
Marunong ka ba mag-Facebook, anak?
Hunyo 10, 2011
Adelaida: Yan, may itatanong ako?
Rai: ‘Di pa ako nagsweldo, Ma. Bukas pa lang.
Adelaida: Hindi ‘yun. Ang dami ko pang pera eh.
Rai: Nagyabang ka pa, Doña Adelaida? Eh ano nga?
Adelaida: Marunong ka bang mag-Facebook?
Rai: Syempre. Bakit?
Adelaida: May ipapahanap sana akong tao sa iyo.
Rai: Eh bakit ‘di ka patulong sa mga pulis o kaya sa barangay. *tawa ng tawa*
Adelaida: Sira. Sabi kasi nila kapag may gusto kang hanapin na kakilala mo, i-type mo lang name.
Rai: Na ka-edad ko, oo. Pero sa batch niyo, kung gusto mong hanapin, may mga vault na hinahalukay para makita lang ‘yung address. ‘Yung ibang files naman eh wala na, nasunog nong magkaroon na sunog sa eskwelahan niyo.
Adelaida: Seryosong usapan nga.
Rai: Eh ‘yun nga, marunong nga ako mag-Facebook. Oh, napano? Anong meron?
Adelaida: Hahanapin ko sana ‘yung ex ko.
Rai: Wow. Ex talaga?
Adelaida: Oo, nung hayskul. Alam ko engineer na siya ngayon. Mabait ‘yun.
Rai: Baka naman ‘yung totoong tatay ko ‘yan, eh hanapin na natin.
Adelaida: Naku, ‘di niya gugustuhing maging anak ka nun. Masungit ka at mapili sa pagkain.
Rai: ‘Di pala ako marunong mag-Facebook. *nag-walk-out*
Conclusion: Engineer ‘yata’ talaga tatay ko. And yeah, mapili sa pagkain. Pambihira.
