Madami akong opinyon sa pinanood naming pelikula kamakailan ni Topie sa Megamall. Ito ang pamosong pelikulang Harry Potter and the Half Blood Prince.
- Saan pupunta ang nanay ni Malfoy at bihis na bihis? Mantakin mong ang kasama niyang si Bellatrix ay parang babaeng taong grasa kung magbihis. Awkward…
- Wala talagang nakaisip nung aparador noh? As in wala talaga?
- Super tanda na si Professor McGonagall, tipong swerte na at umabot pa si Book 6 ng pelikula. Ang tanong ngayon, umabot pa kaya siya sa katapusan ng franchise na ito?
- Ron at Hermione, grow up already. Mga paksyet kayo, hindi naman kayo attractive, ang tagal niyo pa magligawan.
- Hindi rin ako convinced na may naghahabol sa tigyawating si Ron. Dahil nag-gym ka, ganun? I don’t think so.
- Paulit-ulit na pino-focus ang maitim na kamay ni Tatang (Dumbledore). Yes, yes, alam namin nakilaban ka sa Lord Walang-Mukha, pero kailan mo talagang i-focus ang kamay? Try mo kaya hugasan, baka dumi lang ‘yan, Tatang.
- Ito talaga ang pinaka-problema ko. Kinailangan ba talagang inumin ni Tatang ’yung pagkarami-raming grape juice? As in ang dami, promise. Ika nga ni Euge, ”isang malaking jar!” Kahit sino naman mang-hihina kung ipapaubos sa kanya ’yun.
Pinili kong ’wag na basahin ang book 6 ng Harry Potter, binasa ko na lang sa Internet ang summary nito. Eh sa wala na akong pakialam talaga, bakit ba? At dala marahil na marami ring nanood ng araw na iyon na hindi rin binasa ang pamosong libro, maririnig ang napakalutong na reaksyon ng mga tao ng matapos ang pelikula, ”Ay, tapos na? ’Yun na ’yun?!”
Nabasa ko rin sa Internet na magkakaroon ng dalawang part ang Book 7 ng Harry Potter, ’yung part 1 ipapalabas sa November at ’yung isa..hmm… kapag may pera na ulit ang mga taong gustong mapanood ang part 2. Ang galing lang, hinati pa talaga ng mga gagu. Kaya ako (at dito naman ako proud na proud), binasa ko na ang ending ng Harry Potter. Tama ang hula kong hindi mamatay si Harry Potter (so FPJ-ish movie) at kung sino-sino pa ang mamatay at maglalabanan. Matatalo si Voldemort, belat! lol
Ang akin lang, ilang taon na nating ine-enjoy ang Harry Potter franchise, hindi na siguro kalabisan ang malaman ang katapusan nito (lalo na sa mga taong sawa na ring magbasa ng libro). Sa pinakasimpleng pananalita, wala namang masama kung nakalakihan mo na ito.









Isang maaraw na umaga sa opisina ay inoperan ako ng almusal. Akala ko naman kung ano, nang ibigay sa akin, eh ‘yan ng ang binigay, parang ‘yung ginamit na bbq stick ay pwede ng gamitin sa panggawa ng papag, tipong mga apat na ganito ay may papag ka na.
Nakita ko itong nakapaskil sa may kusina sa grill ni Dad, bilang paala sa mga kitchen boys at mga waitstaff ng kanilang ”collective effort” na magpalaki ng katawan.
Sa kusina pa rin ni dad ay napagtripan namin ni Otu na kunan ang mga uber laking products sa kitchen. Ang posh mo siguro kung ganyan kalaki ang posporo mong pangsindi ng yosi. Sino gusto ng star rice? Lol
Mawalang-galang na sa mga Koreano, pero ako lang ba ang natatawa sa postergrocery storenoodles ni Dad at Otu. na ito ng kung anung inumin? Nakunan ko ito sa isang Korean noong may ilang oras din kaming naghahanap ng yakiudon
Minsan ay nagdala si Mama ng mochi galing sa kapitbahay ng sa tingin ko ay isa sa pinakamalaking mochi na nagawa dahil sa katamaran na rin. Sabi ni Mama, “eh tinatamad daw sila na gawing maliliit pa, kaya ganyan na lang.” Hindi ko alam kung naubos ni Tatay o kung tinapon na lang ang giant mochi. Ang importante, nakunan ko ito.
Isang sikat na isda ito na madalas kong marinig na napagkakamalang Lapu-Lapu. Kaya naman nung minsan mapunta kami nila Dad at Otu sa Macro (parang Puregold, ayaw ko mag-explain ng mahaba, okay?) Sabi ng aking source, ang isdang “common” ay matinik at walang lasa.

Syempre, titingnan mo at titingnan ang “indicator”, ‘di ba? Ang yuckie!
Ash Wednesday noon at nakunan kong nagbabalita si (Sino nga ba ito?).