Imbak para sa Kategoriyang ‘noseblade monologues’

h1

Rosalinda, heart transplant, atbp.

Hulyo 22, 2009

Ang mga susunod ay mga dialogues sa telenovelang Rosalinda:

(Sa isang inaayusang stage)

(Sa mga sandaling iyon ay nag-aagaw buhay ang ina ni Rosalinda)

(Lalapitan ni Rosalinda ang isang payat na ale na malapit na inaayusang stage)

Rosalinda: Ano pong meron?

Payat na ale:  Ah may pa-singing-contest ang barangay.

Rosalinda:  May premyo po ba?

Rai:  Wala, soundtrip lang. lol

Sa isa namang scene (na galing sa aking kaibigang si Umay):

Fernando Jose:  (marahil kausap ang sarili) Bakit kaya low batt pa rin si Rosalinda?

Umay:  Ikaw na maging cellphone…? lol

So, inoperahan na nga ‘yung nanay ni Rosalinda.  Ang nagbigay yata ng pera pang-opera ay ang ”ninong” ni Rosalinda na si Roderick Paulate (na sa tuwing ipapakita sa mga scenes ay hinihintay mong mag-bakla-baklaan pero madidissapoint ka dahil hindi niya gagawin ’yun).  Sasabihin ng payat na doctor (na mukhang binihisang mendicant) sa tatay ni Rosalinda (na ginagampanan ni Gary Estrada) na ”binuksan” ang puso ng pasyente blah blah blah at kailangan ng heart transplant.  Ang swabe lang, parang kung ano lang ang sinabi.

Payat na doctor:  Kailangan niya ng heart transplant, kung hindi mamatay siya.

Rai:  Well, obviously.  *abot ng pagkain sa payat na doctor* Kain kayo, Doc.

Tatay ni Rosalinda:  Di baleng ako na magbigay ng puso, doc…*sabay iyak*

Rai:  Ganun kadali ’yun ah?  Ano ka, bubble gum?

***

Bilang pang-wakas, hayaan niyong mag-iwan ako ng isang makabuluhang mensahe galing kay Ms. Kris Aquino:

“Hindi ako pwedeng umuwi ng walang dalang Goldilocks bitbit.”

Bakit hindi pwedeng umuwi ng walang dalang Goldilocks bitbit si Kris Aquino, aber? Lol

h1

Kakatwang Babasahin – Punto! Edition (Vol. 1)

Pebrero 10, 2009

Hindi ako palabasa ng mga regional tabloids na araw-araw ay dini-deliver sa office. Madalas kasi sa Internet ako nagbabasa ng balita (o nagpapanggap na nagbabasa, pero puro pictures lang na gumagalaw sa gmanews.tv ang tinitingnan ko.) Pero kanina, ewan ko at anong pumasok sa kokote ko at nadampot ko ang ilang pakalat-kalat na isyu ng “Punto!  Pananaw ng Malayang Pilipino!” (Pansinin, parang galit lang, puro exclamation point.) 

Habang sinusulat ko itong blog entry na ito ay nalaman ko ring may website pala ito (na gumagana at updated, in fairness).

***

Hindi sa araw-araw ay nakakabasa ng tsismis sa dyaryo na halatang-halata kung saan papunta:  direct assault.

Mga ilang pahiwatig na ang balitang ito ay hindi talaga tungkol sa bagong show nina Boy Abunda at Kris Aquino:

1.  Nasa content title ang pangalan ni John Lapus (na ‘di umuno ay tinatanong kung naiinggit).

2.  Sobrang galit ang sumulat nito na kahit may typo ay okay lang, i.e. katalinuhna (sic)

3.  Diretsahang sinabihan na “screaming faggot” si John Lapuz (na ang akin lang naman ay parang mas nakakailang kung discreet-discreet-an si John Lapuz.)

4.  Ito ang mga sumunod na sinabi ng artikulo:

Kung anik-anik ang lumalabas sa bibig ng hitad na baklita gayong siya mismo, talagang alam niyang wala naman siyang mararating pagdating sa hosting ng isang showbiz- oriented show.

“Hitad na baklita.”  Guys, what’s “hitad”?  I don’t know eh. (kunwari maarte magsalita at naka-braces.)

5.  Magtu-tuloy sa ganito ang nilalaman:

Masuwerte ka nga, John, binigyan ka ng tsansa ng GMA 7 to be one of the hosts ng Showbiz Central. Take note, nilagay ka lang naman diyan para sa comedy factor ng show.

In short, gusto ng Showbiz Central na may pagtawanan naman sa show. Gaya ni Rufa Mae Quinto na nandiyan din para maging katawa-tawa ang dating ng show na ‘yan.

Siguradong pong nabalitaan na ni John na mula sa Feb. 16, magkakaroon ng bagong time slot sina Kris at Boy, sa  primetiome slot ng ABS-CBN, mamamatay naman siya sa inggit at kung anu-ano na naman ang iimbentuhin ng buhong.

Araw-araw yun tsong at walang istasyon na magbibigay sa yo ng pagkakataong ganyan.

By the way, mula sa araw na yun, wala na rin po ang Boy And Kris at papalit sa slot ng dating nito ang show nina Ruffa Gutierrez at Ai Ai Delas Alas.

Minsan iniisip ko, ang gulo siguro ng Pilipinas kung maya’t-maya ang mga libel cases sa anu mang mga bagay.  Ang magandang halimbawa ng isang magandang katangian ng mga Pilipino ay ang kakayahang ipagkibit-balikat ang mga puna sa kanilaWow, positive! Lol

***

Tatlo ang problema ko sa artikulo na ito:

Una, nasaan ang balitang “iritado si Ara Mina kay Manny Pacquiao”?  Bakit puro sa “matapang” at “matipid pero may kilig” na Ara Mina ang nasa halos kalahati ng artikulo?

Pangalawa, nabanggit si Manny Pacquiao, kaya umpisa pa lang, alam mong wala kang mahihitang maayos dito.  Para sa bayan ang laban pala?

Pangatlo, sino ang mas seksi pa raw kay Christine Reyes? Si Manny Pacquaio ba o si Ara Mina?  Ako lang ba naguluhan?

BASAHIN MAIGI:

Ara Mina iritado pa rin kay Manny Pacquiao
(Mas sexy daw sa kanya si Cristine Reyes)

***

Ito ang isang nakakawindang na blind item, galing pa rin sa Punto!.  Basahin mabuti ang content title:

Aso ng hibang na aktes, ipanaopera… nang mamatay, ipanaemalsamo, ibinurol at inilibing gaya ng tao sa isang nitso sa likod ng kanyang bahay!

Parang ‘yun na ‘yung buong kwento noh?

Mga tanong (as usual):

1.  Sino ang “hibang na aktres“? 

(a)  S.S. 

(b) R.A. 

(c.) C.G.

(d.) none of the above.

(‘Di ko alam, promise.)

2.  Anong masama kung inoperahan ang aso?

3.  Anong ang malikung e-embalsamuhin at ibuburol at ililibing ang isang aso?

4.  Ako lang ba ang naguguluhan sa ibig sabihin ng ”tao sa isang nitso sa likod ng bahay?

***

HULING HIRIT!

Ito ang paborito ko sa lahat.

Dalawang bagay lang:

1.  Ito ang umpisa ng artikulo:

Nagsimula sa pagkakaroon ng sinat, na nauwi sa pamamaga ng mga gilagid, hanggang mag-40-39 ang temperatura at pagsusuka ang mga senyales ng pagkakaroon ng dengue ni Angel Locsin.

Feeling ko tuloy may sariling version si Angel Locsin kung paano magka-dengue.  Eh lahat naman ganyan sinyales!

2.  Eh ano ngayon kung nagka-dengue siya?  Eh ano ngayon kung nagkadengue siya ulit? (Uminit pala ulo ko eh.)

***

Para sa aking baby lycan… happy .083.

h1

Display dismay.. or dis-feb.. (ang baduy)

Pebrero 2, 2009

May tubig, may timba, ang dapat lang gawin ay buhusan ang inodoro pagkatapos umihi.

Tapos may nagsulat gamit ang bolpen ng, “eh tabo?“  Ang arte lang.

***

Akala ko noong makita ko ito na nakapaskil sa isang tindahan ay ang 4W’s (what, when, where, why) ang nakakatawa, pero mas pumukaw ng pansin sa akin ay ang nakasulat ng ginamitan ng pulang marker.


Arrest the pusher! (kung galing sa mahirap na angkan) Save the user! (for last?)

***

Ako lang ba ang nag-iisip na parang nakalagak ang tilapiang ito (katabi ng talong at “permented rice” ) na para bang nilalamay?

Mai-share lang patungkol sa lamay:

Usapan sa text ng mga boss:

Scene:  may namayapang semi-boss.

Boss A:  Sir, namatay na nga pala si <insert name here>

Boss B:  Ganun ba? Kailan pa?

Boss A:  Kahapon lang, Sir.

Boss B:  Kailan tayo makikipaglamay?  Saan nakaburol?

Boss A: Mamaya na lang sigurong pagtapos ng office hours.  Sa <insert place here>

Boss B: Ah okay.

(After office hours, nag-text si Boss B kasi nakalimutan kung saang funeraria)

Boss B:  Saan nga ulit naka-display?

Rai:  Naka-display pala eh! *tambling*

h1

Awkward…

Enero 20, 2009

Maglasing, maglasing,

Tayo’t uminom, uminom…

 

(Saan ko na nga ba narinig ‘yun?)

 

***

May mga araw na hindi talaga mawala ang pagiging taklesa ko, idagdag pa rin riyan ang pagkamakakalimutin ko(na parang bang sumobra ako sa hipon, pork at beans). 

 

Isang araw, nakita ko ang kababata ko ng tumotoma ng Red Horse sa harap ng tindahan malapit sa bahay:

 

Mga Tauhan:

Rai bilang lalaking naubusan ng yosi at bibili sa tindahan

Jerome bilang kababatang umiinom ng Red Horse sa harap ng tindahan

Simang bilang asawa ni Jerome

 

Jerome:  Pare!  Tangina, buti lumabas ka ng bahay?

Rai:  <Tawa lang, walang alam sabihin>

Jerome:  Shot!  <Sabay iniaabot ‘yung iniinom niyang Red Horse>

Rai:  Naku, pass muna, maaga trabaho bukas.

 

Mayamaya, dumating si Simang.

 

Simang:  Punyeta! Umiinom ka na naman, Jerome!

Jerome:  ‘Wag mo kong sigawan!

Simang:  Walang pang-gatas ang anak mo, tapos umiinom ka diyang hayop ka!

Jerome:  ‘Di ka titigil?!

Simang:  Padedehen mo ng Red Horse anak mo!  Gagu! <sabay batok kay Jerome>

Me:  Hmmmmmm…  Simang, may anak ka na pala?

<Kahit mainit ang ulo ni Simang eh nakangiti akong sinagot>

Simang: Oh, hello, rai. Oo. Three months na ‘yung anak ko, ano ba?<pero nakangiti pa rin>

Rai:  Really?!  Kailan ka nagbuntis?

Simang: Anu ka ba?  ‘Di ba nakakasalubong kita madalas noong buntis ako.

Rai:  Naku, buntis ka ba nun?  Akala ko tumaba ka lang, promiseSorry naman.  Hindi nga?  As in anak niyo o nag-ampon kayo?  Nabuntis ka?  Bakit hindi ko maalala?  Seryoso, nanganak ka talaga? <at ‘di na ako nag-move-on>

 

Tapos natawa lang ‘yung mag-asawa.  Sa banding huli, gusto kong isipin na ako ang naging paraan para magkaayos si Jerome at si Simang.The end.

 

h1

“Adelaida Strikes Back!” The 7th Gospel According to Adelaida

Enero 4, 2009

Kapag kinakatok ka ng pinto ng buhay at realidad
Maaari ka rin namang lumabas at panandaliang umiwas
Pasasaan ba’t babalik ka rin at sisilong
Pasasaan ba’t pipiliin mo ring kumatok at bumangon.
01/05/09
Rashid

***

Habang binibilang ko ang nalalabing araw ko bago magbalik sa trabaho (kasi kahit sino naman ay maninibago after 12 days na walang pasok at araw-araw ay alas-tres ka na ng hapon kung gumising), napagpasyahan kong panoorin ang aking tinuturing na therapy session, ang programang “Wish Ko Lang”.

***

Nakakatuwa ang nagagawa ng programang Wish Ko Lang sa akin kasi:

Feeling ko bumabait ako kapag pinapanood ito

- Para itong mabilisang episode ng Maalaala Mo Kaya, kasi paiiyakin ka talaga nito.

- Nakakatuwang panoorin ito kung kasama si Mama, na laging may nakakatawang komento tungkol sa mga taong nasa programa.

***

Ganito ang nangyari.

January 3, 2009.  Ang episode sa Wish Ko Lang ay tungkol sa:

a.  Isang dating finalist sa Pinoy Pop Superstar na nalalagas ang buhok, for some reason, ‘di ko na lang e-explain.

b.  Dating titser na may Master’s Degree in English Communication at medyo — medyo lang naman — nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.

c.  Batang mag-tiyo (lumpo ‘yung tiyo, ‘yung pamangkin may cleft pallet).

[Kasalukuyan na akong nag-in-internalize para malungkot at makisimpatiya sa dating finalist sa Pinoy Pop Superstar na nalalagas ang buhok, for some reason, nang dumating si Mama.]

Mama:  Ay, Yan, ninanu ya? (Ay, Yan, napano siya?)

Me:  Mag-umpisa yapa, Ma, eku balu. (Kauumpisa lang, Ma, ‘di ko alam.)

Mama:  Ot karakal na pimples? (Bakit ang dami niyang pimples?)

Me:  Ma, that’s not her problem.

Mama:   Ot mag-English ka pa? (Bakit ka nag-i-English?)

Me:  Eku balu. (‘Di ko alam.)  [Tapos tawa lang ako ng tawa.]

[Tuloy sa panonood.]

Mama:  Nanan de kanyan? (Anung gagawin niyan sa kanya?)

Me:  Ma, eku balu. (Ma, ‘di ko alam.)

Mama:  Ay, ot malalagas ya buwak? (Ay, bakit nalalagas buhok niya?)

Me:  Hmmmm.. malamang masakit ya? (Hmmmmmm.. malamang may sakit siya?)

Mama:  Sobra keng shampoo ‘yan. (Sobra sa shampoo ‘yan.)

[Tawa lang ako ng tawa.]

Mama: Aba, tutu naman– (Aba, tingnan mo nga–) [tapos natigilan si Mama kasi pinakita na 'yung girl na na-make-over at dinala sa GMA Network Studio.]

Mama:  Apalagu da ne man eh. (Napaganda naman siya oh.)  Nanan de kanyan? (Anong gagawin sa kanya niyan?)

Me:  Ma, alben me, eku balu. (Ma, panoorin mo, ‘di ko alam.)

[Tapos pinakita 'yung office sa GMA]

Mama:  Yan, magkanu mo ing sweldu da reng keng GMA? (Yan, magkano sa tingin mo ang sweldo ng mga nasa GMA?)

Me:  Eku balu. (‘Di ko alam.)

Mama:  Bisa kang magobra ken? (Gusto mong magtrabaho diyan?)

Me:  Ali. (Hindi)

Mama:  Bakit ali? (Bakit hindi?)

Me:  Masaya naku keni. (Masaya na ako dito.)

[Tapos natapos 'yung segment tungkol dun sa dating finalist sa Pinoy Pop Superstar na nalalagas ang buhok, for some reason, na hindi na namin medyo naiintidihan kung anu nangyari dahil sa sobrang kadaldalan naming mag-ina.]


[Sumunod na pinakita 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.]

Mama:  Yan, bakit ya mag-English? (Yan, bakit siya nag-i-English?)

Me:  Kasi biyasa ‘yang mag-English? (Dahil marunong siyang mag-English?)

Mama:  E wari murit ya? (‘Di ba baliw siya?)

Me:  Bawal lang mag-English reng murit? (Bawal mag-English ang mga baliw?)

Mama:  Aba, menakit naka waring murit na mag-English? (Aba, nakakita ka na ba ng baliw na nag-i-English?)

Me:  Ayan, ing alben ta. (Ayan, ‘yang pinapanood natin.)

Mama:  Ay, e talaga mag-Tagalug, Yan.  (Ay, hindi talaga siya nagta-Tagalog, Yan.)

Me:  Kasi pin biyasa ya talagang mag-English. (Kasi nga marunong talaga siyang mag-English.)

[Tapos pinakita dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.  Pagkatapos, pinakita 'yung interview sa anak niya.]

Mama:  Oh lawen mu na, atin ya pang anak. (Oh, tingnan mo na, may anak pa pala siya.)

Me: Bawal la ring mika-anak? (Bawal din sila magka-anak?)

[Tawa ulit.]

Mama:  Pakyapusan ke pa ‘yan. (Gayahin ko nga ‘yan.)

Me:  Ninu? (Sino?)

Mama: Itang mag-English (‘Yung nag-i-English.)

Me: Mamurit ka rin? (Mababaliw ka rin?)

Mama:  Ali.  Potang aku, eku mag-English, magkanta naku man. (Hindi.  Kapag ako, hindi ako mag-i-English, kakanta naman ako.)

Me: [Tawa lang ng tawa] Ot gawan mu naman ‘ta? (Bakit mo naman gagawin ‘yun?)

Mama:  Ala mu. (Wala lang.)

[Tawa pa rin ako ng tawa.]

Me: Nanu mong kanta mu kanita? (Ano ikakanta mo ‘pag nagkataon?)

Mama:  Love songs.

[Nalaglag na ako sa sofa sa kakatawa.]

Mama:  Ika, pane mu kung paglokwan. (Ikaw, lagi mo na lang akong niloloko.)

Me:  Aku pa talaga neh?  Ikang sinabing bisa kang mamurit para magkanta keng dalan. (Ako pa talaga noh?  Ikaw ‘tong nagsabing gusto mo mabaliw para kumanta sa daan.)

[Tapos tawa lang kami ng tawa ni Mama.]


[Sumunod na pinakita nang idala (para ipagamot sa isang private mental clinic) 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.]

Mama:  O, ulwan da ne man pala eh. (Oh, gagamutin naman pala siya eh.)

Me: Nanu waring in-expect mu, na ali de? (Ano ba in-expect mo, na hindi?)

Mama:  Pwedi la pang uulwan reng pakanyan neh? (Pwede pa lang gamutin ang mga ganyan noh?)

[Tawa lang ako ng tawa.]

[Sumunod na pinakita 'yung after-two-months na, nagamot na 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.]

Mama:  Ay, ot ene mag-English?  Ampong metaba ya neh? (Ay, bakit hindi na siya nag-i-English?  Saka bakit tumaba siya?)

[Pinakita sa segment na ini-interview na 'yung dating titser na may Master's Degree in English Communication at medyo -- medyo lang naman -- nagliwaliw sa Ortigas dahil nagkaroon ng konting aberya sa pag-iisip.  Medyo mataba na siya at hindi na gaanong nag-i-Ingles.]

Me:  At least balu ku na wokarin daka paulu potang bigla na kang migkanta keng dalan. (At least alam ko kung saan kita ipapagamot kapag bigla ka na lang kumanta sa kalsada.)

Mama:  Murit ka talaga. (Baliw ka talaga.)

Me:  Aba, ikang sinabing bisa kang magkanta keng dalan. (Aba, ikaw nagsabing gusto mong kumanta sa kalsada.)

[Sumunod na pinakita 'yung batang mag-tiyo (lumpo 'yung tiyo, 'yung pamangkin may cleft pallet) na hindi na napanood ni Mama kasi kinailangan niyang pumunta sa Homeowners Association Meeting.]

***


- The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

- The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

- The Gospel According to Adelaida

- Kari-MARIMAR-im

- Ano ang Mangustin?

h1

Kawang-gawa para sa nalalapit na Pasko

Disyembre 16, 2008

Sa loob ng dalawang linggong walang matinong magawa sa bahay dahil tinopak si Andrew (the home-based laptop) at dahil sa loob din ng mga panahon na iyon ay natunaw yata ang yelo sa Northpole at bigla na lang lumamig ng sobra, naging abala ako sa pag-iwas sa pagkakasakit.  Hindi rin ito naging matagumpay.

***

Maya’t maya ang pag-te-text ng mga kaibigan tungkol sa kung anu-ano.  Sa kabilang banda naman, “sala sa init, sala sa lamig” naman ang mga nagpapahiawatig na gusto akong “syotain”.  Nakakailang Strepsils na ako pero parang may gagamba pa rin sa lalamunan ko.  Tuloy ang yosi.  Tuloy ang buhay.  Tuloy ang walang katapusang paghahanap ng matinong mapaglilibangan maliban sa paghahanap ng mga nakakatuwang wallpaper.

***

Nakakahiyang dinatnan ako ni Mama na naluluha sa naging tribute ng SOP Rules sa namayapang si Marky Cielo.  Ang akin lang, it felt like i was watching an episode of Maalala Mo Kaya.  At bakit ako nag-i-Ingles?  Why?  Why?  Tell me! lol

***

Kailangan ko ng mag-shopping, promise.  Hindi ko alam kung bakit, pero I feel na kailangan na.

***

Ang mga nagustuhan ang pelikulang Twilight ay mga taong dapat sinusunog ng buhay.  Ang pelikulang Twilight ay malaking insulto sa talino ng kahit sinong tao.  Pero naisip ko rin na kapag ginawa ito, iilan na lang ang matitira sa mundo, sayang naman.

Mga ilan sa nakakatuwang ads para sa pelikulang/mga librong Twilight.

“Let’s sex” pala eh.. hahaha


***

Ang mga taong nababahala sa “traffic jam” ng mga text messages sa Pasko at Bagong Taon ay kailangang mag-lighten-up.  Mga tsong, isang araw lang ‘yun,’wag OA.

***

Dahil sa sinasabing “recession” sa US economy, akala ng karamihan ay may karapatan na silang magpahayag ng kanilang mga opinyon tungkol sa kahirapan ng buhay at tungkol sa kalagayan ng Estados Unidos.  Kuya, tiis-tiis lang sa Taiwan, kaya mo ‘yan, sawa na sina Mama na bigyan ka ng ikabubuhay.

***

Kung mga 60 years old ka na at may lakas ka pa ang loob na kumanta ng kantang, “Next In Line” ng After Image, kudos for you, Manong.

What has life to offer me/When i grow old”

(Hmmm.. RAYUMA PO?)

“What’s there to look forward to/beyond the biting cold”

(Hmmm..UNAVOIDABLE DEATH?)

“So i sing this song to all of my age”

(AT THE GOLDEN ACRES?)

“For these are the questions/We’ve got to face”

(KUNG SINO MAG-AALAGA SA INYO SA DEATHBED NIYO?)

“For in this cycle that we call life/We are the ones who are next in line.”

(NEXT IN LINE, OO NAMAN! lol)


h1

Ang pagbabalik ng kwento ng AMbogRaw…

Disyembre 15, 2008

Masaya akong nanonood ng Andrew Zimmern’s Bizarre Foods 2 sa Travel & Living Channel kani-kanina lang ng guluhin ako sa text ng kaibigan kong si Umay (na sumandali pa ay sinamahan na rin kami ng isa ko ang kaibigang si Toshi, the model):

Umay:  Si Billy Elliot itong cute guy sa Kingkong?

Me:  ‘Yung nagsasayaw na bata?  Parang ‘di ko kilala si Billy Elliot..haha ['di ko talaga alam nun, promiseI mean, hindi ako sigurado.]

Umay:  Siyang tunay!  Kamukha kasi ni BIlly Elliot (ang batang nagsasayaw) itong nasa Kingkong.

<pause>

It is safe to assume na:

1.  Nanonood siya ng Kingkong noong mga panahon na iyon.

2.  Kung anong version ng Kingkong, hindi ko talaga alam, peksman.

3.  Sarcasm ang huling text niya.

Ayon sa Answers.com:


“Billy Elliot is a 2000 film written by Lee Hall and directed by Stephen Daldry. Set in the fictional town of ‘Everington’ in the real County Durham, it stars Jamie Bell as 11 year old Billy, an aspiring dancer, Gary Lewis as his coal miner father, Jamie Draven as Billy’s older brother, and Julie Walters as his dance instructor. The film was inspired, in part, by A.J. Cronin’s novel, The Stars Look Down, which similarly focuses on an English mining community in the midst of a strike, as well as on a miner’s son who breaks away from tradition in forging his own path.[1]

Tagline: Inside every one of us is a special talent waiting to come out. The trick is finding it.”

<play>

Toshi:  Baka si Missy Elliot ‘yan, medyo hawig naman siya kay Kingkong at sumasayaw din siya.  Siya ‘yun [Kingkong], si Missy.

Me:  May bata ba sa Kingkong?

Umay:  May bata sa Kingkong.  Si Billy Elliot nga! Hahahaha

Me:  Anong Kingkong?  ‘Yung nandun si Jack Black?

Umay:  Yup! Naalala mo na?

Me:  Parang walang bata dun.. :)

* At doon natatapos ang walang kakwenta-kwentang usapan tungkol kay:  a.  Billy Elliot, ang batang nagsasayaw; at b.  Kingkong, ang kamukha ni Missy Elliot na nagsasayaw din parang si Billy Elliot.

***

Kanina naman lunchtime, sa canteen kasama ang kaibigan kong si Otu (friend/officemate/kasama ko sa “Paano Lumipad Series”), si Tita Violi (nanay-nanayan ni Otu), si Dan at tatlo pang kagaya niyang “practicumers” sa opisina, masaya kaming kumain ng tanghalian hangang sa mapunta ang usapan sa kung anu-ano ang pinapanood namin lately sa TV.

Otu:  Basta ako naku-kyutan ako doon kay <insert name here> ng Pinoy Fear Factor.

Me:  Hiiiiii.. Ayaw ko dun.  [Tapos nagngunguyngoy ako ng pagkadami-daming panlalait tungkol sa show na para bang may napanood na akong episode.]

Otu:  Basta I think ‘yung isang contestant dun bading.

Me:  Lagi namang may ganung “factor”. hahahahaha  Well, ako nanlalait ng pinapanood niyo eh kahit super ka-cheap-an na Dyosa pinapanood ko pa rin, at hindi ko alam bakit.  Naka-dubbed na boses ni Sam, laging may nursery rhyme na spell kuno, at nakakahiya na si Jaclyn Jose sa pagsubok na magpatawa, pero pinapanood ko pa rin.

Otu:  Basta ako, Encantadia pa rin ako!  Walang tatalo dun.  You know, how they established ‘yung four kingdoms.

Me:  uh-huh.

Otu:  Tapos ang galing-galing ni Johnny Delgado dun.


Me:  Johnny Delgado?

Otu:  Yes.

Me:  Johnny Delgado?  (Kunot-noong nagtatanong)

Otu:  Yup.  ‘Yung parang king siya dun tapos mayroon siyang.. (tapos sinyal lang ng sinyal si Otu ng parang sungay sa ulo.)

Me:  You mean sungay?

Otu:  Yes!

Me:  Ay, baliw, Kamandag ‘yung sinasabi mo.

Otu:  Hindi.

Me:  Sira, si Johnny Delgado mukhang ram sa Kamandag.  Remember?  Am-BOG-raw.

<pause>

Na-blog ko na dati ang Kamandag at patungkol sa nakakatawang acting ni Zoren Legaspi, na kung mag-pronounce ng salitang “Ambograw” ay parang si Gus Abelgas ng SOCO show sa Channel 2.

Ang Kamandag ay hindi rin naman malayo sa Encantadia, just imagine Encantadia tapos taong-hayop lahat ng tauhan.

<play>

Otu:  Ay, oo nga pala.

(Tawanan lahat na parang TGIS barkada)

Dan:  Oo nga, Otu, Kamandag ‘yun.

Otu:  Ah basta, gusto ko pa rin ‘yung Encantadia.

Dan:  Ako man.  Favorite ko sa Encantadia ‘yung mga cats.


Me:  Kamandag pa rin ‘yun, hayup!

(Tapos tawanan TGIS style ulit.)

***

Pahabol na text question kani-kanina lang:

Lamey (friend):  Babe, what’s the teleserye na kasama si Jean Garcia then super maarte siya?

Me:  Impostora.

Lamey:  Oh mg gaa..  Thanks, Babe.. Namatay na ako sa kakaisip.. :)


***

Andrew, my home laptop, is okay na, pwede na ulit mag-blog ng maayos. hehhee

h1

Ang Dugo ni Santa Claus

Nobyembre 20, 2008

Napabayaan ko nga siguro ng “konti” ang blogsite ko.  Pero madalas ko ngang sabihin sa sarili ko, “Rai, hindi tamagochi ang blogsite mo, hindi naman ito mamatay kapag hindi mo inasikaso.”  Tapos naisip ko, malamang tama ang sarili ko, malamang may madadaan pa rin para magbaka-sakaling may bago na naman akong kagaguhan na isinulat.  O ‘di kaya naman ay paraan ko lang ito para ipaalam na bago na ang heading ng aking blogsite at ni hindi ko man ito naianunsyo sa aking “iilang” “kunwari’y” masugid na mambabasa.

***


Patuloy ang laban ng mga mahihirap na Pilipinong nagbabaka-salakali (at minsan’y anino’y sigurado) na magiging maganda ang kanilang mga buhay dahil sa tatanggaping bonus/13th-month-pay.  HIndi ako sigurado dun.  Basta ang alam ko lang, may mga kailangang akong i-kwentong hindi ko man kayang ipagdugtong-dugtong (yata) ay makakabuo naman ng isang magandang simula ng aking pagsusulat sa walang ka-kwenta-kwentang buwan ng Nobyembre (except for your birthday and bar opening, Dad.  ‘Yun masaya ‘yun.)


Unang kwento:

Dahil hindi na ako madalas makapunta sa Manila (I sounded so probinsyano, in fairness), kapag napupunta ako sa Manila, super excited ako.  May Tarbaks naman dito sa Angeles, may mga makakalandian naman, may mga iilang raket din naman na pwedeng pagkakitaan (not that wala akong  trabaho), pero syempre, kailangan ko rin namang makita ang mga kaibigan kong “Maynilain; binubuo ng mga kaibigan na nakilala ko sa isang Friday Night thing sa Gateway at isang  naging kaibigan sa dati kong raket sa Makati (mag-iisang taon ko nang hindi nakikita). [Miss you, Venn.]

Ganito ang set-up.  Kasabay ang super mayaman kong friend (na masahimalang nagyaya na sumama at take note, mag-commute papunta ng Cubao), tumulak kami papunta ng Gateway.  Isang dyip bago sumakay ng bus papunta ng Cubao, masaya kaming nag-ku-kwentuhan at pasimpleng nanghahamak ng mga kasabay namin sa dyip.  Pinipilit ko noong ubusin ang binili niya para sa aming dalawang Coke Cherry, na ang weird ng lasa, promise.  Hindi naman malamig pero naka-jacket noon ang kaibigan ko.  Tapos dahil bored na ako at wala na kaming alam pagkwentuhan, naisip kong itanong na kung bakit siya naka-jacket eh ang init-init.

“Bisa kung mag-jacketFeeling ku ing hangin na-karinat!” (Gusto kong mag-jacket! Feeling ko ang hangin ang dumi!)

Ang arte arte lang!  Wala pa kami sa Cubao, tipong, “hello, probinsiya pa ito, my friend,” eh nag-inarti na.

***

Pangalawang kwento

Kamakailan ay nagpatulong ang aking Boss na ayusin (o kasalukuyang inaayos) ang isang, tawagin na lang nating, “personal na okasyon” para sa kanya.  Bawal kong sabihin kung ano ito, at isa na ring dahilan ang kahit paano ay iniisip ko pa rin na marahil, marahil lang naman, ay nagagawa niyang bisitahin ang aking mumunting blogsite, na lagi, kung tutuusin, ay hindi naman talaga tungkol sa kanya.

Ganito ang nangyari:  Kumakain kami ng lunch sa isang popular na chicken specialty restaurant na kapag sinabi mo ang pangalan sa mga Angelenos ay ang unang itatanong sa iyo ay, “Totoo bang kina Antoinette Taus ‘tong restaurant na ito?” imbes na itanong kung anu masarap kainin.  Masarap naman ang pagkain.  Mukhang tipong 15 taon ang mga checkered table cloths at mukhang malapit na mag-pensyon ang lahat ng waitstaff sa katandaan.  Masarap ang iced tea nila?  (Bumawi pala ako eh.)


Kasama si Boss, dalawang finance department girls, at ang aming layout artist na si Kambal, na pinangalanang Kambal dahil hindi nagkataong kapangalan ko siya, ‘yun ay dahil may kakambal talaga siya.

Masaya ang lahat, dahil parating na ang pagkain; masaya din ako dahil sa ‘di malamang dahilan ay biglang umiyak ang isa sa mga finance department girl, may personal emotional baggage yata.  Naiwan kami ni Kambal na nag-ko-kodakan sa kanyang bago at mamahaling camera.

Me:  Balu ku na kaya mengaga ya. [Alam ko na kung bakit umiyak siya.]

Kambal:  Bakit? (Seryoso at patuloy sa pag-ko-kodak sa akin at sa kung saan man tumama ang camera)

Me:  Kasi ngeni da pa pebalu kaya na ene man talaga tutu i Santa Claus. [Kasi kailan lang pinaalam sa kanya na hindi naman talaga totoo si Santa Claus.]

Kambal:  Ay, balu mo, itang kayabe ko, e mamangan spaghetti. (Alam mo, ‘yung kasama ko, hindi kumakain ng spaghetti.)

Me:  Really??? (Malakihang acting, para mas nakakatuwa.  Tapos inisip ko, anong kinalaman ng spaghetti kay Santa Claus?)

Kambal:  Wa! [Oo.]

Me:  Bakit naman?:  (Malakihang acting ulit.)

Kambat:  Pakanini kasi ‘yan.  Na kanung anak ya, sinabi da kanu kaya na ing spaghettisauce, daya ng Santa Claus. [Ganito kasi 'yan.  Noong bata raw siya, sinabi daw sa kanya na ang spaghetti sauce ay dugo ni Santa Claus.]


<pause>

Promise, nung sabihin ni Kambal itong kwentong ito, bago ako matawa, ang unang inisip ko, “wow, ang creative ng parents nung barkada niya, nakaisip talaga ng “Alamat ng Spaghetti.”

<play>

Me:  Wahahahahaahaha…

Kambal:  Seryosu, Rai, kaya ngeni e talaga mamangan spaghetti. [Seryoso, Rai, kaya ngayon hindi talaga siya kumakain ng spaghetti.]

Me:  Wahahahahaahahaha.. (Wala na, naluha na ako.)

Kambal:  Kaybat ng minsan — kasi ating ‘yang tau.  Pinilit neng mangan spaghetti.  Pengan na naman mo, pero kaybat, uyta, minyuka ya rin. [Tapos nung minsan -- kasi may girlfriend siya.  PIniilit siyang kumain ng spaghetti.  Kumain naman siya, kaya lang, hayun, nagsuka rin pagkatapos.]

Me:  Ay, kabalongan mo, Kambal, mesakit ku atsan. [Ay, siraulo ka, Kambal, sumakit tiyan ko.]

*The End

***

Pangatlong Kwento

Noong elementary ako, Grade 6 ako, tandang-tanda ako. nasa loob kami ng classroom, magpapasko noon at wala yata sa mood magrosaryo ang titser namin kaya nagkaroon ng parang early-Christmas-preaching theraphy session.

“Class, sino sa inyo ang naniniwala kay Santa Claus,” tanong ni Titser.

Ikaw na Grade 6, ikaw na takot sa Titser dahil kapag nale-late ka ay binibilad ka sa flagpole, ikaw na batang nagtataka kung bakit kayo nag-rorosaryo ng 15 decades (tatlong ulit na rosary) sa isang araw, ikaw na batang inaasahang may premyo ang pagiging bibo, syempre natural lang na magtaas ka ng kamay kahit alam mong hindi naman talaga totoong may Santa Claus.

Mga 50 kami sa classroom.  Karamihan nagtaas ang kamay.  Tipong, “I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!” Super perky ang karamihan; proud na proud na nakataas ang kamay at, sabi ko nga, nag-e-expect ng premyo.  May kung may anim o pito sa mga kaklase ko ang hindi nagtaas ng kamay.  Walang tanong-tanong, walang warning, pinalabas ang mga non-believers kuno ni Santa Claus.

Ganito pala ang siste.  Sabi ni Titser, hindi raw totoo si Santa Claus; ‘yung daw naglalagay ng mga regalo tuwing magpapasko ay tipong tatay lang namin o kaya si kuya o si ate o si Nanay, basta hindi si Santa Claus; “sign of maturity” daw ang ginawa noong mga pinalabas dahiil alam nila na hindi naman totoo si Santa Claus, na ang naging premyo ng mga hinayupak ay isang mahaba-habang tambay sa school canteen.

Mga gusto ko sanang isagot kung hindi ko lang iniiisip na magagalit si Titser sa usapin patungkol kay Santa Claus:

1.  Ma’am, sino ba kasing nagsabing totoo si Santa Claus?  Ikaw lumagar sa lugar namin kung susubukan mong kontrahin ang gaya mong daig pa si Hitler kung mag-impose.

2.  Ma’am, wala po akong natatanggap na regalo, may kinalaman po ba kayo dun?

3.  Ma’am, anong sign of maturity?  Grade 6 pa lang po kami.  Maturity bang matatawag ang paglalaro ng jackstone ng mga pinalabas mong kaklase namin habang talak ka ng talak diyan?

4.  Ma’am, kung kay Jesus nga hindi ako naniniwala, sa matabang naka-red pa kaya na sa may snow lang nagpapakita?  Pilipinas, Ma’am.  PilipinaS.   ‘Wag adik.  ‘Wag…..


h1

Paano Lumipad? Season 3

Oktubre 30, 2008

Nasubukan na naming lumipad sa harap ng opisina ng isang kliyente.  Nasubukan na naming lumipad sa maduduming dalampasigan ng Bataan.  Halina’t samahan niyo kami ni Otu (kasama ni L) sa aming pagsubok na lumipad sa isang swimming pool ‘di kalayuan sa amin.  Ito ang “Paano Lumipad Season 3″

Ang mga sumusunod ay naganap ilang linggo na ang nakakalipas [basta matagal-tagal na, nakalimutan ko na talaga, anu magagawa ko?  Bakit ka nang-aaway?  Galit ka na niyan?  Eh bakit ka sumisigaw?] (baliw!)

 ***

1.  MAGPANGGAP NA MAY HAWAK NA MALAKING PICTURE FRAME. 

Kalimutan ang medyo lumaking tiyan dahil sa kanin, iisipin mong makakatulong ang pag-i-imagine na may dala kang malaking frame.  Ang kaya lang gawin ng malalaking photo frame ay matulungang kang mag-tip-toe.  Subukan ang mas malaking photo frame sa susunod.  Mas makakatulong ang mga ganitong style kung susubukan naming mag-ballet.

***

2.  MAKITALON KASABAY NG BABAENG NAKA-ORANGE

Habang nagpapatuloy ang aking “no-to-orange-t-shirt” campaign, hinayaan ko na na naka-orange na polo shirt si L [super mayaman naman, hayaan na natin] sa kanyang pagsali sa aming pagsubok kung paano lumipad.  Sa bandang huli, hindi rin kami nagtagumpay.  Malaking factor ang may kasama kang naka-orange, promise.

***

3. MAG-POOPOO SA POOL

Habang sikat-sikat ang mga joke na kapag nasa pool ay maraming “jumi-jingle” at “pumu-poopoo”, kung gusto mong lumipad, ‘wag pansinin amoy [L] at ‘wag magpa-cute sa camera [me].  Ipunin ang lakas at itulak ang tubig sa pamamagitan ng pagtitig dito [Otu], at sigurado, aangat ka [ito na rin siguro ang pagkakataon mo, Otu, para ipagyabang ang namumutok mong "muskels".

***

4. MANDIRI SA WATER AND/OR SUBUKAN ANG AMPUTATION

Isa sa pinaka-epektibong paraang ng paglipad ay ang "tuwirang" pagpuputol ng paa at hita.  Pero kung magkukulang ka sa budget (at paa lang ang kaya mong ipaputol), mahihirapan kang lumipad, gaya na lang sa nangyari sa akin.  Naging matagumpay naman si Otu sa kanyang pagsubok na lumipad sa pamamagitan ng pag-iisip na, "OMG, the water is sooooooo dirtttwwwwwwiiiieeeee!" [Ang arte lang.]

***

5. IPAGMALAKI ANG TALAMPAKAN

Habang pinipilit ni Otu na umangat sa pamamagitan ng geometry at pag-ka-calculate ng kung anu-anong straight lines at iba-ibang angles, mas madaling lumipad kung ipagmamalaki ang namumula mong talampakan.  Sipain ang tubig at ang hangin at humawak sa namumuong sama ng panahon, at sigurado, lilipad ka rin.

***

6.  KUMAWAY SA MGA ISDA AND/OR MAGDASAL KAY “NOU-II-EE” GODDESS

Madalas ay makita sa TV ang mga dokumentaryo tungkol sa mga lumilipad na isda.  Hindi mo malalaman ang sikreto ng paglipad nila kung hindi ka makikipagkaibigan sa mga isda.  Gaya na lang ni Otu, na nakalipad matapos masabihan ng mga isda kung paano umangat sa tubig, ay masayang kinakawayan ang mga isda bilang pasasalamat.  Sa akin namang konsentrasyon at mataimtim na pagdarasal kay “Nou-ii-ee” goddess, mahimalang umangat ang mga paa ko habang nagdarasal. Salamat, mahal na “Nou-ii-ee” goddess.

Goddess of scrabble and levitation

h1

Kakatwang Babasahin Issue 3

Setyembre 22, 2008

HIndi ako nakakabili ng tabloid, kasi nahihiya akong bumili at wala akong nadadaanang newstand papunta sa trabaho.  Ang subscription naman ng mga dyaryo ni boss ay puro mga local tabloids na laging nakabandera ang problema sa quarry operation sa Pampanga at ang pinaplanong pag-recall kay Governor slash Reverend Father Panlilio.  Kaya sa internet na lang ako nagbabasa ng aking paboritong pagtripan, ang Abante!

***

TOP STORY

CHRISTMAS BONUS IBIGAY NA!

Masasapul ng krisis sa Amerika ang Pasko sa Pilipinas. Ngunit may solusyon para mapagaan ang malakas na ‘impact’ ng problemang pinansyal na yumayanig ngayon sa buong mundo: pagpapalabas ngayon pa lang ng Christmas bonus at ang maagang pagpapatupad ng umento sa sahod ng mga government workers.”

Marami na naman ang magmamarunong patungkol sa ‘di umanong financial crisis sa Amerika.  Tsk tsk.  Gaya na lang ng Tatay kong napanood lang sa T.V. ang balita ay hindi na tumigil sa kakangawa patungkol sa magiging epekto nito sa mga bangko sa Pinas.

“Tay, hmmmm, wala ka namang bank savings, ‘wag ka na makialam.”

Nakakatawang isipin na parang hayok na hayok ang lahat sa Christmas bonus. Isabay na rin kaya ibigay ang mga hamon de bola at fruitcake para masaya na talaga?  Tapos ‘wag na tayong magtrabaho hangang December, tipong January na pasok.  Pambihira, September pa lang, mga abnuy!

***

CRIME STORIES

SINAWAY MAG-SHABU ‘LIVE-IN’ PINUTUKAN

Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos arestuhin ng kanyang mga kasama dahil sa panggugulpi at tangkang pagpatay umano nito sa kanyang kinakasama sa Mandalu­yong City.”

Tamang trip talaga.

Live-in partner girl:  Hey, live-in partner guy, why do you make “durog” [drugs]?

LIve-in partner guy: Oh, don’t make pakialam, I’ll make putok this baril on you.

Live-in partner girl:  Why are you galet?  I’m just nag-aalala.

LIve-in partner guy:  Just don’t make pakialam, okay?  You’re such a loser!

LIve-in partner girl:  Here, just make sunog the ganja, you’re gonna have gana pa to make kain madami later.

Live-in partner guy:  I said don’t make pakialam! [pinutukan si live-in partner girl.]

***

2 stude dinampot sa pandadakma ng dibdib

Natulala ang isang seksing saleslady nang yakapin at dakmain ang ma­lulusog niyang dibdib ng isa sa dalawang estudyante habang papasok sa loob ng simbahan kahapon ng madaling-araw sa Baclaran, Parañaque City.

Ang susunod na balita ay malamang ganito ang magiging takbo, “saleslady na dinakma ang suso, nagreklamo sa malaswang pagkakasulat sa dyaryo.

Mga tanong na kailangang sagutin [homework, kumbaga]

1.  Ano ang “stude”?  Ito ba ay pinasamang “student” at “dude”?

2.  Bakit dinakma ang mga malulusog na dibdib ng “seksing saleslady”?

***

ENTERTAINMENT

Dennis, kabado sa ‘Gagambino’

Kabado ba si Dennis sa ‘Gagambino’ dahil:

a.  Natatawa siya sa title nito kaya hindi sila matapos-tapos sa taping

b.  Natatawa ang mga kasamahan niya sa title, lalo na ‘pag binibigkas ang Gagambino

c.  Natatawa ang lahat sa title na ‘Gagambino’

d.  Nabaliw na lang silang lahat bigla

***

Baguhang aktor, nagpasilip

“NAGPASILIP ang baguhang aktor na si Ran Domingo sa launching movie niyang Binyag na magpi-premiere sa Oktubre 2, Huwebes, sa UP Film Institute ng UP Diliman, QC.

“Ang kanyang pagpapasilip bilang isang promdi na sanay magbilad ng katawan sa tabing-dagat niyang paraiso ay bahagi ng karakter niyang ginampa­nan na bantad sa mga Ikatlong kasariang nagnanasa sa kanyang katawan.”

Sagutin ang mga sumusunod at isulat sa kalahating piraso ng papel.  Isulat ang name at section sa gawing kanan ng papel.  Bawal ang cursive, maawa sa mga hindi masyadong marunong magbasa [gaya ko.]

1.  Kailangan bang nagpapasilip talaga ang isang baguhang aktor?  Ipaliwanag.  Not more than 3 sentences.

2.  Magbigay ng halimbawa ng mga paraan kung paano magpapasilip?  Give at least 4 examples.

3.  Ano ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapasilip, ayon kay Newton?

4.  Ano ang pagkakaiba ng “pagbibilad ng katawan” sa proseso ng paggawa ng daing.

5.  Kung makakaharap mo si Ran Domingo, ano ang gusto mong sabihin sa kanya?

6.  Ano sa Ingles ang katagang, “ikatlong kasariang pagnanasa.”

***

Mga Back Issues:

Kakatwang Babasahin Issue 1

Kakatwang Babasahin Issue 2