Bago maging bayolente ang iba, hindi ito isa na namang heretic blog entrypatungkol saChristian Mythology. Ito po ay tungkol sa aking biological father at ang aking bunsong kapatid.
Nabanggit ko na dati ang babalang huwag bibigyan ng cellphone ang mga magulang kung hindi nila alam gamitin. Muli ko na namang napatunayan na tama ang babala ko noong nakaraang araw.
Bagong gising ako noon (mga 10:00 am) at naghahandang pumasok sa opisina. Si Jesus naman noon ay mahimalang nasa bahay (dahil restday niya yata ang Friday). Nag-aamusal siya noong mga oras na iyon. Napatingin ako sa naka-charge na phone niya (na kakabigay ko lang) nang bigla akong tanungin.
Jesus: Yan, sira ba itong phone na ito?
Me: Hindi.
Jesus: Laging nalo-lowbatt?
Me: Uh-huh. (walang pakialam)
Jesus: Tingnan mo nga baka puno na sa pagkaka-charge.
(Tiningnan ang phone, nakitang fullcharged na at tinanggal na ang charger.)
Jesus: Bakit mo tinanggal, puno na ba?
Me: (tiningnan lang si Jesus, at binalik sa pagkaka-charge ang phone.)
Jesus: Oh bakit mo “chinarge”, lowbatt ba?
(Nag-walkout na lang ako.)
Linggo naman ng hapon nang magising ako at makitang nanonood ng SOP sa GMA7 ang bunso kong kapatid na si Jesus Junior. Noong mga oras na iyon ay pinapakita si Leah Salonga na kumakanta ng Grease medley kasama ang ilang pipistsuging singers ng SOP.
Jesus Junior: Kuya, si Leah Salonga ‘yan, ‘di ba?
Me: Uh-huh.
Jesus Junior: Tumaba siya noh?
Me: Uh-huh.
Jesus Junior: Saka parang tumanda na noh?
Me: Uh-huh.
Jesus Junior: Bakit kaya siya tumaba? Ano sa tingin mo, Kuya?
Me: Aba, malay ko.
Jesus Junior: Grabe, ang taba niya oh. Bakit kaya, Kuya?
Me: Gusto mo talagang malaman kung bakit?
Jesus Junior: Oo.
Me: Hayaan mo, te-text ko siya mamaya, para matahimik ka na.
Tapos madaming nagduda sa pasensya ko. Pambihira.
Isang gabi naman habang ibinabalita ang isang sanggol na dinukot ng isang nagpanggap na nurse, ito ang naging usapan ni Jesus at ni Adelaida, habang ako naman ay nakikinig lang.
Jesus: Nakow, iaalay ’yan. (’yung sanggol daw.)
Adelaida: At saan naman iaalay, aber? (parang galit nang nagtanong)
Jesus: Basta. Iniaalay ’yung mga ’yan. Ninanakaw ’yan at inaalay.
Adelaida: Alam mo ‘tong tatay mo, Yan, minsan may pagka-tulendoy din. Saan naman iaalay ang mga sanggol? (sabay walkout si Adelaida.)
Sa panahong parang pagkakaroon na lang ng tamagochi ang paggawa ng indie films, napadpad ako (kasama ang ilang ka-opisina) sa panonood ng pelikulang 2012.
Masama ang loob ko noong una kong nakita ang preview ng 2012. Ang yabang lang. Matandang Monghe, naniniyebeng bundok (na sa China pala, apparently), malaking kampana, super laking tsunami na hahampas sa Matandang Monghe. Ganun lang. Pang-mayaman, ika nga.
Inasahan kong maganda ang 2012. Ang pangakong magugunaw ang mundo at naguguhong mga kontinente ay sapat na para panoorin ko ito.
Ang 2012 ay parang pinahalo-halong pelikulang pangsakuna (disaster movies) gaya ng mga sumusunod:
- Volcano (tangena, elementary pa ako nun)
- Titanic
- The Day After Tomorrow
- Armageddon
- Deep Impact
- Dante’s Peak
- Evan Almighty (kasama ito, promise)
Sa umpisa ng pelikula, ipapakita ang nagbabadyang pagkagunaw ng mundo; mga nagpapalakihang pagbiyak ng lupa at kung ano-anu pa. Ipapakita din ng paulit-ulit ang hinayupak na egoy na walang puknat kung ipaliwanag na, ”gustong-gusto ko ang mga libro, libro, libro, libro” (Tawagin natin siyang “Bookworm”). Ipapakita rin kung paanong sinisikreto ng mga lider ng mga bansa ang kasalukuyang sitwasyon habang abala naman ang iba sa pag-ti-tiangge ng mga slots para sa mga maaring i-save, tipong one-way ticket to salvation.
Mag-uumpisang magunaw ang lahat. Magugunaw lahat; lahat ng bahay, lahat ng tulay, lahat ng mga gusali, at ipapakita ang mga taong sa iba’t-ibang sitwasyon.
- Mga nakalambitin sa gusali
- Mga malalag sa tulay
- Mga mababagsakan ng pader
- Mga magpapatihulog sa ‘di malamang dahilan.
- Mga lolang nag-da-drive at mababagsakan din ng malaking tipak ng guho.
- Mga sinisubukan pang tumakas sa tiyak na kamatayan
Matapos sirain ng kung anu mang pwersa ng planetary alignment ang Hollywood at Las Vegas (at kung anu-ano pang lugar), ang mga marami-rami pang bida na lang ang matitira, na kinabibilangan ng mga sumusunod.
Family A
- Tatay
- Nanay
- Bagong asawa ng Nanay
- Isang batang lalaking mukhang emo
- Isang batang babae – na gaya ng madalas mangyari ay uber sa pagkabibo
Family B
- Mayamang Russian na mukhang nangmomolestiya ng bata
- Gerfrend ng mayamang Russian na may namumutok na dibdib
- Mataba at panget na identical twins; mga anak ng mayamang Russian
- Drayber ng mayamang Russian na mukhang Abercrombie & Fitch Model
Buhay pa ang mga nabanggit. Gagawa sila ng paraan para makatakas sa noo’y naguguhong Las Vegas lulan ng isang malaking eroplano.
Sa China naman, ipapakita ang isang Matipunong Monghe kasama ang Matandang Monghe (’yung nasa preview). Mag-uusap ang dalawa.
Matipunong Monghe: Lolo Monghe, alam mo ’yung ginagawang dam sa may bundok, hindi naman pala dam ‘yun.
Matandang Monghe: Gutom lang ‘yan, Iho. Dam ’yun.
Matipunong Monghe: Hindi, Lolo Monghe, mali ka.
Matandang Monghe: Dam ’yun. ’Wag makulit.
Matipunong Monghe: Lolo Monghe, hindi dam ‘yun. Gumagawa sila ng ispeysyips (spaceships).
Matandang Monghe: Aanhin naman nila ang ”ispeysyips”? Adik ka ba?
Matipunong Monghe: May parating daw na malaking baha.
Matandang Monghe: Tsismis lang ‘yun.
Matipunong Monghe: Totoo sinasabi ko, Lolo Monghe, may parating na “global disaster”.
Matandang Monghe: Oh, sige, ikaw na elder. Ikaw na maalam.
Seryosong usapang hahantong sa puntong nanghihiram lang pala ng susi ng truck itong si Matipunong Monghe para puntahan ang kanyang Lola at Lola upang makibalita sa kapatid nitong kasama sa mga gumagawa ng ”ispeysyips.”
Sa Washington DC naman, habang ang buong executive entourage ng presidente ng USA ay lulan na ng Air Force One, magpapakabayani itong si Mr. President (na egoy din, pero hindi si Morgan Freeman, surprisingly) at magpapaiwan. Kailangan daw siya ng bansa niya (na noong mga panahon na iyon ay wala na talagang natira yata kung hindi ang Whitehouse at ‘yung obelisk/Washington monument) sa Washington DC). Lilindol, gunaw dito, gunaw doon, walang patumanggang pagkawasak ng lahat ng bagay, sugatan dito, sugatan doon, patay kahit saan ka tumingin. Tutulong ang presidente sa rescue operations at magmumuntikan na mabagsakan ng obelisk. Pero mamatay din siya (sampu ng mga natira sa Washington DC) matapos mahampas ng isang aircraft battleship na inanod ng super laking tsunami. Tinarantado talaga ang presidente sa pelikulang ito, tipong, ”ah, tangena mo ah, buhay ka pa ah? Heto ang aircraft battleship na inanod ng super laking tsunami.”
Sa Air Force One naman, magkakaroon pa ng panahon ang anak ng presidente at ‘yung lalaking adik sa libro na maglandian ng pasimple.
Mabalik sa Family A & B. Mag-ka-crashlanding ang eroplano nila at mahimalang mapapadpad sa China (kung saan nila nabalitaang may mga ispeysyips na pwedeng makapagligtas sa kanila). Mamatay si Drayber/Model matapos magsakripisyo makababa lang ng maayos ang Family A & B. May dadaan na mga choppers na may bitbit na malalaking hayop (elipante, giraffe, atbp.) Ipapakita ng mayamang Russian ang tatlong golden tickets (parang Willy Wonka lang) bilang mga pasaporte sa ispeysyip. Maiiwan ang blondinang, obviously, ay hindi pinambili ng ticket ng mayamang Russian sabay sumbat ng, “Akala mo ba hindi ko alam na may relasyon kayo ni Drayber/Model. Magdusa ka.” nila
Maiiwan sa gitna ng mga nagniniyebeng bundok ang Family A at si Blondina. Swerte namang dadaan si Matipunong Monghe kasama ang kanyang Lolo at Lola sakay ng truck na hiniram sa Matandang Monghe at nataon din ay papunta sa pagawaan ng mga ispeysyip. Kakatagpuin nila doon ang kuya ni Matipunong Monghe na tawagin nating Extra # 1. Ipupuslit ni Extra # 1 ang Family A, si Blondina, at ang ”Chin” Family, matapos ang mahabang paliwanagan.
Sa mga panahong iyon, makakatanggap naman ng phone call itong si Bookworm galing sa isang Indiyanong ipinakita sa umpisa ng pelikula na sinabihang lumikas na kasama ang kanyang pamilya at susunduin para isali sa ispeysyip. Ang Indiyano ang isa sa mga nakahula sa pagkagunaw ng mundo (sa kanyang pag-aaral ng whatever science).
Ganito ang kanilang pag-uusap:
Indiyano: Hello?
Bookworm: O, pare, napatawag ka?
Indiyano: Tangena, pare, nasaan ka na?
Bookworm: Uhmmm, sa ispeysyip na, pare? Nga pala, pala, tangena, nilalandi ako ng anak ng presidente. Ang hotdude. niya,
Indiyano: Tangena, pare, ’di ba sabi niyo susunduin niyo kami?
Bookworm: Puta, pare, hindi ba kayo sinundo?
Indiyano: Duhh.. Obviously.
Bookworm: Nako, pare, hayaan mo at sesermunan ko ‘yung drayber namin.
Indiyano: ‘Wag na lang. Okay lang, pare. Sasalubungin na lang naming itong pagkalaki-laking tsunami na metro na lang ang layo sa amin ngayon, na sa tantiya ko ay aabot din naman diyan, kaya amanos na tayo. Putang—(naputol ang linya)
Darating ang malaking alon. Aanurin ang mga “ark” na inakalang ispeysyip. May ilang libo ang matitira, mga mayayaman, mga lider ng mga bansa, mgacrew ng tatlong ark na natira, at mga iilang napiling may ”magandang semilya” para ipagpatuloy ang lahi ng mga natitirang taong patungong Africa (tanging lugar na pwedeng tirhan, ’di umano) para ipagpatuloy ang buhay. Humayo sila, at hindi natin alam kung muli ay nagpakarami.
***
Marami mang kakulangan ang pelikulang ito, gaya na lang ng sapat na pagpapaliwanag sa siyensya ng pagkagunaw ng mundo o kung anu mang trauma ang naiwan nito sa mga nakaligtas, ang importante, pinakita nito ang mga gusto at mga inasahan nating makita. Gunawin ang mundo, patayin ang halos lahat ng tao, at ipakitang sa gitna ng delubyo, ang one (1) billion euro ($1.4979 billion o Php 70.0393111 billion) ang magsasalba ng buhay mo.
Babala: Ang pelikulang ito ay hindi angkop sa mga sususunod:
- Mga may sakit sa puso at ma-”nerbyos”
- Mga taong mabilis bumitaw sa realidad (mga semi-tulendoys)
- Mga ayaw sa mga Russian (mabubuhay ‘yung panget na Russian na kambal)
- Mga taong ma-arte sa CGI (’yung mga arks kasi parang malalaking ulo ng hito lang)
- Mga debotong Kristiyano (promise, maniwala ka, sisirain ang Vatican City. Mababagsakan ng Sistine Chapel ang buong college of cardinals. Ipapakitang madadaganan ng buong Vatican ang Pope at lahat ng mga debotong nagdarasal sa St. Peter’s Square. Para itong malaking pakyu sa mga katoliko.)
lalo na kung ang kidlat ay galing sa tower ng isang PC game. lol
***
Isang malaking pagkakamali ang bigyan ng cellphone ang iyong mga magulang, lalo na kung hindi naman marunong mag-text. Ang isang milyong tanong kung paano magpunta sa inbox at bakit hindi mahanap ang mga numbers ay sapat na para gustuhin mong ngumuya ng blade at mag-dalawang-isip kung hindi ka nga ba suicidal.