Archive for Marso, 2008

h1

Kari-MARIMAR-im

Marso 30, 2008

Isang Pagbabalik-tanaw sa sinapit ng pamosong kontrabidang si Angelica sa kanyang Death Scene sa seryeng Marimar ng GMA7.

@ 00:01 Dudurugin ni Marimar ang kanang kamay ni Angelica sa pamamagitan ng pag-ipit sa kamay nito pinto ng kotse.

@ 00:18 Masasapak si Angelica kay Marimar.

@ 00:20 Tatandayakan sa likod ni Marimar si Angelica.

@ 00:22 Masasapak na naman si Angelica kay Marimar.

@ 00:26 Hindi pa nakuntento si Marimar, hahagisan pa niya ng malaki-laking lata ng biskwet [biscuit]  si Angelica. Hindi tatamaan si Angelica.

@ 00:27 Tatakas si Angelica at hahabulin siya ni Marimar.

@ 01:42 Lilitaw mula sa kawalan si Angelica, magrereklamo ito sa nadurog na kamay.

@ 01:53 Sasakay ng helicopter si Angelica.

@ 01:55 Habang pasakay ng helicopter si Angelica, tatadyakan na naman siya sa likod ni Marimar.

@ 02:01 02:10 & 02:22 Walang habas na sasakalin ni Marimar si Angelica ng paulit-ulit.

@ 02:23 Makakaganti ng konti si Angelica at masisiko si Marimar.

@ 02:33 In slow-motion, tatadyakan ni Marimar ang duguang mukha ni Angelica.

@ 02:38 Maglalambitin si Angelica sa helicopter habang inaalipusta siya ng noon ay nakalambitin ding namang si Sergio [Dingdong Dantes]. “Demonyo ka, buhay ka pa?!”

@ 02:42 Tatadyakan ng nakalambitin at nagmumurang si Sergio si Angelica.

@ 02:43 Bibitaw sa pagkakalambitin si Angelica at tuluyan ng mahuhulog.

@ 02:46 Ipapakita ang mga buwaya, na galing yata sa mga kuha sa Kap’s Amazing Stories ni Bong Revilla, Jr.

@ 02:51 Nabagok yata ang ulo sa pagkakahulog, itong si Angelica ay magsusuka ng malapot-lapot na dugo.

@ 02:54 Ipapakita ulit ang mga buwaya na masayang nagtatampisaw sa tubig.

@ 02:57 I-ko-close-up ang isa sa mga buwaya.

@ 02:59 Mag-sa-sunbathing si Angelica habang bumubula ang bibig ng dugo.

@ 03:02 May hihilang kung ano/kung sino kay Angelica sa kanyang pag-sa-sunbathing.

At kayo na ang bahalang mag-interpret sa kung sino/kung ano ang humila kay Angelica. lol Basta ako, feeling ko may murder na naganap. lol

Mga Reaksyon ni Mama patungkol sa episode na ‘yun ng Marimar

1. Sa tuwing nasusuntok si Angelica ay sumisigaw si Mama, “AH, LOKO, ISTU KA KANYAN! SIGE, SIGE, PATEN ME!” [Ah, loko, ‘yan ang bagay sa iyo! Sige, sige, patayin mo siya!] Napakabarbaric lang ni Mama.

2. Bakit daw ang lakas ni Marimar. Actual comment was, “OT KASIKAN NG MARIMAR?!” [Bakit ang lakas na Marimar?!] Natawa talaga ako sa comment na iyon. Oo nga noh?

Advertisements
h1

Makabagong Movie Posters

Marso 30, 2008

Gamit si Ruth [the digicam] lahat talaga ngayon ay pinagtitripan ko.

Kainitan ng araw, katatapos lang mag-lunch sa canteen sa office, naisipan kong pasyalan ang “city dog pound” na ilang metro lang ang layo sa canteen. Naalala ko kasi, noong huli ako pumasyal dun, may Great Dane na nakakulong dun.

Ganito ang itsura ng Great Dane… kapag nakainom… lol

Ay, mali, hindi pala ‘yan. Ito ang normal na Great Dane…

Matikas ito at parang mas maganda pang tingnan kaysa sa babaeng humahawak dito.

Pero pagbalik ko sa dog pound, ito na lang ang mga nadatnan ko:

dsc00255.jpg

Mga malulungkuting asong naghuhumiyaw i-caldereta ng mga lasenggo. lol

dsc00256.jpg

May angas pang makipag-eye-contact kay Ruth para makunan. Bilang na ang mga araw mo, Doggie, nakikita ko.

Katabi ng dog pound ay isang malaking poster na pwedeng gawing movie poster ng isang horror/sci-fi tagalog movie.

dsc00254.jpg

“Mabangis ang Rabies” — Naku, dapat lang… Is it “Reybis” or “Rabis”? lol


Sa isang mall naman sa Angeles City, na mula noong magbukas ang mga Robinson’s at SM Malls sa lungsod ay pinatay ang kita ng mga maliliit na malls sa nasabing lugar, ay nakita namin ni Van ang isang kakatwang cover ng pirated DVD. Kinailangan ko pang magmadaling makunan ito dahil baka akalain ng mga nagtitinda ay undercover operation ito, i.e. Bitag, Imbestigador

Nakakatuwa talaga ang mga pineratang DVDs ngayon. Dala marahil ng mahigpit na kompetisyon, kailangan talaga gumawa ng gimik para mas kaiga-igaya [huh?] ang mga cover ng mga DVDs.

dsc00227.jpg

Oh, ‘di ba, ang taray. DISHINI [disney] CARTOON IS CAREFULLY CHOSEN. Nakakatambling. Ang nakakawindang pa dito ay hindi naman Disney Film ang nasa cover ng DVD. Ang nakikita mong brown na dinosaur ay si Littlefoot ng Universal Pictures’ 1988 movie “The Land Before Time.” Kumbaga, makabenta lang. Pansinin din ang nakaka noseblade [nosebleed] na “DISHINI [disney] CARTOON IS CAREFULLY CHOSEN.”

Carefully chosen daw oh? lol

Maswerte din akong nakahanap ng isang kopya ng nakakatuwang komiks (at siguro ay napakamahal ng pagkaka-imprenta dahil sa super komisyunan), ang “RESPONSABLENG MAGULANG sa MASAGANANG PAMAYANAN” na bigla ko na lang nakita sa desk ko noong isang araw.

pamatay-na-comic-cover.jpg

Obviously, ito ay isang comics na naglalayong mabigyan ng ideya ang mga babasa nito kung paanong sa isang cliche na paraan ay maging mga responsableng mga magulang [kung magulang ka na, syempre] at mabigyan ang ideya ang mga babasa kung paano magpalaki ng mga anak, kagaya na lamang nito:

halata-kaya.jpg

Kung anu man ang ibig nilang sabihin sa, “Mahina pa, nangyayari,” makikita sa larawan na sumemplang ang bata. SPLATT talaga ang sound at “UUUHH” lang ang nasabi ng bata. Ito namang mangmang na nanay, “Nadapa si Junior” lang ang nasabi. Tulungan mo, ate, alam na natin na nadapa eh.

Sa mga susunod na pahina ng komiks, pag-uusapan naman ang problemadong relasyon ng mga mag-asawa. Matatapos ito sa isang dayalogo ng mag-asawa.

kaderder.jpg

“Ang mahalaga, marunong magpatawad at lumimot. Ang nakaraan ay nakaraan.” Ito ang nakikitang solusyon ng komiks na ito upang maging mga responsableng mga magulang ang kung sino man.

Wife: SORRY HA?

Husband: AKO MAN, SORRY RIN! [‘di kaya sorry DIN, kuya?]

Rai: ANG BABADUY NIYO! KADERDER! LOL

[Ano kaya pinag-awayan ng dalawang ito? Comment na lang kung may ideya kayo sa pinag-ayawan ng dalawa.]

h1

Lugaw, Cruzada, at kung anu-ano pa

Marso 30, 2008

Dala marahil ng frustration na magkaroon ng katuturan ang weekend ko, dahil sa weekdays ay hindi mo na alam ang gagawin mo sa office dahil wala masyadong workload, eh inasahan ko talagang at least man ay makainom ako [alak]. Mababaw lang ako. Hindi naman ako alcoholic, pero masarap lang uminom tuwing wala ng trabaho. Hindi ko naman ito nirerekomenda sa lahat, lalo na sa mga may tendency-ing mag-tegi [death] ng sarili.

So, Biyernes, cliche na kung cliche, pero TGIF! Walang trabaho maghapon. Petiks sa office. Umuwi ng mga 5:00 p.m. Pagtapak sa kwarto ay nag-ring ang phone. Hayun na! May kailangang documents ang isang client at kailan ko i-deliver dahil umuwi na ang driver at mahirap ng hagilapin. Noong mga oras na iyon ay nakahanda na ang kandila, isang crucifix, at isang maliit na imahe ni Mama Mary. Sa amin pala ang Cruzada noong araw na iyon.

[ano ang cruzada?]

Well, maliban sa ito ang mga madudugong labanan noong mga unang panahon upang maibalik ang “holy land” kung kanino man, pinauso rin ito ng pamosong si Magellan sa kanyang expedition sa paghahanap ng mga lupain at pagkakalat ng overrated na relihiyong Kristianismo. Ang makabagong Cruzada naman ngayon (na ginawa noong Biyernes ng gabi sa bahay) ay isang paraan para sa mga iilang deboto sa isang lugar upang magdasal and whatnot [lol] at para pagkatapos ay magmerienda at magtsimisan.

Dinala ang cruzada sa bahay noong naraang linggo, basta noong bago mag-Holy Week. Umpisa pa lang ay sinabi ko na talaga kay Mama na tutol ako sa pag-iiba ng ayos ng bahay para lang malagay sa sala ang mga “poon.” Sabi ko sa kanya, “Kung gusto mo, Ma, ipasok mo sa kwarto niyo. Nakakatakot kaya ‘yung mag-isa ka lang tapos may altar sa tabi mo.”

Mabait naman si Mama at pinasok sa kwarto nila ang mga poon. Inilibas lang mga ito noong Biyernes.

[tuloy ang kwento]

Kainitan pa noong Biyernes pero nakakawindang na naghanda si Mama para sa mirienda ng mga magdarasal ng “lugaw.” Sabi ko pagkakakita ko sa lugaw, “Ma, don’t tell me that’s for dinner na?!”

Hindi na ako mag-effort magbihis. Mura din ako ng mura habang nagbibihis.

Sabi ko, “Asar! Kung kailan ako nasa bahay! Punyemas!”

Nakakatuwang nag-comment naman si Mama nang marinig ako at malumanay na sinabing, “Yan, don’t say punyemas…” [Yan = nickname ko sa bahay]

Nangiti na lang ako sa comment ni Mama.

Nakapambahay akong hinatid ang mga documents. Nataon naman na nagyaya ng dinner ang aking kaibigan na si Van, kaya natuwa talaga ako. “Yehey! Hindi ako kakain ng lugaw as my dinner!”

Bago mag-umpisa ang Praise-the-Lord session nila Mama, eh masaya akong nakahilata sa sala, nagpapahinga ng konti bago ako makipagkita sa kaibigan ko. Nagkulong lang ako sa kwarto noong dumating ang unang bisita ni Mama, si Tita Gina. Si Tita Gina ay kaibigan ni Mama na parang laging naka-aerobics costume sa mga suot niya. Kilala din siya sa kanyang sutil na pananalita.

Nagkulong ako sa kwarto para makaiwas sa mga kaibigan ni Mama at masayang nanood ng America’s Next Top Model Season 9. Saka ko lang napansin na naiwan ko yata ang cellphone ko sa sala. Sa kasamaang palad, “on-going” na ang Praise-the-Lord session nila Mama. Nag-ready na lang ako para magdinner kasama si Van.

Naligo, nagbihis, pinagpawisan sa init ng panahon. Kinailangan ko pang hintaying matapos ang mga papuri sa Diyos [kung meron man] para makuha ang cellphone ko. Pagkatapos ng cruzada, at habang nag-ha-hydrate ako ng malamig na tubig, bumanat si Tita Gina.

Tita Gina: Nandito ka pala? Hindi ka na talaga tumangkad noh?

Eh mainit ulo ko, kaya binanatan ko rin.

Me: [ngiti lang] Kayo din, ‘di na kayo masyadong gumanda noh? Saka parang tumanda itsura niyo. Joke. [sabay talikod at bumalik sa kusina]

Nadatnan ko si Mama sa kusina. Sabi ko kay Mama, “Ilayo niyo ‘yan sa akin, sasaktan ko ‘yan, eh hindi naman kami close!”

Hindi pa doon natapos ang echusera, tinatanong pa ako kung saan daw ako pupunta.

Sinabi ko talaga, “Naku, lalabas ako, kailangan kong makakita ng mga magaganda, apparently wala dito.” Inirapan lang niya ako, at ako naman tumatawang umalis.

Nagkita kami ni Van at pumunta sa pamosong All-American resto sa Angeles City. Sinalubong kami ng napakaperky at nakakatuwang waitstaff na papangalanan na lang nating “Waitstaff 1.” [lol] Siya rin ang waitstaff namin ng aking immediate family noong huthutan ako ng pamilya ko at pinabayad ang bill dahil naggraduate sa pagkakakinder [or prep, hindi ako sure] ang aking pamangkin.

Para sariwain ang kwento tungkol dun, heto ang link:

https://sungka.wordpress.com/2008/03/24/family-affair-favorite-song-ni-mama/

Maayos ang lahat; hindi ako masyadong gutom, hindi naiitan si Van dahil airconditioned ang resto, at masayang-masaya ang mapagbirong si Waitstaff 1. Umorder, naghintay, nakakita pa ng batang-batang cutie sa kabilang table, nagpicture-picture gamit si Ruth [the digicam], at kumain. Nag-coffee kami pagkatapos. At dahil papasok na si Van sa kanyang kinaiinisang trabaho, naiwan ako mag-isa, na sana ay sasamahan ng isang kaibigan para uminom, pero nag-cancel noong akmang magkikita na kami. Umuwi ng inis, at natapos ang Biyernes ko ng walang magandang nangyari maliban sa dinner namin ni Van.

Bilang pagrerebelde, nagpuyat ako noong gabing ‘yun at nagchat hangang 5:00 a.m. At noong mga oras na iyon, nakilala ko ang isang potential date na papangalanan na lang nating “Baliw.” Good luck sa akin.

h1

Mga Mukha ng Biyernes Santo

Marso 26, 2008

Gabi nang nag-umpisa ang aking Biyernes Santo.  Dala marahil ng katamaran, gabi na ako nakipagkita sa aking mga kaibigan.  Walang plano, walang matinong napag-usapan (gaya ng madalas mangyari).  Lagi lang <oras> at <location.>

Madalas kaming magkita ni Van <friend> sa tabi ng Museo Ning Angeles<museo> (Museo ng Angeles City sa Barangay Sto Rosario sa tapat ng lumang simbahan, ang Holy Rosary Parish Church.) Wala naman kakaiba sa museo.  Maliban sa laging walang tao dun at pwedeng maupo dun sa may stage at pwedeng maghintay/hintayin, katabi pa ito ng isang stasyon ng police at super-close pa kami ng kapitan ng barangay, kaya mas ayos.  “Hello po, Kap.”

van.jpg

Ito si van.  Kahit halatang kagigising lang (o puyat) ay napilit kong makuhanan ni Ruth (the digicam) ng letrato.  Siya ay kumain ng sundae.  Kumakain siya ng sundae.  Sundae ang kinakain niya.  (Parang Filipino 3 lang sa elementarya) lol

 

 

harap-ng-museo.jpg

Ito ang harap ng museo. 

 

 

holy-rosary-church.jpg

Ang Holy Rosary Church sa tapat ng Museo Ning Angeles

 

 

 

nakakatakot.jpg

Dito nakatira ang pamosong si Van Helsing.  Joke.  Wala kaming masakyang jeep kaya habang nag-aabang sa harap ng simbahan (dahil walang taxi sa Angeles City) ay nagpicture-picture na ako ulit.

 

 

 

 

‘Yan po si Van Helsing (or depende sa trip, pwede na rin si Undertaker ng WWF.)

 

 

 

 mcdo.jpg

Ilang metro mula sa nakakatakot na simbahan ay ang nakakatuwang “I want Mcdo.” 

Mga pagkatapos ng 30 minutes ay nakasakay din kami ng jeep ni Van.  Maganda ang panahon noong Biyernes Santo.  Hindi kainitan, hindi kalamigan; maligamgam ang panahon. 

Sa jeep ay muntik pa kaming mapaaway nang may pumansin kay Van na bawal magyosi sa jeep.  Ganito ang linya ng tarantadong hindi yata napusit ng girlfriend niya kaya masungit, “Miss, miss, bawal magyosi sa jeep.  Miss, miss, bawal magyosi sa jeep,” sabay yakap ulit sa kamukha niyang boring na girlfriend.  Natural lang na hindi pinatulan ni Van ang gago.  Matapos ang ilang hithit sa yosi niya, at noong mga oras na iyon ay nakailang pasaring na ako ng, “Wala akong pakialam, magdemanda ka kung gusto mo,” tinapon na rin ni Van ang kanyang yosi. 

Hindi ako maka-move-on sa nangyari.  Marahil alam ko kasi na pwede namang magyosi.  Alam naman naming magbawal pero handa rin naman kaming mademanda.  Ganun ang prinsipyo ko.  If you can get away with it, by all means suit yourself.  Nagyosi ako, sinindihan ang yosi habang nakatitig sa gagong pumuna sa amin.  Para sa kaalaman ng marami, nasa pinakadulo kami ng jeep, mabilis ang lakad ng jeep, at walang dahilan para magreklamong mausok (kung mayroon man) ang gagong nagmatigas na kaya niya kami <akong> pigilan.  Napansin ako ng gago, tingin lang siya ng tingin.  Takot na ang gilfriend niya noong mga panahon na iyon dahil handa na talaga akong makipag-away (lalo pa’t wala naman pakialam ang drayber sa amin.)  Hindi ko ginustong mang-away.  Pinamukha ko lang marahil doon sa gagong iyon na kaya kong magyosi sa jeep; na kaya ko at hindi niya ako kayang pigilan, na kung gusto niya, lumipat siya ng jeep.  Noong mga panahon na iyon, sa iilang pagkakataon, napilitan akong magpaliwanag sa pamamagitan ng pagyoyosi.  Matapos ang isang yosi, nagsindi pa ako ng isa.  Paulit-ulit kong sinabi habang nagyoyosi ng, “‘Di magdemanda ka, echusero!”

Nang bumaba kami, malamang ay doon lang napanatag si non-smoker asshole.

Pumunta kami ni Van sa 7-Eleven sa Barangay Balibago (malapit lang ito sa may Clark maingate.)  Napagkasunduan namin ni Van na maglasing.  Bumili ng semi-mamahaling tequila at dumetso sa aking bagong officemate at matagal na naming kaibigan, si Otu.

 

 

 

shala.jpg

Welcome to Purok Gasdam, isang maliit na purok sa Dau, Mabalacat (katabi ng Angeles City).  Ang lugar ni Otu ay binubuo ng mga malilit (as in ‘yung super maliit) na mga kanal at mga asong nagbabadyang mangagat anytime.  Maliban dito, mapapansin din ang pinagkagastusang tarpaulin para sa Pabasa 2008.

 

 

 

 

station-1.jpg

Sinalubong kami pagkatapos ng Pabasa tarpaulin ng 3rd Station of the Cross.  Kung nasaan ang naunang dalawang station, hindi ko alam. Malamang ay katabi ng mga nakita naming nag-iinuman sa harap ng tindahan na kung kinunan ko siguro ay si Van na ang nag-ba-blog ngayon patungkol sa aking autopsy report.  Sa mga gusto pong magdasal, narito po ang link: http://www.vatican.va/news_services/liturgy/2005/via_crucis/en/station_03.html

 

 

 

 

 station-2.jpg

Sumunod na Station of the Cross ay ang “Jesus meets His Holy Mother.”  Ito ang pangalawa sa aming nadaan.  Ito ang nasa tapat ng bahay nila Otu.  Kaya hanggang dito na lang ang aming pagtingin sa equally-mamahaling mga tarpaulin para sa Purok Gasdam Pabasa 2008.  Again, para sa mga gustong humabol at magnilay-nilay, ito ang link: http://www.vatican.va/news_services/liturgy/2005/via_crucis/en/station_04.html

Sinalubong kami ni Otu at buong tuwang ipinagmalaki ito:

filter-plus.jpg

“New product is a combination of carefully selected varieties of tobacco, innovative technologies of filter and the creation of a truly unique design of the stack with a sliding lid. ” (At walang kwenta dahil para kang nagyoyosi ng nilagang baka.  Walang lasa.  Cute lang ang box.)

marlborofilterplus.jpg

 

 

Dahil nagutom si Van, at dahil wala pala kaming lemon (o kalamansi) para sa tequila, lumabas kami nila Van, Otu at ako para maghanap ng kahit anong mukhang citrus fruit para naman hindi lasang blade ang iinumin namin.

Napadpad kami sa mismong kapilya ng Gasdam (stage na ginawang kapilya para sa Pabasa 2008).  Nang mga oras na iyon ay mga 12:30 a.m. ng Sabado. 

kapilya.jpg

Inayos ng kaibigan kong si Otu.  Maganda namin ito kumpara sa mga ibang nakikita kong mga Pabasa Kapilya, i.e. itong nasa ilalim…

puni-punian.jpg

 

 

 

 

Sa harap ng kapilya ay ang mga kinatuwaan kong banderitas na plastic dahil kulay green ang mga ito at halos pantay talaga ang pagkakalagay.

otu1.jpg

 

 

 

 

Si Van, nang mga oras na iyon, ay hinihintay maluto ang kanyang biniling dinner.  Para sa kaalaman ng marami, technically, tapos na ang Mahal na Araw kapag tumungtong ng Sabado.  Pinipilit na rin tapusin ang pasyon nang mga oras na iyon, dahil ayon sa kasabihan ng mga matatanda, bawal isara ang pasyon ng hindi natatapos.  Kung bakit, itanong sa pinakamalapit na lola sa iyong tabi (make sure magtatanong sa buhay na lola.)

 dinner-ni-van.jpg

Alam mong paubos na ang bbq na tinitinda kapag nag-iinit na ng tubig si aling tindera para hindi masayang ang nagbabagang uling.  Nag-enjoy naman yata si Van sa kanyang dinner (sana).

 

Bumalik kami kina Otu at tinamad na akong kunan ang iba pang nadaanan naming Stations of the Cross.  Nag-ready kami para maglasing….

Habang nagkukwentuhan, napagtripan kong kunan ng letrato si Gorgie (tama ba spelling, Otu?), ang tabaing aso nila Otu.

impaktito.jpg

Ito ang unang kuha ko kay Gorgie.  Siya ba ang susunod sa yapak nila Gloria Romero, Jean Garcia, at ang paniking nakatali sa pelikula noong 1989 na “Impaktita”?  Siya ba ang susunod na “Impaktito”?

Upang lalong maintindihan at mag-balik tanaw sa pelikulang “Impaktita,” narito ang mga unang bahagi ng pelikula:

 

Ito ang itsura ni Gorgie kapag hindi siya “Impaktito” mode.

gorgie.jpg

 

 

 

 

Katabi naming umiinom noon ay mga naglalaro ng hindi-kasikatan pero nakakawiling card game na “Cuajo.”  Abangan ang “Paano Maglaro ng Cuajo?” sa susunod na blog entry.   Para mabigyan kayo ng ideya kung ano ang Cuajo, ganyan ang paghawak sa mga baraha sa Cuajo.  Buong pagmamalaki ko pang sasabihin, alam ko pong laruin ang Cuajo.  Naturuan po ako ng aking mga tita noong ako ay anim na taong gulang pa lamang.:)

cuajo-1.jpg

Kuha ito sa ‘di kalayuan ng kapit-bahay nila Otu na sinusulit ang Holy Week sa pamamagitan ng pagsusugal, just for fun (pero may pera sa harap..duhhh..)

 

Tuloy ang kwento, at nang matapos na, inaantok na ako. lol

Hindi pa man kami umiinom ay napagtripan ko na si Van na mag-pose para i-endorse ang tequilang iniinom namin.  Ito po ang end product:

el-hombre.jpg

Matapos ang nakakatuwang inuman, umuwi kami ni Van ng masaya sa pagkakalongo.  Kinabukasan ay pareho kami sa opinyon na walang hang-over ang ininom namin.  Salamat sa mabait na cashier sa 7-Eleven na nagpumilit bilhin namin ang tequila.  Sayang nga lang at hindi ko siya nakunan ng picture dahil nag-inarte. 

Sa mga natatakot para sa aking buhay, nagpaalam po ako ng maayos sa aking mga kaibigan para lumitaw ang kanilang mga larawan sa aking blog. Thanks, Otu.  Thanks, Neng.  *hugs*

h1

Family Affair (Favorite Song ni Mama)

Marso 24, 2008

Para sa kaalaman ng marami, ang favorite song ni Mama ay ang kantang Family Affair ni Mary J. Blige.

 

Mag-a-alas-singko ng hapon, pauwi na ako ng bahay. Nag-text ang aking Bayaw ng, “Panayan daka keni” [Hinihintay ka namin dito.]

Dala marahil ng pagod dahil sa trabaho, o dala ng nakakalitong text ni Bayaw, ay hindi ko talaga naintindihan ang text niya. Saan ako hininihintay? Sino ang naghihintay sa akin? At bakit ako hinihintay?

Mga ilang minuto pa ay nakauwi na ako ng bahay. Noon ko lang nalaman na “nag-graduate” pala ang 5-year old nephew ko kaninang umaga sa kanyang pagiging kindergarten (o pref yata, hindi ko talaga alam.) Sa madaling salita, mag-didinner pala kami. Ako, si Mama, si Tatay, si Kuya, si Bunso, si Bayaw, ‘yung Bunso ni Bayaw (na kawawang bata ay inaanak ko, kahit hindi naman ako pumunta ng binyagan niya), at si Nephew-ung nag-graduate.

Pumunta kami sa isang sikat na All-American Food restaurant sa Angeles City. Okay lang ang pagkain sa restaurant na ‘yun. Medyo hindi lang kagandahan ang waitstaff service dahil mukhang inip na inip ang mga ito habang kinikuha ang order namin.

Kumain, nabusog naman kahit maalat ng konti ‘yung steak na inorder ko, at ang mga bata (si Inaaanak at si Nephew-ung nag-graduate) ay kinatay ang spaghetti at french fries na inorder ni Mama para sa kanila. Nakakawala ng ganang kasabay kumain ang mga bata, idagdag mo pa dito na ayaw ko talaga sa mga bata, maliban na lang sa kambal na anak ni Carmina at Zoren (‘yung cute magpronounce ng AMbogRAW sa fantaseryeng Kamandag.)

haring-gulag-hehehe.jpgKamandag: Gulag strikes when his opponent is down (Panoorin nang maniwala kayo kay Haring Gulag [Zoren Legazpi]. Ang hirap hanapin niyan, in fairness.)

Natapos ang lamon at nagkusa naman akong sinyalan ang waitstaff para sa bill. Akala ko naman ay libre ng mag-asawa (si Kuya at si Bayaw), eh ako pala at si Mama ang magbabayad. Dahil dun, iniisip ko tuloy ngayon, mahal talaga ang kumain ng steak. Lol

Pagkatapos ng dinner, hinatid namin ang extended family (si Kuya, si Bayaw, si Inaaanak, at si Nephew-ung nag-graduate.), si Bunso naman, na medyo okay na rin bilang kapatid dahil hindi makulit, ay pumunta yata sa bahay ng barkada.

Akala ko naman tapos na ang burden ko nang maihatid ang extended family, dahil sa totoo lang, mas gusto ko talagang manood ng NatGeo Channel kanina. Sa tingin ko may ipapakita silang mga seal (‘yung madaldal na mukhang dog na mukhang fish na mukhang bear) kanina sa NatGeo na ipapalabas mayamaya. Hindi pa pala kami uuwi. Dumiresto kami kina Tita Antipatika.

Maikling pagpapakilala kay Tita Antipatika:

Masaya akong nanonood ng TV noong isang araw…nang biglang dumating si Mama kasama si Lola, si Tita Antipatika, sampu ng mga mangmang naming kamag-anak…

Noong mga oras na iyon ay kadarating ko lang galing sa tatlong executve meetings at super pagod na ako. Noong mga oras ding iyon ay pinipilit kong mag-relax.

Tita Antipatika: ABER, ABER, ABER, ANG SARAP NG BUHAY MO NOH? AT PAHIGA-HIGA KA LANG DIYAN?

Hindi ako nakapagtimpi (gaya ng madalas mangyari)…

Me: BAKIT?!! BAWAL BANG MAGPAHINGA?!! WALA BA AKONG KARAPATANG MAGPAHINGA?!

Tita Antipatika: ABA? ANO BANG MASAMA SA SINABI KO?!!!!

Me: GUSTO MONG MALAMAN?!!! GUSTO MONG MALAMAN?!!! ANG SINABI NIYO LANG NAMAN, ECHUSERA KA, AY BAKIT MASARAP ANG BUHAY KO AT PAHIGA-HIGA LANG AKO!!! UMAYOS KA, HINDI TAYO CLOSE!!! LECHE!!!

Tita Antipatika: (Nagwalk-out.)

Lola: (Tumaas ang blood pressure.)

Mama: Hindi mo na dapat pinatulan.

Me: AY, LECHE SIYA, KUNG MAKAPAGSALITA, ANG PAKSYET, PARANG CLOSE KAMI.

Mama: Actually, may point ka. J

End of story.

ANG NAKARAAN…

Hindi pa pala kami uuwi. Dumiresto kami kina Tita Antipatika.

Nagkatinginan lang kami ni Mama nang magyaya si Tatay kina Tita Antipatika. Sinabi ko talaga kay Tatay sandali lang ako. Pagdating sa hindi kagandahang bahay ni Tita Antipatika, naupo lang ako sa harap ng bahay, at nang akmang kakausapin ako ni Tita Antipatika (para marahil ay sumbatan o awayin o mag-manikluhod sa harap ko) niyaya ko si Tatay at sinabi, “IHATID NIYO NA AKO SA BAHAY, NAKAKAUMAY DITO.”

Noon pa man ay alam na at naiitindihan na ni Mama ang aking opinyon sa mga pagtitipon na kasama ang mga miyembro ng pamilya. Marahil ay hindi nila [pamilya] ako naiitindihan, o marahil ay ako ang hindi marunong umintindi. Pero sa ano mang punto, hindi mo kailangang magsakripisyo; hindi mo kailangang magpaliwanag kung bakit ayaw mo sa kanila.

Ang ginagawang tradisyon na parang utang na loob ang pagkakaroon ng mga kamag-anak ay isang malaking kaplastikan. Ang pagpupumilit ng ilan na kilalanin sila bilang kamag-anak at handugan mo sila ng mga mumunting kwento ng iyong simpleng buhay ay malaking katarantaduhan. Kung ayaw mo sa isang tao/grupo, ayaw mo; ganun lang kasimple ‘yun. Ang isiping may sama ng loob ang isang tao sa iyo dahil ayaw kaniyang kasama ay malaking paghamak sa sarili at kawalan ng sariling disposisyon sa buhay.

Nabubuhay ang tao para sumaya. Nabubuhay ang tao para punan ang mga bagay na nais niyang punan. Hindi hinahanap ang kapanatagan ng isip at kaligayan sa buhay; isa itong ilusyon. Ang kapanatagan ng isip at kaligayan sa buhay ay ginagawa ng tao. Ang aking pag-iwas sa aking mga kamag-anak ay hindi gasgas na dahilan ng pagrerebelde o pagkamuhi sa kanila. Hindi lang ako masaya kapag malapit sila. Nahihirapan lang akong gumawa ng kaligayahan sa buhay kapag nakikita ko sila. Hindi ko lang sila feel. I don’t them; I nothing them. Period.

madaldal.jpg

Habang sinusulat ko ito ay masaya kong pinapanood ang mga “golden seals” sa NatGeo. Pwede pala silang lumaki ng ganoon kalaki. At mukha pala talaga silang bear kapag malaki na sila. Ang cute cute. 🙂

h1

Ano ang Mangustin?

Marso 22, 2008

Madalas bored ang mga friends ko. Gaya ko, kung anu ano rin ang mga sinasabi nila. Noong Miyerkules Santo, nagrereklamo itong si Van [a friend] tungkol sa mga darating na araw. Dahil nga Mahal na Araw, inaasan na ni Van na sarado ang karamihan sa mga shops, malls at iba pa. Paano raw kung gusto niya ng “mangosteen,” bigla na lang niyang nasabi. Ako namang mangmang, hindi ko alam syempre kung ano ang – sa pagbigkas ko ay “Mang Gustin” – ang Mangosteen. Akala ko pastries. Lol

Biyernes ng hapon, napilit ako ng Mama ko na pumunta sa tiangge. Dala si Ruth (ang aking maasahang digicam..and yes, may pangalan talaga, bakit ba?), sinamahan ko si Mama sa “tianggihan.”

 

 

 

 

mama-ko.jpg
Hayaan si Mama at masayang namimili ng mga “pouchy” [pouch bag] para iregalo sa graduating niyang inaanak (o pinsan ko yata o pinsan ko at inaanak niya, hindi talaga ako sigurado.)

 

 

 

30-pesos.jpg

Bumili si Mama ng tatlo sa mga ito. Ang kuripot lang. Iisipin ko kung ako ang nagraduate kapag nakita ko ‘yung tatlong pouchy na, “Walanghiya, nag-aral pa ako ng four years, ganito lang ang gift.” Lol

 

May mga nabili din naman ako. Iilan lang. Ang dami kayang tao dun. Shorts, mumurahing bag. Muntik na akong bumili nung hotdog pillow (or kung ano man tawag dun), kaya lang, sabi ko kay Mama, “Naku, ayaw ko na pala bumili. Nakakahiya, dala-dala ko ‘yan. Eeeewww.” Natawa na lang si Mama, na malamang ay ayaw ding magdala ng ganung kalaking unan. lol

Sa aming pag-uwi ni Mama, nadaan kami sa isang fruit stand. Nahiya lang magpabili si Mama ng grapes sa akin, kasi nagpapanggap talaga ako na wala akong dalang pera ng mga panahon na iyon. Bumili si mama ng iilang apples para kay Tatay (kasi parang batang nagtatampo ang Tatay ko kapag walang pasalubong)

dsc00531.jpg

Ito pala ang mangosteen…ahhhh..ganun pala ‘yun. Hindi pala pastries. Saka, mas tama pala ako sa spelling. Kapag binebenta pala ang mangosteen, eh “mangustin” ang spelling, therefore, mas malapit sa “Mang Gustin.” lol

dsc00530.jpg

Facts patungkol sa mangosteen:

A fruit of Indian origin, Garcinea mangostana, the size of an orange with thick purple rind and sweet white pulp in segments. A 100-g portion supplies 75kcal (320kJ); little vitamin C. (pakitagalog po, kuya.)

 

 

Sa harap ng subdivision namin, noong pag-uwi namin, nakunan ko na rin ito (pasintabi po mga kumakain [sa harap ng computer?]):

dsc00538.jpg

Matagal ko na talagang pinagtitipan ang advertisement na ito. Nagkalat kasi ang mga ‘to kahit saan sa Angeles City. Nakakadisturb lang minsan, lalo na kung umagang-umaga.

Ang pinagtatakhan ko lang, ganun na ba talaga kalaki ang demand sa septic tank disposal? Kaderder. O siya, magsusuka muna ako. lol

h1

Survey-tooth Tiger

Marso 22, 2008

1. Where is your cell phone?

– natutulog po, bakit po?

2. Your boyfriend/girlfriend?

– sino po sa mga iyon? be specific po

3. Your hair?

– oo na, magpapagupit na, leche!

4. Your mother?

– para lang siyang si debbie sa pamosong series na queer as folk.. hehehe she’s the best.. di ba mga friends?

5. Your father?

– mukha siyang sabungero..oh, wait, sabungero nga pala siya.. mukha siyang tipong mga sinusuntok na kontrabida ng mga pelikula ni lito lapid dati..hehehehe

maiba ako, lito lapid, san na po kayo?? pengeng pera…hehehehe

6. Your favorite things?

– sungka and beer..

7. Your dream last night?

– wala eh..super comatosed..hehehe

8. Your favorite drink?

– coke

maiba ako, hindi po masarap ang coke zero…

9. Your dream car?

– ‘yung laging may gas…hehehe

10. Say something about life?
– dear life,

kamusta na po kayo..alam ko po hindi pa tayo nagkakakilala..balita ko po “wonderful” kayo..saka “beautiful” kayo.. sana po makita ko na kayo soon.. good luck po sa “buhay.”

love,

death

12. Your fear?

– a sungka-free world..

13. Where do you want to be in 10 years?

– kahit dito pa rin, kahit tipong parang hindi ako gumalaw…tapos ‘yung bank account ko, mga 10 million na ang laman..ehehehe (ambisyoso! tzzeeeeeee)

14. Who did you hang out with last night?

– van & otu and a bottle of semi-expensive tequila..

15. What are you not good at?

– making friends and dealing with morons

16. Muffins?

– ayaw ko, pangmayaman daw ‘yan sabi po ni nanay..hehehe

17. When you DIE, u’d rather be CREMATED or BURIED?

– pwede pa ba akong mamili nun? hmmmm… gusto ko yung buried, malay mo may bubuhay sa akin..hahahahaha waaaaaaahhh multo, multo! chareng!

18. Where did you grow up?

– sa mahirap na lugar na madaming nag-iinuman..tapos, nung minsan, ‘yung mama, nasaksak siya..dumugo.. tapos — chareng! in a relatively quiet place..hehehe

19. Last place you’ve been to?

– kina otu.. otu, thank you.. 🙂

20. What are you wearing?

– honestly, seriously, just a towel..ganun ka-init.. pasintabi po sa mga kumakain… lol

21. Where are you?

– sa kwarto.. ang jinit-jinit!

22. Your pet/s?

na-hunt na lahat ng kapit-bahay..si macoy [cat], ‘yung asawa ni macoy, ‘yung mga anak ni macoy..huhuhuhuh

23. Your life?

o napano na naman ang life na ‘yan?

24. Your mood?

– super nagtitimpi sa init…

25. Missing?

– ice cream at bongang bongang trip to china!

26. What are you thinking about right now?

– blaming god [kung meron man] sa init na ito

– nadiyan na kaya ‘yung barber ko…lol

27. Your car?

– ay pangarap pa lang sa ngayon..naka-drawing sa crayons..hehehe

28. Your work?

– ay laging confidential…

29. Your summer?

– ay kailangan ng matapos… hindi naman kagandahan…

30. Your status?

– by public’s perceptiom ay laging single..but right now, “potentially” dating.. (may ganun ba?

31. Your favorite color?

– green..

32. When was the last time you laughed?

– kanina..

33. Last time you cried?

– can’t even remember..

34. School?

– pinaganda pag-graduate namin..mga paksyet! lol