koneksyon to sa paglipad pero may nakita akong t-shirt kanina sa sm city cebu na may SUNGKA GRANDMASTER. parental guidance ang brand. naalala kita bigla hehehe. yun lang master.
xets! laugh out loud talaga, babe! lurv ‘em! lurv you!