Imbak para sa Kategoriyang ‘it's mother time!’

h1

adelaida turns 50!

Hulyo 3, 2009

Last year, nag-25 ako at nag-party.  Sa taon ito, 50 na si Mama at siya naman ang magpa-party.  Mabuti na lang at napilit ko siya na igawa ng invitations.  Bad trip nga lang at medyo nahalata ni Mama na igagawa ko siya ng Powerpoint presentation (kasalanan ng tanga kong kapatid na nakalimutang isinp ang mga pictures na pina-scan ko.

Siya nga pala, sa mga bumabasa nito, hindi kayo invited ah?  Ako ba may party?  Ako ba?

h1

“Adelaida Strikes Back!” The 7th Gospel According to Adelaida

Enero 4, 2009

Kapag kinakatok ka ng pinto ng buhay at realidad
Maaari ka rin namang lumabas at panandaliang umiwas
Pasasaan ba’t babalik ka rin at sisilong
Pasasaan ba’t pipiliin mo ring kumatok at bumangon.
01/05/09
Rashid

***

Habang binibilang ko ang nalalabing araw ko bago magbalik sa trabaho (kasi kahit sino naman ay maninibago after 12 days na walang pasok at araw-araw ay alas-tres ka na ng hapon kung gumising), napagpasyahan kong panoorin ang aking tinuturing na therapy session, ang programang “Wish Ko Lang”.

***

Nakakatuwa ang nagagawa ng programang Wish Ko Lang sa akin kasi:

Feeling ko bumabait ako kapag pinapanood ito

- Para itong mabilisang episode ng Maalaala Mo Kaya, kasi paiiyakin ka talaga nito.

- Nakakatuwang panoorin ito kung kasama si Mama, na laging may nakakatawang komento tungkol sa mga taong nasa programa.

***

Ganito ang nangyari.

January 3, 2009.  Ang episode sa Wish Ko Lang ay tungkol sa:

a.  Isang dating finalist sa Pinoy Pop Superstar na nalalagas ang buhok, for some reason, ‘di ko na lang e-explain.

b.  Dating titser na may Master’s Degree in English Communication at medyo — medyo lang naman — nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.

c.  Batang mag-tiyo (lumpo ‘yung tiyo, ‘yung pamangkin may cleft pallet).

[Kasalukuyan na akong nag-in-internalize para malungkot at makisimpatiya sa dating finalist sa Pinoy Pop Superstar na nalalagas ang buhok, for some reason, nang dumating si Mama.]

Mama:  Ay, Yan, ninanu ya? (Ay, Yan, napano siya?)

Me:  Mag-umpisa yapa, Ma, eku balu. (Kauumpisa lang, Ma, ‘di ko alam.)

Mama:  Ot karakal na pimples? (Bakit ang dami niyang pimples?)

Me:  Ma, that’s not her problem.

Mama:   Ot mag-English ka pa? (Bakit ka nag-i-English?)

Me:  Eku balu. (‘Di ko alam.)  [Tapos tawa lang ako ng tawa.]

[Tuloy sa panonood.]

Mama:  Nanan de kanyan? (Anung gagawin niyan sa kanya?)

Me:  Ma, eku balu. (Ma, ‘di ko alam.)

Mama:  Ay, ot malalagas ya buwak? (Ay, bakit nalalagas buhok niya?)

Me:  Hmmmm.. malamang masakit ya? (Hmmmmmm.. malamang may sakit siya?)

Mama:  Sobra keng shampoo ‘yan. (Sobra sa shampoo ‘yan.)

[Tawa lang ako ng tawa.]

Mama: Aba, tutu naman– (Aba, tingnan mo nga–) [tapos natigilan si Mama kasi pinakita na 'yung girl na na-make-over at dinala sa GMA Network Studio.]

Mama:  Apalagu da ne man eh. (Napaganda naman siya oh.)  Nanan de kanyan? (Anong gagawin sa kanya niyan?)

Me:  Ma, alben me, eku balu. (Ma, panoorin mo, ‘di ko alam.)

[Tapos pinakita 'yung office sa GMA]

Mama:  Yan, magkanu mo ing sweldu da reng keng GMA? (Yan, magkano sa tingin mo ang sweldo ng mga nasa GMA?)

Me:  Eku balu. (‘Di ko alam.)

Mama:  Bisa kang magobra ken? (Gusto mong magtrabaho diyan?)

Me:  Ali. (Hindi)

Mama:  Bakit ali? (Bakit hindi?)

Me:  Masaya naku keni. (Masaya na ako dito.)

[Tapos natapos 'yung segment tungkol dun sa dating finalist sa Pinoy Pop Superstar na nalalagas ang buhok, for some reason, na hindi na namin medyo naiintidihan kung anu nangyari dahil sa sobrang kadaldalan naming mag-ina.]


[Sumunod na pinakita 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.]

Mama:  Yan, bakit ya mag-English? (Yan, bakit siya nag-i-English?)

Me:  Kasi biyasa ‘yang mag-English? (Dahil marunong siyang mag-English?)

Mama:  E wari murit ya? (‘Di ba baliw siya?)

Me:  Bawal lang mag-English reng murit? (Bawal mag-English ang mga baliw?)

Mama:  Aba, menakit naka waring murit na mag-English? (Aba, nakakita ka na ba ng baliw na nag-i-English?)

Me:  Ayan, ing alben ta. (Ayan, ‘yang pinapanood natin.)

Mama:  Ay, e talaga mag-Tagalug, Yan.  (Ay, hindi talaga siya nagta-Tagalog, Yan.)

Me:  Kasi pin biyasa ya talagang mag-English. (Kasi nga marunong talaga siyang mag-English.)

[Tapos pinakita dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.  Pagkatapos, pinakita 'yung interview sa anak niya.]

Mama:  Oh lawen mu na, atin ya pang anak. (Oh, tingnan mo na, may anak pa pala siya.)

Me: Bawal la ring mika-anak? (Bawal din sila magka-anak?)

[Tawa ulit.]

Mama:  Pakyapusan ke pa ‘yan. (Gayahin ko nga ‘yan.)

Me:  Ninu? (Sino?)

Mama: Itang mag-English (‘Yung nag-i-English.)

Me: Mamurit ka rin? (Mababaliw ka rin?)

Mama:  Ali.  Potang aku, eku mag-English, magkanta naku man. (Hindi.  Kapag ako, hindi ako mag-i-English, kakanta naman ako.)

Me: [Tawa lang ng tawa] Ot gawan mu naman ‘ta? (Bakit mo naman gagawin ‘yun?)

Mama:  Ala mu. (Wala lang.)

[Tawa pa rin ako ng tawa.]

Me: Nanu mong kanta mu kanita? (Ano ikakanta mo ‘pag nagkataon?)

Mama:  Love songs.

[Nalaglag na ako sa sofa sa kakatawa.]

Mama:  Ika, pane mu kung paglokwan. (Ikaw, lagi mo na lang akong niloloko.)

Me:  Aku pa talaga neh?  Ikang sinabing bisa kang mamurit para magkanta keng dalan. (Ako pa talaga noh?  Ikaw ‘tong nagsabing gusto mo mabaliw para kumanta sa daan.)

[Tapos tawa lang kami ng tawa ni Mama.]


[Sumunod na pinakita nang idala (para ipagamot sa isang private mental clinic) 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.]

Mama:  O, ulwan da ne man pala eh. (Oh, gagamutin naman pala siya eh.)

Me: Nanu waring in-expect mu, na ali de? (Ano ba in-expect mo, na hindi?)

Mama:  Pwedi la pang uulwan reng pakanyan neh? (Pwede pa lang gamutin ang mga ganyan noh?)

[Tawa lang ako ng tawa.]

[Sumunod na pinakita 'yung after-two-months na, nagamot na 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.]

Mama:  Ay, ot ene mag-English?  Ampong metaba ya neh? (Ay, bakit hindi na siya nag-i-English?  Saka bakit tumaba siya?)

[Pinakita sa segment na ini-interview na 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.  Medyo mataba na siya at hindi na gaanong nag-i-Ingles.]

Me:  At least balu ku na wokarin daka paulu potang bigla na kang migkanta keng dalan. (At least alam ko kung saan kita ipapagamot kapag bigla ka na lang kumanta sa kalsada.)

Mama:  Murit ka talaga. (Baliw ka talaga.)

Me:  Aba, ikang sinabing bisa kang magkanta keng dalan. (Aba, ikaw nagsabing gusto mong kumanta sa kalsada.)

[Sumunod na pinakita 'yung batang mag-tiyo (lumpo 'yung tiyo, 'yung pamangkin may cleft pallet) na hindi na napanood ni Mama kasi kinailangan niyang pumunta sa Homeowners Association Meeting.]

***


- The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

- The Gospel According to Adelaida

- Kari-MARIMAR-im

- Ano ang Mangustin?

h1

Egyptian Monkey at ang cellphone load hacking

Oktubre 14, 2008

Ganito ang kasalukuyang sitwasyon sa amin:

- ang mga mahihirap na wala yatang pang-load ay nakahanap ng paraan para “mang-hack” ng load ng ibang Globe users. Ito ang tipo ng pagnanakaw na kahit wala kang ginagawa sa cellphone mo eh nababawasan ang load mo at napupunta sa kung sinong mang patay-gutom na nang-hack ng load mo.  Mula .80 pesos hanggang sa bagong load na 300 pesos, nakukuha ito sa ‘di ko maipaliwanag [sort of 'di ipapaliwanag kasi medyo komplikado] na dahilan.

- galit na galit ang mga nananakawan ng load.

- hindi pa ako nananakawan ng load ['di ko alam bakit.  Gusto ko tuloy manakawan ng load para maiba lang.]

- tuloy-tuloy ang nakawan ng load sa cellphone at karamihan ay takot ng mag-load dahil baka masayang lang.

***

October 14, 2008

9:01 a.m. [late ako, syet, ang dalang na lang]

Pagdating ko ng opisina, mahimalang maaga si Boss [kaya nasermon ako, syempre, lagi naman eh], pero okay lang, sabi ko sa sarili ko, ‘wag sirain ang araw, ‘wag mamamaktol at ‘wag papatulan ang anu mang kagaguhan sa paligid.

Bukas ng cabinet [o kung anu man tawag dun sa may susian], upo, sindi kay Edward [the office laptop], adjust ng volume ng phone headset kasi may nag-e-effort na mag-good-morning.

“Goodmorning…”

Pinatay ang tumutugtog sa cellphone pero ‘di tinanggal ang headset [para kunwari nag-sa-soundtrip pa rin] para maka-iwas sa early-morning small talk na naging hobby sa opisina.  Kunwari nakatitig sa screen ni Edward kahit hindi pa ito nakasindi.  Hindi ko naiwasan ang makinig sa usapan ng mga sa opisina.  Pagkain na naman ang usapan.  Pagkain. Pagkain.  Pagkain.  Hangang sa maiba ang usapan.  Yehey!  [Kahit hindi ko pa alam nung mga oras na iyon kung ano talaga ang pinag-uusapan.]

‘Di umano ay may nananakawan ng load; nag-load daw siya ng 300 pesos at nung mag-check siya ng balance, 10 pesos na lang.

Akma ko namang naalala ang isang reklamo ng kasama ng isang kaibigan ko [na itago na lang natin sa pangalang Egyptian Monkey]

***

Egyptian Monkey:  Oh, hello, kuya!

Egyptian Kuya:  Hi……

Egyptian Friend:  Sama ka, Egyptian Monkey, may bibilhin lang kami sa mall.

Egyptian Monkey:  O sige! Wala rin naman ako gagawin!

*Lakad, lakad ng konti, lakad ng konti, lakad*

Egyptian Monkey:  Kuya, okay lang na kasama ako?

Egyptian Kuya:  May magagawa pa ba ako? [kuha ng yosi at sinindihan]

*Lakad, lakad ng konti, lakad ng konti, lakad*

Egyptian Monkey:  Kasi wala rin naman akong gagawin sa amin.

Egyptian Kuya:  Ganun ba? [sabay lakad ulit, medyo nagpauna bago makapatay ng tao]

Egyptian Monkey (kausap si Egyptian Friend o malamang ako o kaya kausap niya lahat):  HEEEEEEEEE! NAKAKAINIS! PAYB [FIVE] PESOS LANG NA-HACK KONG LOAD!!!! KAASAR!

*end of Egyptian story*

***

Malay ko bang seryoso si Egyptian Monkey sa pagnanakaw ng load.

Balik sa kwento…

Dahil siguro nagsawa ako sa kakarinig ng mga kwento patungkol dito, hindi man ako nanakawan ng load, eh napagtripan kong “maliwanagan” sa isyu na ito (kasama ang kaibigan kong nagrereklamo na rin sa nangyayari).  Tumawag ako sa customer service ng Globe.

*dial 211*

*ring*

*disconnected*

*dial ulit ng 211*

*madami sinabi na numbers, tipong, “if you want to know more about your crush, press 567; if you want to know more about life, press 298; if you want to know more about how too cook kare-kare, press 198.”

*tapos bigla akong na-transfer sa isang customer service representative*

CSR:  Hello, this is Charlie.  How may I help you?

Me: hmmmmm… [tapos tinanong ko si Otu kung ano nga ba itatanong namin]

Otu:  Tanong mo kong bakit nananakaw ‘yung load ko.

Me:  There! Pinapatanong ng friend ko kung bakit daw nanakaw load niya? [tawa kami ng tawa ni Otu, para kaming mga timang.]

Charlie:  So, sir, hindi po kayo involved?

Me:  Or let’s just say it’s a general question and gusto ko malaman ‘yung answer. [hagikgikan sa background]

Charlie:  Sir, before anything else [blah blah blah protocol and whatnot]

Me:  [Tapos kinwento ko 'yung nangyayari sa amin, tipong ako yata unang nag-inquire kung bakit nangyayari 'yun.  Kahit anong gawin kong paliwanag, parang hindi ako "gets" ni Charlie.]

Natapos ang tawag ko na “noted” at “manager” lang ang naintindihan kong sagot ni Charlie.  Natapos ang tawag na walang ginawa si Charlie kung hindi sabihing, “Baka naman nag-expire na ang kanyang unlimited?  Baka naman po may subscription siya na hindi niya alam?  [Duhhhhh] Baka naman po tanga ako at wala talaga akong alam isagot ngayon kaya pinahaba ko na lang ‘yung phone call?”

Ang dalang mo lang humingi ng “real help”, wala ka pa maasahan.  Minsan kapag natipuhan ka pa ng CSR, kukunin number mo at ite-text ka matapos ang shift niya para magyaya ng laswaan.  [For the record, hindi po 'yung Charlie.]

Hindi rin natapos ang usapan sa “cellphone load hacking” hanggang sa tindahan malapit sa amin.  Ang napansin ko lang, sa araw na ito, mga limang (5) text messages lang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko, hindi maganda ‘yun.

Pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ng masayahin kong Nanay.

Mama:  Hello!  Ot ngeni ka pa? (Bakit ngayon ka lang?)

Me:  Pintalan ke i Lamey. (Pinuntahan ko si Lamey) [friend]. [Sabay pasok ng kwarto.]

Mama:  Text me pala i wali mu — (Text mo nga pala ‘yung nakakabata mong kapatid –)

Me: Na atsu Europe?  Eku bisa.  Saka ala kung load. (Na nasa Europe?  Ayaw ko nga.  Saka wala akong load.)

Mama:  Ot eka mag-load? (Bakit hindi ka mag-load?)

Me:  [Tapos kinwento ko 'yung kanina ko pa kinukwento pwera 'yung tungkol kay Egyptian Monkey]

Mama:  Ah pakinita ba? (Ah ganun ba?)

Me:  Apparently maha-hack la reng load (naha-hack ‘yung mga load.)

Mama:  Ahh.. cloning

Me:  Cloning pala eh. [mga isang oras ako tumatawa.  Si Mama talaga!]

h1

Overseas Call and whatnot

Agosto 22, 2008

Mga tauhan:

Me - bilang tumatabang anak ni Adelaida; may apat na araw para magbaboy-baboy at walang gawin dahil Martes pa ang pasok sa opisina; nag-ko-contemplate na magpa-tattoo pero binura din sa isip ang ideya kasi masakit siguro magpalagay ng tattoo (at malamang bored lang talaga ako); nagsusulat ng blog entry habang nangyayari ang mga sumusunod na pag-uusap.

Adelaida – pamosong nanay ko na may sariling section sa blogsite ko; kilala sa pagpapakalat ng “The Gospel According to Adelaida Monologues“; kasalakuyang kausap ang kapatid kong si JayJay; nakainom ng konti dahil galing sa birthday party ng homeowners association president sa subdivision namin.

Tatay - wala talagang pangalan [Bakit ba kayo nakikialam?]; nakainom din dahil galing din sa birthday; extra lang sa usapan; sad to say, tatay ko.

JayJay - bunso kong kapatid na weird; nililibot ang mundo dahil kasalukuyang nag-se-seaman; nagpapayaman at nag-uukay-ukay sa US nang huli niyang e-mail sa akin.

***

The Phonecall

(Nag-ring ang phone)

Me (kausap ‘yung sa kabilang linya, syempre): Hello? Sino po sila?

JayJay: Ya? (Kuya?)

Me: Hello? Sino po sila?

Jayjay: Ya, i JayJay ini. (Kuya, si JayJay ito.)

Me: Ah okay.

(Biglang kinatok ang pinto ng kwarto ng alcoholic parents)

Me: Ma, mamawus ya i JayJay. (Ma, tumatawag si JayJay.)

(Katok pa rin sa pinto.)

Me (kausap si JayJay): Saguli mu, no kasasakit gisingan reng pengari mu. (Hintay lang ah, hirap gisingin ng mga magulang mo.)

Jayjay: Bakit wari? (Bakit ba?)

Me: Eh makainum la reng adwa, ibat la ketang bertdey. (Eh nakainom ang dalawa, galing sa birthday.)

(Katok ng malakas sa pinto)

Me: Ma!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Adelaida: Nanu?!!!!!!!!! (Ano?!!!!!!!!!!!)

Me: JayJay.

(Bumukas pinto.)

Adelaida (kausap ako): Ot sinabi mo pang minum kami? (Bakit mo pa sinabi uminom kami?) *medyo natatawa*

Me: Eh tutu naman. Kasikan ‘yung malakak nandin ikayung adwa. (Eh totoo naman. Ang lakas kaya ng hilik niyong dalawa.)

Adelaida (kausap si JayJay): *blah blah blah*

(Pakatapon makausap si JayJay)

Adelaida (kausap si Tatay): Pakisabyan me kanu ing anak mu ow. (Kausapin mo raw anak mo ow.)

Tatay (kausap si JayJay): O, kamusta na ka ken, anak? (O, kamusta na diyan, anak.) *blah blah blah* I love you.

Adelaida & Me: KADIRI!

Me: Ewwwwwwwww!!

Adelaida: Yuuuuuuucccckkkk!

*the end*

Tapos nagtataka si Tatay kung bakit hindi namin siya gini-greet ng Happy Fathers Day (‘pag Father’s Day) o kung bakit, alam niyo na, hindi kami close.

Pahabol:

(Matapos magkwento yata si JayJay ng namatay na kasamahan sa barko.)

Adelaida (kausap si JayJay): Ay, pakanita ba? Eh ‘di inuli de frozen ya? (Ah ganun ba? Eh ‘di inuwi siya ng frozen?)

Me (nakikisawsaw sa usapan): Balamu baka yamu neh? (Parang baka lang noh?)

Adelaida (kausap si JayJay): Sabi na ping koya mu, banned ku pa kanung pagupit. Pa-rebond naku kanu potang makabe neh. (Sabi nga ng kuya mo banned na daw ako magpagupit. Ipapa-rebond niya daw ako kapag nagpahaba ako ng buhok.)

(May sinaabi si JayJay sa kabilang linya.)

Adelaida (kausap pa rin si JayJay): ABA, AYDUMO, NANUNG BURI MUNG SABYAN? PIKAKARINE MU KU WARI OT SABYAN MUNG MAGPALAGU KO? TA EKU MALAGO? (ABA, DAMUHO KA, ANONG IBIG MONG SABIHIN? IKINAKAHIYA MO BA AKO AT NASASABI MONG HINDI AKO NAGPAPAGANDA? HINDI BA AKO MAGANDA.

Me: *Tiningnan si Mama, pabulong na sinabing, “hmmmmm..not really?“*

xoxo sungkamaster

h1

India Stampede: The 6th Reading According to the Gospel of Adelaida

Agosto 12, 2008

Purista na maitutuwing si Nanay pagdating sa kanyang mga opinyon, kaya pina-alalahanan po ang mga babasa nito na ‘wag pong ma-offend (o kung ma-o-offend man, kimkimin niyo na lang) o kung hindi ka naman talaga na-offend, eh ma-offend ka na, para maiba naman.

Ang mga sumusunod ay batay sa mga tunay na pag-uusap. Sinadya pong hindi itago ang pangalan, lugar, pangyayari para naman mas magmukhang “cool”.  Kung pikon ka, baduy ka. :)

***

Ayon sa Reuters (kunwari sosyal..hehehe), “At least 145 people, mostly women and children, were crushed to death under the feet of thousands of pilgrims in a stampede at a temple in northern India on Sunday, police said.    

Hindi ako sigurado kung alam ni Mama kung ano ang Reuters. Ang alam ko lang, noong isang araw, mga 30 minutes akong nagpapaliwanag sa kanya kung anu ang ibig sabihin ng “*some text missing*” kapag nakakatanggap ka ng text.

Habang masaya akong nakahilata sa sofa at pinagtitiyagaan na panoorin ang mga local news, masinsin na nanonood si Mama. 

Mahigit 145 katao sa India, patay sa stampede!sabi ng balita sa TV.

***

Heto ang mga sumunod nangyari matapos ang balitang iyon…

Me:  Ay, ninanu la? (Ay, napano sila?)[Kunwari may pakialam talaga.]

Mama: Ninanu la pin neh? (Napano nga sila noh?)

Me:  Ma, mete la. (Ma, namatay sila.)

(Drumroll, please)

Mama:  Yan, e kasi Apung Ginu ing sasamban da eh. (Yan, hindi kasi Panginoong Diyos ang sinasamba nila.)

Me:  *tawa lang ng tawa*

Mama:  Ot mayli ka?  (Bakit ka tumatawa?)

Me:  *tawa pa rin ng tawa*

Mama:  Reng keng India kasi ela sasamba keng Apung Ginu.  (‘Yung mga nasa India kasi hindi sumasamba mga iyan sa Panginoong Diyos)

Me:  *naluluha na sa kakatawa* O nanung sasamban da? (Eh anong sinasama nila?)

Mama:  Usa.

Me:  Usa?

Mama:  Wa. (Oo)

Me: Siguradu ka?  (Sigurado ka?)

Mama:  Ay, ali pala. (Ay, hindi pala.)

Me: O nanu mo? (Eh ano?)

Mama:  Tupa pala.

Me:  *tawa na naman*

Mama:  Eh wari sisilaban do reng tupa kaybat ilang sasamban da.  (Eh ‘di ba sinusunog nila mga tupa tapos ‘yung sinasamba nila.)

Me:  Silab de saka de samban? (Susunugin nila tapos sasambahin nila?)

Mama:  Wa. (Oo.) [seryoso si Mama.]

Me:  Kaninu mu abalu ‘yan?  (Kanino mo nalaman ‘yan?)

Mama:  Bakit?

Me: Kaninu mu pin abalu ‘yan? (Kanino mo nga nalaman?)

Mama:  Ala mu, tsismis mu. (Wala lang, tsismis lang.)

Me:  So, ela pala sasamba keng Apung Ginu reng keng tau keng India neh?  (So, hindi pala sumasamba sa Panginoong Diyos ang mga tao sa India noh?)

Mama:  Wa.  (Oo.)

Me:  And sasamba la kareng tupa neh?  (At sumasamba sila sa tupa noh?)

Mama: Wa. (Oo.)

Me:  Ot alimo kambing o kaya damulag ing samban da?  (Bakit hindi na lang kambing or kaya kalabaw sambahin nila? [tamang trip na lang]

Mama:  Eku balu, kinwentu damu kaku. (‘Di ko alam, kinwento lang sa akin.)

Me:  Ninu ulit migkwentu keka? (Sino ulit nagkwento sa iyo niyan?)

Mama:  Bakit?

Me:  Paten ke.  Pamaglokwan na ka.  (Papatayin ko.  Niloloko ka niya.)

***

 

 

 

 

 

Mga naisulat na patungkol kay Mama:

- The 5th Reading According to the Gospel of Adelaida

- The 4th Reading from the Gospel of Adelaida (Ang Bongang-Bongang Come Back)

- The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

- The Gospel According to Adelaida

- Kari-MARIMAR-im

- Ano ang Mangustin?

h1

The 5th Reading According to the Gospel of Adelaida

Hulyo 24, 2008

So, bumalik na si Mama sa bahay. Hindi ko na kailangang magluto ng dinner araw-araw matapos akong maalapin sa trabaho. Bumalik na rin ang mga mumunting kwento niya.

Matapos ang dinner, tambay kami ni Mama at ni Tatay sa sala, nood ng cliche na Dyesebel (maganda naman kahit paano).

***

Me: Ma, bisa kang Coke? (Ma, gusto mo ng Coke?)

Mama: Sprite na mu. (Sprite na lang)

Me: Eku bisang Sprite. (Ayaw ko ng Sprite.)

Mama: Oh 7-Up na mu. (Oh 7-Up na lang.)

Me: Eh ya naman ita eh. (Eh pareho din ‘yun eh.)

Mama: Sprite namu pin. (7-up na nga lang.)

Me: Eku pin buri, feeling ku miminum kung bubulang danum. (Eh ayaw ko nga, feeling ko umiinom ako ng bumubulang tubig.) Royal namu kaya? (Royal na lang kaya?)

Mama: Sali ka kanyan litru eh. (Bibili ka niyan litro eh.)

Me: Eh syempre, atlu ta kayang minom. (Eh syempre, tatlo kaya tayong iinom.)

Mama: Eku buri ing Royal. (Ayaw ko ng Royal.)

Me: Bakit?

Mama: Eh pang-malaganat ‘yan eh. (Eh para sa nilalagnat ‘yan eh.)

Me: Tutu man? (Really?)

Mama: Wa. (Oo.)

Me: Bakit naman?

Mama: Basta.

Me: Bakit pin pang-malagnat? (Bakit nga para sa nilalagnat?)

Mama: Nang anak kami, ‘yan ing papainum da potang malagnat ka. (Noong mga bata pa kami, ‘yan ang pinapainom kapag may lagnat.)

Me: Tutu man? (Swear?)

Mama: Wa. (Oo.)

Me: Bakit?

Mama: Basta. Eku rin balu. (Basta. Hindi ko rin alam.)

Me: Ot ena Coke ing iinuman da? (Bakit hindi na lang Coke ang inumin nila?)

Mama: O syempre ala pa kanita ing Nestea ayan. (Oh syempre noon wala pa ang Nestea na ‘yan) <ang layo ng sagot, in fairness.>

Me: Ahhhhh… Eh bakit pin ali Coke? (Eh bakit nga hindi Coke?)

Mama: Oh siguru uling iisipan da orange juice ita. (Oh siguro iniisip nila orange juice ‘yun.)

Me: Ahhhh.. Oh ninanu mong orange juice? (Oh eh ano kung orange juice?) <Hinahaba ko na lang kwento sa mga panahon na iyon, pilit pinipigilan ang pagtawa.>

Mama: Basta balamu “kael.” (Basta parang “kael.”)

<kael/cael = citrus fruits yata.>

<khalel = si Superman yata ‘yun.>

<Khalil = friend ko po iyon.>

<camel = yosi or animal po ‘yun>

***

Panandalian akong pumunta sa tindahan (na mga 8 meters lang ang layo sa bahay at bumili ng Coke litro.) Pagbalik, tuloy ang panonood ng Dyesebel (mas gusto ko sana manuod ng JackTV pero, no choice, Dyesebel mode ang parents).

Mama: Yan? <Nickname ko sa bahay.>

Me: Ow?

Mama: Balu me ba itang minta ng birthday ko na asawa ng [name]? (Alam mo ba ‘yung pumunta noong birthday ko na asawa ni [name] )

Me: Syempre ali ke. (Syempre hindi.) <inom ng coke>

Mama: Kilala me ita. (KIlala mo ‘yun.)

Me: Ali ke pin. (Hindi nga.)

Mama: Ot eme kilala? (Bakit hindi mo siya kilala?)

Me: Ginukong malugod, kasi pin eke balu. Dapat talaga kilala ke? (Mahabaging langit, kasi nga hindi ko siya kilala. Dapat talaga kilala ko siya?) <natatawa na>

Mama: Sabi na kasi ita kanung kapatad na, akaklasi me ng college. (Sabi niya kasi ‘yung kapatid daw niya, nakakaklase mo noong college.) <Grabe, ang layo ng kwento. Tsk tsk.>

Me: <busy nagte-text sa potential lover. Hello, Office Caller>

Mama: Yan!

Me: Ow?

Mama: Ita pin, sabi na kasi ita kanung kapatad na, akaklasi me ng college. (‘Yun nga, sabi niya kasi ‘yung kapatid daw niya, nakakaklase mo noong college.) <Grabe, ang layo ng kwento. Tsk tsk.>

Me: Oh ngeni? (Eh ano ngayon?)

Mama: Ita pin, akaklasi me pin kanu itang kapatad na. (‘Yun nga nakaklase mo nga raw ‘yung kapatid niya.)

Me: Kaybat? <Medyo inis na ako noon. ‘Di ko alam patutunguhan ng kwento ni Mama.>

Mama: Sabi na kanu nitang kapatad na nitang asawa na ning kaluguran ku, nakakanung kagaling keng klasi noong kaklase mo siya. (Sabi daw nung kapatid nung asawa nung kaibigan ko, ang galing mo raw sa klase noong kaklase mo siya.)

Me: Ow, kaybat? (Ow, tapos?)

Mama: Nakapin kanung kagaling keng klasi. (Napakagaling mo nga raw sa klase.)

Me: Ow, kaybat? Ita mo? Ma, balu tana ita. Nanung buri ng gawan ku, nung ninu man ita? Mag-thank-you ku ba? Padalan ke bang flowers? (Ow, tapos? ‘Yun lang? Ma, alam na natin ‘yun. Anong gusto niya gawin ko, kung sino man ‘yun? Mag-te-thank-you ba ako? Papadalhan ko ba siya ng flowers?)

<Si Tatay na noo’y nakikinig lang ay natatawa na rin.>

Mama: Yan, eme pin kilala? (Yan, ‘di mo nga talaga kilala?)

Me: <Tuluy sa pag-te-text.>

Mama: Yan, eme pin kilala? (Yan, di mo ba talaga kilala?)

Tatay: Ninanu ya wari? (Napano ba?)

Mama: Ala mu. (Wala lang.)

Tatay: Ene pin kanu kilala eh, nanu waring buri na? (HIndi nga raw niya kilala, ano bang gusto nun?)

Mama: Aistorya de mu. (Nakwento lang sa akin.)

<Tawa lang ako ng tawa. Ang pointless.com>

<Pambihira. Tsk tsk.>

***

Mga naisulat na patungkol kay Mama:

- The 4th Reading from the Gospel of Adelaida (Ang Bongang-Bongang Come Back)

- The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

- The Gospel According to Adelaida

- Kari-MARIMAR-im

- Ano ang Mangustin?

h1

The 4th Reading According to the Gospel of Adelaida (The Bongang-bongang Come Back)

Hulyo 1, 2008

Nasa bahay ngayon si Mama. Excited ako! Mga apat na buwan na siyang lumalagi sa nayon para alagaan si Lola na may karamdaman. Bago ako umuwi kanina, tinembrehan na ako ng aking nakakabatang kapatid na nasa bahay nga si Mama.

Lil Bro: “Koy, tsu ya bale i Mama.” (Kuya, nasa bahay si Mama.)

Me: “Tutu man?” (Ows?) (Really?) (Totoo man, dong?) lolz

Lil Bro: “Wa, paulyan ke pa.” (Oo, pinauwi ko muna [ng bahay])

‘Di na ako nag-reply, conceited na brother!

Habang nag-o-OT kasama ang aking kaibigang si Otu (Thanks, Gurl), excited na talaga ko umuwi. Wala kong ibang maisip kung hindi ang: CALDERETA! CALDERATA! (O BASTA KAHIT ANONG PAGKAIN NA HINDI AKO NAGLUTO!)

Pagbukas ko ng gate ng bahay, nakakatawang nakita kong tumakbo si Mama papunta sa kwarto. Alam kong balak akong i-surprise ng aking animated na nanay. Sinira ko na lang ang balak niya (kahit na nagtago pa talaga siya ng sandals para hindi mahalatang nasa bahay siya) at sumigaw ng “ubod-lakas” [love, love, love gamitin ang "ubod-lakads"] na,

I’m home mother!!!

Tumawa lang si Mama at para bang nakikipag-kumpitensya sa akin ay bigla na lang may pinakitang pineratang CD at sinabing,

Yan, atin nakung Family Affair!” (Yan, may [kopya ng] Family Affair na ako!)

Seryoso si Mama. ‘Yun talaga ang paborito niyang kanta. At hindi pa diyan nagtatapos ang usapan patungkol sa kanyang paboritong kanta.

Naupo ako, nakangiting pinagmamasdang ganito pala ang itsura ng bahay kapag malinis. Walang sabi-sabi ay nagkwento si Mama.

Mama: “Ay, balu mu, Yan, seli neng dara mu ini.” (Ay, alam mo ba, Yan, binili ng tita mo ito para sa akin.)

Me: Ah, pakanita ba? (Ah, ganun ba?)

Halos wala akong pakialam kasi tinitingnan ko ‘yung bahay, ang linis!

Mama: “Kukutang na pin nitang magtinda nung kaninu ya kanu.” (Tinatanong nga nung tindera kung para kanino.)

Me: Kaybat?” (Tapos?) [Iniisip pa rin na ang linis talaga ng bahay. Ow, folded clothes, astig!)

Mama: "Aba, syempre, sabi ku talaga kaku ya." (Aba, syempre, sinabi ko talaga sa akin.)

Matapos ng konting senti-sentihan, usap-usap patungkol sa ilang linggong walang calderata sa bahay, kumakain na ako nung makisabay si Mama sa pagkain ko ng lechon kawali take-out na dala niya.

Bertdey ni Mama sa susunod na Sabado. Habang kumakain, naisip kong tanungin siya,

Me: "Ma, nanung buri mung regalu keng bertdey mu?" (Ma, anong gusto mo regalo sa bertdey mo?)

Mama: "Angang nanu." (Kahit ano.)

Me: "Lagwa na, nanu pin?" (Dali na, ano nga?)

Mama: "Dakal naku malan. Enaku man bisang gamit keng bale." (Marami na akong damit. Ayaw ko naman ng gamit sa bahay.)

Me: "Balu ku na!" (Alam ko na!)

Mama: "Nanu?" (Ano?)

[Drumroll, please.]

Me: Kurtina! *sabay tawa*

Mama: *sabog confetti*

Pambihira si Mama. Tsk tsk. Kurtina talaga ang gusto regalo sa bertdey niya.

***

Bilang pang-wakas na bahagi, pinapayuhan po ang mga mambabasa na huwag mang-husga, o kung manghuhusga man, ‘wag malakas at ipagkalat sa iba.

Habang nanonood ng TV (Ako si Kim Sam Soon pinapalabas) …

Me: “Kamusta na ka man keng bario, Ma? ” (Kamusta ka naman sa bario, Ma?)

Mama: “Ay, ita bang anak ng Rudy [Fernandez] ‘yan? Kalakad ne.” [Ay, 'yung anak ba ni Rudy [Fernandez] ‘yan? Pareho sila kung maglakad.)

Alam ko na talaga na may kasunod na komento pagkatapos nun. Ito ang mga sumunod na tanong:

Mama: “Ot mete ya i Rudy [Fernandez]?” (Bakit namatay si Rudy [Fernandez]?]

Me: *nasamid sa pagyoyosi*

Mama: “Ot mete ya pin i Rudy [Fernandez] neh?” (Bakit nga namatay si Rudy [Fernandez] noh?]

Me: “Ay, Ma, eku balu.” (Ay, Ma, ‘di ko alam.) *Tawa lang ng tawa*

Mama: “Minta ku mu bario, ot mete ya?” (Pumunta lang ako ng bario, bakit siya namatay ?)

Me: *Masakit na tiyan sa kakatawa*

***

Nakakahiya mang aminin, kahit ayaw niyong tanggapin, sa lahat ng bumabasa, alam niyo na ngayon kung bakit namatay si Rudy, at ‘yan ay dahil nagpunta sa bario ang Mama ko.

***

Hanggang sa muli. May padespedida bukas sa bahay. May darating na mga kamag-anak. Malamang may isusulat pa ako bukas. lolz

***

Mga naisulat na patungkol kay Mama:

- The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

- The Gospel According to Adelaida

- Kari-MARIMAR-im

- Ano ang Mangustin?



h1

The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

Mayo 25, 2008

Isa siguro sa mga may makukulay na personalidad na kilala ko (na iilan lang naman talaga) ay si Mama [Nanay kong astigin]. Madalas ay napag-uusapan namin siya ng aking mga kaibigan, na nagbunsod na rin kaya may category talaga siya sa blog site ko (It’s Mother Time). Lahat ng opinyon ni Mama, kaabang-abang, mula sa comments niya sa telenobela hanggang sa mga gagawin niya sa mga partikular na sitwasyon. Ang maganda nito eh, hindi niya alam na sinusulat ko ang mga opinyon at mga ginagawa niya.

Pero may hinala siya, lalo na kapag hawak ko na si Ruth (the digicam) at kinukunan ko siya ng letrato. Madalas niyang sabihin, “Isulat mu ne naman keng column mu kanyan ‘yan eh.” (Isusulat mo na naman sa column mo ‘yan nyan eh.” Akala ni Mama ay sinusulat ko siya sa aking column sa isang newsletter (pinamagatang “Maiba lang“). Ang hindi niya alam, sa blog site ko talaga nilalagay ang mga nakakatawang comments niya. Mabanggit lang: Madalas ko kasi siyang gawing subject noon ng mga sinusulat kong maikling kwento sa college paper. Na-trauma yata. lolz

Ilan sa mga naisulat ko na patungkol kay Mama (o ‘yung tipong extra lang siya) ay ang mga sumusunod:

- The Gospel According to Adelaida

- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

- Kari-MARIMAR-im

- Ano ang Mangustin?

***

On Marian & Angel…

Gustong-gusto ni Mama kay Marian Rivera. Maya’t maya ang pagkukumpara ni Mama kay Marian kay Angel Locsin.

Mama: “Kalagu na talagang Marian ne, Yan?” (Ang ganda talaga ni Marian noh, Yan?) [Yan, nickname ko sa bahay]

Me: “Uh-huh.” [Busy nag-te-text.]

Mama: “Wokarin ne pala i Angel Locsin ngeni?” (Nasaan na nga pala si Angel Locsin ngayon?)

Me: “Hmmmm.. eku balu.” (Hmmmmm.. hindi ko alam.) [Nag-te-text pa rin.]

Mama: “Bolang ‘ya neh?” (Sira-ulo siya noh?) [Meaning, Angel Locsin]

Me: “Bakit?

Mama: “Lawen mu ngeni, sikat ya pa i Marian kaya. Meko ya pa kasi keng 7 ing bolang eh.” (Tingnan mo ngayon, sikat pa si Marian sa kanya. Umalis pa kasi sa 7 ang sira-ulo.)

Me: “Buren mu ne.” (Hayaan mo na.) [Wala na pakialam at nag-te-text at nakahilata sa sofa]

Mama: “Nananan ke wari?” (Inaano ko ba siya?) [Meaning, Angel Locsin]

Me: (Mama, kasasabi mo lang na sira-ulo si Angel Locsin.) (Wala na lang ako sinabi) [Tumawa na lang ako ng tumawa.]

***

On Balik-Bayan Boxes…

Matagal na ring nababanggit ni Mama na may parating na Balik-Bayan Box galing kay Tita sa U.S. Mga last year pa ay hinintay na ni Mama ‘yung “package.” Sa sobrang tagal bago dumating nung package eh nakuha pang mauna ng nagpadala (si TIta) na dumating noong February (at makauwi matapos ang buwan) bago dumating ang package. Dumating ang package noong mid-April.

Akala ko naman kung ano ang laman ng package. Gaya kasi ng madalas mangyari, kung anu-ano hinahabalin na ipadala. HIndi naman ako ‘yung tipong nababaliw sa chocolates, eh may mabibili naman dito sa Pinas. Tipong laptop o mga gadgets ang pinapabili ko. (Siguro naka-tatlong Palm pilot na ako, noong mga panahong hindi pa uso ang iPod, na nasisira ko rin naman sa kalaunan, kaya wala na lang akong hinabilin sa nabanggit kong package.) Na-curious lang talaga ako kung anu-ano ang hinabilin ni Mama.

Magbalik tanaw tayo sa mga hinabilin na ni Mama noon sa mga naunang package (na pinadala naman ni Tita, ‘di ko alam bakit.)

1. Kurtina

Kamusta naman ‘yun? Tapos hindi naman talaga sapat para punan buong bahay na puro bintana.

2. Manual Ice Crusher (Na nakita kong binebenta din naman sa Robinson’s Pioneer sa Boni sa halagang 200 pesos)

Para daw kapag nagtitinda siya [Mama] ng halo-halo. HIndi rin naman siya nakakapagtinda kasi ayaw ko. Madalas kong sabihin na kaya ako nagka-kayod-kabayo sa trabaho ay para hindi na siya magtrabaho at mahirapan. Sabi ko ibibigay ko na lang kung magkano tubo niya sa pagtitinda. Pinagiba ko na rin ‘yung tindahan sa harap ng bahay para makasiguradong hindi na siya magtitinda. Nasira din ang Manual Ice Crusher nung minsang hiramin ng kapit-bahay. Just imagine, kung paano inaway ni Mama ‘yung nakasira. Hehehe

3. Fatigue (Na favorite ibenta ni Mama dahil malakas daw kita sa ganun)

Sabi ni Mama, nabebenta ng 500 pesos ang isang terno ng fatigue. Hinanayaan ko na kasi hindi naman siya naglalako. Kinukuha sa kanya ang mga fatigue ng wholesale. Ang mga nabibili namang fatigue ay binebenta sa pamosong segunda-mano botique para sa mga military supplies sa pamosong Marina Arcade sa Dau, Mabalacat, Pampanga. Sikat din ang Marina Arcade sa pagbebenta ng seganda-mano ring mga bathtroom fixtures, i.e. toilet seats, bath tubs.

Wala naman pinagbago sa dumating na bagong package. Naroon pa rin ang mga fatigue, iilang kurtina at kumot. Wala nga lang manual ice crusher ngayon.

Ang mga bagong adisyon sa kolesksyon ni Mama ay ang mga sumusunod:

a. 12-piece set ng Wolfgang Puck Cafe Collection [meaning, mga mabibigat na kaldero at kawali, na masayang nakatago ngayon sa kusina ni Mama, at swerte ng kung magamit sa Pasko o baka itago na lang ni Mama habang-buhay.)




b. Mga multi-colored polo shirts, na hindi ko pa rin talaga alam sino magsusuot; mga pantalon na kakasya kay Fat Joe o kay Jimmy Santos.

"Ma, 'wag mo na tingnan ang tag-price, wala rin naman magsusuot."


c. Bilang finale, huli kong nakita ang mga ito na nakabalot sa isang kumot na kasama rin sa package.


Sandamakmak na "kampit" (kutsilyo). Tinanong ko talaga si Mama noon kung magtatayo ba kami ng slaughter house at napakarami ng mga kampit.

Pambihira. Tsk tsk.


***

On Lola & Future Memorial Service...

Hindi maiiwasan na sa pagkakasakit ni Lola (dahil matanda na talaga siya, promise) ay ni-re-ready na ni Mama ang kanyang sarili sa kung anu man mangyayari kay Lola. Kaya lang, sa pagtatapos ng American Idol Season 7 at sa pagpapalabas ng mga nakaraang episodes nito sa StarWorld, ay paulit-ulit na pinakita tuwing commercial na kumakanta si Jordin Sparks ng "You'll never walk alone."

Mama: "Yan, nanu ya title ing katang 'yan?" (Yan, ano title ng kantang 'yan?)

Me: "You'll never walk alone yata."

Mama: "Kagaling na ning migkanta neh?" (Ang galing ng kumanta noh?)

Me: "Uh-huh." [Nakahilata pa rin so sofa, nanonood ng tv, at nag-te-text]

Mama: “Buri ku keng mate ya i apu mu, kanta ke ‘yan.” (Gusto ko kapag namatay lola mo, kakantahin ko ‘yan?)

Me: “Wokarin?! Bakit?!” (Saan?! Bakit?!) [Tapos tawa lang ako tawa.]

Mama: “Ot mayli ka?” (Bakit ka tumataw?)

Me: “Wokarin me pin ikanta?” (Saan mo nga kakantahin?) [Tawa pa rin ng tawa.]

Mama: “Keng libing ng apu mu.” (Sa libing ng lola mo.)

Me: “Ot gawan mu naman ita?” (Bakit mo naman gagawin ‘yun?) [Masakit na tiyan kakatawa.]

Mama: “Syempre balamu gift ku kang apu mu ita; Itang feel na feel ku talagang magkanta.” (Syempre parang gift ko na sa lola mo ‘yun; yung feel na feel ko talaga ang pagkanta.)

Me: [Wala na nasabi, naluluha na sa sakit ng tiyan.]

Mama: “Loko, kalyan me i apu mu. Apu me saka me paglokwan.” [Loko, tinatawanan mo lola mo. Lola mo tapos niloloko mo.)

Me: "At aku pa talaga ing magloku kang apu neh?" (At ako pa talaga ing nagloloko kay lola ha?) [Nalaglag na sa sofa sa kakatawa]

[Tapos natawa na rin si Mama.]

***

Hanggang diyan na muna. Hintayin ang blog entry kung, the 4th Reading According to Gospel of Adelaida, “the pagnininang sa kasal experience.:)

h1

The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

Abril 21, 2008

Ito ang naunang blog patungkol sa Mama ko, “The Gospel According to Adelaida

Ito na ngayon ang mga pinabagong saloobin, opinyon, at/o mga pakikisapalaran ni Mama bilang paghamak niya – gaya ko – sa mundo.

1. Sa opinyon ni Mama (at maraming magagalit dito, sigurado lang), ang mga naging biktima (o ang tawag ni Mama ay “tinamaan”) ng nakaraang tsunami sa iba’t ibang bansa sa Asya ay bunga ng hindi nila pagiging Kristiyano. Maging malinaw lang: Hindi naman po sinabi ni Mama na “Satanista” ang mga ito. Basta ayon kay Mama, malamang ay hindi sila Kristiyano.

2. Ayon kay Mama, ang mga bagong baso sa bahay ay ginagamit lamang tuwing may darating na bisita na “deserving” uminom ng “coke.”

3. Ayon kay Mama (at ito ang pinakanakakawindang na urban legend na naikwento niya sa akin), pinaglihi daw si Lola sa “gutom” o sa kampangan language “kagling danup,” na nataon naman ay isang pamosong joke sa mga kapampangan para sa mga taong PG (patay gutom) at nakakahiya kung makilibre ng pagkain. Example:

Maranup na ka na naman, balamu kagli kang danup.” [Gutom ka na naman, parang pinaglihi ka sa gutom."

So, 'yun na nga. Kung may galit si Mama kay Lola at nasabi niya na "kagling danup" si Lola ay hindi ko na talaga alam (at halos wala ako pakialam.. "hello, lowla, howaryu, lowla?"). Sa pagpapatuloy ng kwento ni Mama tungkol kay Lola, noong daw pinaglilihi si Lola, tipong kahit fresh meat ay tinitira ni Grand"lowla." Nakakatakot lang.

4. Ito ang pinakabago kong natuklasan kay Mama: HINDI SIYA MARUNONG MAG-JACK-EN-POY.

Isang araw, dala marahil ng walang magawa ang aking mga magulang, napagtripan nilang laruin si Carlos, ang aking fresh-from-baguio sungka. At dahil sa umpisa ng laban ay dapat may mauunang isa, at malalaman lang ito kung mag-ja-jack-en-poy, tumingin lang si Mama sa akin at natawa na lang na nagsabi na, "Eku byasang pakanyan." (Jack-en-poy) [Hindi ko marunong ng ganyan.] Ang ending, kinailangan pa akong isama sa larong “maiba taya.”

Sa huli, naunang tumira si Mama at nialampaso si Tatay (na hindi pala marunong ng sungka, na ang depensa ng matalo ni Mama ay dinaya siya nito).

5. Iba ang turing ni Mama kay Lilian, the Baguio Cactus.

Kasabay ng pagbili ko kay Carlos, the sungka, binili ko rin si Lilian, the Baguio cactus. Nagandahan lang kami ni Otu (friend) sa mga cactus kaya bumili kami ng tig-iisa. Dagli namang inilagay si Lilian sa center table ng bahay. Kaya lang, medyo OA si Mama sa pagtrato kay Lilian.

Isang umaga, bagong gising ako, napansin kong medyo “tumatamlay” na si Lilian. Nabanggit ko kay Mama ang aking obserbasyon. Ang sabi lang ni Mama, “Wisik-wisikan meng pakanyan, neh kaburi.” [Wisik-wisikan mo ganyan, gusto niya 'yan.] Title si Mama. Panalo.com Parang tao lang talaga si Lilian kung ituring. FYI po: normal po si Mama, tamang trip lang madalas.

6. Minsang nanonood ng TV at nakita si Ariel Rivera:

Mama: “Nanu ne kasi lagyu potang crush de reng kolehiyo?” (sic) [Ano na kasi ang pangalan kapag crush siya ng mga kolehiyo?]

Me: “Ma, kolehiyala.

Mama: “Wapen, nanu ping awus?” [Oo nga, ano ngang tawag?]

Me: “Crush ng bayan?

Mama: “Ali eh.” [Hindi eh.]

Me: *Make face lang.*

Mama: “Kilabot da reng kolehiyo.” [Kilabot ng mga kolehiyo.]

Me: “Ma, kolehiyala.

Mama: “Kanita i Ariel..” [Noon si Ariel..] blah blah blah blah…

<end of conversation>

Nakakawindang si Mama. Pinrobelema talaga si Ariel Rivera.

7. Ito ang favorite ko. Matapos makita si Ariel Rivera, pagkatapos lang ng ilang minuto ay pinakita naman ang doctor slash singer na si Nonoy Zuniga. (Para sa mga fans ni Nonoy Zuniga, heto po ang kanyang nakakatuwang website: http://www.nonoyzuniga.com/ lolz)

Mama: “Ay, i pile ba ‘yan?” [Ay, si pilay ba 'yan?]

Me: *tawa lang ng tawa*

Mama: Ot mayli ka? [Bakit ka tumatawa?] *medyo natatawa*

Me: *tawa lang ng tawa at naluluha na talaga*

Mama: “Doctor ya pa ba?” [Doctor pa ba siya?] Ot mayli ka? [Bakit ka tumatawa?] *natatawa na rin”

Maliban sa walang pakungdangan kung maka-comment si Mama, gusto pa yata talaga ni Mama na mawalan ng lisensya itong si Mr. Zuniga sa kanyang pagiging doctor. May ideya na ako ngayon kung bakit “mabait” ako sa ibang tao.

Hintayin ang 3rd reading ng the Gospel According to Adelaida. :) Sa ano mang fanmail para sa aking Mama, hindi pa rin po siya marunong mag-internet, kaya sa akin niyo na lang sabihin. :)

h1

The Gospel According to Adelaida

Marso 15, 2008

Natatakot ako para sa Nanay ko tuwing magpapayahag siya ng kanyang mga opinyon at suhestiyon sa mga bagay-bagay. Hindi matatawaran ang pagmamahal ko sa Nanay ko <ikaw ba namang magbayad ng limang libo piso para sa kuntinang mukhang pang-simbahan.> Pero sa mga pagkakataong bumabanat si Nanay ng mga opinyon niya sa mga nakikita sa TV at mga naririnig na mga balita, gusto ko talagang mag-tumbling.


Umpisahan natin sa mga opinyon ni Nanay patungkol sa bansang Estados Unidos at sa mga taong nakatira dito.


Sa paksang Estados Unidos at sa mga Amerikano, ayon kay Nanay:

  1. Lahat ng Amerikano ay gwapo at magaganda.
  2. Lahat ng Amerikano ay kumakain araw-araw (tuwing umaga) ng cereals.
  3. Ang lahat ng parte ng Estados Unidos ay may snow tuwing magpapasko.
  4. Ang lahat ng pamilyang Amerikano ay may pabo (turkey) tuwing Thanksgiving.
  5. Hindi Kristiyano (o sa pagkakaintidi ko, walang relihiyon) ang mga Amerikano, PERO hindi sila Satanista at masasamang tao.
  6. Lahat ng Amerikano ay mayaman.
  7. Ang mga Filipino sa Estados Unidos ay puro mayaman.
  8. Pangarap ng bawat Filipino na makapunta sa Estadod Unidos at doon manirahan.
  9. Ang mga balik-bayang galing US ay kailangan itratong parang diyos.
  10. Malaki ang kita sa fatigue na pantalon sa padalang balik-bayan box.


Hindi rin pinapalampas ni Nanay ang mga muslim. Babala: Ang mga opinyon po ng aking Nanay ay hiwalay sa aking mga opinyon at pawang sarili lamang niyang opinyon. Ang mga isusulat ko, hindi man pagtutuwid, ay pagtukoy sa iilang “masasabing-kamalian” ng pananaw ng aking Nanay sa mga bagay-bagay.

Sa paksang Muslim at taga-sampalataya nito, ayon kay Nanay:

  1. Lahat ng muslim ay may kakayahang kumitil ng buhay ng tao.
  2. Ang mga nagtitinda ng DVDs at mga mumurahing gamit (kahit mukhang Koreano) ay mga muslim din.
  3. Kapag may balita sa TV na nagkaroon ng bomba (bomb po, at hindi po ‘yung malaswang kataga na patungkol sa paghuhubad), muslim din daw ang may gawa.
  4. Kapag may namatay na muslim at walang malinaw na dahilan kung bakit namatay, malamang daw ay terorista.
  5. Bakit daw maraming muslim sa Manila.

Hindi rin matatawaran ang mga opinyon ni Nanay tuwing manonood ng TV. Sa paksang TV at mga programa nito, ayon kay Nanay:

1. Napakalaki daw ng boobs ng mga sumusunod na personalidad sa TV:

- Alicia Mayer

- Maureen Larazabal

- Ethel Booba

- Jennilyn Mercado

2. Hindi raw totoo ang mga patalastas sa TV na ibababad lang ang damit at puputi ito. Ulol daw nila. Subukan daw nilang maglaba ng maranasan nila na hindi talaga puputi ang damit.

3. Ayaw na niya kay Vilma Santos dahil lamang sa kadahilanang na-i-tsismis ko sa kanya ang isang kwentong galing naman sa malapit na kaanak ng nasabing artista, at medyo hindi niya nagustuhan ang tsismis. (Secret na lang, ‘wag mag-alala, walang kwentang istorya.)

4. Napakaarte daw ni Kris Aquino, at bakit daw parang may “konting mali” sa anak niyang si Josh.

5. “Hindi Tao” ang tawag sa mga gumaganap sa seryeng “Kamandag” at lahat ng uri ng cartoons at animé.

6. MaRImar ang pagbigkas sa seryeng Mari Mar (isang teleserye sa GMA 7.)

7. Ipagpapalit niya ako bilang kanyang anak sa hindi-na-kasikatang artistang si Dion Ignacio (na noong nakita ko noong minsan sa Gateway ay medyo makapal ang conceiler.)

8. Hindi daw dapat nag-ho-host pa si Lolit Solis ng kahit anu mang show.

9. Ang Wish Ko Lang (programang binibigyan ng katuparan ang mga simpleng pangarap ng mga taong sumusulat at dumudulog dito) ay ang tanging paraan niya para matulungan ang napakatamad kong tiyo na tumanda na sa kahirapan.

10. Hindi daw bakla si Paolo Ballesteros.

11. Isa si Yasmine Kurdy sa mga magagaling na artista ngayon, at ‘yan ay dahil na rin sa kanyang [Nanay ko, syempre, alangan naman si Yasmine?] madalas na panonood ng mga dramang pang-hapon (pang-afternoon po, ‘di pang-Japanese.)

12. Mataba si Sharon Cuneta sa kanyang mga commercials.

13. Totoo ang napabalitang panliligaw ni Billy “The Super Badoodles” Crawford kay KC “The Wala Kang Mapintas sa Kanya Girl” Concepcion.

14. Sino daw si Enchong Dee.

15. Ang bida sa tele-fantasyang Lastikman (ABS-CBN 2) ay si Zsa Zsa Padilla.

16. Laging walang bra si Regine Velasquez. As in bakit LAGI daw.

17. Bakit daw bakla si Rustom.

18. Hindi na raw sikat si Angel Locsin.

sampiolo.jpg

19. Kung mag-syota daw si Sam Milby at Piolo Pascual, sino daw ang bakla sa dalawa.

20. Magkaka-LBM ka raw kapag uminom ka ng Fitrum (isang produktong ineendorso ni Judy Ann na ‘di umaano ay nakakapayat.)

Ilan lang ‘yan sa mga paksang tinatalakay ni Nanay habang masaya akong nagpapahinga at nakahilata sa sofa habang kunwari ay nakikinig ako sa kanyang mga kwento at habang nagpapanggap din naman siya na ‘di niya kayang magkwento kahit walang kausap.

Abangan pa ang mga iilan pang nakakatuwang opinyon at mga suhestiyon ng aking mahal na Nanay sa mga susunod na blog entries.*

for more blogs (na luma.com) : http://axis_yuri.blogs.friendster.com/my_blog/