
Alvin and the Gibberish
Agosto 18, 2011
Isang Sabado ng gabi at naabutan ko ang aking pamangkin na si Fritz (11) at ang kanyang Lolo (53) na animo’t may pinag-uusapan.
Lolo: Eh bakit kasi ayaw mo pa umuwi? Kanina ka pa niyaya ng nanay mo.
Fritz: Eh kasi manonood pa ako ng movie, Lolo.
Lolo: Ano papanoorin mo?
Fritz: Alvinand the Chipmunks.
Lolo: Ano? (‘Di maintindihan, obviously.)
Fritz: Alvinand the Chipmunks.
Lolo: Alvin and the Kitkat?
Rai: ‘Tay, komedyante ‘yun. Sabihin mo ulet, Fritz. (Nakisawsaw talaga ako, kwela eh.)
Fritz: Alvinand the Chipmunks.
Lolo: Alvinand the Pink Cat?
Rai: (Tawa lang ng tawa.)
Fritz: Alvinand the Chipmunks.
Lolo: Alvin and the Nitnat?
Fritz: *nagkamot-ulo na lang*
