Isang araw ay niyaya kami ni Dad (boss) na pumunta sa isang lamay. Malapit na kaibigan ni Dad ang anak ng namatay. Sumama kami ni Otu (officemate/friend) sa mga sumusunod na kadahilanan:
- may libreng juice at butong pakwan lagi.
- malapit lang sa lamay ang pamilihang bayan (wow) at may bibilhin talaga kami ni Otu matapos makipaglamay (plus, may pamahiin na ‘wag muna didiretso ng uwi matapos makipaglamay dahil susundan ka raw ng kaluluwa ng namatay kahit hindi ka naman talaga niya ka-anu-ano).
- type ni Otu ‘yung anak ng kaibigan ni Dad.
- dahil naka-powerdress kami ng araw na iyon at sayang naman ang bihis kung iuuwi agad.
- gusto naming malaman kung sino ang nagpadala ng mas magandang korona ng patay, si Mayor ba o si Boss # 2.
- may libre talagang juice hanggat gusto mo (parang patay-gutom lang talaga kami).
- wala lang talaga kaming choice. Sasamahan at sasamahan talaga namin si Dad.
Nilagak nga pala ang labi ng namatay sa kanilang ancestral house (meaning, ‘yung pinakamalaking bahay na pinamumugaran ng mga tumandang dalaga/binata sa pamilya at nung natitirang elders.)
Pagpasok namin sa gate, naupo kami ni Otu sa may garahe ng bahay, habang si Dad naman ay sinilip ang patay at nakipag-chikahan sa mga kamag-anak ng namatay. Hindi ako tumitingin sa patay. Hindi pa ako nakakita ng patay (kahit pa nung mga namayapa kong kamag-anak.)
Naupo kami at naghintay na bumalik si Dad. Pagbalik ni Dad, heto ang aming naging usapan:
Me: Ano daw kinamatay, Dad?
Dad: (Seryosong seryoso) Noong linggo daw habang nanonood ng laban ni Pacquiao, bigla na lang daw inatake sa puso.
(Tawa kami ni Otu ng malakas)
Otu: Sorry. (Tawa pa rin ng tawa)
Me: Pinatay siya ni Pacquiao?! (Tawa pa rin ng tawa)
Dad: Mga gagu. (At natawa na rin si Dad)
Me: Seriously, inatake siya habang nanonood ng laban ni Pacquiao?
Dad: Naisugod pa raw sa ospital at na-ICU. Pero wala rin, na-tegi (namatay) din.
(Tawa kami ulit ni Otu.)
Matapos makilatis ang may kung 50 na korona ng patay na nagkalat sa lamay, may naalala si Otu. May kapitbahay din daw pala silang namatay habang nanonood ng laban ni Pacquiao. Ayon kay Otu, na-interview pa nga raw sa regional news program ‘yung kaanak ng biktima at humihingi ng tulong kay Pacquiao sa pagpapalibing sa namatay and whatnot. (May ganun?)
Walang tigil ang dating ng juice, butong pakwan, mga cupcakes, at samu’t saring kendi. Si Dad naman ay bumalik sa pagsulyap sa patay. Mayamaya ay napansin namin na may maliit na mesang ihinahanda para sa kung ano. Palibhasa’y hindi kami kilala ng ibang kaanak ng mga namatayan, na noong mga oras na iyon ay nag-aayos ng nasabing mesa, may biglang lumapit sa amin na matandang lalaki (na pangalanan nating Mang Teban) at nagtanong,“Tanong niyo nga kay Father kung saan niya gustong magmisa?”
Otu: Ano po iyon, Manong?
Mang Teban: Saan magmimisa si Father?
Otu: Hindi ko po alam.
Mang Teban: Hindi ba kayo ‘yung nakita kong kasama ni Father?
Me: Ay, hindi po pari si Dad. Kaopisina po namin si ______ (kaibigan ni Dad).
Mang Teban: Ah ganun ba? Akala ko siya ‘yung magmimisa. Eh nasaan na ’yung pari? (sabay naglakad papasok ng bahay si Mang Teban habang nagkakamot ng ulo.)
Otu: Pagkamalan bang pari si Dad?
Me: Pagkamalan ba tayong sakristan, ‘yun ‘yung mas nakakatambling.
***
Isang usapan sa text nila Dad at ng isa pang boss (Boss # 2) tungkol sa pagpunta sa lamay:
Dad: Pare, alam mo bang patay na si __________ (Pangalan nung nategi)
Boss # 2: Ah, oo nga, pare, tinext nga ako nung kapatid niya.
Dad: Papunta na ako sa lamay.
Boss # 2: Ako mamayang gabi pa siguro pupunta.
Dad: Ok.
Boss # 2: Pare, saan nga ba naka-display ’yung patay?
Goodluck naman, ginawang flower vase ang patay. Saan pala naka-display eh.


Sa panahong parang pagkakaroon na lang ng tamagochi ang paggawa ng indie films, napadpad ako (kasama ang ilang ka-opisina) sa panonood ng pelikulang 2012.
Matapos sirain ng kung anu mang pwersa ng planetary alignment ang Hollywood at Las Vegas (at kung anu-ano pang lugar), ang mga marami-rami pang bida na lang ang matitira, na kinabibilangan ng mga sumusunod.
Seryosong usapang hahantong sa puntong nanghihiram lang pala ng susi ng truck itong si Matipunong Monghe para puntahan ang kanyang Lola at Lola upang makibalita sa kapatid nitong kasama sa mga gumagawa ng ”ispeysyips.”


Isang maaraw na umaga sa opisina ay inoperan ako ng almusal. Akala ko naman kung ano, nang ibigay sa akin, eh ‘yan ng ang binigay, parang ‘yung ginamit na bbq stick ay pwede ng gamitin sa panggawa ng papag, tipong mga apat na ganito ay may papag ka na.
Nakita ko itong nakapaskil sa may kusina sa grill ni Dad, bilang paala sa mga kitchen boys at mga waitstaff ng kanilang ”collective effort” na magpalaki ng katawan.
Sa kusina pa rin ni dad ay napagtripan namin ni Otu na kunan ang mga uber laking products sa kitchen. Ang posh mo siguro kung ganyan kalaki ang posporo mong pangsindi ng yosi. Sino gusto ng star rice? Lol
Mawalang-galang na sa mga Koreano, pero ako lang ba ang natatawa sa postergrocery storenoodles ni Dad at Otu. na ito ng kung anung inumin? Nakunan ko ito sa isang Korean noong may ilang oras din kaming naghahanap ng yakiudon
Minsan ay nagdala si Mama ng mochi galing sa kapitbahay ng sa tingin ko ay isa sa pinakamalaking mochi na nagawa dahil sa katamaran na rin. Sabi ni Mama, “eh tinatamad daw sila na gawing maliliit pa, kaya ganyan na lang.” Hindi ko alam kung naubos ni Tatay o kung tinapon na lang ang giant mochi. Ang importante, nakunan ko ito.
Isang sikat na isda ito na madalas kong marinig na napagkakamalang Lapu-Lapu. Kaya naman nung minsan mapunta kami nila Dad at Otu sa Macro (parang Puregold, ayaw ko mag-explain ng mahaba, okay?) Sabi ng aking source, ang isdang “common” ay matinik at walang lasa.

Syempre, titingnan mo at titingnan ang “indicator”, ‘di ba? Ang yuckie!
Ash Wednesday noon at nakunan kong nagbabalita si (Sino nga ba ito?).































Kinuhanan ko ang letrato ng askal na ito noong una (at sana huling) pagkakataon kong pumunta sa dalampasigan ng nakakadiring Bataan.

Katabi ng supladong kalabaw ay ang “naka-park” ding kabayo na may karwahe (o para sosyal, chariot, na nataon namang title ng isa sa mga paborito kong kanta na inawit ni Gavin DeGraw). Hindi ko alam kung ito ang sinakyan ng isa mga bisita ng aming kliyente, pero noong mga oras na iyon, hindi talaga ko tumigil ng kaka-joke kay Boss na gusto kong sakyan ‘yung kabayo na may karwahe pauwi. Magkatabi pala ang kalabaw at ang kabayo na parang nagliligawan. Weird. Weird. Weird.


Kinunan naman ito sa tapat ng isang supermarket. Kagagaling lang namin noon ni Otu (friend) na mamili ng kung anu-anong abubot. Alam ko hindi lahat gusto ng shawarma. May mga nagsasabi pa nga na ayaw nila mag-amoy Arabo, at sa tingin ko napa-rude na comment ‘yun. ‘Di ‘wag ka kumain ng shawarma; nag-iinarte pa eh. Sa halagang 60 pesos, isa ito sa mga pinakamasarap na shawarma sa aming lungsod. Kung gusto mo malaman kung saan mabibili ito, leave a number, te-text ko kung saan ‘yan, promise. lolz
Tuwing magkakaroon kami ng executive meeting kasama ang mga clients at si Boss (meaning, minsan o dalawang beses sa isang linggo), lagi kami kumakain sa isang high-end chinese restaurant. Bago ka makaabot sa function room ng restaurant kung saan gaganapin ang nakakabusog na meeting, madadaanan mo na masayang lumalangoy sa napalaking aquarium ang dalawang napakalaki rin naman at “mukha talagang mamahalin” na lobster. Hindi ko alam kung binebenta talaga ito o tipong ginagawang arowana na parang lucky charm (or something); pero noong minsang matanong ko sa isang waitstaff kung magkano ang mga pamosong lobster (kung bibilhin), sabihin na lang nating ang presyo nito ay katumbas ng isang overrated at napakalaking Nokia N-Series unit.








