Archive for Nobyembre, 2008

h1

Ang Dugo ni Santa Claus

Nobyembre 20, 2008

Napabayaan ko nga siguro ng “konti” ang blogsite ko.  Pero madalas ko ngang sabihin sa sarili ko, “Rai, hindi tamagochi ang blogsite mo, hindi naman ito mamatay kapag hindi mo inasikaso.”  Tapos naisip ko, malamang tama ang sarili ko, malamang may madadaan pa rin para magbaka-sakaling may bago na naman akong kagaguhan na isinulat.  O ‘di kaya naman ay paraan ko lang ito para ipaalam na bago na ang heading ng aking blogsite at ni hindi ko man ito naianunsyo sa aking “iilang” “kunwari’y” masugid na mambabasa.

***


Patuloy ang laban ng mga mahihirap na Pilipinong nagbabaka-salakali (at minsan’y anino’y sigurado) na magiging maganda ang kanilang mga buhay dahil sa tatanggaping bonus/13th-month-pay.  HIndi ako sigurado dun.  Basta ang alam ko lang, may mga kailangang akong i-kwentong hindi ko man kayang ipagdugtong-dugtong (yata) ay makakabuo naman ng isang magandang simula ng aking pagsusulat sa walang ka-kwenta-kwentang buwan ng Nobyembre (except for your birthday and bar opening, Dad.  ‘Yun masaya ‘yun.)


Unang kwento:

Dahil hindi na ako madalas makapunta sa Manila (I sounded so probinsyano, in fairness), kapag napupunta ako sa Manila, super excited ako.  May Tarbaks naman dito sa Angeles, may mga makakalandian naman, may mga iilang raket din naman na pwedeng pagkakitaan (not that wala akong  trabaho), pero syempre, kailangan ko rin namang makita ang mga kaibigan kong “Maynilain; binubuo ng mga kaibigan na nakilala ko sa isang Friday Night thing sa Gateway at isang  naging kaibigan sa dati kong raket sa Makati (mag-iisang taon ko nang hindi nakikita). [Miss you, Venn.]

Ganito ang set-up.  Kasabay ang super mayaman kong friend (na masahimalang nagyaya na sumama at take note, mag-commute papunta ng Cubao), tumulak kami papunta ng Gateway.  Isang dyip bago sumakay ng bus papunta ng Cubao, masaya kaming nag-ku-kwentuhan at pasimpleng nanghahamak ng mga kasabay namin sa dyip.  Pinipilit ko noong ubusin ang binili niya para sa aming dalawang Coke Cherry, na ang weird ng lasa, promise.  Hindi naman malamig pero naka-jacket noon ang kaibigan ko.  Tapos dahil bored na ako at wala na kaming alam pagkwentuhan, naisip kong itanong na kung bakit siya naka-jacket eh ang init-init.

“Bisa kung mag-jacketFeeling ku ing hangin na-karinat!” (Gusto kong mag-jacket! Feeling ko ang hangin ang dumi!)

Ang arte arte lang!  Wala pa kami sa Cubao, tipong, “hello, probinsiya pa ito, my friend,” eh nag-inarti na.

***

Pangalawang kwento

Kamakailan ay nagpatulong ang aking Boss na ayusin (o kasalukuyang inaayos) ang isang, tawagin na lang nating, “personal na okasyon” para sa kanya.  Bawal kong sabihin kung ano ito, at isa na ring dahilan ang kahit paano ay iniisip ko pa rin na marahil, marahil lang naman, ay nagagawa niyang bisitahin ang aking mumunting blogsite, na lagi, kung tutuusin, ay hindi naman talaga tungkol sa kanya.

Ganito ang nangyari:  Kumakain kami ng lunch sa isang popular na chicken specialty restaurant na kapag sinabi mo ang pangalan sa mga Angelenos ay ang unang itatanong sa iyo ay, “Totoo bang kina Antoinette Taus ‘tong restaurant na ito?” imbes na itanong kung anu masarap kainin.  Masarap naman ang pagkain.  Mukhang tipong 15 taon ang mga checkered table cloths at mukhang malapit na mag-pensyon ang lahat ng waitstaff sa katandaan.  Masarap ang iced tea nila?  (Bumawi pala ako eh.)


Kasama si Boss, dalawang finance department girls, at ang aming layout artist na si Kambal, na pinangalanang Kambal dahil hindi nagkataong kapangalan ko siya, ‘yun ay dahil may kakambal talaga siya.

Masaya ang lahat, dahil parating na ang pagkain; masaya din ako dahil sa ‘di malamang dahilan ay biglang umiyak ang isa sa mga finance department girl, may personal emotional baggage yata.  Naiwan kami ni Kambal na nag-ko-kodakan sa kanyang bago at mamahaling camera.

Me:  Balu ku na kaya mengaga ya. [Alam ko na kung bakit umiyak siya.]

Kambal:  Bakit? (Seryoso at patuloy sa pag-ko-kodak sa akin at sa kung saan man tumama ang camera)

Me:  Kasi ngeni da pa pebalu kaya na ene man talaga tutu i Santa Claus. [Kasi kailan lang pinaalam sa kanya na hindi naman talaga totoo si Santa Claus.]

Kambal:  Ay, balu mo, itang kayabe ko, e mamangan spaghetti. (Alam mo, ‘yung kasama ko, hindi kumakain ng spaghetti.)

Me:  Really??? (Malakihang acting, para mas nakakatuwa.  Tapos inisip ko, anong kinalaman ng spaghetti kay Santa Claus?)

Kambal:  Wa! [Oo.]

Me:  Bakit naman?:  (Malakihang acting ulit.)

Kambat:  Pakanini kasi ‘yan.  Na kanung anak ya, sinabi da kanu kaya na ing spaghettisauce, daya ng Santa Claus. [Ganito kasi ‘yan.  Noong bata raw siya, sinabi daw sa kanya na ang spaghetti sauce ay dugo ni Santa Claus.]


<pause>

Promise, nung sabihin ni Kambal itong kwentong ito, bago ako matawa, ang unang inisip ko, “wow, ang creative ng parents nung barkada niya, nakaisip talaga ng “Alamat ng Spaghetti.”

<play>

Me:  Wahahahahaahaha…

Kambal:  Seryosu, Rai, kaya ngeni e talaga mamangan spaghetti. [Seryoso, Rai, kaya ngayon hindi talaga siya kumakain ng spaghetti.]

Me:  Wahahahahaahahaha.. (Wala na, naluha na ako.)

Kambal:  Kaybat ng minsan — kasi ating ‘yang tau.  Pinilit neng mangan spaghetti.  Pengan na naman mo, pero kaybat, uyta, minyuka ya rin. [Tapos nung minsan — kasi may girlfriend siya.  PIniilit siyang kumain ng spaghetti.  Kumain naman siya, kaya lang, hayun, nagsuka rin pagkatapos.]

Me:  Ay, kabalongan mo, Kambal, mesakit ku atsan. [Ay, siraulo ka, Kambal, sumakit tiyan ko.]

*The End

***

Pangatlong Kwento

Noong elementary ako, Grade 6 ako, tandang-tanda ako. nasa loob kami ng classroom, magpapasko noon at wala yata sa mood magrosaryo ang titser namin kaya nagkaroon ng parang early-Christmas-preaching theraphy session.

“Class, sino sa inyo ang naniniwala kay Santa Claus,” tanong ni Titser.

Ikaw na Grade 6, ikaw na takot sa Titser dahil kapag nale-late ka ay binibilad ka sa flagpole, ikaw na batang nagtataka kung bakit kayo nag-rorosaryo ng 15 decades (tatlong ulit na rosary) sa isang araw, ikaw na batang inaasahang may premyo ang pagiging bibo, syempre natural lang na magtaas ka ng kamay kahit alam mong hindi naman talaga totoong may Santa Claus.

Mga 50 kami sa classroom.  Karamihan nagtaas ang kamay.  Tipong, “I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!  I believe in Santa Claus!” Super perky ang karamihan; proud na proud na nakataas ang kamay at, sabi ko nga, nag-e-expect ng premyo.  May kung may anim o pito sa mga kaklase ko ang hindi nagtaas ng kamay.  Walang tanong-tanong, walang warning, pinalabas ang mga non-believers kuno ni Santa Claus.

Ganito pala ang siste.  Sabi ni Titser, hindi raw totoo si Santa Claus; ‘yung daw naglalagay ng mga regalo tuwing magpapasko ay tipong tatay lang namin o kaya si kuya o si ate o si Nanay, basta hindi si Santa Claus; “sign of maturity” daw ang ginawa noong mga pinalabas dahiil alam nila na hindi naman totoo si Santa Claus, na ang naging premyo ng mga hinayupak ay isang mahaba-habang tambay sa school canteen.

Mga gusto ko sanang isagot kung hindi ko lang iniiisip na magagalit si Titser sa usapin patungkol kay Santa Claus:

1.  Ma’am, sino ba kasing nagsabing totoo si Santa Claus?  Ikaw lumagar sa lugar namin kung susubukan mong kontrahin ang gaya mong daig pa si Hitler kung mag-impose.

2.  Ma’am, wala po akong natatanggap na regalo, may kinalaman po ba kayo dun?

3.  Ma’am, anong sign of maturity?  Grade 6 pa lang po kami.  Maturity bang matatawag ang paglalaro ng jackstone ng mga pinalabas mong kaklase namin habang talak ka ng talak diyan?

4.  Ma’am, kung kay Jesus nga hindi ako naniniwala, sa matabang naka-red pa kaya na sa may snow lang nagpapakita?  Pilipinas, Ma’am.  PilipinaS.   ‘Wag adik.  ‘Wag…..


Advertisements