
Ang Mahirit na Guard
Nobyembre 13, 2009
Dahil maarte ang aming homeowners association (na kinabibilangan ng pamoso kong nanay na si Adelaida), siniguro yata talaga nilang maging semi-exclusive ang aming subdivision sa pamamagitan ng pag-hi-hire ng isang night-shift echuserong guard.
Nakailang beses na ring kaming nagpang-abot ng echuserong guard, na tawagin na lang nating si Badong (hindi tunay na pangalan. I mean, hindi ko na talaga inalam ang pangalan, kung hindi ilalagay ko talaga dito sa entry na ito.)
Hindi naman ako madalas gabihin pag umuuwi. Kaya lang, hindi rin naman ako lumalabas ng bahay at gumagala para makipagkaibigan sa mga tao sa subdivision on a regular basis.
Ilan lang mga sumusunod sa mga pamatay na tanong ni Badong bago ako papasukin sa gate ng subdivision (tandaan na 19 years na kaming nakatira sa subdivision):
- Saan po kayo pupunta?
- Dito ka ba talaga nakatira?
- Anong street niyo?
- Ano pong gagawin niyo sa loob?
- Kanino po kayong bisita?
Dumating din naman ’yung panahon na parang nakilala na yata ako ni Badong. Kaya lang, may mga hirit pa rin siya tuwing papasok ako ng gate.
(Sa isang kotse, hinatid ng mga kasamahan sa opisina, papasok ng gate habang nagkukwentuhan)
Badong: ’Wag po kayong maingay, baka magising ‘yung mga homeowners.
Rai: Mag-noisy ka, echusero! Buksan mo na ang gate!
***
(Nakasakay sa isang red plate na sasakyan)
Badong: (Kausap ang driver) Babalik pa ba kayo?
Driver (na echusero din): Hindi na! Kina Rai na ako titira! Gago!
Pwahaha! Gusto ko mameet yang echoserong yan!