h1

Hindi na mandatory ang ID at uniporme sa mga pampublikong eskwelahan

Hunyo 2, 2008

Dear Madam President,

Kani-kanina lang ay nakita kong binabalita ng posturang-posturang si Vicky Morales (ng Saksi ng GMA7) ang inyong kautusan na hindi na mandatory ang ID at uniporme sa mga pampublikong paaralan. Bagama’t naiintidihan ko po ang inyong hangaring mabigyan ng impresyon ang mga tao na nakakatipid sila at para na rin siguro maiba naman ang balita at hindi na lang puro pagtaas ng presyo ng gulay, bigas, gaas [old school ako eh, gaas talaga] at mga tipong sanitary napkin at kung anu-ano pang luho sa buhay, nais ko pong ipaliwanag ang ilang repercussion [sosyal, ingles] ng inyong mainit-init na direktiba.

Sa usapin patungkol sa hindi na mandatory ang ID:

1. Tandaan na natural na mangmang ang mga kabataan. Madalas po ang mga senaryo na may naliligaw na bata. Paano po hahanapin ng mga magulang/guardian ang nawawalang bata kung wala siyang “proper identification documents“? Kaya ba ng bata ng ibigay ang kanilang napakakomplikadong address?

2. Alam niyo ba na patok ngayon ang mga “lanyard” o ‘yung mga tipong sabitan ng ID at kung anu ano? Hindi niyo pa rin alam? Ito ‘yung mga sabitan ng phone na may nakasulat na iba’t ibang bansang sikat sa soccer, kahit hindi naman talaga tayo mahilig sa soccer (o kahit naman talaga tayo marunong ng soccer dito sa Pinas)? Isipin niyo na lang ang maaring maitulong ng mga nagtitinda ng mga pineratang lanyard sa bangketa? Isipin niyo na lang kung gaano kalaking income ang kaya nitong i-generate para sa — oh, wait, hindi ba sila nagbabayad ng business permits? Ahhhhhh.. Okay, okay. So, next item na lang. lolz

3. So, mahirap nga madalas ang mga nasa pampublikong eskwelahan. Libre pagkain, libre bigas, libre libro, libre tuition, libre Avon at Saralee, pero hayaan naman natin sila magbayad ng, sabihin na nating, 50 pesos para sa ID. Madalang lang silang magbayad; malay niyo na-mi-miss nilang magbayad.

4. Dahil nga madalas ay mga mahihirap ang mga nasa public schools [gaya ko noong nasa elementarya at hayskul ako], wala rin silang kakayahang mag-pa-letrato, sabihin na nating, minsan sa isang taon. Ang mabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng picture, sa pamamamagitan ng kanilang mga ID, ay parang regalo na ng mga eskwela sa kanila. Minsan lang sa isang taon kung makita nila ang kanilang mga sarili, ipagdadamot niyo pa?

5. Ano na lang ang ipapakita nilang pruweba na nag-aral sila kung wala silang ID? Ang kanilang mga magulang –‘wag naman sana — ay hindi marunong magtago ng mga school records.

6. Baka nakakalimutan niyo na pinapatupad pa ang “student discount” sa mga pampasaherong bus, dyip, tricycle, pedicab, and whatnot? Paano kung madupang ang drayber ay mag-require ng ID? Masasabi ba ng mga bata na:

Well, Madam President said I shouldn’t be forced to wear uniform because I’m poor; you can ask her, if you want, she really did say that“? lolz

7. Paano kung kagaya ko ang mga estudyante na hindi maka-get-over sa mga alaala ng kanilang buhay elementarya at hayskul? Paano kung wala akong ID noong mga panahon na iyon? Paano kung hindi mandatory ng mga panahon na iyon ang pagkakaroon ng ID? Saan ako hahanap ng picture na pwedeng ilagay sa aking blog site, kagaya nito:

Sa usapin patungkol sa hindi na mandatory ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong eskwelahan:

1. Hindi po lahat ng estudyante ay binibili ng bagong uniporme tuwing pasukan.

2. Saka minsan sa isang taon lang po iyon, ipagdadamot niyo pa.

3. Kasalanan ng mga magulang/guardian na nagrereklamo sa gastusin ng kanilang mga anak tuwing pasukan kung nahihirapan sila. May isang taon sila para mag-ipon ng kahit magkano lang para sa uniporme, kaya ‘wag sila magreklamo. Ang dapat gawing direktiba ay “mandatory na ang good parenting.”

4. Sa tingin niyo ba nagbabago ng uniporme ang mga estudyante tuwing pasukan? Malaking “NO” po ang sagot doon. Hanggat may nakatatandang kapatid, hanggat may nakakatandang pinsan, hanggat may kaibigan na maarte at mayaman at gusto bago ang uniporme taon-taon, hanggat may matulunging kapitbahay, hanggat may mahahagilap na kaysa sa isang mag-aaral at tipong hindi pa punit-punit ang isang uniporme, ‘yun ang ipapasuot sa kaniya.

5. Para saan pa at nagkalat ang mga commercial ng sabon na nagpapaputi ng nalilimahid na puting polo? Para saan pa at sumikat, nalaos, sumikat, lalong nalaos si Lumeng, the housewife labandera, kung hindi rin nakakaputi ng damit ang mga sabong-panlaba? Para saan pa at ginagaya si Lito Lapid [Hello, Ex-Senator, pengeng pera!lolz] sa mga commercial na Leon Gerrero-ish tapos hindi rin pala matatanggal ang mga mantsa sa isang lumang puting polo?

6. Tapos magrereklamo lang ang karamihan na, “nakakasawa mag-isip ng kung anu isusuot, sana may uniporme na lang.”

Saan ka naman lulugar dun, Madam President? Sana po ay naliwanagan kayo sa aking mga kuro-kuro patungkol sa inyong pinabagong direktiba.

‘Wag po kayong mag-alala, hindi po ako anti-Gloria (hindi rin naman pro-Gloria). Sabihin na lang po nating isa po ako sa mga madalas ay walang pakialam. Sumulat lang po talaga ako para may ma-i-blog ako sa araw na ito.

Siya nga po pala, ito’y mga tanong ko lang naman po, nasasa-inyo po kung sasagutin niyo o hindi:

1. Ano po binibigay niyong gift tuwing nag-ni-ninang kayo sa kasal?

2. Natatawa po ba kayo kay Ate Glow sa pag-i-impersonate niya sa inyo?

3. Pinapatanong po ni Mama ito: Sa tingin niyo ba laging walang bra si Regine Velasquez?

4. Sa hinaharap po ba, may balak pa kayong mag-pa-long-hair ulit?

5. Ano po ang opinyon ninyo sa ‘di umano’y pagtataray ni Marian Rivera sa isang fan na nag-video ‘di umano sa kanya?

6. ‘Di ba nakakapikon na po ‘yung mga sa oposisyon? ‘Di ba minsan parang gusto niyo na lang yayain ng suntukan?

7. Bakit po si Luli Arroyo [presidential daughter] parang laging galit sa TV?

8. Kumakain po ba kayo ng isaw?

9. Ano po ang favorite ninyong video sa Youtube.com?

10 Marunong po ba kayong mag-sungka?

Salamat po sa pagbasa sa aking liham. God [kung meron man] bless po sa inyo.

Gumagalang [at medyo inaatok na],

(SGD) THE SUNGKAMASTER

Advertisements

9 mga puna

  1. harhar.

    nadaan ulit ako after a while. musta na? super busy ata? di ko na kayo nakikitang pakalat-kalat sa streets of angeles eh. hehe.

    anyway, wala bang bayad ang pagdaan sa blog site mo?


  2. kung makapagsalita ka, gan, parang palaboy ako sa mga “streets” ng Angeles ah? lolz hmmmmp! well, madami work (non-blog related) at ine-enjoy ko ang aking recent hobby, ang after-work napping. hehehe

    walang bayad sa pagdaan sa blog ko. Ano ba ibig mong sabihin, ano maniningil o ako magbabayad? hahahaha ang dapat itanong eh, hindi ba ako binabayaran para mag-blog? Isang malaking NO. nalungkot ako bigla. 😦 hahahaha


  3. True, wearing the prescribed uniform (ID included) is more that spending some amount of money. OK lang naman kung hindi na mandatory ang black shoes, ‘wag lang ung uniform. Sabi ng HS principal namin, wearing uniform is also for security’s sake. Mas madali raw huntigin ung mga magnanakaw, holdaper, snatcher, mamamatay-estudyante o mamamatay-gurp kapag nakapasok ng campus. 😀


  4. well, that would be cool kung may makakapasok talagang ganun. maiba naman, at least. saka para kung naka-uniporme man yung “mamamatay-estudyante” [lolz], alam natin na siya ‘yun, kaya pwede nang maging “mamamatay-mamamatay-estudyante” ang mga estudyante (kasi hindi sila naka-uniporme).. 🙂

    monkey-eating-eagle-eating monkey = “mamamatay-mamamatay-estudyante” 🙂


  5. well, that would be cool kung may makakapasok talagang ganun. maiba naman, at least. saka para kung naka-uniporme man yung “mamamatay-estudyante” [lolz], alam natin na siya ‘yun, kaya pwede nang maging “mamamatay-mamamatay-estudyante” ang mga estudyante (kasi hindi sila naka-uniporme).. 🙂

    monkey-eating-eagle-eating monkey = “mamamatay-mamamatay-estudyante” 🙂

    And the story just goes oooon! 😛

    And Oh no! OK lang bro, contradict me.. I’m not the paradigm of perfection! 😛 Ice lang, pramis. 😀 –>I’m talking about a comment of yours in my blog. 😛


  6. i LOVE IT!!! Pangpaalis ng umay sa work talaga!!! I love it really!!!


  7. ginawa mo na naman akong libangan, anne.. tsk tsk.. hahaha


  8. wahahaha..
    ketang “kaya pwede nang maging “mamamatay-mamamatay-estudyante” ang mga estudyante (kasi hindi sila naka-uniporme).. monkey-eating-eagle-eating monkey = “mamamatay-mamamatay-estudyante” ku mengapakayling todu.. nyahaha! ^_^


  9. paminsan minsan di mo alam kung nakikiayon na lang si gloria sa alingasngas ng masa para matahimik lang sila e. Parang nawawala na tuloy yung credibility nya bilang president. Haaaaay!!! Samantalang nun, gusto nyang magkaroon ng i.d. ang lahat ng citizen ng pinas, di lang inapruba ng marami…



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: