Archive for Setyembre, 2008

h1

Kakatwang Babasahin Issue 3

Setyembre 22, 2008

HIndi ako nakakabili ng tabloid, kasi nahihiya akong bumili at wala akong nadadaanang newstand papunta sa trabaho.  Ang subscription naman ng mga dyaryo ni boss ay puro mga local tabloids na laging nakabandera ang problema sa quarry operation sa Pampanga at ang pinaplanong pag-recall kay Governor slash Reverend Father Panlilio.  Kaya sa internet na lang ako nagbabasa ng aking paboritong pagtripan, ang Abante!

***

TOP STORY

CHRISTMAS BONUS IBIGAY NA!

Masasapul ng krisis sa Amerika ang Pasko sa Pilipinas. Ngunit may solusyon para mapagaan ang malakas na ‘impact’ ng problemang pinansyal na yumayanig ngayon sa buong mundo: pagpapalabas ngayon pa lang ng Christmas bonus at ang maagang pagpapatupad ng umento sa sahod ng mga government workers.”

Marami na naman ang magmamarunong patungkol sa ‘di umanong financial crisis sa Amerika.  Tsk tsk.  Gaya na lang ng Tatay kong napanood lang sa T.V. ang balita ay hindi na tumigil sa kakangawa patungkol sa magiging epekto nito sa mga bangko sa Pinas.

“Tay, hmmmm, wala ka namang bank savings, ‘wag ka na makialam.”

Nakakatawang isipin na parang hayok na hayok ang lahat sa Christmas bonus. Isabay na rin kaya ibigay ang mga hamon de bola at fruitcake para masaya na talaga?  Tapos ‘wag na tayong magtrabaho hangang December, tipong January na pasok.  Pambihira, September pa lang, mga abnuy!

***

CRIME STORIES

SINAWAY MAG-SHABU ‘LIVE-IN’ PINUTUKAN

Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos arestuhin ng kanyang mga kasama dahil sa panggugulpi at tangkang pagpatay umano nito sa kanyang kinakasama sa Mandalu­yong City.”

Tamang trip talaga.

Live-in partner girl:  Hey, live-in partner guy, why do you make “durog” [drugs]?

LIve-in partner guy: Oh, don’t make pakialam, I’ll make putok this baril on you.

Live-in partner girl:  Why are you galet?  I’m just nag-aalala.

LIve-in partner guy:  Just don’t make pakialam, okay?  You’re such a loser!

LIve-in partner girl:  Here, just make sunog the ganja, you’re gonna have gana pa to make kain madami later.

Live-in partner guy:  I said don’t make pakialam! [pinutukan si live-in partner girl.]

***

2 stude dinampot sa pandadakma ng dibdib

Natulala ang isang seksing saleslady nang yakapin at dakmain ang ma­lulusog niyang dibdib ng isa sa dalawang estudyante habang papasok sa loob ng simbahan kahapon ng madaling-araw sa Baclaran, Parañaque City.

Ang susunod na balita ay malamang ganito ang magiging takbo, “saleslady na dinakma ang suso, nagreklamo sa malaswang pagkakasulat sa dyaryo.

Mga tanong na kailangang sagutin [homework, kumbaga]

1.  Ano ang “stude”?  Ito ba ay pinasamang “student” at “dude”?

2.  Bakit dinakma ang mga malulusog na dibdib ng “seksing saleslady”?

***

ENTERTAINMENT

Dennis, kabado sa ‘Gagambino’

Kabado ba si Dennis sa ‘Gagambino’ dahil:

a.  Natatawa siya sa title nito kaya hindi sila matapos-tapos sa taping

b.  Natatawa ang mga kasamahan niya sa title, lalo na ‘pag binibigkas ang Gagambino

c.  Natatawa ang lahat sa title na ‘Gagambino’

d.  Nabaliw na lang silang lahat bigla

***

Baguhang aktor, nagpasilip

“NAGPASILIP ang baguhang aktor na si Ran Domingo sa launching movie niyang Binyag na magpi-premiere sa Oktubre 2, Huwebes, sa UP Film Institute ng UP Diliman, QC.

“Ang kanyang pagpapasilip bilang isang promdi na sanay magbilad ng katawan sa tabing-dagat niyang paraiso ay bahagi ng karakter niyang ginampa­nan na bantad sa mga Ikatlong kasariang nagnanasa sa kanyang katawan.”

Sagutin ang mga sumusunod at isulat sa kalahating piraso ng papel.  Isulat ang name at section sa gawing kanan ng papel.  Bawal ang cursive, maawa sa mga hindi masyadong marunong magbasa [gaya ko.]

1.  Kailangan bang nagpapasilip talaga ang isang baguhang aktor?  Ipaliwanag.  Not more than 3 sentences.

2.  Magbigay ng halimbawa ng mga paraan kung paano magpapasilip?  Give at least 4 examples.

3.  Ano ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapasilip, ayon kay Newton?

4.  Ano ang pagkakaiba ng “pagbibilad ng katawan” sa proseso ng paggawa ng daing.

5.  Kung makakaharap mo si Ran Domingo, ano ang gusto mong sabihin sa kanya?

6.  Ano sa Ingles ang katagang, “ikatlong kasariang pagnanasa.”

***

Mga Back Issues:

Kakatwang Babasahin Issue 1

Kakatwang Babasahin Issue 2

h1

Hello, boredom, here I come!

Setyembre 22, 2008

So, wala talaga magawa sa mga nakaraang araw.  Para akong artist na naghahanap ng inspirasyon.  Instead, ang nahanap ko, sakit ng tiyan habang nakatambay sa Tarbaks kasama ng mga iilang kaibigan habang walang-habas kaming nang-iiinsulto ng hindi nila nalalaman.

Walang matinong balita.

Mga bagay na ayaw naman natalaga nating malaman pero ipanapakita sa T.V.

– Mga bagay-bagay patungkol kay Bong Revilla at kung nag-aaway ba sila ni Lani Mercado

– Kung ano ang pakiramdam ni Sam Milby sa kanyang butt exposure sa Dyosa.

– Mga dating nakarelasyon ni Janno Gibbs.  Tangina, tantanan na ‘yung Janno-Manilyn joke, nakakaumay na.

– Kung bakit biglaang umuwi si Pacquiao dahil namiss ang pamilya.

– Mga nagsusuntukang tambay sa isang lugar sa Quezon City.

– Kung kailan magpapakasal si Judy Ann.  Pakialam ba natin dun?

– Kahit anong reaksyon ni Lolit Solis sa kahit anong isyu.

– Mga sumeplang na kontrata ni Gabby.  Tandyakan ko pa sa mukha ‘yan eh.


‘Yun muna.  Galit ako.  Bakit ba?

h1

Steady Bird na naman

Setyembre 18, 2008

May mga panahon na dumarating ako sa punto na para akong bear na nagha-hybernate.  Hindi ako boredBusy nga ako sa dami ng trabaho sa opisina, pero ayaw ko namang idahilan ‘yun kaya wala akong maikwento sa mga nakaraang araw/linggo.  Matatapos na naman ang linggo; paggising ko mamaya, Biyernes na naman.  Dumaan ang linggong ito na hindi ko namamalayan.  Kahit tutukan mo ako ng baril ngayon, hindi ko matandaan ano ang ginawa ko noong Lunes.

Hindi ako kulang sa tulog.  Hindi rin naman malungkot.  Pinipigil ko ang pagtaba sa pamamagitan ng pagpapapawis tuwing tapos na ang trabaho.  Nakakapaglasing naman ako tuwinng weekend.  Normal ang buhay, ika nga.  Wala nga lang exciting na nangyayari (maliban na lang sa very wholesome date kagabi.  ‘Wag nga pala kayong manonood ng I.T.A.L.Y. pangit lang, promise.)  Maya’t maya ang mga text ng mga kaibigan ko, kung joke man o hindi, i-se-share ko na rin.

Mga text messages ng mga kaibigan ko (or at least kung paano ko naiinitidan.)

– May gustong maglaslas gamit ang blade

– May nakikihati sa blade para ipanglaslas din

– May nagpapa-abort [na naman]

– May iniwan ang matinong boyfriend para magtampisaw na ilusyon na mamahalin siya ng “dreamboy” niya

– May umuutang ng pera

– May gustong makitulog sa bahay kunwari

– May walang trabaho at nagtatanong ng job opening

– May nagrereklamo na walang tulog

– May nagtatanong kung kamusta na nga ba kami ni [insert name/s here]

– May gustong mag-resign sa trabaho

– May nagyayaya ng inuman ng 9:00 a.m., halatang callcenter agent ang hayuf. (love you, lesbianang anne)

– May nagtatanong kung narinig ko raw ba ‘yung malakas na kulog kagabi (kamot ulo)

– May nagpapabili ng maliit na aso (‘yung hindi raw mabuhok at mga four thousand lang ang presyo) [by the way, venn, sabi ni boss mga 5k daw mininum]

– May iniiyakan [ng paulit-ulit] ang mga walang kwentang lalaking kanila pang iniibig

– May nagtatanong ng kung paano maglakad ng papeles sa tax division

– May nagpapaalam na hindi papasok dahil may inaasikaso

– May magpaparamdam lang para sabihing matutulog na siya

– May magtatanong kung pwede kang puntahan

– May magpapasalamat sa kadahilanang hindi na kailangang banggitin

– May hihingi ng kapatawaran, pang-unawa, at pag-intindi

– May nagpapasalamat at diretsahang sinabing may second date pa


Minsan hindi ko na kailangang mag-isip pa ng kung anu-ano.  Nagkalat ang problema, ang mga nakakatawang bagay, at mga nakakatuwang pangyayari na maari kong isipin habang sinusubukang ipahinga ang isip.  Pasasasaan ba at magkukwento na naman si Mama ng kanyang mga nakakabaliw na istorya.

HIndi ko alam ang mangyayari sa mga darating na buwan.  Ang napipintong pagpasyal ko sa susunod na linggo sa Baguio kasabay ng trabaho ay hindi ko rin masyado pinag-iisipan.  Siguro makakahanap ako ng exciting dun.  Siguro gaya nung April, makakahanap ako ng pwedeng ikwento, pero sa ngayon, steady bird lang ako, payapa ang mundo.

h1

Verbatim

Setyembre 1, 2008

Ilan sa mga motto ng mga candidates

sa isang Mutya ng Something-Something

na ginanap kamaikailan:

Candidate # 1:

“The only constant in this word is changes.”

***

Candidate # 4:

“Obey first before you complain.”

***

Candidate # 8:

“Kapag walang bulsa, walang pera.”

***

Candidate # 11:
“Blood larger than water.”

***

Candidate # 12:

“Being over practicality one’s loose your morality.”

***

Candidate # 15:

“Love is like a war easy to begin but heard to end so when you fall in love choose the one who is wealing to fight the war until the end.” [Hala, nagkwento si Ate.]

***

Candidate # 18:

“No woman don’t cry.” [Ito ang favorite ko.]

***

Mga thread text messages galing sa mga baliw kong mga kaibigan:

Text message from Toshi:

I’m talking with jewel

misch of

starstuck.hehehe d2 s

bday party ng uncle ni

janina san

miguel…kaka2wa xa. 🙂

Toshi, question:

– Sino si Janina San Miguel?

(‘yung photo sa ibaba, hinanap ko pa talaga.)
– Sinong nakakatuwa:

a. Si Jewel Mische?

b. Si Janina San Miguel?

c. Uncle ni Janina San Miguel?

***

Thread Text Message from Denver [d] with commentaries from Van [v], Me [r], & Babe [L]

[d] anakputa (translation, “tangina”),

kung hindi matandang

bakla, babaeng

kaladkarin saka

babeng heswita ang

mga tumatarget s kin.

Shet naman oh.

[v] rolfmao 48 (translation, mahirap i-explain, basta natawa siya, readers.)

[r] what is babaeng

heswita? Matandang

bakla like eric cruz?

Babaeng kaladkarin

meaning britney?

[L] wahahaha.. 🙂

***

Thread Text Message from Me [r], Umay, and Toshi:

[r] ano yung sinisigaw

ng dyosa when she

made palit from isda

to nakedly

kaderder? 🙂

[umay] uhmmmmmmm….

“walang kakain hanggat

walang nahuhuling isda”?

[toshi] “ang kilabot at

ang pekpek” lol

***

Clearly, baliw mga friends ko.