Archive for Mayo, 2008

h1

Sino si “Hon”?

Mayo 31, 2008

Matagal ng kalakaran ng mga mahihirap – na nag-me-maintain pa kasi ng mga cellphone kahit hindi naman kayang gastusan ang load ng kani-kanilang mga phone – ang pagpapadala ng ganitong text message:

hon d2 ka nalang reply

or call asap mahalaga

sasabihen ko sayo send

ka load 150 pesos last

txt na e2

1. Walang tumatawag ng “hon” sa akin (at least sa ngayon, dahil single ako).

2. Wala naman ako ka-text bago ko ma-receive ang message na ‘yan, so sino kausap niya?

3. 150 pesos load? Mag-pho-phonesex ba kami? Bakit ang dami? Dati palima-limang piso lang ang mga ganyan.

4. Last text na daw niya iyon, eh bakit hindi pa niya sinabi kung ano ‘yun? Saka hindi ba niya alam na may unlimited texting offers na? Hindi mo ba talaga alam na may unli na, “hon”? Ganun ka ba katanga?

Sa mga ganitong pagkakataon, feel free na gayahin ang aking template reply.”

Blessed are the

poor for they shall

inherit the filth of

the rich..this is

Mama Mary asking

you to pray the

rosary..

Kung nais niyo pong i-text si “hon,” i-text lang po:

ANGKAPALNGMUKHAMONGPATAYGUTOMKA<space>AT HUMIHINGIKAPATALAGANG150LOAD<space>WAGKANALANGMAGCELLPHONEABNUY! at i-send sa 0927-853-121 – (ooops, hindi ako ganun ka-evil) hahahahaha hulaan niyo na lang ‘yung last digit. J

h1

The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

Mayo 25, 2008

Isa siguro sa mga may makukulay na personalidad na kilala ko (na iilan lang naman talaga) ay si Mama [Nanay kong astigin]. Madalas ay napag-uusapan namin siya ng aking mga kaibigan, na nagbunsod na rin kaya may category talaga siya sa blog site ko (It’s Mother Time). Lahat ng opinyon ni Mama, kaabang-abang, mula sa comments niya sa telenobela hanggang sa mga gagawin niya sa mga partikular na sitwasyon. Ang maganda nito eh, hindi niya alam na sinusulat ko ang mga opinyon at mga ginagawa niya.

Pero may hinala siya, lalo na kapag hawak ko na si Ruth (the digicam) at kinukunan ko siya ng letrato. Madalas niyang sabihin, “Isulat mu ne naman keng column mu kanyan ‘yan eh.” (Isusulat mo na naman sa column mo ‘yan nyan eh.” Akala ni Mama ay sinusulat ko siya sa aking column sa isang newsletter (pinamagatang “Maiba lang“). Ang hindi niya alam, sa blog site ko talaga nilalagay ang mga nakakatawang comments niya. Mabanggit lang: Madalas ko kasi siyang gawing subject noon ng mga sinusulat kong maikling kwento sa college paper. Na-trauma yata. lolz

Ilan sa mga naisulat ko na patungkol kay Mama (o ‘yung tipong extra lang siya) ay ang mga sumusunod:

The Gospel According to Adelaida

The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

Kari-MARIMAR-im

Ano ang Mangustin?

***

On Marian & Angel…

Gustong-gusto ni Mama kay Marian Rivera. Maya’t maya ang pagkukumpara ni Mama kay Marian kay Angel Locsin.

Mama: “Kalagu na talagang Marian ne, Yan?” (Ang ganda talaga ni Marian noh, Yan?) [Yan, nickname ko sa bahay]

Me: “Uh-huh.” [Busy nag-te-text.]

Mama: “Wokarin ne pala i Angel Locsin ngeni?” (Nasaan na nga pala si Angel Locsin ngayon?)

Me: “Hmmmm.. eku balu.” (Hmmmmm.. hindi ko alam.) [Nag-te-text pa rin.]

Mama: “Bolang ‘ya neh?” (Sira-ulo siya noh?) [Meaning, Angel Locsin]

Me: “Bakit?

Mama: “Lawen mu ngeni, sikat ya pa i Marian kaya. Meko ya pa kasi keng 7 ing bolang eh.” (Tingnan mo ngayon, sikat pa si Marian sa kanya. Umalis pa kasi sa 7 ang sira-ulo.)

Me: “Buren mu ne.” (Hayaan mo na.) [Wala na pakialam at nag-te-text at nakahilata sa sofa]

Mama: “Nananan ke wari?” (Inaano ko ba siya?) [Meaning, Angel Locsin]

Me: (Mama, kasasabi mo lang na sira-ulo si Angel Locsin.) (Wala na lang ako sinabi) [Tumawa na lang ako ng tumawa.]

***

On Balik-Bayan Boxes…

Matagal na ring nababanggit ni Mama na may parating na Balik-Bayan Box galing kay Tita sa U.S. Mga last year pa ay hinintay na ni Mama ‘yung “package.” Sa sobrang tagal bago dumating nung package eh nakuha pang mauna ng nagpadala (si TIta) na dumating noong February (at makauwi matapos ang buwan) bago dumating ang package. Dumating ang package noong mid-April.

Akala ko naman kung ano ang laman ng package. Gaya kasi ng madalas mangyari, kung anu-ano hinahabalin na ipadala. HIndi naman ako ‘yung tipong nababaliw sa chocolates, eh may mabibili naman dito sa Pinas. Tipong laptop o mga gadgets ang pinapabili ko. (Siguro naka-tatlong Palm pilot na ako, noong mga panahong hindi pa uso ang iPod, na nasisira ko rin naman sa kalaunan, kaya wala na lang akong hinabilin sa nabanggit kong package.) Na-curious lang talaga ako kung anu-ano ang hinabilin ni Mama.

Magbalik tanaw tayo sa mga hinabilin na ni Mama noon sa mga naunang package (na pinadala naman ni Tita, ‘di ko alam bakit.)

1. Kurtina

Kamusta naman ‘yun? Tapos hindi naman talaga sapat para punan buong bahay na puro bintana.

2. Manual Ice Crusher (Na nakita kong binebenta din naman sa Robinson’s Pioneer sa Boni sa halagang 200 pesos)

Para daw kapag nagtitinda siya [Mama] ng halo-halo. HIndi rin naman siya nakakapagtinda kasi ayaw ko. Madalas kong sabihin na kaya ako nagka-kayod-kabayo sa trabaho ay para hindi na siya magtrabaho at mahirapan. Sabi ko ibibigay ko na lang kung magkano tubo niya sa pagtitinda. Pinagiba ko na rin ‘yung tindahan sa harap ng bahay para makasiguradong hindi na siya magtitinda. Nasira din ang Manual Ice Crusher nung minsang hiramin ng kapit-bahay. Just imagine, kung paano inaway ni Mama ‘yung nakasira. Hehehe

3. Fatigue (Na favorite ibenta ni Mama dahil malakas daw kita sa ganun)

Sabi ni Mama, nabebenta ng 500 pesos ang isang terno ng fatigue. Hinanayaan ko na kasi hindi naman siya naglalako. Kinukuha sa kanya ang mga fatigue ng wholesale. Ang mga nabibili namang fatigue ay binebenta sa pamosong segunda-mano botique para sa mga military supplies sa pamosong Marina Arcade sa Dau, Mabalacat, Pampanga. Sikat din ang Marina Arcade sa pagbebenta ng seganda-mano ring mga bathtroom fixtures, i.e. toilet seats, bath tubs.

Wala naman pinagbago sa dumating na bagong package. Naroon pa rin ang mga fatigue, iilang kurtina at kumot. Wala nga lang manual ice crusher ngayon.

Ang mga bagong adisyon sa kolesksyon ni Mama ay ang mga sumusunod:

a. 12-piece set ng Wolfgang Puck Cafe Collection [meaning, mga mabibigat na kaldero at kawali, na masayang nakatago ngayon sa kusina ni Mama, at swerte ng kung magamit sa Pasko o baka itago na lang ni Mama habang-buhay.)




b. Mga multi-colored polo shirts, na hindi ko pa rin talaga alam sino magsusuot; mga pantalon na kakasya kay Fat Joe o kay Jimmy Santos.

Ma, ‘wag mo na tingnan ang tag-price, wala rin naman magsusuot.


c. Bilang finale, huli kong nakita ang mga ito na nakabalot sa isang kumot na kasama rin sa package.


Sandamakmak na “kampit” (kutsilyo). Tinanong ko talaga si Mama noon kung magtatayo ba kami ng slaughter house at napakarami ng mga kampit.

Pambihira. Tsk tsk.


***

On Lola & Future Memorial Service…

Hindi maiiwasan na sa pagkakasakit ni Lola (dahil matanda na talaga siya, promise) ay ni-re-ready na ni Mama ang kanyang sarili sa kung anu man mangyayari kay Lola. Kaya lang, sa pagtatapos ng American Idol Season 7 at sa pagpapalabas ng mga nakaraang episodes nito sa StarWorld, ay paulit-ulit na pinakita tuwing commercial na kumakanta si Jordin Sparks ng “You’ll never walk alone.”

Mama: “Yan, nanu ya title ing katang ‘yan?” (Yan, ano title ng kantang ‘yan?)

Me: You’ll never walk alone yata.

Mama: “Kagaling na ning migkanta neh?” (Ang galing ng kumanta noh?)

Me: “Uh-huh.” [Nakahilata pa rin so sofa, nanonood ng tv, at nag-te-text]

Mama: “Buri ku keng mate ya i apu mu, kanta ke ‘yan.” (Gusto ko kapag namatay lola mo, kakantahin ko ‘yan?)

Me: “Wokarin?! Bakit?!” (Saan?! Bakit?!) [Tapos tawa lang ako tawa.]

Mama: “Ot mayli ka?” (Bakit ka tumataw?)

Me: “Wokarin me pin ikanta?” (Saan mo nga kakantahin?) [Tawa pa rin ng tawa.]

Mama: “Keng libing ng apu mu.” (Sa libing ng lola mo.)

Me: “Ot gawan mu naman ita?” (Bakit mo naman gagawin ‘yun?) [Masakit na tiyan kakatawa.]

Mama: “Syempre balamu gift ku kang apu mu ita; Itang feel na feel ku talagang magkanta.” (Syempre parang gift ko na sa lola mo ‘yun; yung feel na feel ko talaga ang pagkanta.)

Me: [Wala na nasabi, naluluha na sa sakit ng tiyan.]

Mama: “Loko, kalyan me i apu mu. Apu me saka me paglokwan.” [Loko, tinatawanan mo lola mo. Lola mo tapos niloloko mo.)

Me: “At aku pa talaga ing magloku kang apu neh?” (At ako pa talaga ing nagloloko kay lola ha?) [Nalaglag na sa sofa sa kakatawa]

[Tapos natawa na rin si Mama.]

***

Hanggang diyan na muna. Hintayin ang blog entry kung, the 4th Reading According to Gospel of Adelaida, “the pagnininang sa kasal experience.” 🙂

h1

Cinderella (The Pinay Hustler)

Mayo 21, 2008

Warm-up muna. Ayon sa mapagkakatiwalaang Youtube.com, ito ang Cantonese-dubbed Disney Cinderella selected scenes. Nakakatawa naman siya, kaya, inuna ko na.

***

Kung nais mo nga naman magpayaman sa napakadali at napa-praktikal na paraan, gayahin nga naman ang ginawa ni Cinderella.

Ganito ang kwento…

Mula pagkabata ay iniwan na si Cinderalla ng kanyang ina. Ang kanyang ina ay pumunta ng Dubai at doon ay nakapag-asawa ng Arabo. Ang tatay naman niya, bilang pagrerebelde dahil iniputan sa ulo [niloko ng asawa], ay nag-asawa ng isang dating hostess sa Subic o sa Fields Avenue (sa Angeles City), karay-karay ang kanyang dalawang ka-pangit-pangit na anak (na sa hula ko ay namana ang kanilang matitigas na tabas ng mukha sa kani-kanilang mga ama, na naging customer ng kanilang ina noong dekada ’80.)

Ang kanilang ina ay tawagin na lang natin sa nakapabibo at napaka-creative na pangalang “Stepmother.” Habang ang dalawa namang anak na babae ni Stepmother ay papangalanan nating “Stepsisters.”

Hindi gaya ni Sharon Cuneta sa pelikulang “Madrasta” (Stepmother), hindi magiging maganda ang pagsasama ni Cinderella at ang bagong asawa ng tatay niya. Matitigok itong si tatay (sa ‘di malaman na dahilan; ‘di naman pina-autopsy kaya hindi talaga natin malalaman). Maiiwan sa maaruga (urrkkk) at mapagmahal (urrrrrkkkkkk) na kamay ni Stepmother si Cinderella.

(Hango sa kararter ni Judy Anne sa nakakatawang pelikulang “Dito sa Puso Ko”)

Stepmother: You, Cinderalla, you, you will be my muchacha!

Cinderalla: Oh, no, please, I’m a mendicant [uhmmm, ate, baka orphan] now, I do not know…I do not know….hmmmm..saan ako pupulitin?

Stepmother: Aha! [May ganun?] So, you want to be a mendicant! Here is the….uhmmmm… here is the… Ay, lecheng bata ka! Katulong ka na mula ngayon.

***

So, lumalabas na parang kasalanan pa ngayon ni Cinderalla dahil nagkamali siya ng ingles (na para namang ang galing mag-ingles ni Stepmother.)

Sa madaling salita, naging katulong si Cinderalla sa kanyang sariling bahay. Noong mga panahong iyon, imbes na nag-do-download si Cinderella ng mga American Idol iTunes, ay pinaglilinis ito ng “chimineya” (fireplace) ng bahay (‘yan ay kahit mainit naman at hindi naman talaga malamig sa lugar nila).

Dahil sa kalungkutan (at dahil na rin hindi isasama sa concert ni Piolo sa Araneta), magdodroga itong si Cinderalla. Ma-a-adik ito sa pamosong marijuana at gagawing dahilan ang madalasang paglilinis ng chimineya para doon ay makipag-pot-session kasama ang matanda at malusog-lusog na katulong sa kabilang bahay.

Magha-high ang dalawa, habang si Stepmother at ang dalawang Stepsisters ay masayang nanonood ng pinakabahong IMax movie sa Mall of Asia. Pagkatapos ng pelikula ay didiretso naman sila sa concert ni Piolo na may banner na, “The Closet Prince.”

Sa bahay naman, magpatri-tripan ni Cinderalla ang noo’y bangag na rin na katulong-sa-kabilang-habay (na noon ay pinagtitripan ang mga bagong labang kurtina.) Binalot nito ang sarili sa kurtina at bigla na lang natawa si Cinderalla at nakapag-comment ng, “Mukha kang Matabang Fairy Godmother!!!” Magla-laugh-trip ang dalawa.

Pupunta sa kusina si Matabang Fairy Godmother at kukuha ng alak. Nagtimpla sila ng pamosong-pamoso at nakapasarap (urrrkkkkk) na gin pomelo. (May ginamit namang babasaging stirer kaya sosyal naman kahit paano.) lolz

Nag-inuman ang dalawa, at syempre nalasing. Tumayo ang noo’y nakabalot pa rin sa kurtina (at permanente na nating tawaging) na Matabang Fairy Godmother, kinuha ang babasaging stirer, at kumanta ng:

Ngayon, hindi ko alam kung maniniwala talaga kayo na naging karwahe ‘yung kalabasa at naging tao ‘yung mga binihisang daga, kabayo, aso, dolphin, at kung ano-anu pa. Pero ang alam ko lang, hindi talaga glass slippers ang sinuot ni Cinderella, kasi daw masakit sa paa. Suot ang ninakaw na Manalo Blahnik (designer shoes) at isang blue Chanel dress sa amo ng Matabang Fairy Godmother, nagkaplano ang dalawang adik na lasengga. Nagbasag ng alikansya ang dalawang lasing na katulong. Nakaipon sila ng sapat na halaga para makapag-taxi itong si Cinderalla at makabili ng concert ticket para sa “The Closet Prince.”

Pagpasok sa loob ng Araneta, palibhasa ay overdressed, napagkamalan ang lasing na Cinderella na parte ng production number (na gagawin bago mag-umpisa ang concert). PInadiretso siya sa backstage. Wala na nagawa si Cinderella kung hindi ang maki-ride na lang.

Naglakad-lakad (at nagsuka-suka) si Cinderella sa backstage. Naghanap ito ng restroom. Pumasok ito sa inakala niyang restroom at doon ay nawala ang pagkalasing sa nakita. Sa isang nakahihindik na tagpo ay nadatnan niya si Pialo at Sam na “nag-uusap.” Nabigla ang dalawang “lalaki.” Napa-oh-my-god-what-are-yah-doin’-heeeeww ang si Piolo at Sam.

Nakaisip ng paraan si Cinderella sa nakita.

Kinabukasan, nabigla na lang ang lahat ng ipakilala ni Piolo si Cinderella bilang kanyang fiancee. Kinasal din ang dalawa (I mean, si Cinderella at si Piolo, duhhhhhhh) matapos ang maraming pagtatangka ni Cinderella na i-tsi-tsismis ang nakita kay Lolit Solis.

Si Stepmother naman ngayon ay nalulong sa casino, habang ang dalawa nitong Stepsisters ay nagdadalang-tao at hindi alam kung sino ang mga ama.

Si Cinderalla naman ay kinasal matapos ang isang taon at nakipaghiwalay din matapos ang isang taon tangay ang nakuhang malaking halaga sa pinirmahang pre-nuptual agreement.

Si Piolo naman sa kasalukuyan ay…well… si Piolo pa rin, malamang ay “kausap” si Sam. 🙂

h1

Pet Lover?

Mayo 19, 2008

Pet Lover, come rescue me

Take me up, take me down

Take me anywhere you want to, baby, now

I need you so desperately

Wont you, please, come around

‘Cause I wanna share forever with you, baby.

– Mariah Carey

***

Kagabi lang ay pinagtatalunan namin ng mga kaibigan ko ang konsepto ng pagkakahilig sa mga alagang hayop. Ako (na madalas malaki ang acting) ay pilit pinaglalaban ang kagandahan ng pag-aalaga at pagmamahal sa mga hayop. Kaya lang may napagmuni-muni ako ngayon-ngayon lang: wala pala akong alagang hayop ngayon, so parang halos hindi ako pet lover. Pero hindi naman ibig sabihin na wala kang pet ay hindi ka na pet lover. KAYA LANG, sa mga nakalipas na araw, napansin ko sa mga naipon kong letrato [Salamat, Ruth, the digicam] na malamang ay:

1. Adik lang talaga akong mag-picture-picture kahit saan.

2. Baka matakaw lang talaga ako.

3. Hindi talaga ako pet lover.

***

1. Tamad na Askal
Kinuhanan ko ang letrato ng askal na ito noong una (at sana huling) pagkakataon kong pumunta sa dalampasigan ng nakakadiring Bataan.

<pause>

Paulit-ulit man po, nakukulitan man kayo, hindi po talaga ako mahilig sa tubig-alat.

<resume>

Akala ko naman maganda ‘yung aso, kasi ang ganda nito tingnan sa malayo. Noong makalapit ako dito, nagpapayong pala ito dahil sumasakit ang kanyang mga “nagbibinatang” galis. Ewwwwww..

2. Kalabaw-ses

Kinunan ko naman ito sa tabi mismo ng City Hospital ng aming lungsod. Naalala ko talaga ito kasi ito ‘yung araw na kinailangan kong pasyalan ang aking tatlong ka-opisina dahil (nakakahiya mang isulat, pero isususlat ko rin kasi natatawa talaga ako) na-food-poisoning ang mga ito sa nakaing panis na corned beef.

Ang mga kalabaw-ses ay masayang lumipat talaga ng daan at pumunta sa nakikita niyong bakanteng lote malapit sa ospital.

Nakunan naman ito noong isama ako ni Boss sa isang liblib na lugar na kung saan may fiesta. Napakaliblib ng lugar na ito na may kalabaw talagang “naka-park” sa likod-bahay. Masarap naman ‘yung handa nung aming client. Sana nakuhanan ko rin ‘yung mga sugpo na kinain ko. Pwede pa lang lumaki ng ganun kalaki ang mga sugpo, tipong puno ‘yung plato pagkalagay mo ng isang pirasong sugpo (naka-walo yata ako o sampu). [Baka naman lobsters ‘yan, rai? Baka naman tanga ka lang?] Hindi eh. Sugpo talaga, promise.

3. Horsie

Katabi ng supladong kalabaw ay ang “naka-park” ding kabayo na may karwahe (o para sosyal, chariot, na nataon namang title ng isa sa mga paborito kong kanta na inawit ni Gavin DeGraw). Hindi ko alam kung ito ang sinakyan ng isa mga bisita ng aming kliyente, pero noong mga oras na iyon, hindi talaga ko tumigil ng kaka-joke kay Boss na gusto kong sakyan ‘yung kabayo na may karwahe pauwi. Magkatabi pala ang kalabaw at ang kabayo na parang nagliligawan. Weird. Weird. Weird.

4. Lechong Baboy

Nasa handaan pa rin sa isang liblib na lugar, naglakas ako ng loob ng lapitan ang lugar kung saan walang-awang tinatadtad ‘yung malutong na lechong baboy. Hindi naman sa naawa ako, promise, kasi nakita ko talaga na talagang mukhang malutong ‘yung balat ng lechon. Alam ko maraming magagalit na mga health-conscious sa akin, pero pakialam niyo ba, ‘di mag-salad kayo at magprotesta habang-buhay. Kung makikita, halos paubos na ang pagtadtad sa lechon. Isang nakakatuwang madalas mangyari sa mga handaan kapag may lechon ay pinagdadamot ng mga nagse-serve ng pagkain ang balat ng lechon. Tipong kulang na lang itago ito. Hindi naman ito nangyari sa kaso namin ni Boss at ng iilang ka-opisina dahil, syempre, super bisita kami. Gets mo na ‘yun, wala ako sa mood magyabang eh. [Salamat sa libreng pakain, Daddy Art. Kung sa inyo ‘yung kalabaw na “naka-park” sa likod-bahay niyo, akin na lang, please? 😦 Aalagaan ko siya ng mabuti, promise. Paiinumin ko siya ng gatas ng kalabaw, healthy daw ‘yun eh. lolz]

5. Local-resto Steak (Technically, cow)

Alam ko, alam ko, ‘wag ka na mangutya. Alam kong hindi kagandahan ang kuha ng letrato na ito. Alam ko hindi mukhang masarap sa kuhang ‘yan, pero, sa totoo lang, isa ‘yan sa pwedeng ipagmalaki ng aming lungsod. Hindi naman ako food critic (halata naman) pero magpasalamat ka na at gusto ko kumukain ng medyo pormal sa isang restaurant. Ang resturant kung saan hinahain ang steak na ito ay isa sa mga paborito naming tinatambayan ng aking mga kaibigan dahil hindi masyadong matao. Napansin mo bang hindi ko sinabi ang pangalan ng restaurant? Ayaw ko ngang sabihin, eh ‘di dadami tao? Duhhhhhhhh.. Tambayan nga namin, ‘di ba?

6. Isaw (Technically, manok)

Kagabi lang ay nalaman kong ito ang gustong kainin ng aking Ex sa kanyang kaarawan. [Again, happy birthday today, malayang hugis]. Sa mga sosyalera at/o mangmang, ang isaw po ay basically (wow, ingles, burger, burger, burger) bituka ng manok.

Ang technique sa pagkain ng isaw ay ‘wag mo isipin kung anu talaga ito. Isipin mo na lang na isa itong malutong na worm-jelly candy (na sa letrato ay hatalang medyo nasunog). [Or is it jelly-worm candy? Anu ba tawag dun?] Tandaan na kapag ang isaw ay binebenta ng higit sa limang piso isa, nede-denggoy ka ni Aleng Magba-barbeque. Mura lang po iyan. Sa harap ng subdivision namin ay tinitinda pa itong dalawang piso isa lang. Enjoy…..lolz

7. Ate Shawarmi (Technically, baka or manok)

Kinunan naman ito sa tapat ng isang supermarket. Kagagaling lang namin noon ni Otu (friend) na mamili ng kung anu-anong abubot. Alam ko hindi lahat gusto ng shawarma. May mga nagsasabi pa nga na ayaw nila mag-amoy Arabo, at sa tingin ko napa-rude na comment ‘yun. ‘Di ‘wag ka kumain ng shawarma; nag-iinarte pa eh. Sa halagang 60 pesos, isa ito sa mga pinakamasarap na shawarma sa aming lungsod. Kung gusto mo malaman kung saan mabibili ito, leave a number, te-text ko kung saan ‘yan, promise. lolz

8. Mamahaling Lobster

Tuwing magkakaroon kami ng executive meeting kasama ang mga clients at si Boss (meaning, minsan o dalawang beses sa isang linggo), lagi kami kumakain sa isang high-end chinese restaurant. Bago ka makaabot sa function room ng restaurant kung saan gaganapin ang nakakabusog na meeting, madadaanan mo na masayang lumalangoy sa napalaking aquarium ang dalawang napakalaki rin naman at “mukha talagang mamahalin” na lobster. Hindi ko alam kung binebenta talaga ito o tipong ginagawang arowana na parang lucky charm (or something); pero noong minsang matanong ko sa isang waitstaff kung magkano ang mga pamosong lobster (kung bibilhin), sabihin na lang nating ang presyo nito ay katumbas ng isang overrated at napakalaking Nokia N-Series unit.

***

At diyan po nagtatapos ang aking paglilista para sa araw/oras na ito. 🙂 Ika nga ng paulit-ulit at nakakatawang forwarded text message, “Have a hearty meal po. _(” ,)”

h1

Good News, Bad News

Mayo 19, 2008

Hmmm.. hindi po ito ‘yung segment sa Unang Hirit kung saan may kausap na puppet (Arn-Arn) si Arnold Clavio at pinipilit nilang magpatawa.

Ito lang po ang mga nangyari sa nakalipas na 24 oras.


***

GOOD NEWS

Hindi gaya noong nakaraang buwan (na dumoble ang bill sa kuryente), medyo “malumanay” lang ang babayaran ko sa buwan na ito.

BAD NEWS

Dahil sa pabiro kong sinasabi sa mga magulang ko na magtipid ng kuryente [at nagbibiro naman talaga ako, in fairness naman sa akin], kagabi nakita ko si Mama na nagtutupi ng mga bagong-labang damit sa sala…na nakapatay ang ilaw, kamusta naman ‘yun?

***

GOOD NEWS

HIndi ako nag-uwi ng trabaho today. Balak ko lang na magpetiks ba bahay, mahiga sa sofa, at hintayin ang mga napaka-late na mga episode ng Chelsea Lately.

BAD NEWS

Pag-uwi ko walang tao, wala pang dinner. So, nagluto ako. Nag-push-ups ng iilan para pagpawisan, nanoood ng nakakatuwa rin naman palang pelikulang “I Will Survive.” [Thank you, Cinema One] Ang siste, nawili ako masyado sa pelikula kaya ang aking nilulutong chicken & pork adobo ay nasunog at dumikit sa kawali, para tuloy tira-tira sa karinderia ang kinakain ko kanina.  Wala ring episode ng Chelsea Lately tonight dahil apparently mas imporante sa Jack TV ang WWE, na nagpapakita ng mga pagkatanda-tandang wrestlers.  Kadiri!

***

GOOD NEWS

So, single ako. Masaya kahit paano. Yehey! *Sabog confetti*

BAD NEWS

Bertdey ni Ex # 1 at hindi siya nanlibre ng pagkain. [Happy Birthday, Malayang Hugis] May problema si Ex # 3 (na boyfriend ngayon ni Ex # 2). Nagtetext si Ex #3 sa akin na ayaw na niya kay Ex #2 (na current boytfriend niya). Dahil may opinyon ako, madaldal, at walang-habas kung mag-comment, akala ngayon ni Ex #2 na sinisiraan ko siya kay Ex #3. Utang na loob! Magkaayos na nga kayo, Ex #3 & Ex #2, para wala na lang problema. Ang lalaki [big, not male] niyo na.

***

GOOD NEWS

Nakaka-post na ako ulit ng blog entries dahil may oras na ako para magsulat.

BAD NEWS

Wala naman nagbabasa. Ngek!

h1

Emily-ish

Mayo 16, 2008

Sa mga nakalipas na araw o linggo, nilanggam ka ng trabaho sa opisina. Maliban sa maayos ang pakikitungo ng boss mo sa iyo, maliban sa nakikita mong may silbi ka sa trabaho, maliban sa marami ka rin naman napapasayang mga kliyente, wala namang nangyari sa personal mong buhay. Pakiramdam mo tuloy inagawan ka ng iilang araw/linggo. Pakiramdam mo tuloy robot na de-susi ka.

***

May mga araw na kahit pabiro man ay may sumbat akong naririnig sa mga kaibigan ko; kung buhay pa ba ako, kung ano bang ginagawa ko at hindi ako nagpaparamdam, at bakit lagi akong ginagabi umuwi. Hindi ko magawang magreklamo sa pagod dahil gusto ko rin naman (o kailangan lang talaga). Siguro nga hindi mo pwedeng magawa lahat dahil limitado ka ng mga galaw ng orasan. Hanggang 24 oras lang ang isang araw; hanggang 7 araw lang ang isang linggo.

Madali lang ang magreklamo. Madali lang ang isiping marahil hindi ka masaya. Hindi naman ako malungkot. Pagod lang ako. Nais ko lang matulog. Nais ko lang mahiga sa sofa at magpindot-pindot sa TV remote at manood ng kahit ano. Sa mga bumabasa, marahil ang inyong gustong sabihin eh, “bakit hindi ka magbakasyong, paksyet ka, kaysa sa nag-ngungungoyngoy ka diyan.” Hindi naman ganun kadali ‘yun eh.

Sa mga kahit paanong napabayaan kong koneksyon, sa mga hindi ko nasabahang kaibigang may-OT ako at hindi ako makakasamang mag-dinner/mag-coffee/mag-videoke, pasensya naman.

Hindi rin nakakatulong ang pagiging single. Minsan, gaano man kasaya ang konsepto na single ka (na pwede kang makipaglandian kahit kanino, na pwede kang mag-uwi ng kahit sino), alam mo na aabot ka rin sa punto na gusto mo rin naman na may kasama ka talaga, na may yabang kang mag-po-post sa iyong status na “in a relationship.”

Madalas habang nagpapahinga ako, habang nakakulong sa kwarto ko at walang gustong gawin kung hindi ang mahiga, naiisip ko rin naman na ang boring pala ng buhay kung puro trabaho; na sana kasama ko mga kaibigan ko, na sana kasama kong nanonood si Mama ng Dyesebel at natatawa sa mga comments niya, na sana may oras akong mag-date at pag-ukulan ng panahon ang aking mahabaging buhay-pag-ibig.

Hindi sa lahat ng oras ganito ang sitwasyon, lalaon din at magbabago ang lahat. Geeeezzzz, gusto ko ng beer.

h1

PINOCCHIO (Kahoy ka na, echusero ka pa)

Mayo 16, 2008

Kwento ito ng Batang Kahoy na binuo ni Geppetto, isang matandang karpintero (na hindi po ang tatay ni Jesus. Si Joseph po iyon). Pero sa pelikula, woodcarver ang tawag kay Geppetto para kunwari sosyal.

Ganito ang kwento.

Mahimalang bubuhayin ni Blue Fairy (na ang taray ng pangalan, pinag-isipan talaga. Fairy siya, kulay blue; bwala! Blue Fairy ang name!) itong si Pinocchio (na ang hirap i-type ng pangalan). So, binuhay ang Batang Kahoy. Ituturing siyang anak ni Woodcarver at sasaya sila nang panandalian.

At dahil medyo mataas ang ambisyon nitong si Batang Kahoy na maging “tunay na bata,” gagawin niya ang lahat para maabot iyon.

Gamit ang “google search,” malalaman ni Batang Kahoy na ang para maging tunay na bata siya ay kailangan niya ang tatlong sangkap ng pagiging bata (ayon na rin sa sarili kong interpretasyon).

Tatlong Sangkap Upang Maging Tunay na Bata

1. Dapat ay “brave” – i.e., kagalingangang mag-“may-i-go-out” sa klase.

2. Dapat ay “truthful” – i.e., kagalingangang isumbong ang mga nagnakaw ng tocino ni madam.

3. Dapat ay “unselfish” – i.e., kagalingangang makapagbigay ng mga tamang kasagutan sa iyong katabi sa isang pagsususulit.

(Goodluck sa mga gusto maging tunay na bata.)

Ang mangyayari ay magrerebelde pa itong hinayupak na Batang Kahoy. Makikibarkada ito sa mga “masasamang loob.” At dahil medyo “attached” na itong si Woodcarver sa kanyang batang kahoy (kasi nga naman nabuhay talaga si Batang Kahoy, na hindi naman madalas mangyari) eh hahanapin ni Woodcarver si Batang Kahoy. Lulunukin ng adik na balyena si Woodcarver. Hahanapin ni Batang Kahoy si Woodcarver. Lumilitaw na naghanapan ang dalawa at magkikita silang “mag-ama.”

Mag-pa-pot-session ang mag-ama para ma-adik ang balyena at “humatsing.”

Makakawala ang mag-ama. Bored and Blue Fairy sa kanyang pangalan at maiisipan na lang na pagtripan si Batang Kahoy at gagawin na lang itong “tunay na bata.”

Matapos ang 10 taon, maiisip ni Woodcarver na mahal para magpa-aral ng nursing at sana nagpatuloy na lang siya sa pag-wu-woodcarve imbes na mag-ampon ng batang kahoy na naging tunay na bata. Sa kasalukuyan, ang dating Batang Kahoy ay nahihilig sa iPod Touch at paglalaro ng network games. Si Woodcarver naman ay hindi pala nagbayad ng kanyang SSS, kaya pagretiro nito sa pagwu-woodcarve, hindi ito tatanggap ng pensyon. Mamamatay ang matanda sa isang salubsob habang ginagawa ang wooden i-Pod casing para kay Pinocchio.