
Adelaida on Dennis & Jennilyn (The 12th Gospel)
Agosto 18, 2011
Habang nanonood ng balita sa TV kanina tungkol sa pagiging “single” ni Dennis Trillo, kahit hindi ko tinanong eh nag-comment ang aking pamosong nanay.
Adelaida: Alam mo, Yan, maganda na rin na naghiwalay si Jennilyn at Dennis.
Rai: Uh-huh. (Nawiweirduhan sa topic)
Adelaida: Alam mo kung bakit?
Rai: Sige na nga. Bakit?
Adelaida: Kasi hindi sila bagay.
Rai: Dahil?
Adelaida: May anak na si Jennilyn.
Rai: Isyu ‘yun kasi?
Adelaida: Pareho silang may anak ni Dennis.
Rai: At alam mo talagang may anak si Dennis?
Adelaida: Yes. Alam ko dalawa na anak niya. Kaya hindi sila bagay, kasi may anak silang pareho.
Rai: So mas bagay sa kanila eh single dapat?
Adelaida: Basta dapat walang anak ‘yung magsosyota nila.
Rai: Ligawan ka ni Dennis, ayaw mo, Ma?
Adelaida: *tiningnan at nag-smile kay tatay* Ayaw ko; may anak na siya eh.
Rai: Eh kung walang anak?
Adelaida: Ah ‘yun okay lang. *tawa ng malakas*
Rai: So dapat talaga walang anak at single?
Adelaida: Yes.
Rai: Single si Luis Manzano?
Adelaida: Dinedate ni Jennilyn si Luis?
Rai: ‘Yan oh, sabi sa balita.
Adelaida: Ang landi naman ni Jennilyn.
Rai: *tawa lang ng tawa*
Adelaida: Ano nagustuhan niya kay Luis?
Rai: Single siya, ‘yun siguro?
Adelaida: Eh dapat ‘di si Luis, eh bakla ‘yan eh.
Rai: Paano mo nalaman?
Adelaida: Eh sa tingin pa lang, parang medyo malambot. Saka syempre magmamana ’yan sa tatay niya na bakla rin.
Rai: Si Edu?
Adelaida: Oo.
Rai: Bakla rin si Edu?
Adelaida: Oo naman. Kaya nga siya hiniwalayan ni Vilma.
Rai: *tawa lang ng tawa* Paanong napunta kay Edu at Vilma ang usapan?
