Walang nakatitiyak kung sino talaga ang hinayupak na si Juan Dela Cruz at kung may karapatan nga ba siyang magreklamo sa animo’y lahat ng bagay patungkol sa Pilipinas. Ang pagpapakilala kay Juan Dela Cruz ay isang taong nais mapabuti ang buhay ng lahat ng Pilipino at nais ng pagbabago (kung ang tinutukoy niya ay “pagbabago” na isinisigaw ni Noynoy, hindi natin matitiyak). Pero sa tingin ko, sa makabagong panahon ngayon, tatlo ang uri ng Juan Dela Cruz: isang taong natural lang na mareklamo, isang taong ang laging sagot ay “pakialam ko”, at isang taong natural na echusero, gaya ko.
- – - – - – - – - – - – - – -
Hindi ko alam kung ano ang trip ng isang “Juana” Dela Cruz noong nakaraang araw na nakasakay ako ng dyip pauwi. Habang hinihintay na pumuno ang dyip, maya’t maya ang paghuhumiyaw ng isang kanta ng Michael Learns To Rock, na sa huli ko na lang nalaman ay message alert tone pala ni Ate. Alam ko, alam ko, hindi ako dapat nakikialam sa message alert tone ng may message alert tone (kahit na ba ubod-lakas ito at tuwing tutunog ay gusto kong tumawa ng malakas). Ang pinakanakakailang lang ay nung umpisahan ni Ate na manood ng video sex scandal sa kanyang cellphone, na noong mga panahon na iyon ay katapat ng isang elementary student. Kung kinailangan talagang sariwain ni Ate ang pinakahuli niyang pakikipagniig (kung siya man ang nasa pinapanood niya), may lugar para sa ganyang sex trip; hindi ang dyip.
***
Pitong piso ang kadalasang pamasahe sa dyip. At sa ganitong halaga, ipinapahiwatig na wala kang karapatang magreklamo sa mga mumunting isyung nararanasan mo sa dyip; isa na dito ay ang siksikan/punuan sa dyip. Sanayang maituturing ang magtiis sa ganitong sistema, lalo pa kung ang tanging sasakyan papunta sa subdivision ninyo ay isang prankisa ng dyip na ang huling ruta ay maituturing pang isang baryo at/o hindi pa ganun kasibilisado.
Kaya kung may dala kang isang malaking bilao ng pansit (gaya ng nakasakay ko kanina), at sumakay ka pa rin sa isang punuang dyip, kasalanan mo na lang kung natapon ito dahil masyado kang matipid. Hindi na ako mabibigla kung minsan ay kambing at mga alagaing-hayop na ang pilit isinasakay sa dyip makatipid lang sa pamasahe. Ngayon ko naiintidihan ang pagkakaimbento ng mga taxi at tricyle.
***
Lahat ay narinig na ang hinaing ng mga drayber; sa kung paano kagahaman ang mga taga-LTO (o taga-MMDA) at sa kung paanong hingi ng hingi ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na kita.
Hindi ka naman naka-seatbelt, kuya. Nakapaa ka pang namamasada. Yosi ka pa ng yosi. Tapos nagtataka ka bakit ka hinuhuli? Astig.
Ang mga may karapatang magreklamo ay…kahit sino pwera sa iyo, kuya.
***
Kamakailan ay naibalita ang plano ng pamunuan ng Bureau of Customs na lagyan ng CCTV camera ang kanilang mga opisina at tanggalin ang mga drawers sa mga desk sa kanilang ang opisina. Layon daw nito ang tanggalin ang lahat ng under-the-table transactions at lahat ng mga salik na nagbubunsod sa katiwalaan.
Ang akin lang, ang nakaligtaan yata sa gagawing bagong patakaran na ito ay ang puntong hindi naman batang-paslit ang mga tinatanggalan ng drawers. Hindi drawers ang dapat tinatanggal kung hindi mga abusadong empleyado.
***
Nakikisimpatya ako kay Kris Aquino at kasalukuyang pinagdadaanan nito sa kanyang buhay-may-asawa; kung bakit, hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi ko kinailangang malaman na noong July 18 siya huling nagregla. Pambihira. *kamot-ulo*
***
Kalimitang malalaki ang acting ng mga taong nakakanood ng balita sa TV, lalo na kung may basic commodity na tataas ang presyo. Kanina ibinalita ang nagbabadyang pagtaas muli ng presyo ng asukal. Sinalubong ito ng isang pasigaw na, “Putangina” ng aking ng Tatay. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit apektado siya gayong:
a. Hindi naman siya ang nag-go-grocery.
b. Bawal na sa kanya ang asukal.
c. Ang gamit lang ng asukal sa bahay ay para mainom ng maayos ang kape, at ako lang naman ang nagkakape sa bahay.
d. Hindi naman kami nagpa-panaderia.
e. Imposibleng matuto ng baking ang pamosong si Adelaida.
- – - – - – - – - – - – - – -
Binibigyan ang lahat ng laya na ihayag ang mga kanilang mga saloobin at gawin ang mga bagay na sa tingin nila ay tama. Binibigyan din ang lahat ng laya na magreklamo at ipahayag ang mga nais nilang magbago sa lipunan. At, sa awa ng Diyos (ika nga), binibigyan din naman ng pasensya ang mga taong gaya ko na sa ayaw man nila’t gusto ay pilit naririnig si Juan Dela Cruz sampu ng kanyang mga reklamo.


Habang hinihintay na maayos ang aking maasahang laptop (Edward), napagdiskitahan kong kulitin ang isa sa mga kasama ni Ice (tech guy ni Edward) na noo’y abala sa panonood ng mga babaeng naka-webcam at maya’t-mayang nagpapakita ng mga “maseselang bahagi”. Isa sa mga chatters ang nagtanong sa kung sino mang Fallen ang chatname ng “
Na-layout ng maayos ang paalala itong. May bagsik din ito at tuwirang tinutukoy kung anu ang ilan sa mga “valuable things”. Ang nakalimutan lang nilang gawin ay i-proofread ito.
It is safe to assume na galit sa mga nagyoyosi ang gumawa ng paalalang ito. Ayaw ko siyang kaibigan, kung sakali. At malamang, ayaw din niya akong maging kaibigan.
Noong minsang magkaroong ng malaki-laki salu-salo sa bahay, may kung ilang araw ding nakatiwangwang ang malaking kalan na ito, na sa tuwing makikita ko ay feeling ko ay anumang oras ay lilipad at/o sasaktan ako gaya nung mga malalaking insekto sa pelikulang Starship Troopers (na FYI, ay isang taeng-taeng pelikula).
Sa isang “sikat” na tabloid, ang Idaing mo kay Vanezza ang animo’y makabagong Joe d’ Mango.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ng isang lata ng gatas, isang pritong galunggong (or is it galungong?), at isang istik ng pork barbeque sa isang nakasinding electric stove.
Habang naghihintay sa pag-repair sa aking natulendoy na laptop na si Edward sa eskwelahan kung saan minsan ay tinawag din akong “titser”, gaya ng madalas mangyari, may napakinggan na naman akong usapan. May tatlong estudyante ang animo’y nagtatalo, na noong mga panahon na iyon ay nasa harap ng isang wash area station.
May kung dalawang lingo na rin akong may bagong ayos ng buhok, ang underrated na Mohawk. At sa may ilang linggo na rin na ganito ang ayos ng buhok ko, magkahalong tuwa (ibig sabihin, mas may yabang sa paglalakad) at takot (ibig sabihin, para akong kinukutyang mangkukulam ng isang nayon) ang aking nararamdaman. Narito ang ilan sa mga pag-uusap na ang naging paksa ay ang aking Mohawk.
***
***
Inuumpisahan ang isang sesyon sa mga pagpupulong sa mga halal na opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng isang dasal, pagkatapos ay ang pagkanta ng Pambansang Awit. Sa pagtalakay sa mga paksang kailangang pagbotohan, ang madalas na nagiging linya ay, “I move for the…” na susundan ng mga katagang “I second the motion.” Ganito din ang senaryo sa pagtatapos ng pagpupulong. Upang pormal na matapos ang isang sesyon, magkakaroon ng isa na namang “motion” na sesegundahan naman ng isa pang kasapi ng pagpupulong.
Umaga ng lingo at kakagising ko lang, diretcho sa sala at nakitang ang bunsong kapatid na nanonood ng TV.
Sa isang inuman, sa isang regular na inumang ang tanging komposisyon ay alak, pulutan, mga namumula-na-sa-kalasingan na kainuman, ang kulang na lang ay mga sumusunod:
Kung hindi ka ready sa mga tanong ng Nanay kong si
Queen Echos
Ang Mohawk
“Escape”