h1

The Mohawk Dialogues

Hulyo 28, 2010

May kung dalawang lingo na rin akong may bagong ayos ng buhok, ang underrated na Mohawk.  At sa may ilang linggo na rin na ganito ang ayos ng buhok ko, magkahalong tuwa (ibig sabihin, mas may yabang sa paglalakad) at takot (ibig sabihin, para akong kinukutyang mangkukulam ng isang nayon) ang aking nararamdaman.  Narito ang ilan sa mga pag-uusap na ang naging paksa ay ang aking Mohawk.

***

Kapitbahay/Retiradong titser:  Ang cute naman ng buhok mo.

Rai:  Salamat po.

Kapitbahay/Retiradong titser:  Noong nagtuturo pa ako, ‘pag ganyan ang buhok, hindi ko pinapapasok.

Rai:  Hindi na po kayo titser.  At hindi na rin po ako estudyante. Hehe  Pabili po ng Marlboro Red.

***

Vulcanizer sa tapat ng subdivision (Rogie):  Anak ng – ano ginawa mo sa buhok mo?!

Rai:  Pakialaman mo ang buhok ko kapag marunong ka na maligo.

***

Ale sa jeep na kamukha ni Queen Seon Deok:  Iho, ang cute naman ng buhok mo.

Rai:  Salamat po.

Ale sa jeep na kamukha ni Queen Seon Deok:  Kamukha mo si Baby James.

Rai:  Okay na po iyon.  At least hindi ko po kamukha si Josh.

***

(Mula sa Mga ilang tanong ni Adelaida)

Adelaida:  (Tingin lang nang tingin sa akin habang nanonood ako ng TV.)

Rai:  May itatanong ka, Ma?

Adelaida:  (Bumebwelo at akmang magtatanong.)

Rai:  Ano ‘yun?

Adelaida:  Bakit ganyan na naman buhok mo?

Rai:  Seryoso?  Tinatanong mo talaga ako ng ganyan o pinapatanong ni Tatay?

Adelaida:  Sige, kunwari gusto kong malaman. (Natatawa na)

Rai:  Sabihin mo kay Tatay, it’s just hair! Sabihin mo, baka hindi pa niya alam, ‘yung buhok tumutubo din. Saka matagal na nating naipaliwanag sa mga kapitbahay na:  a. hindi ako adik, b. na consistent Dean’s Lister ako noong college at hamak na magaling kumpara sa mga anak nilang nag-asawa nang maaga, at c. may maayos akong trabaho.

Adelaida:  Hayaan mo Tatay mo.  Hobby niya ang mamroblema.  Alis muna ako, may meeting kami sa pastoral.

***

Ate Perky sa canteen:  Ano order mo, Avatar?

Rai:  (Nangiti na lang)

4 mga puna

  1. Astig!!! Inggit ako!!! Yung kapatid ko pinakulayan niya pa ng pula.


    • hindi naman ako ganun ka-extreme. hindi na.hehehe


  2. Malay ko ba hehe. Ay basta tuwing nakakakita ako ng nakamohawk naiinggit at napapahaaay na lang ako.


  3. hahaha! uu nga naman.. mas nakakabuti talaga ang magbasa – para matuto at matuto habang naaaliw. ganda!



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.