Archive for Disyembre 18th, 2008

h1

Bored against the machine-gerzy

Disyembre 18, 2008

6,000+ bloghits.  Salamat sa mga nagkakamaling nagki-click ng blogsite link ko.  Matututo rin kayong magbasa, tiis-tiis lang. -  The Sungkamaster

***

Ako, ikaw, bored tayo,

Ang bagong laro bago mag-Pasko,

Ang mahuli, taya; ang mauna, madaya,

Sama-samang tuklasin ang lihim,

Kung bakit gaya mo, bagot na rin ako.  :)


***

Katatapos ko lang maghanap ng costume para sa madugong Christams Party mamaya na Retro 70’s ang hirit.  Hindi ko alam kung magugustuhan ang isusuot ko ng ibang tao;  ang importante ay magustuhan ko ito.  Hindi naman ako ganun ka-excited sa party.  Wala namang malalaking sopresa at mga papremyo.  Ang siste ay bored lang ako.

Ilang obserbasyon ng mga kaibigan/mahal sa buhay (meaning, si mama) ng mga sinyales na bored ako:

1.  Lagi akong may pinapadalang text messages.

Hindi ako ang tipo ng tao na nag-gu-good-morning kesehodang nakapagkape na ako at hindi na akong mukhang zombie.  Madalas, kahit nasa opisina na ako at nasa aking regular newsreading sa Internet ay hindi talaga ako mag-te-text para bumati ng mga tipong “have a hearty breakfast po.”  Pero sa mga nakalipas na araw, kahit ano tine-text ko;  “antok ako”, “kamusta”, “good mownin”, “gusto ko ng 2 million dollars”, “gusto ko ng panda bear”, “nasa baguio ka pa ba?   Ibili mo ng ako ng sungka.”

2.  Matapos ang trabaho, ayaw kong umuwi ng bahay.

Dahil hanggat maari ay pinipiligilan kong magbabuy-babuy sa tulog at kain sa bahay dahil sa nalalapit na “Calorie Week” kung saan lahat ng tao ay lulusog, hindi ako agad umuuwi.  Kaya lang, ang problema, hindi rin pala nakakatulong ang paglalagi sa labas.  Una, mas marami kang nakakain kapag mahal ang inorder mong pagkain (at hindi lutong-bahay at libre gaya ng sa bahay); pangalawa, hindi nakakapayat ang Tarbaks (Starbucks).  Dumarating na rin sa puntong ite-text ako ni Mama mga bandang alas-sais ng gabi, “Yan, sa bahay ka kakain?  Magluluto pa ba ako para sa iyo?”

3.  Pag-uwi ko ng bahay, hindi rin ako matutulog.

Kahit madaling-araw pa ‘yan, kahit na alas-otso ng umaga ang pasok ko sa opisina, hindi talaga ako natutulog kaagad.  Kahit mga pito-pito movies na lang ang pinapakita sa TV (gaya nung huling nakita ko na bulag daw si Belinda Bright ['di sikat na boldstar dati] at asawa niya si Albert Martinez at marunong mag-violin si Joel Torre] o kahit ‘yung tipong Parental Consent at rerun ng Family Guy at MadTV na lang ang nasa TV, at kahit antok na antok na ako, hindi talaga ako matutulog.  Sa sobrang bored ko, kahit alas-tres ng umaga at may gustong “makipagkwentuhan” na “barkada”, ayos lang.

4.  Maaga ako sa opisina.

Kapag matamlay ang buhay ko (at least karamihan sa aspeto nito), maaga ako sa opisina.  Napagtitrian ko rin ang magbihis na parang mag-ni-ninong sa kasal at lahat ng makakita sa akin sa opisina ay animo’y gustong itanong sa akin, “Saan ka pupunta, bakit bihis na bihis ka?” o ‘di kaya ay “Birthday mo?”

5.  Mukhang bodega ang kabinet ko.

Hilig ko ang ayusin ang mga gamit ko, tipong pagsama-samahin-ang-pare-pareho mode.  Kaya lang kapag bored ako, ayaw kong mag-fold ng clothes. (Ang arte lang.)

6.  Nagyayaya akong gumimik sa Manila.

Palibhasa’y naging probinsiyano na ako ulit ng umuwi  ako ng Pampanga matapos tumira sa Mandaluyong ng dalawang taon, kailangan ang biyahe para makita ang mga barkada at mga naging kaibigan sa Manila.  Kaya lang, may sakit ako ngayon.  May kung ilang araw na akong nilalagnat at inuubo.  Para akong si Penn Medina sa isang drama na kunwari isa siyang matandang may sakit.  Ang kagustuhan kong gumimik at makipagkita sa mga Maynilains (friends from Manila) ay isang paraan ko na rin upang makahanap ng ibang mapaglilibangan.

7.   Nakakatapos ako ng isang series ng TV show (care of pirated DVDs) sa isang upuan lang.

Hindi normal ang manood ng mahigit sa walong oras sa panonood ng DVDs.  Kailan lang ay natapos ko ang Heroes: Villains (Season 3) ng isang upuan lang.  Halos matapos ko rin ulit panoorin (sa pangalawang pagkakataon) ang Season 1 ng Will & Grace.

8.  Mabilis akong mag-reply sa text.

Ganito kasi ‘yan.  Kahit ipon ako ng ipon ng sandamakmak na ringtone eh lagi naman naka-silent ang cellphone ko.  Dala marahil na lagi akong nasa meeting at/o napipikon ako sa mga maiingay na cellphone, eh naka-silentcellphone ko.  Ikaw na naka-silent ang phone, bored ka talaga kung hawak mo ang cellphone mo at hinihintay na may mag-text sa iyo. ang

9.  Hindi pa tapos ang linggong ito, nakaka-tatlong blog entry na ako.

May mga panahon na mga tatlong linggo akong wari’y comatosed at hindi nagpaparamdam  sa aking blogsite.  Walang maisulat, probably; sira ang laptop, probably; “nakikipagkwentuhan”, probablyPero, dala nga ng walang magawa, kahit wala naman talaga akong topic for tonight, heto ako’t sinusulat ang pangatlong blog entry ko na sa linggong ito.

10.  Lahat pinapatulan ko.

Kanina lang ay nakita kong inaayos na ang stage para sa gaganaping malakihang Christmas party sa opisina.  Kasama ang kaibigan kong si Otu, niyaya ko siyang tingnan ang stage; tiningnan, umakyat ng stage, nagpanggap na iniinspeksyon ang stage, umalis ng stage.

Tapos may nakita akong nakakalat na papel sa table niya pagbalik namin ng opisina.  “Ay, paper, proofread ko noh, ” sabi ko kay Otu.  Binasa, inedit, at ibinalik ang papel.  Umupo si Otu sa kanyang desk at iniligay ang mga corrections sa computer.   Pinatugtog ni Otu ang kantang “What kind of fool” ni Regine habang nag-e-edit siya.  Pinanood ko siya at nakialam na rin sa pag-e-edit habang kinakanta namin ang pinapatugtog ng computer.  Hindi namin namalayan na limang beses na palang kumakanta si Regine.  The end.

11.  Wala ng number 11.  Hindi na ako bored.  Yata.

***

Afterword mula sa aking bunsong kapatid na nagpapataba sa Europe:

“Kung si Kuya nga mayabang; ako pa kaya.”