Hindi ko alam kung dahil nag-post ako ng anim na blog entries kahapon, bigla ko na lang nakita ‘to nung mag-log-in ako sa WordPress.

at ito pa…

Okay na sana eh, hapiness hapiness kung baga, ‘yung tipong, “shet, may nagbabasa na pala ng blogsite ko!”, kaya lang nakita ko rin ito.

Anak naman ng tilapia, 27 hits lang! 27 hits! May nagbabasa ba sa WordPress? Pero I’ll take it as a “condiment” na rin. Mabuti na ang may ganyang publicity kaysa sa wala.
And yes, mga isa o dalawa sa hits for today galing pa sa akin tuwing napipindot ko ‘yung na-paste kong link ng blogsite ko sa Facebook at nakakalimutan kong mag-log-in sa WordPress account ko.
***

I can’t wait for New Moon. Nakakakilig ang ideya na may nare-review na naman akong magandang pelikula, gaya na lamang ng mga sumusunod:
Harry Potter and the half gallon of grape juice
Majubis Love (Ang Kwento sa Likod ng Pamosong Sam Milby Movie)
Ito ay tungkol sa pelikulang “sunshine”
At bilang patunay na isa akong masugid na tagahanga ng film franchise na ito, narito ang ilang tagahanga ng Twilight at New Moon na nais magpahatid ng kakanilang mensahe.





***
At dahil kaarawan ngayon ng malapit kong kaibigan na si Otso (na isa pala sa pasimpleng nag-ad-advertise ng blogsite kong wala naman talagang nagbabasa), this entry is dedicated sa kanya. Mgft? Happy birthday, Bading. Hgeb!

