Archive for Hulyo, 2008

h1

The 5th Reading According to the Gospel of Adelaida

Hulyo 24, 2008

So, bumalik na si Mama sa bahay. Hindi ko na kailangang magluto ng dinner araw-araw matapos akong maalapin sa trabaho. Bumalik na rin ang mga mumunting kwento niya.

Matapos ang dinner, tambay kami ni Mama at ni Tatay sa sala, nood ng cliche na Dyesebel (maganda naman kahit paano).

***

Me: Ma, bisa kang Coke? (Ma, gusto mo ng Coke?)

Mama: Sprite na mu. (Sprite na lang)

Me: Eku bisang Sprite. (Ayaw ko ng Sprite.)

Mama: Oh 7-Up na mu. (Oh 7-Up na lang.)

Me: Eh ya naman ita eh. (Eh pareho din ‘yun eh.)

Mama: Sprite namu pin. (7-up na nga lang.)

Me: Eku pin buri, feeling ku miminum kung bubulang danum. (Eh ayaw ko nga, feeling ko umiinom ako ng bumubulang tubig.) Royal namu kaya? (Royal na lang kaya?)

Mama: Sali ka kanyan litru eh. (Bibili ka niyan litro eh.)

Me: Eh syempre, atlu ta kayang minom. (Eh syempre, tatlo kaya tayong iinom.)

Mama: Eku buri ing Royal. (Ayaw ko ng Royal.)

Me: Bakit?

Mama: Eh pang-malaganat ‘yan eh. (Eh para sa nilalagnat ‘yan eh.)

Me: Tutu man? (Really?)

Mama: Wa. (Oo.)

Me: Bakit naman?

Mama: Basta.

Me: Bakit pin pang-malagnat? (Bakit nga para sa nilalagnat?)

Mama: Nang anak kami, ‘yan ing papainum da potang malagnat ka. (Noong mga bata pa kami, ‘yan ang pinapainom kapag may lagnat.)

Me: Tutu man? (Swear?)

Mama: Wa. (Oo.)

Me: Bakit?

Mama: Basta. Eku rin balu. (Basta. Hindi ko rin alam.)

Me: Ot ena Coke ing iinuman da? (Bakit hindi na lang Coke ang inumin nila?)

Mama: O syempre ala pa kanita ing Nestea ayan. (Oh syempre noon wala pa ang Nestea na ‘yan) <ang layo ng sagot, in fairness.>

Me: Ahhhhh… Eh bakit pin ali Coke? (Eh bakit nga hindi Coke?)

Mama: Oh siguru uling iisipan da orange juice ita. (Oh siguro iniisip nila orange juice ‘yun.)

Me: Ahhhh.. Oh ninanu mong orange juice? (Oh eh ano kung orange juice?) <Hinahaba ko na lang kwento sa mga panahon na iyon, pilit pinipigilan ang pagtawa.>

Mama: Basta balamu “kael.” (Basta parang “kael.”)

<kael/cael = citrus fruits yata.>

<khalel = si Superman yata ‘yun.>

<Khalil = friend ko po iyon.>

<camel = yosi or animal po ‘yun>

***

Panandalian akong pumunta sa tindahan (na mga 8 meters lang ang layo sa bahay at bumili ng Coke litro.) Pagbalik, tuloy ang panonood ng Dyesebel (mas gusto ko sana manuod ng JackTV pero, no choice, Dyesebel mode ang parents).

Mama: Yan? <Nickname ko sa bahay.>

Me: Ow?

Mama: Balu me ba itang minta ng birthday ko na asawa ng [name]? (Alam mo ba ‘yung pumunta noong birthday ko na asawa ni [name] )

Me: Syempre ali ke. (Syempre hindi.) <inom ng coke>

Mama: Kilala me ita. (KIlala mo ‘yun.)

Me: Ali ke pin. (Hindi nga.)

Mama: Ot eme kilala? (Bakit hindi mo siya kilala?)

Me: Ginukong malugod, kasi pin eke balu. Dapat talaga kilala ke? (Mahabaging langit, kasi nga hindi ko siya kilala. Dapat talaga kilala ko siya?) <natatawa na>

Mama: Sabi na kasi ita kanung kapatad na, akaklasi me ng college. (Sabi niya kasi ‘yung kapatid daw niya, nakakaklase mo noong college.) <Grabe, ang layo ng kwento. Tsk tsk.>

Me: <busy nagte-text sa potential lover. Hello, Office Caller>

Mama: Yan!

Me: Ow?

Mama: Ita pin, sabi na kasi ita kanung kapatad na, akaklasi me ng college. (‘Yun nga, sabi niya kasi ‘yung kapatid daw niya, nakakaklase mo noong college.) <Grabe, ang layo ng kwento. Tsk tsk.>

Me: Oh ngeni? (Eh ano ngayon?)

Mama: Ita pin, akaklasi me pin kanu itang kapatad na. (‘Yun nga nakaklase mo nga raw ‘yung kapatid niya.)

Me: Kaybat? <Medyo inis na ako noon. ‘Di ko alam patutunguhan ng kwento ni Mama.>

Mama: Sabi na kanu nitang kapatad na nitang asawa na ning kaluguran ku, nakakanung kagaling keng klasi noong kaklase mo siya. (Sabi daw nung kapatid nung asawa nung kaibigan ko, ang galing mo raw sa klase noong kaklase mo siya.)

Me: Ow, kaybat? (Ow, tapos?)

Mama: Nakapin kanung kagaling keng klasi. (Napakagaling mo nga raw sa klase.)

Me: Ow, kaybat? Ita mo? Ma, balu tana ita. Nanung buri ng gawan ku, nung ninu man ita? Mag-thank-you ku ba? Padalan ke bang flowers? (Ow, tapos? ‘Yun lang? Ma, alam na natin ‘yun. Anong gusto niya gawin ko, kung sino man ‘yun? Mag-te-thank-you ba ako? Papadalhan ko ba siya ng flowers?)

<Si Tatay na noo’y nakikinig lang ay natatawa na rin.>

Mama: Yan, eme pin kilala? (Yan, ‘di mo nga talaga kilala?)

Me: <Tuluy sa pag-te-text.>

Mama: Yan, eme pin kilala? (Yan, di mo ba talaga kilala?)

Tatay: Ninanu ya wari? (Napano ba?)

Mama: Ala mu. (Wala lang.)

Tatay: Ene pin kanu kilala eh, nanu waring buri na? (HIndi nga raw niya kilala, ano bang gusto nun?)

Mama: Aistorya de mu. (Nakwento lang sa akin.)

<Tawa lang ako ng tawa. Ang pointless.com>

<Pambihira. Tsk tsk.>

***

Mga naisulat na patungkol kay Mama:

The 4th Reading from the Gospel of Adelaida (Ang Bongang-Bongang Come Back)

The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

The Gospel According to Adelaida

Kari-MARIMAR-im

Ano ang Mangustin?

Advertisements
h1

xoxo Gossip Goat

Hulyo 17, 2008

Isang araw, namamasyal si Manok 1 at si Manok 2 malapit sa kulungan ng mga bibe. Kilala si Manok 1 & Manok 2 na siga sa malaking palayan sa Magalang, Pampanga.

Simple lang ang trip ng dalawang manok. Patuka-tuka ng lupa, papagpag-pagpag ng pakpak, at maya’t-mayang pam-bu-bully sa mga nakakakulong na bibe.

Naku, mga ugly ducklings, tago, nandiyan na naman si Manok 1 & Manok 2,” sabi ng isang Bibe 17.
Oo nga, buti na lang nakakulong tayo,” sabi ni Bibe 19.

“Parang mas gusto ko na ma-bully kaysa makulong, Bibe 19, kaysa sa ihanda sa nalalapit na fiesta,” sabi ni Bibe 5.

Mga pangit na bibe, saan na lagay ninyo?!,” panakot ni Manok 2.

Takot na takot ang mga bibe dahil nakapagbigay na sila ng lagay kay Kambing.

Hindi maari ito,” sabi ni Manok 1, “kailangan nating kausapin si Kambing, sumosobra na siya!,” galit na sabi Manok 1.

Galit na galit na tumulak ang dalawa sa dampa ni Kambing.

Sinugod ni Manok 1 & Manok 2 si Kambing. Binugbog ng dalawang manok si Kambing.

Matuto kang lumugar,” sabi ni Manok 2.

At mula noon, naging alipin na ng dalawang manok ang submissive na kambing. The end.

***

At ‘yan mga bata ang kwento kung bakit itinuturing na malaking kahihiyan sa aming angkan ang aking ama. And you’re watching MYX, the only remaining free music channel, that’s why we’re number 1. xoxo GossipGoat *

h1

SungkaMaster Turns 25!

Hulyo 16, 2008

Tapos ko na maipawis ang vodka, tequila, beer, gin, rhum, pati blue curacao, kaya ngayon, ito na siguro ang panahon para makapagpasalamat sa mga taong nakisaya sa aking 25th Birthday (at syempre, para na rin maka-post ng mga photos sa aking ginanap na white party).

SALAMAT KAY:

***

1. DADDY DAN (a.k.a DADDY BIGAS)

Sa walang sawang pagkulot ng mga lecheng ribbons na dinikit natin sa ceiling; sa alak (syempre); sa walang sawang pagmamahal mo sa akin kahit hindi mo naman talaga ako anak; sa pagkunsinti sa aking mga kagaguhan; at sa araw-araw na yosi break.

***

***

2. OTU (a.k.a. GO PAGMAMAHAL!)

Sa araw-araw na balita tungkol sa iyong “buffy”; sa pag-alalay sa akin noong makitulog ako for 2 days sa inyo kasi scared akong multohin ni Lola Curser; sa pag-offer na gawin kong bodega ang kwarto mo ng mga kailangan sa party; sa walang sawang pagtulong sa akin na iplano ang mga gagawin sa party; at sa pag-offer sa iyong susuot sa party kung sakaling hindi natapos ang aking pinatahing outfit. lolz

***

***

3. ALVIN (a.k.a BUFFY)

Sa ‘di pag-aming hindi pa naglunch noong araw na naghahanda tayo para sa party; sa pag-alalay sa mga kailangang buhatin; sa pag-inom ng marami kaya nag-hyper-ventilate (leche, bawasan kasi ang alak); at sa pagyakap sa tunay na tawag ng damdamin: red horse at si Otu. lolz

***

***

4. VAN (a.k.a. THE BAR QUEEN)

Sa pagpapasalamat ng paulit-ulit na may open bar noong party; sa pagdating ng naka-dress (babae?); sa pagbabantay sa bar at walang habas na pag-inom; sa pagpilit sa akin na gumastos para sa party na ito (huhuhuhuhu); at para sa ‘di pagbanggit kay MH.

***

***

5. LENG (a.k.a. THE LASENGGANG PHOTOGRAPHER)

Sa pagpunta kahit wala ang kanyang gay guy na si Tantan (na dapat inimbita ko na, pamparami rin naman siya); sa pagpayag na maging photographer ng party ko (kasi nakakahiya naman kung ako pa kukuha); sa pagkuha ng 300 plus na photos, na leche ka, ang hirap i-upload, ang dami kaya; at para sa calderetang bibe na matagal mo na hinihingi sa akin (malapit na, promise).

***

***

6. DENVER (a.k.a. CRUSH LAHAT NG BISITA)

Sa pagpunta (kahit wala kang gift) hahahaha; sa pagiging mahiyain (hindi mo tuloy naka-make-out ‘yung crush mo); at sa pagiging mas payat na sa akin (achievement).

***

***

7. ERIC (a.k.a. KARIR-KUNG-KARIR)

Sa mga nakakatuwang gifts; sa pagsasayaw kahit maraming nagsasabing masagwang tingnan; sa pag-aaliw kay Umay; at dapat kang mag-thank-you sa akin dahil nakilala mo si Renzie (kamusta na kayo?)

***

***

8. DEXTER (a.k.a. TINULUGAN KO)

Sa pagdaan sa party ko kahit mga 20 minutes ka lang dahil may work ka noong gabing ‘yun; sa pag-intindi na nakatulugan kita ng mga 5:00 a.m. kaya kahit gusto mo pumunta, knock-out na ako; at sa bagong usbong na friendship. I wav you, Dexter.

***

***

9. GERI (a.k.a. GOSSIPBANGI)

Sa pagsisimula ng GossipBangi monologues; sa pagiging party animal sa party ko; at sa pagpapahula sa ngayo’y pamosong title ng pelikulang, “Ang Kilabot at ang Puke.”

***

***

10. BRITNEY (a.k.a. YUNG-GUSTONG-BARILIN-NI-BOSS)

Sa walang sawang pagsasayaw at pagkanta kahit pabiro nang sinasabi ni Boss na babarilin ka niya; sa chocolate or mango?; sa effort na magbihis (babae? babae?)

***

***

11. UMAY(a.k.a. THE PEANUTBUTTER QUEEN)

Sa pagiging pinakasensitibo sa mareness.com; sa walang patumanggang paglandi kay Eric at Daddy Bigas; sa ala-JS Prom na sayaw; sa friendship card na lagi mong hawak; at sa gift na, promise, ginagamit ko ngayon. I love you, mare.

***

***

12. JJ (a.k.a. THE SHALA PHOTOGRAPHER)

Sa bagong tuklas na friendship; sa laging pagdadala sa iyong mamahaling camera (akin na lang ‘yan, please?); sa napa-cute na gift (susuot ko siya bukas, swear); at sa pag-antabay sa dalawang bagong magsing-irog. lolz

***

***

13. OTSO (a.k.a. MY SWEET BADING)

Sa pagdamay sa akin sa mga panahon na malungkot ako (at hindi ko kayang ipakita sa ibang tao); sa mga yakap at mga “tzzeeeeeee”; sa pagiging bading ko sa mga nakaraang taon; sa pag-to-tone-down ng isusuot para magmukha namang ako ang may birthday; at sa pagmamahal (kahit na madalas tinutulugan mo ko o kaya minsan ako naman). I love you, my bading.

***

***

14. ANNE (a.k.a. TUNE LALAKI)

Sa pagod ng paghahanda ng food; sa pag-intindi kay Mama noong magkakwentuhan kayo tungkol sa mga ari-arian na iniwan ni Lola; sa pagiging “adorable” sa harap ni Mama; sa paulit-ulit na pag-commend sa party; at sa gift; at sa pagsama sa aking maglasing every weekend.

***

***

15. LAMEY (a.k.a. BABE)

Sa pagtulong sa akin sa party na ito; sa pagod at puyat at bumubuhos na ulan habang nagkakaproblema sa venue ng party; sa walang sawang love; sa pasensya kahit mainit na ang ulo mo (dahil birthday ko) hehehehehe.

***

***

16. KAREN (a.k.a. NORA)

Sa pagiging bunsong kapatid ko kapag dumadalaw ka ng office; sa pagbibihis ng super effort only to find out walang lalandi sa iyo sa party hehehehhee; sa maraming gifts (na super nakaka-enjoy) at sa mga panahong hindi mo na kailangang magsalita para sabihing ang cute ko. hehehehehe

***

***

17. KUYA PAO (a.k.a. YUNG-GUSTONG-BUMARIL-KAY-BRITNEY)

Sa oras na binigay mo para makapaghanda ako sa party na ito; sa mga bartenders; sa mga pag-uusap na madalas tayo lang nakakakaintindihan; at syempre, ang ‘di mo pagbaril kay Britney. hehehehe

***

***

18. ALFIE (a.k.a. NAKA-BROWN-KA-HAYUP)

Sa  walang patumanggang pagbabalik sa panahong muntik ka laswain ng prof natin; sa paglalasing at pag-e-enjoy sa party ko; at sa mga panahong iniisip mong mahirap ako. lolz

***

***

19. KALEINE (a.k.a. THE SUPER BUNTIS)

Sa pagpunta sa party kahit nag-worry talaga ako na malamang makasama sa iyo dahil super yosi ang lahat; sa pag-enjoy sa party kahit naglalaway ka sa open bar at hindi ka pwedeng uminom; sa pag-intindi na noong dumating kayo, bangag na ako. hehehehehe

***

***

20. ATE TERRY (a.k.a. THE BEST DRESSED)

Sa pagiging fashionably late; sa pagre-ready ng bongang-bonga para sa party; sa gifts (iluuuuvvvvveeeeeeett); sa pag-eenjoy sa party; sa pag-intindi na nakalimutan kong bumili ng Marlboro Lights Menthol para sa party. *peace*

***

***

21. GHELO (a.k.a. THE MINUS LE BOYFRIEND)

Sa pagiging adorable sa party ko; sa pag-intindi sa akin kahit makailang ulit ko siyang pinapares kung kani-kanino; at sa mga ngiti na ‘di ko alam kung para saan at para kanino at/o kung may malisya.lolz

***

***

22. TOSHI (a.k.a. THE SUPER “MUDEL”)

Sa pagiging simple sa party ko (partida? hehehe); sa pagpunta kahit pagod ka na galing sa iyong photoshoot; sa pagbabalot ng regalo sa bus; sa mga nakakatuwang gifts; sa pagiging pinakamhinhin sa atin sa mareness.com; at sa pagiging pinakamabait sa ating apat. I love you, Toshi.

***

***

23. JOHLOU (a.k.a. MOMS)

Sa pagiging laging laid-back sa ating lahat; sa ‘di paglalasing para siguro bantayan ang mga badings; sa nakakatuwang gift (okay naman siya, pinakinggang ko na); at sa pagiging understanding kahit malikot ako madalas at parang hindi matinong kausap.

***

***

24. RENZIE (a.k.a. THE PRINCESS)

Sa mga naunang pag-uusap; sa pag-intindi sa kawinrduhan ko; sa mga iilang yakap at halik; sa pagising kahit inaantok ka pa; at sa advanced gift (kung regalo man ‘yun; alam mo na ‘yun).

***

***

25. BENBEN (a.k.a. MY SWEET FRIEND)

Sa pagdala sa iyong napa-cute na date; sa pagsundo sa akin sa bahay paminsan-minsan para mag-coffee o uminom at magkwentuhan ng mga taong napusit na natin; para sa pagiging malambing lagi sa akin; at para sa pagkakaibigan (hindi lang dahil pareho tayong Kapampangan). I love you, Benben. (Hanap ka ni Mama).

***

***

26. MAMA (THE AUTHOR OF THE GOSPEL ACCORDING TO ADELAIDA)

Sa pagiging pinaka-perky na nanay sa mundo; sa mga oras na hindi ko na kailangang humingi ng tulong at nandun ka parati; sa pagtulong sa party ko kahit hindi ka nakapunta (at hindi ka naman talaga pupunta, if ever); sa pasimpleng pagtanggap na hindi ko talaga “bestfriend” ang mga nakikitulog sa bahay; sa pag-aalaga akin; sa walang sawang pagmamahal; at sa pagpilit sa akin na ipagtugtog ang iyong biniling CD na may favorite mong kanta na “Family Affair”. I love you, Ma.

***

***

Isang taon na naman ang lumipas. 25 na ako. Walang namang big deal tungkol dun. Gusto lang talaga naming maglasing. Kung masusundan ang party na ‘yan sa susunod na taon, hindi ko pa alam, may hang over pa ako. Pero ang importante, sa ginanap na white party ko, nalaman ko na ang tunay na sukatan ng pagiging masaya mo sa iyong kaarawan ay kapag hindi mo maaalalang nag-blow ka ng candles dahil sa sobrang kalasingan. CHEERS, MY FRIENDS, TATANDA RIN KAYO! MGA HAYUF! LOLZ

xoxo R

 

h1

My White Party!

Hulyo 10, 2008

Salamat sa mga sumusunod:

– nakaw na graphics

– sa MS PowerPoint (sinong nagsabing hindi sa Photoshop lang pwedeng mag-lay-out)

– sa supplies ni Boss

– kay Kuya Lhon for mailing the invitations (sa mga walang natanggap pero invited naman, tinamad ako, sorry naman, bigay ko na lang sa Saturday)

– sa aking mapagkakatiwalaang printer (Butsok Jr.)

– kay Otu (friend) sa pag-fold ng mga envelopes at pagpayag na gawin kong bodega ang kwarto niya sa mga gagamitin sa Sabado.

– kay Kambal (officemate) para sa mga binagay mong font styles (ang bagal tuloy ng laptop ko ngayon sa mga nakuhang virus galing sa PC mo. hanep.)

– kay Lamey (Babe, friend) para sa pag-aayos ng food for Saturday

– kay Van (friend) para sa pagiging excited lang at pag-amin na wala pa akong gift para sa Saturday

– sa Mareness.com para sa effort na pumunta ng Pampanga; para sa walang-habas na pag-jo-joke na grand sex eye ball ang party ko sa Sabado

– kay Boss # 2 para sa pagbili lahat ng alak (as in.. hehehe)

– kay Boss # 1 para sa pagha-hire ng “mga bartenders” para sa party sa Sabado.

– kay Friend ni Boss # 1 & 2 sa pagsagot sa beer

– kay Boss # 0 para sa envelope na may nakakatuwang laman. hehehe

– kay Dexter..hmmm.. leche, clear your sched, kailangan nandoon ka!

– kay Ate Terry na more dress, more fun ang laban

– kay Malayang Hugis na kahit dine-dengue yata ay sana makapunta

– kay Anne sa pagiging tunay na lalaki at pagpapakalat ng mga kwentong pangit ang ugali ko.

– at sa mga kasalukuyang tumutulong para hindi ako mapahiya sa Sabado.

h1

Gossip “Bangi”

Hulyo 9, 2008

I’m turning 25 this Sunday. However, my party will start on Saturday evening. With the invited guests already excited for my white party, a friend (G) came up with this friendster comment he posted on my account. Nakakatuwa lang. Thanks, G.


“lovers” na dapat “lover” lang kung tutuusin.

“pigagawan” means invented, or something like, “you’re making it up.”

“ninung” means sino.

“bangi” literally means “kaning-lamig” but in Kapampangan language can be operatively used as a verbal filler.



It all started with a joke that he was going to start this gossipgirl thing. It’s funny actually.

For those who are invited, see you on Saturday. Grrr can’t wait to get drunk. 🙂

h1

Sa aking pinakamamahal na nakakabatang kapatid…

Hulyo 3, 2008

Ilang oras mula ngayon ay lilipad na papunta ng Singapore (tapos pupunta yata ng kung saan-saan sa Europe) ang nakakabata kong kapatid na si Jay Jay. Nakakalungkot, yes; nakakatuwa, yes; baliw ba ang malungkot at masaya ng sabay, yes.

Pangarap ng Mama ko na maging marine ako (o seaman yata, not sure) noong bata ako; kaya siguro nagkunwari akong nagugustuhan ang HRM course sa loob ng halos tatlong taon. Ang pangarap na iyon ni Mama na magkaroon ng seaman sa pamilya ay naiputong sa aking nakakabatang kapatid.

Malimit sabihin ng mga barkada ko na, “ang cool naman ng kapatid mo,” dahil tuwing darating sila ay umaalis talaga itong si Jay Jay para siguro hindi masyadong awkward. Basta sigurado ako hindi naman nagagalit si Jay Jay tuwing nandiyan ang barkada ko. Ayos kami ni Jay Jay. Maliban na lang kapag nanonood siya ng WWE, wala kaming pinag-aawayan.

Kung nasa bahay kaming pareho, ilang beses siyang hihingi ng pagmerienda, ibig sabihin, ilang 50 o 100 pesos din ‘yun tuwing hihingi siya. Okay lang naman dahil makikita naman sa lumulusog niyang katawan [mas mataba siya sa akin, yehey!] na talagang sinusulit niya ang kanyang merienda.

Hindi ako sasamang maghatid sa airport mamaya, dahil ayaw kong makita ang iyakan nila ni Mama (at ni Tatay, kung iiyak man siya) at dahil may meeting ako trabaho bukas na ikakasesante ko kung hindi ako dadalo. Kahit sa kwento ko man ay parang close kami, kami ang magkapatid na hindi talaga nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Gaya ng mga panahon na may inuwi akong “kaibigan” sa bahay, wala itong sinabi. Kahit noong nakaraang bertdey niya nung April kung saan dumating ang mga kaibigan niyang mga gagu wala rin akong sinabi. O gaya na lang nung nagluto siya ng caldereta na mukhang pochero, wala na lang kaming sinabi.  Hindi ko rin maitanong sa kanya kung bakit nasa songlist niya ang mga kantang “Whenever you call” (Mariah) at ang pamosong “Fashionista”.

Wala man siya lagi sa bahay, dahil nasa Zambales siya nag-aaral noon, masasabi kong siya ang pinakamalambing sa amin tatlong magkakapatid.

Alam kong napilitan lang siya sa kursong kinuha niya.  Alam kong noong hayskul siya ay pinangarap niyang maging accountant.  Pero gaya ng madalas mangyari, gaya ng madalas gawin ng mga magulang na may mga “cliche” na pangarap para sa kani-kanilang mga anak, may mga pagkakataong kailangang magsakripisyo (na hindi ko ginawa, na nakabuti naman para sa akin) at sundin ang mga kagustuhan ng mga magulang.

Ngayong maglalayag na si Jay Jay, masasabi kong gusto na rin niya ang kanyang ginagawa.  Pinilit marahil ang kanyang kurso, pero nakita niya ang punto ng aking mga magulang.,  Ang punto ay, naghihintay ang magandang buhay sa kanya, naghihintay ang maginhawang trabahong marahil ay magbabago sa buhay niya.  Hindi ko kinailanganng (kahit na noong bata pa ako) na magkaroon maraming pera, ang makapag-abroad at makapag-asawa, ang magka-anak at magkasariling bahay.  Hindi ako ang seaman ng pamilya.  Hindi ako ang tatawaging “TFC” ng aming angkan.  Ang kaya ko lang ay maging kapatid na tumulong para maging seaman isa man sa aking mga kapatid.

Sa hinaharap, batid kong walang sumbatang magaganap, na hindi magagalit si Jay Jay sa piniling landas para sa kanya, dahil ngayon, hindi lang siya anak, hindi lang siya isang estudyanteng nangangarap, kung hindi isang taong may pag-asang mabuhay ng matiwasay at medyo angat sa buhay.

***

HIndi ko man masabi ng personal sa iyo ito, Jay,

“Mimingat ka.  Yakung bala kari Ma kabang ala ka.” (Ingat ka.  Ako bahala kina Mama habang wala ka.)

h1

The 4th Reading According to the Gospel of Adelaida (The Bongang-bongang Come Back)

Hulyo 1, 2008

Nasa bahay ngayon si Mama. Excited ako! Mga apat na buwan na siyang lumalagi sa nayon para alagaan si Lola na may karamdaman. Bago ako umuwi kanina, tinembrehan na ako ng aking nakakabatang kapatid na nasa bahay nga si Mama.

Lil Bro: “Koy, tsu ya bale i Mama.” (Kuya, nasa bahay si Mama.)

Me: “Tutu man?” (Ows?) (Really?) (Totoo man, dong?) lolz

Lil Bro: “Wa, paulyan ke pa.” (Oo, pinauwi ko muna [ng bahay])

‘Di na ako nag-reply, conceited na brother!

Habang nag-o-OT kasama ang aking kaibigang si Otu (Thanks, Gurl), excited na talaga ko umuwi. Wala kong ibang maisip kung hindi ang: CALDERETA! CALDERATA! (O BASTA KAHIT ANONG PAGKAIN NA HINDI AKO NAGLUTO!)

Pagbukas ko ng gate ng bahay, nakakatawang nakita kong tumakbo si Mama papunta sa kwarto. Alam kong balak akong i-surprise ng aking animated na nanay. Sinira ko na lang ang balak niya (kahit na nagtago pa talaga siya ng sandals para hindi mahalatang nasa bahay siya) at sumigaw ng “ubod-lakas” [love, love, love gamitin ang “ubod-lakads”] na,

I’m home mother!!!

Tumawa lang si Mama at para bang nakikipag-kumpitensya sa akin ay bigla na lang may pinakitang pineratang CD at sinabing,

Yan, atin nakung Family Affair!” (Yan, may [kopya ng] Family Affair na ako!)

Seryoso si Mama. ‘Yun talaga ang paborito niyang kanta. At hindi pa diyan nagtatapos ang usapan patungkol sa kanyang paboritong kanta.

Naupo ako, nakangiting pinagmamasdang ganito pala ang itsura ng bahay kapag malinis. Walang sabi-sabi ay nagkwento si Mama.

Mama: “Ay, balu mu, Yan, seli neng dara mu ini.” (Ay, alam mo ba, Yan, binili ng tita mo ito para sa akin.)

Me: Ah, pakanita ba? (Ah, ganun ba?)

Halos wala akong pakialam kasi tinitingnan ko ‘yung bahay, ang linis!

Mama: “Kukutang na pin nitang magtinda nung kaninu ya kanu.” (Tinatanong nga nung tindera kung para kanino.)

Me: Kaybat?” (Tapos?) [Iniisip pa rin na ang linis talaga ng bahay. Ow, folded clothes, astig!)

Mama: “Aba, syempre, sabi ku talaga kaku ya.” (Aba, syempre, sinabi ko talaga sa akin.)

Matapos ng konting senti-sentihan, usap-usap patungkol sa ilang linggong walang calderata sa bahay, kumakain na ako nung makisabay si Mama sa pagkain ko ng lechon kawali take-out na dala niya.

Bertdey ni Mama sa susunod na Sabado. Habang kumakain, naisip kong tanungin siya,

Me: “Ma, nanung buri mung regalu keng bertdey mu?” (Ma, anong gusto mo regalo sa bertdey mo?)

Mama: “Angang nanu.” (Kahit ano.)

Me: “Lagwa na, nanu pin?” (Dali na, ano nga?)

Mama: “Dakal naku malan. Enaku man bisang gamit keng bale.” (Marami na akong damit. Ayaw ko naman ng gamit sa bahay.)

Me: “Balu ku na!” (Alam ko na!)

Mama: “Nanu?” (Ano?)

[Drumroll, please.]

Me: Kurtina! *sabay tawa*

Mama: *sabog confetti*

Pambihira si Mama. Tsk tsk. Kurtina talaga ang gusto regalo sa bertdey niya.

***

Bilang pang-wakas na bahagi, pinapayuhan po ang mga mambabasa na huwag mang-husga, o kung manghuhusga man, ‘wag malakas at ipagkalat sa iba.

Habang nanonood ng TV (Ako si Kim Sam Soon pinapalabas) …

Me: “Kamusta na ka man keng bario, Ma? ” (Kamusta ka naman sa bario, Ma?)

Mama: “Ay, ita bang anak ng Rudy [Fernandez] ‘yan? Kalakad ne.” [Ay, ‘yung anak ba ni Rudy [Fernandez] ‘yan? Pareho sila kung maglakad.)

Alam ko na talaga na may kasunod na komento pagkatapos nun. Ito ang mga sumunod na tanong:

Mama: “Ot mete ya i Rudy [Fernandez]?” (Bakit namatay si Rudy [Fernandez]?]

Me: *nasamid sa pagyoyosi*

Mama: “Ot mete ya pin i Rudy [Fernandez] neh?” (Bakit nga namatay si Rudy [Fernandez] noh?]

Me: “Ay, Ma, eku balu.” (Ay, Ma, ‘di ko alam.) *Tawa lang ng tawa*

Mama: “Minta ku mu bario, ot mete ya?” (Pumunta lang ako ng bario, bakit siya namatay ?)

Me: *Masakit na tiyan sa kakatawa*

***

Nakakahiya mang aminin, kahit ayaw niyong tanggapin, sa lahat ng bumabasa, alam niyo na ngayon kung bakit namatay si Rudy, at ‘yan ay dahil nagpunta sa bario ang Mama ko.

***

Hanggang sa muli. May padespedida bukas sa bahay. May darating na mga kamag-anak. Malamang may isusulat pa ako bukas. lolz

***

Mga naisulat na patungkol kay Mama:

The 3rd Reading from the Gospel of Adelaida

The 2nd Reading from the Gospel of Adelaida

The Gospel According to Adelaida

Kari-MARIMAR-im

Ano ang Mangustin?