h1

Rosalinda, heart transplant, atbp.

Hulyo 22, 2009

Ang mga susunod ay mga dialogues sa telenovelang Rosalinda:

(Sa isang inaayusang stage)

(Sa mga sandaling iyon ay nag-aagaw buhay ang ina ni Rosalinda)

(Lalapitan ni Rosalinda ang isang payat na ale na malapit na inaayusang stage)

Rosalinda: Ano pong meron?

Payat na ale:  Ah may pa-singing-contest ang barangay.

Rosalinda:  May premyo po ba?

Rai:  Wala, soundtrip lang. lol

Sa isa namang scene (na galing sa aking kaibigang si Umay):

Fernando Jose:  (marahil kausap ang sarili) Bakit kaya low batt pa rin si Rosalinda?

Umay:  Ikaw na maging cellphone…? lol

So, inoperahan na nga ‘yung nanay ni Rosalinda.  Ang nagbigay yata ng pera pang-opera ay ang ”ninong” ni Rosalinda na si Roderick Paulate (na sa tuwing ipapakita sa mga scenes ay hinihintay mong mag-bakla-baklaan pero madidissapoint ka dahil hindi niya gagawin ’yun).  Sasabihin ng payat na doctor (na mukhang binihisang mendicant) sa tatay ni Rosalinda (na ginagampanan ni Gary Estrada) na ”binuksan” ang puso ng pasyente blah blah blah at kailangan ng heart transplant.  Ang swabe lang, parang kung ano lang ang sinabi.

Payat na doctor:  Kailangan niya ng heart transplant, kung hindi mamatay siya.

Rai:  Well, obviously.  *abot ng pagkain sa payat na doctor* Kain kayo, Doc.

Tatay ni Rosalinda:  Di baleng ako na magbigay ng puso, doc…*sabay iyak*

Rai:  Ganun kadali ’yun ah?  Ano ka, bubble gum?

***

Bilang pang-wakas, hayaan niyong mag-iwan ako ng isang makabuluhang mensahe galing kay Ms. Kris Aquino:

“Hindi ako pwedeng umuwi ng walang dalang Goldilocks bitbit.”

Bakit hindi pwedeng umuwi ng walang dalang Goldilocks bitbit si Kris Aquino, aber? Lol

2 mga puna

  1. hahahaha.. i can’t wait na magkabuhay naman ang acting ni Carla. maganda sana ang Rosalinda. Ngayon mas enjoy ang adik sayo!!! panoorin mo rin un, kuya rai! please!? hahahaha.


  2. mare after nya manalo ng kanta kanta remember na dinala nya yung trophy while making takbo papuntang hospital at inabot sya ng umaga sa pagtakbo…….wala atang jeep sa lugar nila??lolz…



Mag-iwan ng Puna