
Display dismay.. or dis-feb.. (ang baduy)
Pebrero 2, 2009
May tubig, may timba, ang dapat lang gawin ay buhusan ang inodoro pagkatapos umihi.
Tapos may nagsulat gamit ang bolpen ng, “eh tabo?“ Ang arte lang.
***
Akala ko noong makita ko ito na nakapaskil sa isang tindahan ay ang 4W’s (what, when, where, why) ang nakakatawa, pero mas pumukaw ng pansin sa akin ay ang nakasulat ng ginamitan ng pulang marker.
Arrest the pusher! (kung galing sa mahirap na angkan) Save the user! (for last?)
***
Ako lang ba ang nag-iisip na parang nakalagak ang tilapiang ito (katabi ng talong at “permented rice” ) na para bang nilalamay?
Mai-share lang patungkol sa lamay:
Usapan sa text ng mga boss:
Scene: may namayapang semi-boss.
Boss A: Sir, namatay na nga pala si <insert name here>
Boss B: Ganun ba? Kailan pa?
Boss A: Kahapon lang, Sir.
Boss B: Kailan tayo makikipaglamay? Saan nakaburol?
Boss A: Mamaya na lang sigurong pagtapos ng office hours. Sa <insert place here>
Boss B: Ah okay.
(After office hours, nag-text si Boss B kasi nakalimutan kung saang funeraria)
Boss B: Saan nga ulit naka-display?
Rai: Naka-display pala eh! *tambling*




another hit… galing mo talaga sungka master
lol!