h1

“coat” on cam…

Hulyo 3, 2009

May kung ilang buwan din ako nawala.  Hindi na lang ako magpapaliwanag.  Bakit ba?  Dapat may explanation?  Ang magandang balita ay narito na naman ako.

Salamat na lang sa aking fresh-from-Germany na kapatid ay naka-harbat ako ng bagong phone na mag-si-sync sa aking laptop.  (Wala ng chocolates, okay?  Sa mga humihingi ng pasalubong, pwede ba, manahimik kayo, hindi ako ang nag-abroad.)

May kung ilan din akong naipong mga nakunan sa aking cellphone.

1.  Biggest Banana-que

Isang maaraw na umaga sa opisina ay inoperan ako ng almusal.  Akala ko naman kung ano, nang ibigay sa akin, eh ‘yan ng ang binigay, parang ‘yung ginamit na bbq stick ay pwede ng gamitin sa panggawa ng papag, tipong mga apat na ganito ay may papag ka na.

2.  Gym Puff

Nakita ko itong nakapaskil sa may kusina sa grill ni Dad, bilang paala sa mga kitchen boys at mga waitstaff ng kanilang ”collective effort” na magpalaki ng katawan.

Translataion:  Walang magyoyosi, mag-gym tayo. (Para sa mga tangang ‘di pa gets ‘yung nakasulat.)

3.  Sino gusto ng star rice?

Sa kusina pa rin ni dad ay napagtripan namin ni Otu na kunan ang mga uber laking products sa kitchen.  Ang posh mo siguro kung ganyan kalaki ang posporo mong pangsindi ng yosi.  Sino gusto ng star rice? Lol

4.  Parang may mali…

Mawalang-galang na sa mga Koreano, pero ako lang ba ang natatawa sa postergrocery storenoodles ni Dad at Otu. na ito ng kung anung inumin?  Nakunan ko ito sa isang Korean noong may ilang oras din kaming naghahanap ng yakiudon

5.  Super Mochi

Minsan ay nagdala si Mama ng mochi galing sa kapitbahay ng sa tingin ko ay isa sa pinakamalaking mochi na nagawa dahil sa katamaran na rin.  Sabi ni Mama, “eh tinatamad daw sila na gawing maliliit pa, kaya ganyan na lang.”  Hindi ko alam kung naubos ni Tatay o kung tinapon na lang ang giant mochi.  Ang importante, nakunan ko ito.

6.  Ang isdang “common”

Isang sikat na isda ito na madalas kong marinig na napagkakamalang Lapu-Lapu.  Kaya naman nung minsan mapunta kami nila Dad at Otu sa Macro (parang Puregold, ayaw ko mag-explain ng mahaba, okay?)  Sabi ng aking source, ang isdang “common” ay matinik at walang lasa.

Ito ang tunay na Lapu-Lapu.

7.  Awkward…

(sa may side ng school)


(sa tapat ng urinal)

Syempre, titingnan mo at titingnan ang “indicator”, ‘di ba?  Ang yuckie!

8.  Seryoso?!

Ash Wednesday noon at nakunan kong nagbabalita si (Sino nga ba ito?).

***

Para sa nalalapit kong bertdey, sa mga nais magregalo sa akin (kahit wala talaga akong party this year dahil si Adelaida [ang pamoso kong nanay] ay turning 50 na), ganito po ang gusto kong gift: lol


Mag-iwan ng Puna