Archive for Oktubre, 2008

h1

Paano Lumipad? Season 3

Oktubre 30, 2008

Nasubukan na naming lumipad sa harap ng opisina ng isang kliyente.  Nasubukan na naming lumipad sa maduduming dalampasigan ng Bataan.  Halina’t samahan niyo kami ni Otu (kasama ni L) sa aming pagsubok na lumipad sa isang swimming pool ‘di kalayuan sa amin.  Ito ang “Paano Lumipad Season 3”

Ang mga sumusunod ay naganap ilang linggo na ang nakakalipas [basta matagal-tagal na, nakalimutan ko na talaga, anu magagawa ko?  Bakit ka nang-aaway?  Galit ka na niyan?  Eh bakit ka sumisigaw?] (baliw!)

 ***

1.  MAGPANGGAP NA MAY HAWAK NA MALAKING PICTURE FRAME. 

Kalimutan ang medyo lumaking tiyan dahil sa kanin, iisipin mong makakatulong ang pag-i-imagine na may dala kang malaking frame.  Ang kaya lang gawin ng malalaking photo frame ay matulungang kang mag-tip-toe.  Subukan ang mas malaking photo frame sa susunod.  Mas makakatulong ang mga ganitong style kung susubukan naming mag-ballet.

***

2.  MAKITALON KASABAY NG BABAENG NAKA-ORANGE

Habang nagpapatuloy ang aking “no-to-orange-t-shirt” campaign, hinayaan ko na na naka-orange na polo shirt si L [super mayaman naman, hayaan na natin] sa kanyang pagsali sa aming pagsubok kung paano lumipad.  Sa bandang huli, hindi rin kami nagtagumpay.  Malaking factor ang may kasama kang naka-orange, promise.

***

3. MAG-POOPOO SA POOL

Habang sikat-sikat ang mga joke na kapag nasa pool ay maraming “jumi-jingle” at “pumu-poopoo”, kung gusto mong lumipad, ‘wag pansinin amoy [L] at ‘wag magpa-cute sa camera [me].  Ipunin ang lakas at itulak ang tubig sa pamamagitan ng pagtitig dito [Otu], at sigurado, aangat ka [ito na rin siguro ang pagkakataon mo, Otu, para ipagyabang ang namumutok mong “muskels”.

***

4. MANDIRI SA WATER AND/OR SUBUKAN ANG AMPUTATION

Isa sa pinaka-epektibong paraang ng paglipad ay ang “tuwirang” pagpuputol ng paa at hita.  Pero kung magkukulang ka sa budget (at paa lang ang kaya mong ipaputol), mahihirapan kang lumipad, gaya na lang sa nangyari sa akin.  Naging matagumpay naman si Otu sa kanyang pagsubok na lumipad sa pamamagitan ng pag-iisip na, “OMG, the water is sooooooo dirtttwwwwwwiiiieeeee!” [Ang arte lang.]

***

5. IPAGMALAKI ANG TALAMPAKAN

Habang pinipilit ni Otu na umangat sa pamamagitan ng geometry at pag-ka-calculate ng kung anu-anong straight lines at iba-ibang angles, mas madaling lumipad kung ipagmamalaki ang namumula mong talampakan.  Sipain ang tubig at ang hangin at humawak sa namumuong sama ng panahon, at sigurado, lilipad ka rin.

***

6.  KUMAWAY SA MGA ISDA AND/OR MAGDASAL KAY “NOU-II-EE” GODDESS

Madalas ay makita sa TV ang mga dokumentaryo tungkol sa mga lumilipad na isda.  Hindi mo malalaman ang sikreto ng paglipad nila kung hindi ka makikipagkaibigan sa mga isda.  Gaya na lang ni Otu, na nakalipad matapos masabihan ng mga isda kung paano umangat sa tubig, ay masayang kinakawayan ang mga isda bilang pasasalamat.  Sa akin namang konsentrasyon at mataimtim na pagdarasal kay “Nou-ii-ee” goddess, mahimalang umangat ang mga paa ko habang nagdarasal. Salamat, mahal na “Nou-ii-ee” goddess.

Goddess of scrabble and levitation

h1

Egyptian Monkey at ang cellphone load hacking

Oktubre 14, 2008

Ganito ang kasalukuyang sitwasyon sa amin:

– ang mga mahihirap na wala yatang pang-load ay nakahanap ng paraan para “mang-hack” ng load ng ibang Globe users. Ito ang tipo ng pagnanakaw na kahit wala kang ginagawa sa cellphone mo eh nababawasan ang load mo at napupunta sa kung sinong mang patay-gutom na nang-hack ng load mo.  Mula .80 pesos hanggang sa bagong load na 300 pesos, nakukuha ito sa ‘di ko maipaliwanag [sort of ‘di ipapaliwanag kasi medyo komplikado] na dahilan.

– galit na galit ang mga nananakawan ng load.

– hindi pa ako nananakawan ng load [‘di ko alam bakit.  Gusto ko tuloy manakawan ng load para maiba lang.]

– tuloy-tuloy ang nakawan ng load sa cellphone at karamihan ay takot ng mag-load dahil baka masayang lang.

***

October 14, 2008

9:01 a.m. [late ako, syet, ang dalang na lang]

Pagdating ko ng opisina, mahimalang maaga si Boss [kaya nasermon ako, syempre, lagi naman eh], pero okay lang, sabi ko sa sarili ko, ‘wag sirain ang araw, ‘wag mamamaktol at ‘wag papatulan ang anu mang kagaguhan sa paligid.

Bukas ng cabinet [o kung anu man tawag dun sa may susian], upo, sindi kay Edward [the office laptop], adjust ng volume ng phone headset kasi may nag-e-effort na mag-good-morning.

“Goodmorning…”

Pinatay ang tumutugtog sa cellphone pero ‘di tinanggal ang headset [para kunwari nag-sa-soundtrip pa rin] para maka-iwas sa early-morning small talk na naging hobby sa opisina.  Kunwari nakatitig sa screen ni Edward kahit hindi pa ito nakasindi.  Hindi ko naiwasan ang makinig sa usapan ng mga sa opisina.  Pagkain na naman ang usapan.  Pagkain. Pagkain.  Pagkain.  Hangang sa maiba ang usapan.  Yehey!  [Kahit hindi ko pa alam nung mga oras na iyon kung ano talaga ang pinag-uusapan.]

‘Di umano ay may nananakawan ng load; nag-load daw siya ng 300 pesos at nung mag-check siya ng balance, 10 pesos na lang.

Akma ko namang naalala ang isang reklamo ng kasama ng isang kaibigan ko [na itago na lang natin sa pangalang Egyptian Monkey]

***

Egyptian Monkey:  Oh, hello, kuya!

Egyptian Kuya:  Hi……

Egyptian Friend:  Sama ka, Egyptian Monkey, may bibilhin lang kami sa mall.

Egyptian Monkey:  O sige! Wala rin naman ako gagawin!

*Lakad, lakad ng konti, lakad ng konti, lakad*

Egyptian Monkey:  Kuya, okay lang na kasama ako?

Egyptian Kuya:  May magagawa pa ba ako? [kuha ng yosi at sinindihan]

*Lakad, lakad ng konti, lakad ng konti, lakad*

Egyptian Monkey:  Kasi wala rin naman akong gagawin sa amin.

Egyptian Kuya:  Ganun ba? [sabay lakad ulit, medyo nagpauna bago makapatay ng tao]

Egyptian Monkey (kausap si Egyptian Friend o malamang ako o kaya kausap niya lahat):  HEEEEEEEEE! NAKAKAINIS! PAYB [FIVE] PESOS LANG NA-HACK KONG LOAD!!!! KAASAR!

*end of Egyptian story*

***

Malay ko bang seryoso si Egyptian Monkey sa pagnanakaw ng load.

Balik sa kwento…

Dahil siguro nagsawa ako sa kakarinig ng mga kwento patungkol dito, hindi man ako nanakawan ng load, eh napagtripan kong “maliwanagan” sa isyu na ito (kasama ang kaibigan kong nagrereklamo na rin sa nangyayari).  Tumawag ako sa customer service ng Globe.

*dial 211*

*ring*

*disconnected*

*dial ulit ng 211*

*madami sinabi na numbers, tipong, “if you want to know more about your crush, press 567; if you want to know more about life, press 298; if you want to know more about how too cook kare-kare, press 198.”

*tapos bigla akong na-transfer sa isang customer service representative*

CSR:  Hello, this is Charlie.  How may I help you?

Me: hmmmmm… [tapos tinanong ko si Otu kung ano nga ba itatanong namin]

Otu:  Tanong mo kong bakit nananakaw ‘yung load ko.

Me:  There! Pinapatanong ng friend ko kung bakit daw nanakaw load niya? [tawa kami ng tawa ni Otu, para kaming mga timang.]

Charlie:  So, sir, hindi po kayo involved?

Me:  Or let’s just say it’s a general question and gusto ko malaman ‘yung answer. [hagikgikan sa background]

Charlie:  Sir, before anything else [blah blah blah protocol and whatnot]

Me:  [Tapos kinwento ko ‘yung nangyayari sa amin, tipong ako yata unang nag-inquire kung bakit nangyayari ‘yun.  Kahit anong gawin kong paliwanag, parang hindi ako “gets” ni Charlie.]

Natapos ang tawag ko na “noted” at “manager” lang ang naintindihan kong sagot ni Charlie.  Natapos ang tawag na walang ginawa si Charlie kung hindi sabihing, “Baka naman nag-expire na ang kanyang unlimited?  Baka naman po may subscription siya na hindi niya alam?  [Duhhhhh] Baka naman po tanga ako at wala talaga akong alam isagot ngayon kaya pinahaba ko na lang ‘yung phone call?”

Ang dalang mo lang humingi ng “real help”, wala ka pa maasahan.  Minsan kapag natipuhan ka pa ng CSR, kukunin number mo at ite-text ka matapos ang shift niya para magyaya ng laswaan.  [For the record, hindi po ‘yung Charlie.]

Hindi rin natapos ang usapan sa “cellphone load hacking” hanggang sa tindahan malapit sa amin.  Ang napansin ko lang, sa araw na ito, mga limang (5) text messages lang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko, hindi maganda ‘yun.

Pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ng masayahin kong Nanay.

Mama:  Hello!  Ot ngeni ka pa? (Bakit ngayon ka lang?)

Me:  Pintalan ke i Lamey. (Pinuntahan ko si Lamey) [friend]. [Sabay pasok ng kwarto.]

Mama:  Text me pala i wali mu — (Text mo nga pala ‘yung nakakabata mong kapatid –)

Me: Na atsu Europe?  Eku bisa.  Saka ala kung load. (Na nasa Europe?  Ayaw ko nga.  Saka wala akong load.)

Mama:  Ot eka mag-load? (Bakit hindi ka mag-load?)

Me:  [Tapos kinwento ko ‘yung kanina ko pa kinukwento pwera ‘yung tungkol kay Egyptian Monkey]

Mama:  Ah pakinita ba? (Ah ganun ba?)

Me:  Apparently maha-hack la reng load (naha-hack ‘yung mga load.)

Mama:  Ahh.. cloning

Me:  Cloning pala eh. [mga isang oras ako tumatawa.  Si Mama talaga!]

h1

Almost Chubby

Oktubre 13, 2008

Hindi ako sanay na masabihan [kung compliment mang maituturing] na mataba o tumaba o tumataba ako.   Sa naalala ako, huli akong naging tabain ay noong grade 6 ako.  At dala marahil na naging mahirap ang buhay ng pamilya namin noong umapak ako ng hayskul [Tama ba, Mama, bumagsak ba business niyo ni Tatay non?] eh nag-umpisa akong maging balinkinitan [Hello, Otso].

Mga dalawang linggo na nakakaraan, habang nakukuba ako sa dami ng trabaho sa opisina, habang hindi ko magawang makadalaw sa mga kaibigan ko sa Manila [Hello, Venn.  Hello, Mareness.com], at habang wala talaga akong choice kung hindi ang magpuyat at tapusin ang mga trabaho, hindi ko napansin [kunwari]  na kain pala ako ng kainOkay lang sana kung walang masamang epekto ito, kaya lang, [at ito lang talaga ang dahilan, promise], tumaba ako ng sobra na parang [para lang talaga huh?] wala na akong kasyang damit sa closet ko.  Mapa-pantalon o shirt man ‘yan, wala talagang kasya [o kung kasya man, hirap ako huminga].

Naisip ko, “walanghiya, hindi yata umuubra ang pagpapawis halos araw-araw.”  Sa paghahanap ng matinong maisusulat na blog enty [dahil lately wala talagang mga jokes at kwento si Mama na pwedeng isulat, dala marahil ng kanilang away-magkakapataid sa mga naiwang “ari-arian” ng yumao kong Lola], eh naisipan kong halukayin ang mga naipong “letrato” ni Ruth [the digicam].

Heto ang mga sumusunod na naipong ni Ruth [maliban syempre sa mga potential friendster photos na hindi ko na lang i-po-post dito baka mahalatang conceited ako]:

Exhibit 1

Sa isang lokal na restaurant slash bar sa amin, nakahiligan naming magpalibre ni Otu [friend/officemate] kay Daddy Bigas [boss ni Otu na mahilig magpulutan at uminom at mag-videoke at magpanggap na bading].  Martes siguro ito ng makunan, mga around 6:00 p.m.  Makikita sa larawan ang [ayon sa menu ng bar] “Julianna Mussels” [‘di ako sigurado sa spelling, tanga lang].  Sa likod ng pinasosyal na tahong ay ang calderatang ostrich, kasabay ng pag-extra sa side ng San Mig LIght.

Exhibit 2

Ito naman ang design ng ceiling ng restaurant slash bar [na ‘di ko talaga papangalanan kasi ‘di naman kailangan].  Nakunan din ito noong araw na iyon.  Kinunan ko yata ito habang nakikipag-away si Daddy Bigas sa overpriced na tequila shot ng bar.  Natalo sa away ang bar dahil hindi na umorder si Daddy Bigas.

Exhibit 3

Kinabukasan, pagkatapos ng office hours, bumalik na naman kami nila Daddy Bigas at Otu. sa kanlungan ng  pinasosyal na tahong  Makikita ang napaka-familiar na Julianna Mussels [ano ba talaga spelling?].  Katabi ng [again] pinasosyal na tahong ay ang sashimi at sa likod nun ay ang ibang luto ng ostrich na nakalimutan ko na [basta ostrich ‘yun].  At mawawala ba ang San Mig Light?  Kunwari hindi busy sa trabaho, kunwari wala masyadong pending na projects, masaya kami nag-inuman.

Exhibit 4

Ibang anggulo ng ceiling ng restaurant slash bar na kinunan sa second day ng aming after-work inuman session.  Pangalawang araw ng paggising ng may hang over at nagpapawis ng beer habang nagpapanggap na nagtatatrabaho.  Masama din ang epekto ng mga tahong kinaumagahan dahil, hmmm, malay ko.

Exhibit 5

Day three ng aming after-work inuman session, hindi pa rin talaga namin tinigilan ang ostrich menu ng restaurant slash bar.  Umorder si Daddy Bigas ng ostrich dumplings.   Kinubukasan, nag-unahan kaming tumangging lalabas after work.  Umabot din ng tatlong araw ang after-work inuman session.

Exhibit 6

Bago ka pa mag-isip ng kung anu-ano, hindi ako kumain [o kumakain] ng tutubi.  Huwebes na iyo ng magkayayaan kami ng mga kaibigan ko na tumambay at mag-relax sa Tarbaks [Starbucks].  Mula noong magbukas ang pinakamalapit na Tarbaks branch sa amin, naging madalas ang pagkikita namin sa Tarbaks para magpanggap na mayaman at manlait ng mga dumadaan papasok at palabas ng SM Mall.  lol

Kuha ito sa Tarbaks ng isang tutubi na napansin kong animo’y gusto ring umorder ng Mocha Frappe Venti.

Exhibit 7 & 8 respectively [may Ingles talaga?  Respectively pala eh. hahahhaa]

Huling araw ng trabaho at weekend na naman, Biyernes ang araw na bawal tumanggi sa kung ano man dahil wala kang pwedeng idahilan para tumanggi.

Itinuturing na pinakamasarap na sisig sa Angeles [not for me], ang Aling Lucing’s Sisig ay isa ng cliche kapag mag-iinuman.  Walang maisip na pulutan, umorder ng sisig; walang hapunan, umorder ng sisig; walang hanapbuhay, mag-pokpok sa Japan.

Makikita ang karatulang ‘yan [sa pagkakaalam ko] sa pinaunang branch ng Aling Lucings.  Para lang itong karatula sa peryahan na kung saan may mga tipong, “Nadia, ang babaeng ibon; Isadora, ang babaeng mukhang isaw; Procorpio, ang taong lobo.”

Mga bagay na hindi ko nga pala kayang sagutin:

1.  Saan nakatingin si Ate noong kunan ‘yung Exhibit 8.

2.  Sino ang pumaslang sa namayapang Aling Lucing.

***

Sa kasalukuyan, medyo hindi na akong mukhang tabain dahil:

1.  ‘Yun ‘yun gusto kong isipin. [in denial pala eh.]

2.  Hindi na masarap kumain ng marami [kunwari.]

3.  Nagbabawas na ako ng rice intake. [na masakit, promise.  Nahihilo ka maghapon.]

4.  Regular na ang pagpapapawis. [sinungaling.]

5.  Nagkulong ako bahay noong city fiesta noong Linggo [at pinamigay sa kapitbahay ‘yung dalang ulam ni Mama galing kina Tita.]

6.  Hindi ako nagsasaing kahit mamatay na sa gutom ang mga magulang ko.

7. Hindi na madalas pumunta ng Tarbaks. [kunwari walang pera.]

8.  Wala ng after-work inuman session [‘yan ay dahil nasa out-of-town three-week seminar si Daddy Bigas.]

9.  Kasya ko na ulit ang mga damit ko. [kunwari hindi na mahirap huminga]

10.  Hindi na midnight snack ang kalahating kilong baboy.

h1

Magpapasko na: Deal or No Deal?

Oktubre 6, 2008

Aminado ako, gusto ko ang pakiramdam na paparating na ang Pasko, New Year, at lahat ng pagkain na hindi naman talaga kailangan pero hinahanda pa rin (gaya ng Keso de Bola at fruit salad [magkakarne po ako].  ‘Yung makita ko lang na excited si Mama na itayo ulit ‘yung binili kong Christmas Tree noong nakaraang taon sa kanya, masaya na ako; mas masaya ang ideya na hindi na siya hihingi ng bagong sala set sa akin bilang regalo niya sa Pasko dahil nabili ko na siya noong nakaraang taon [unless maging tradisyon ang taunang pagpapalit ng sala set].

Masaya din ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon (magmula ng mag-umpisa akong magtrabaho) ay hindi ko na obligasyon ang ibili ang mga pamangkin ko ng mga isusuot na damit [and whatnot] at nang sa ganoon ay presentable silang mang-harbat ng pera [ibig sahinin, namamasko].  Excited ako na magpapasko na dahil magbabayad na ng utang ang mga pina-utang ko ng pera [meaning si Kuya.  Kamusta ang Taiwan?]

Habang nag-iisip si Mama kung ano ang ihahanda sa Pasko, naiisip ko rin naman ang magandang naiidulot ng Pasko sa mga tao.

Maraming pwedeng ireklamo sa paparating na Pasko; gastusin, mga kailangang bilhin, ano ihahanda, paano pagtataguan ang mga inaanak, the cliches.  Pero ang kailangang alalahanin, ang kailangang isiping mabuti, na ang Pasko ay nabuo [o sa tinagal ng panahon ay naging kung paano natin sinasalubong ngayon] dahil pinili ni Pareng Baby Jesus na iluwal [‘di umano] sa isang Kenneth Cole na sabsaban.

***

Mga hindi ko dapat ibahagi sa publiko pero isusulat ko na rin patungkol sa Pasko at mga kaakibat na bagay patungkol dito

1.  Para bang Hamon de bola, lagi — as in lagi — may nilaga tuwing Pasko o Bagong Taon sa bahay, na hindi naman nakakain kaya asahan ang maya’t-mayang pag-de-deliver ni Mama ng mangkok-mangkok na nilaga sa mga kapitbahay.

2.  Napag-iwanan ako ng ibang bata noong bata pa ako dadil tinitipid ni Mama ang mga “pamaskong get-up” ko.  [120 pesos na shirt at pantalon + lumang sapatos = pamasko.  Pambihira.]

3.  Hindi naging tradisyon sa bahay ang magsalu-salo [Noche Buena at ano nga ba ‘yung isa pang Spanish word for super lamon dinner?].  Habang mahimbing na natutulog ang aking mga magulang, ako naman ay nakikipagtapunan ng Red Horse sa mga “dati” kong barkadang adik na sinasamahan ko na lang tuwing Pasko at New Year dahil…hmmm.. no choice.

4.  Ginagawa ko ng tradisyon ang manood ng mga nakakaiyak na pelikula, gaya ng Magnifico at Kailangan Kita, tuwing Christmas night [‘yun ay kung hindi ako lasing at nakikipaglaswaan.

5.  Tuwing Pasko [pagkatapos umalis ng mga magulang ko papunta sa ibang kamag-anak], darating ang mga kaibigan ko sa bahay para maglasing, manood ng TV at DVDs, at para alipinin ako sa pagluluto maghapon.

6.  Hindi ko rin ugali ang magregalo tuwing Pasko [hindi dahil nagtitipid ako].  Ang akin lang, bakit ako magpapangkap na mabait, maalalahanin, dahil ginugunita ang isang bahagi ng Christian mythology?  Kung ginawa ko ang pagpupugay sa tuwing may “momentous event” sa ano mang larangan ng literatura, namulubi na sana ako noong college noong pina-assignment sa amin ang sandamakmak na climax ng bawat classical, contemporary, at ancient literature pieces.

***

MAIKLING MENSAHE PARA SA MGA HINDI KAPAMPANGAN NA BUMABASA NG BLOG ENTRY NA ITO:

“Hindi ko alam kung saan makakabili ng pinakamurang parol.”