
Nag-asawa ka na ba? – Tulendoy of the Week
Enero 3, 2010Ang Tulendoy of the Week ay iginagawad bilang parangal sa isang tao/grupo/pangyayari na nakapagpamalas ng katangi-tanging “katulenduyan” sa linggong ito.
***
Bilang parangal sa lahat ng naging ugali na yata ang magtanong sa mga nakakasalubong na kaibigan/dating klaymeyt noong hayskul ng “Nag-asawa ka na ba? May anak ka na ba?” at para sa pag-iisip na dahil sampung taong na rin ang nakakaraan eh hindi na nakakahiyang isipin at i-assume na ang iyong klasmeyt noong hayskul ay nag-asawa na at sabi nga nila ay “lumagay na sa tahimik”.
Ang akin lang, kailan pa naging requirement sa buhay ang mag-asawa? Hindi rin kagandahan ang isiping dahil tumaba ang isang tao ay nanganak na ito (kung ito ay babae, syempre) at kung lalaki naman at tumaba ay sumobra ito sa pagkain (at lahi talaga nila ang tabain).
Sa taon na ito, nakatakda ang aming hayskul reunion. Kung kailan at saan, hindi ko alam. Ang alam ko lang, matapos ang 10 taon, ang tsansa ay makikita ko ang mga klasmeyt ko noong hayskul at kung sino-sinong ka-batch na sampung taon na ring nagtatamasa/naghihirap sa buhay. (Imagine kung gaano karaming tulendoy ang pwedeng isulat kapag nagkataon.)
Bilang napiling Tulendoy of the Week, lahat ng maririnig na nagtatanong inappropriately ng “Nag-asawa ka na ba?” ay ipapakasal gaya ng nangyari kay Salve (Sharon Cuneta) sa pelikulang Babangon Ako’t Dudurugin Kita (kahit lalaki pa ang mga ito). Kakausapin ng inyong ama (Ruben Rustia) si Alfred (Christopher De Leon) at pipiiliting pakasalan ka niya. Aalipinin ka ni Alfred. At matapos makahanap ng mayamang matrona nagngangalang Via (Hilda Coronel) ay ipapagahasa ka niya sa isang nagngangalang Harry at hihiwalayan na ng tuluyan. Hindi kasama sa iyong premyo ang makahanap ng isang sindikatong tutulong sa iyong “bumangon” at “durugin” si Alfre, Via, at Harry. At least, naranasan mo ang mag-asawa (at magahasa). Kudos sa iyo.
***
Note to Enchong:
Ganti ko ito sa sino mang ungas na nagtanong sa iyo ng ganun. I love you.

hindi yan ang hinahanap namig sagot
1. sinong “namin”? Madami kayong nagtatanong?
2. ano ang hinahanap niyong sagot?
3. may contest ba?
4. salamat sa pagdaan sa aking blog, kaibigan, kung sino ka man.