Archive for Hulyo 22nd, 2009

h1

Harry Potter and the half gallon of grape juice

Hulyo 22, 2009

Madami akong opinyon sa pinanood naming pelikula kamakailan ni Topie sa Megamall.  Ito ang pamosong pelikulang Harry Potter and the Half Blood Prince.

  • Saan pupunta ang nanay ni Malfoy at bihis na bihis?  Mantakin mong ang kasama niyang si Bellatrix ay parang babaeng taong grasa kung magbihis.  Awkward…
  • Wala talagang nakaisip nung aparador noh?  As in wala talaga?
  • Super tanda na si Professor McGonagall, tipong swerte na at umabot pa si Book 6 ng pelikula.  Ang tanong ngayon, umabot pa kaya siya sa katapusan ng franchise na ito?
  • Ron at Hermione, grow up already.  Mga paksyet kayo, hindi naman kayo attractive, ang tagal niyo pa magligawan.
  • Hindi rin ako convinced na may naghahabol sa tigyawating si Ron.  Dahil nag-gym ka, ganun?  I don’t think so.
  • Paulit-ulit na pino-focus ang maitim na kamay ni Tatang (Dumbledore).  Yes, yes, alam namin nakilaban ka sa Lord Walang-Mukha, pero kailan mo talagang i-focus ang kamay?  Try mo kaya hugasan, baka dumi lang ‘yan, Tatang.
  • Ito talaga ang pinaka-problema ko.  Kinailangan ba talagang inumin ni Tatang ’yung pagkarami-raming grape juice? As in ang dami, promise.  Ika nga ni Euge, ”isang malaking jar!”  Kahit sino naman mang-hihina kung ipapaubos sa kanya ’yun.

Pinili kong ’wag na basahin ang book 6 ng Harry Potter, binasa ko na lang sa Internet ang summary nito.  Eh sa wala na akong pakialam talaga, bakit ba?  At dala marahil na marami ring nanood ng araw na iyon na hindi rin binasa ang pamosong libro, maririnig ang napakalutong na reaksyon ng mga tao ng matapos ang pelikula, ”Ay, tapos na?  ’Yun na ’yun?!”

Nabasa ko rin sa Internet na magkakaroon ng dalawang part ang Book 7 ng Harry Potter, ’yung part 1 ipapalabas sa November at ’yung isa..hmm… kapag may pera na ulit ang mga taong gustong mapanood ang part 2.  Ang galing lang, hinati pa talaga ng mga gagu.  Kaya ako (at dito naman ako proud na proud), binasa ko na ang ending ng Harry Potter.  Tama ang hula kong hindi mamatay si Harry Potter (so FPJ-ish movie) at kung sino-sino pa ang mamatay at maglalabanan.  Matatalo si Voldemort, belat! lol

Ang akin lang, ilang taon na nating ine-enjoy ang Harry Potter franchise, hindi na siguro kalabisan ang malaman ang katapusan nito (lalo na sa mga taong sawa na ring magbasa ng libro).  Sa pinakasimpleng pananalita, wala namang masama kung nakalakihan mo na ito.


h1

Rosalinda, heart transplant, atbp.

Hulyo 22, 2009

Ang mga susunod ay mga dialogues sa telenovelang Rosalinda:

(Sa isang inaayusang stage)

(Sa mga sandaling iyon ay nag-aagaw buhay ang ina ni Rosalinda)

(Lalapitan ni Rosalinda ang isang payat na ale na malapit na inaayusang stage)

Rosalinda: Ano pong meron?

Payat na ale:  Ah may pa-singing-contest ang barangay.

Rosalinda:  May premyo po ba?

Rai:  Wala, soundtrip lang. lol

Sa isa namang scene (na galing sa aking kaibigang si Umay):

Fernando Jose:  (marahil kausap ang sarili) Bakit kaya low batt pa rin si Rosalinda?

Umay:  Ikaw na maging cellphone…? lol

So, inoperahan na nga ‘yung nanay ni Rosalinda.  Ang nagbigay yata ng pera pang-opera ay ang ”ninong” ni Rosalinda na si Roderick Paulate (na sa tuwing ipapakita sa mga scenes ay hinihintay mong mag-bakla-baklaan pero madidissapoint ka dahil hindi niya gagawin ’yun).  Sasabihin ng payat na doctor (na mukhang binihisang mendicant) sa tatay ni Rosalinda (na ginagampanan ni Gary Estrada) na ”binuksan” ang puso ng pasyente blah blah blah at kailangan ng heart transplant.  Ang swabe lang, parang kung ano lang ang sinabi.

Payat na doctor:  Kailangan niya ng heart transplant, kung hindi mamatay siya.

Rai:  Well, obviously.  *abot ng pagkain sa payat na doctor* Kain kayo, Doc.

Tatay ni Rosalinda:  Di baleng ako na magbigay ng puso, doc…*sabay iyak*

Rai:  Ganun kadali ’yun ah?  Ano ka, bubble gum?

***

Bilang pang-wakas, hayaan niyong mag-iwan ako ng isang makabuluhang mensahe galing kay Ms. Kris Aquino:

“Hindi ako pwedeng umuwi ng walang dalang Goldilocks bitbit.”

Bakit hindi pwedeng umuwi ng walang dalang Goldilocks bitbit si Kris Aquino, aber? Lol

h1

Blog Book Coming Soon…

Hulyo 22, 2009

‘Yan ay kung sipagin ako at matapos. Good luck sa akin.