h1

Sana matalo si Pacquiao

Nobyembre 13, 2009

Hindi matatawaran ang excitement ng lahat sa parating na laban ni Pacquiao.  Ako man ay excited na malaman ang magiging resulta ng laban niya.  Sana matalo siya, para maiba namanImagine ang mga balita kung natalo siya.  May kung dalawang linggo hanggang isang buwan ding pagpipyestahan ang mangyayari.  Makakalimutan ng bansa ang problema sa darating na eleksyon at kasalukuyang problema umano sa langis. Sasabihin din sigurado na nadaya si Pacquiao.  Hindi pa rin makakaligtas ang mga manononood sa mga panayaw sa hinayupak na Nanay ni Pacquiao.

Sa anu mang pagkakataon, hindi ako naniniwalang ang laban ni Pacquiao ay laban ng bansa. Isa itong boxing match, periodGrow up, people.

Mag-iwan ng Puna